May problema ba kayo ni Andrew, anak?" tanong ni Leo sa anak na babae.
"Po?" Napalingon tuloy ito sa kanya. Marahil ay hindi inaasahan ang pagtatanong niya.
"Kako, may hidwaan ba kayo ng kasintahan mo. Anong nakakagulat doon?" muli ay tanong niya.
"Wala po, Papa. Nagulat lang po ako dahil out of the blue ay naitanong mo po iyan," tugon ng dalaga sa ama.
Wala naman talaga silang problema o hidwaan ng kasintahan niya. Hindi lang talaga sila PDA. Pribado ang kanilang relasyon na ang pamilya at kaibigan ang nakakaalam tungkol dito. Lumalabas sila as any other lover does, at ang mga nakakakita lang ang maaring nakakahalata. Pero ang iba ay walang nalalaman. Nagulat nga lamang siya dahil bigla na lamang nagtanong ang kaniyang ama.
"Kung ganoon, bakit hindi ko yata kayo nakikitang magkasama? Di ba't dinadalaw ka niya rito sa bahay? Minsan pa nga eh nakakatulugan ko na kayong nag-uusap sa balkon, anong nangyari at bigla na lang yata kayong hindi nag-iimikan?" muli ay tanong ng padre de-pamilya.
Dahil dito ay napangiti siya(Susie). Masuwerte rin siya dahil suportado siya ng mga magulang niya sa buhay pag-ibig. Maaring hindi sila kasing-yaman ng kasintahan niya pero hindi nagiging sagabal iyon sa kanilang relasyon.
"Si Papa talaga, oo. Nakalimutan mo na po yatang alagad ng batas si Andrew. Alam mo naman po iyon ' Pa, hindi pare-parehas ang oras ng duty niya. Masuwerte na po kung maderetso niya ang day shift niya ng buong isang buwan. Kung hindi naman po eh may night inspection naman po sila ng grupo niya. Para po sa ikakapanatag mo ay wala po kaming problema ni Andrew, Papa," paliwanag ng dalaga sa ama.
"Mabuti naman kung ganoon, Hija. Alam mo namang matagal na kaming umaasa na magpakasal na kayo kaso mukhang wala pa kayong balak lalagay sa tahimik. Go ahead, Susie. Iyon lang ang nais kong itanong. Ipagpatuloy mo na iyang ginagawa mo at dadalawin ko ang kaibigan ko. Alam mo namang nandoon ang mga Dragons niyang apo." Tumalikod na siya pagkatapos nagsalita.
Hindi na niya (Leo) hinintay na makasagot ang anak. Maaring itinanggi nito ang problema pero para sa kaniya ay iba ang ibinubulong ng damdamin niya. Masaya siya para sa dalawa dahil sa kanilang apat na magkakaibigan ay ang dalaga niya at binata ng kaibigan niya lang ang nagkamabutihan. Ang mga anak nila Arnold at Joe ay may kanya-kanyang landas na tinahak. Hindi rin naman kasi sila nakikialam sa love life ng mga anak nila.
"Sana nga lang ay totoong wala kayong problema ni Andrew, anak," bulong niya bago nagtungo sa kinaroroonan ng motorcycle.
Samantala, napailing na lamang ang dalaga dahil sa naging usapan nila ng kaniyang ama.
"Wala siyang ipinagkaiba kay Sir Cameron. Makasermon wagas. Sabagay ganoon talaga siguro ang magulang." Napailing siya dahil sa pagkakaalala sa binata nilang principal.
Nang masiguradong nakaalis na ang kaniyang ama ay ipinagpatuloy na niya ang ginagawa.
"Where are you going, Papa?" tanong ni Zurich sa tiyuhin.
"Oh, young man. Come here to Papa," masaya namang tugon ni Andrew sa pamangkin. Anak ng bunso nilang kapatid.
Kaso para itong matanda na namaywang, umiling-iling pa. Humarang pa talaga sa daan tanda lamang na ayaw siyang padaanin. Maaring nasa murang edad pa lamang ito pero daig pa ang ina kung magsalita. He has a sharp mind, he is young but a clever boy.
