"GABI na anak, aba'y saan ka pupunta?" maang na tanong ni Princess Ann sa anak.
"May lakad ako, Mommy. Huwag mo na akong hintayin---"
Kaso hindi na natapos ni RA o Raven Andrew ang pananalita dahil piningot siya ng ina. Binata na siya pero madalas pa rin siya nitong pinipingot.
"Ikaw na bata ka, kapag tinatanong kita ay sumagot ka ng maayos. Alam kong may lakad ka kaya't tinatanong kita kung saan lalo at gabi na!" singhal nito.
"Mommy, naman." Napahawak tuloy siya sa taengang piningot ng ina.
Nakalimutan na naman yata niya na baby pa rin sila kung ituring ng ina. Wala namang problema dahil alam nilang paraan lamang nito iyon upang alagaan sila. Kaso pagdating sa bagay na iyon ay nakakalimutan niya lalo na kapag nagmamadali siya at may importanteng lakad.
Iyon naman ang eksenang nadatnan ng kaniyang ama.
"Hayaan mo na ang anak natin, Hon. Para ka namang hindi nasanay. Baka ang apo natin ang manita sa iyo kapag makita ka niya." Nakatawa nitong pagitna.
"Kapag ako ang mapuno sa inyong mag-ama aba'y talagang makakatikim kayo sa akin. Natural gusto kong malaman kung saan nagsusuot ang batang ito sa ganitong oras," anito sa asawa bago bumaling sa binatang patalihis na sana.
"Baka naman may kalokohan ka na, Andrew? Aba'y kahit nasa tamang edad ka na kung nagluluko ka ay hindi ka makakaligtas sa akin," muli ay sabi.
Kaya naman ay wala ng nagawa ang binata kundi ang muling lumapit sa ina saka ito inakbayan.
"Mommy, hindi ako natatakot sa bala ng baril ng mga kalaban ko dahil mas kinakatakutan ko ang pamalo mo. Huwag kang mag-alala dahil hindi kalokohan ang lakad ko kundi date. Malay mo, I mean, malay ninyo ni Daddy eh bukas makalawa'y magmamanugang na kayo. Pero hindi mangyayari ang bagay na iyon kung patuloy mo akong pipigilan," paliwanag niya.
Kaso ang ama naman ang nagsalita.
"Kahit anak kita kung mababalitaan kong niluluko mo ang dalaga ni Pareng Leo ay hindi kita patatawarin. Hala kung may date kayo'y maari ka ng aalis basta tandaan mo ang sinabi ko," anito.
"Opo, Daddy. Don't worry." Kumawala siya sa pagkakaakbay sa ina bago bumaling sa ama saka ito tinanguan.
Hindi na siya lumingon dahil alam niyang sesermunan na naman siya ng ina. Dadaan na naman siya sa mahaba-haba pa na interogasyun kapag papatulan niya ang pagsasalubong ng kilay nito.
"Huh! Muntik na naman ako doon ah," bulong niya nang siya'y nasa garahe na.
Sa katunayan ay hindi naman date ang lakad niya. May iniimbistigahan silang kaso pero secret order mula sa kanilang superior kaya't hindi niya ipinaalam sa mga magulang. Parehas na mambabatas ang mga ito pero ilang taon na ring nagretero. Suportado siya ng mga ito kaso ayaw niyang nadadamay sila sa bawat peligrong kinakaharap.
SAMANTALA...
"Naniniwala ka ba na may date ang anak natin, Hon?" tanong ng Ginang sa asawa.
"Half-half, Hon. May posibilidad na nagsasabi siya ng totoo, ganoon din na biro lang upang makaalis na."
Nakatingin ito sa labas ng bahay kaya't hindi napansin ang pagtaas ng kilay ng asawa.
"Siguro ganyan ka rin noong kabataan mo ano? Susme, ikaw itong pumayag na hindi inalam kung saan nga ba ang lakad niya. By the way, tulog na ba mga apo natin?" tanong ng Ginang.
"Oo, Hon. Alam mo naman itong si Zurich, marami pa ang kalokohan bago matutulog. Ang dalawa ang napagod yata sa pamamasyal kaya't nakatulog agad," tugon naman ni Phillip.
"Hayaan mo sila, Hon. They're just kids. I'm concerned with Raven Andrew. Malakas ang kutob kong hindi date ang lakad niya. Mabuti sana kung alam natin upang matulungan natin siya." Napabuntunghinga tuloy siya dahil sa pag-aalala sa kakaalis lamang na anak.
Dahil dito ay lumapit siya (Phillip) sa asawa saka ito inakbayan.
"Alam ko, Hon. Nauunawaan ko ang bawat pag-aalala mo sa anak natin. Hindi ko naman sinasabing pabayaan natin siya dahil wala namang magulang ang hahayaan lamang ang anak na mapahamak. What I'm trying to say is let's trust him as we always do. We must keep our faith in him. And most of all, we must pray for his success," aniya.
Sasagot pa sana ang ilaw ng tahanan kaso hindi na nito nagawa dahil pumalahaw ng iyak ang isa sa mga apo nila. Mukhang nananaginip ito. Napatakbo silang parehas paakyat sa kuwarto ng magkakapatid upang alamin kung bakit umiiyak ang isa sa mga ito. Ang mga apo nilang puro DRAGON.
SA kabilang banda sa tahanan ng mag-asawang Leo at Pacita.
"Nasaan na raw ang anak natin, asawa ko?" tanong ng una sa maybahay.
"Baka pauwi na siguro, asawa ko. Ewan ko ba sa babaing iyon kung bakit kailangan pa niyang magtutor. Hindi pa naman tayo namumulubi para kumayod siya ng ganoon. Ayan tuloy, gabi na pero wala pa rin siya," tugon ng Ginang.
"Sa bagay na iyan ay wala tayong magagawa. Nasa dugo na ninyo ang pagiging guro. Kagaya ng anak nating lalaki, sumunod sa yapak ko as Susie does. Maaring nagtuturo siya sa paaralan pero gusto rin niyang makatulong sa estudyante na hindi niya sakop sa paaralan. Ang ikinakabahala ko lang ay ginagabi siya, sa panahon ngayon ay hindi natin alam kung ano ang maaring mangyari sa labas."
Napabuntunghininga tuloy siya dahil sa kaisipang baka mapahamak ang anak na babae.
Ilang sandali rin silang natahimik dahil na rin sa kaisipang maaring mapahamak ito. May tiwala naman sila sa dalaga nila pero ang mundo ay wala.
"Maiba ako, asawa ko. May napapansin ka ba sa dalaga natin?" ilang sandali pa ay tanong ng Ginang.
Kaso dahil wala siyang kaalam-alam sa tinatanong ng asawa ay sinagot din niya(Leo) ito ng tanong.
"Anong ibig mong sabihin? Aba'y baka naman maaring sabihin mo ng maayos." Hinarap niya now maayos ang asawa upang makausap ito.
"Sa pagkakaalam ko ay alam naman ninyo ng mga kaibigan mo ang tungkol sa relasyon mayroon sila ni Andrew. Pero sa hindi malamang dahilan ay hindi ko na napapansin ang pagdalaw nito dito sa bahay. May hidwaan kaya silang dalawa?" muli ay sabi ng Ginang.
"Iyan ang hindi ko masasagot, asawa ko. Pero pagdating niya ay kausapin mo siya ng maayos. Tatanungin ko rin si Pareng Phillip tungkol diyan, but there's no guarantee that he knows the answer. Kilala mo naman siguro ang mag-asawa, kailanman ay hindi sila nakikialam sa buhay pag-ibig ng mga anak nila," sagot naman ng Ginoo.
Sa tinuran ng asawa ay hindi na siya nakaimik. Babae rin siya kaya't nauunawaan niya ito. Pero ang damdamin niya bilang ina na labis na nag-aalala sa anak ay hindi pa rin niya maiwaglit.
SAMANTALA...
"Akala ko ba'y dadaan dito ang inspector na iyon?" inis na tanong ng lalaki.
"Hintayin lang natin, Sir. Hindi maaring magkamali ng report ang tauhan natin sa departamento nila." Baling naman ng isa pang lalaki sa leader nila.
"Sa dinami-rami ba naman ng maaring maging kalaban ay ang tarantadong pulis pa. Ano ba ang ginagawa ni Hepe? Hindi man lang niya makontrol ang mga subordinate niya."
Napakuyom naman ang leader nila dahil sa pagkainip. Idagdag pa ang katutuhanang mailap huliin ang inspector. Ayun sa mga tauhan niya ay ilang grupo na ang nakasagupa nito pero wala pang nakahuli.
"Wala akong maisasagot diyan, Boss, kundi hindi ko alam. Mas mabuti pa na siya mismo ang kakausapin mo," anito saka bumaling sa direksyon na maaring daanan ng taong hinihintay nila.
Sasagot pa sana ang leader ng grupong iyon pero hindi na nito nagawa dahil sa isa pa nitong tauhan na habol ang hininga.
"B-Boss! M-May problema tayo!" Pautal-utal ito, tanda lamang na hinahabol ang hininga.
Kaya naman mas nainis ang lider.
"Kapag ako ang mapuno sa iyo, Jimmy, talagang mawawalan ka na ng trabaho! Hindi ba't kabilin-bilinan ko sa iyo na huwag na huwag kang haharap sa akin kapag wala ka sa kundisyon!" Singhal nito.
Pero para sa taong loyal sa among pinapanilbihan ay hindi pinansin ang bagay na iyon bagkus ay nagpatuloy.
"Tatanggapin ko ang parusa mo, Boss, pero hayaan mo muna akong magsalita sa ngayon," anito.
"Okay, fine! Go ahead, tell me what's our problem," tugon naman ng leader na walang iba kundi si Gregorio "Gorio" Bustamante. Kilala ito sa pangalang Gorio dahil ayaw sa buong pangalan.