"No, Papa. You're not going anywhere. I want you to visit the beautiful Aunt...Hmmm, I guess in Lolo Leo's house---Grandpa!" ang panenermon nito ay naputol dahil sa pagdating ng kaniyang ama kasama ang mga kapatid nito. Ang unang kambal sa kapatid niya dahil mayroon ding kambal sa biyanan nito.
"Hanep ang bubwit na ito. Huh! Ako na naman ang nakita," bulong niya. Wala naman sa hinagap niya na nasa likuran lang niya ang ina kaya't nagulat siya ng nagsalita ito.
"Be careful on what you're saying, Andrew. Oras na marinig ka ng pamangkin mo ay siguradong sermon na naman ang aabutin mo riyan. By the way, tama naman siya. Dalawin mo rin naman kasi ang kasintahan mo. Hindi pa tayo namumulubi upang gawin mong umaga ang gabi dahil sa pagkayod mo. Good luck iho." Nakangiti itong lumayo sa kaniya at lumapit sa nagkakatuwaang mag-aapo.
"What's happening on earth? Huh! Hmmm... Well, I guess, tama naman ang bubwit na ito. Kaso wala naman kaming usapang magkikita ni Susie. Pero hindi naman siguro masamang surpresahin ko siya total wala naman kaming night inspection mamaya. May oras pa akong dalawin siya," bulong niya.
Kaso hindi pa nakailang hakbang ay tumunog ang cellphone niya na nasa kaniyang bulsa. Kamuntikan pa itong mahulog dahil sa pagmamadali.
"Sh*t!" Napamura tuloy siya. Mensahe lang naman ito kaso sa pinaghalong gulat at pagmamadali, idagdag pa ang nilalaman ng mensahe ay napasabunot siya. Ang plano niyang pag-surprise visit sa kasintahan ay muling nauwi sa wala.
"BOSS, NIGHT INSPECTION TONIGHT." Caps lock pa talaga ang pagkasulat ng siraulo niyang tauhan. Maaring may kahina-hinala na naman sa paligid kaya't capitalize na naman lahat ang mensahe nito.
"Tawag nga naman ng tungkulin. Daig pa ang pangulo ng bansa. Hindi maaring ipagsawalang-bahala." Umakyat siyang muli sa hagdan imbes na lalabas ng bahay. Kailangan niya ang impormasyon kapag may night inspection sila. Siguradong nasa e-mail na niya ang lahat kaya't sa laptop na niya ito aalamin.
Sa kabilang banda, abala sina Danilo at Garry sa kanilang ginagawa ng biglang lumapit ang isa paw nilang kaibigan.
"Nasaan si Boss?" tanong nito.
"Out of duty na, 'Tol. Bakit ba?" balik-tanong ng huli pero ang mga mata ay nakatutok sa computer.
Hindi ito sumagot pero inabot ang ballpen at blank bondpaper.
"Ha? Paanong---"
Kaso naging maagap si Rogel. Kaya niya isinulat ang dahilan kung bakit hinahanap ang Boss nila dahil ayaw niyang may makarinig. Ganoon naman talaga sila lalo kung confidential information.
"Ang bunganga mo, Garry boy. Ikaw talaga oo." Napailing tuloy si Danilo dahil sa inasta ng dalawa.
Maaring magkakatrabaho sila pero bago pa iyon ay magkakaibigan na sila. Idagdag pa ang chief inspector nilang sala sa lamig, sala sa init.(hindi na iyan nakapagtataka dahil may pinagmanahan! XD) Ganoon pa man ay love na love nila ito. He has alot of consideration to them, as long as you're not abusing your position. Mahirap ng hanapin ang tulad nitong pantay-pantay ang paningin sa batas. Dahil ang hepe nga ng departamento nila ay inimbistigahan din ng chief inspector nila.
"Ipasa mo sa kanya iyan, Bro. At ikaw naman Rogelio este Rogel, kainin mo iyang papel na rosas dahil walang tinik," biro ni Garry.