"Kailangan na nating lisanin ang lugar na ito. Talagang wala na tayong mahihintay na Inspector Sandoval na dadaan dito dahil sinalakay na niya ang hideout ni Hepe---"
"Ano?! Ulitin mo nga ang sinabi mo, Jimmy?!" malakas niyang sabi.
Nagsilapitan tuloy ang mga watch out nila sa pag-aakalang may nakatunog na sa kanila. Pero agad din silang napabalik sa kanilang puwesto ng mapansin ang pamumula ng Boss kahit pa liwanag lang na nagmumula sa bilog na buwan ang nagsisilbing ilaw nila.
"Iyon ang totoo, Boss. Sinalakay ng Night Inspection unit ang hideout ni Hepe. Ang maganda nga lamang ay wala siya doon iyon nga lang ay ilan sa mga tauhan nito ang nahuli," pagpapatuloy nito.
"Saan mo narinig iyan, Jimmy? Aba'y tauhan mismo ni Hepe ang nagsabing dito ang ruta ng Sandoval na iyon ah. Anong nangyari?" Sa pagtataka'y hinawakan ni Bobby ang magkabilang balikat ng kasama.
"Hindi ko narinig, Bobby. Nasaksihan ko mismo ang pangyayari. Kung napansin mo'y nawala ako saglit, iyon ay pumunta ako roon dahil na rin sa pagkainip. Hindi ko man nakita ang mismong mukha ng inspection leader pero sa sigawan ng nasakute ay Night Inspection Unit inside ibig sabihin ay ang hinihintay natin dito na si Inspector Sandoval."
Napatingala ito dahil na rin sa mas matangkad ang kausap.
Sa galit na lumulukob sa kaniya ay napasuntok siya (Gorio) sa kawalan.
"Let's go back to our hideout! Do it properly unless you want to be caught. Is that clear?" tanong niya.
"Yes, Boss," tugon naman ng dalawa saka nilapitan ang mga kasama nila.
Kinabukasan...
"Ano'ng ibig sabihin nito, Inspector Sandoval? What are my men doing inside this cell?" dumadagundong na tanong ng hepe sa binata.
Pero imbes na sagutin ito ay iba ang sinabi niya.
"Your men? So, inaamin mong ikaw ang may-ari sa hideout na iyon, Hepe? Are you admitting now that you are behind those continuously crimes without proper investigation?" Palakad-lakad na rin siya.
Magalang siyang tao lalo na sa mga nakakataas sa kaniya. Pero pagdating sa batas ay wala siyang pakialam kung gaano man kataas ang posisyon ng isang tao sa lipunan ay iimbistigahan niya mabigyan lamang ng hustisiya ang mga taong nangangailangan ng tulong.
"Shut up! Wala kang karapatang akusahan ako dahil wala kang ebidensiya! Kung gusto mong manatili sa posisyong mayroon ka ay piliin mo ang mga sinasabi mo!" sigaw ng Hepe.
Dahil dito ay nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Tama nga ang sabi ng leaders ng bawat unit kahit may hawak silang secret evidence ay hindi nila ito mapapaamin. Sa pag-iisip niya ay hindi niya namalayang napaismid na pala siya bagay na mas ikinagalit ng Hepe.
"Insubordination, Sandoval! Dagdag kaso iyan sa pag-aaresto mo sa mga tauhan ko! Palayain mo sila ngayon din kung ayaw mong parusahan kita. Alalahanin mong mabigat ang parusa sa insubordination, idagdag pa ang disrespecting your superior!" anitong muli.
"Go ahead, Hepe. Kahit ngayon na dahil hindi ako natatakot sa pagbabanta mo. Disrespecting my superior? How about you, Chief? Do you really th that you're still a respectable Chief of Police on what you're doing? Insubordination? Tsk! Tsk! Mas mabigat pa ang kaparusahang naghihintay sa tulad mong inaabuso ang karapatan mo bilang Chief of Police. Tandaan mo ito, Hepe. Kahit saan tayo dadalhin ng kasong ito ay hindi ko sila papalayain." Tumigil siya sa kakalakad sa mismong harapan ng Hepe.
Dahil na rin sa pinagtitinginan na sila ng mga nandoon ay hindi na sumagot ang Hepe. Iyon nga lang ay muli itong bumaling sa inspector saka tiningnan ang bawat isa. Kung nakakamatay lang siguro ang uri ng tingin nito ay kanina pa siya bumulagta.
"Pagsisisihan mo ang bagay na ito?! Sa susunod nating pagkikita'y ipapakita ko sa iyo ang advantage ng taong binabangga mo!" Pabagsak na binitawan ang hawak na folder saka inilapag .
"I'm willing to wait you to the end, Hepe. Go and spread the news. Hihintayin ko ang order mula sa stating that---"
Hindi na niya natapos ang pananalita dahil nag-walked out ang kausap.