Spies are everywhere. They need to let them know about what they're planning and doing but their real intention is to trick them. They can easily change their strategies and plans as long as they succeeded in knowing the spies.
Then, so it be!
They covertly moves! They knew it already who are the traitors to their department.
"Boss, nandiyan na si Hepe," pukaw ni Jimmy sa leader nila.
"Papasukin mo. Alam mo namang hinihintay ko," tugon naman ni Gorio.
"Sige, Boss." Yumukod ito bago tuluyang umalis upang papasukin ang bisita.
After sometimes...
"So, anong plano mo ngayon, Hepe? Pasensiya ka na pero sablay ka sa disiplina ng mga tauhan mo. Inspector lamang ay hindi mo na mahawakan sa leeg, paano pa kaya kung kagaya mong may katungkulan?" agad na sabi ni Gorio.
"Kaya nga kita gustong kausapin, Gorio. Dahil alam kong kayang-kaya mo siyang walisin sa departamento ko. Ibibigay ko ang kumpletong detalye, ikaw na ang bahala kung paano mo siya itumba. Alam mo namang mainit ang mata ng mga tao sa akin ngayon. Hindi ako makakilos ng maayos," tugon ng Hepe.
"Paano hindi magiging mainit ang mata ng mga tao sa iyo eh, wala ka namang pag-iingat. Kung gagawin ko ang iniuutos mo, ano ang kapalit? Alam mo naman siguro kung ano ang nais kong sabihin." Napalakad-lakad siya dahil sa planong nabubuo sa isipan niya.
Samantalang sa narinig ay hindi agad nakaimik ang Hepe bagay na sinamantala ni Gorio.
"Huwag mong isiping ginigipit at sinasamantala ko ang kasalukuyang sitwasyon mo, Hepe. Alam mo naman siguro ang sitwasyon namin ng grupo. Maaring mga tinik kami sa lipunan pero mga tao lamang din kami na may pangangailangan araw-araw," anito.
"Alam ko iyan, Gorio. Kung sa pinansiyal ay walang problema dahil may pundo tayo riyan. Kaso ang seguridad ninyo ang naiisip ko. Hindi naman siguro lingid sa iyo ang katauhan mayroon ang Sandoval na ito. He is a kind of a man who can't take so lightly. He's the successor of Chief Inspector Phillip. He has a temper too, and you must aware of that too." Pumaikot siya upang harapin ang kausap. Nahihilo siya sa ginagawa nito na paroo't parito. Pero wala siya sa posisyon upang magalit dito. Siya ang may kailangan kaya't kailangan niyang pagpasensiyahan ang rudeness nito.
"Kung ganoon nagkakaunawaan tayo, Hepe. Mukhang exciting ang trabaho ko ngayon. Ako na ang bahala sa lahat, ang tanging magagawa mo ay ibigay ang impormasyon tungkol sa kanya. At isa pa, Hepe, gusto ko siyang makita ng personal. Gumawa ka ng paraan upang magkausap kami. Huwag kang mag-alala basta gawin mo ang sinasabi at ako na ang bahala sa susunod," ani Gorio.
Sa isipan niya'y hindi lang naman sa pamamagitan ng pagpatay ang paraan ng pagliligpit ng sagabal sa buhay. Taktika ang kailangan niya upang maidespatsa nila ang Chief Inspector.
"Kailangang malaman niya ang lugar na nararapat sa kanya," bulong niya.
Marami pa silang napan-usupan bago naisipan ng Hepe na magpaalam. Samantalang hinintay ni Gorio na nakaalis ito. Pinatawag nito ang lahat ng kasama nila upang ibahagi ang napag-usapan nila ng Hepe. As he expected hindi lahat ng tauhan niya ay sang-ayun. Pero na lahat ay gagawin niya pa raw mapasakanya ang kapapayaang inaasam ng mga tulad niyang incompetent. He will surely eliminate that bastard! Chief Inspector Raven Andrew Harden Sandoval!