CHAPTER FIVE

1185 Words
"HIJO, kami na muna ng Tita Ninang mo ang magbantay dito. Umuwi ka muna at matulog kahit kaunti. At isa pa ay may trabaho ka pa bukas." Pukaw ni Ginoong Leo sa binatang nakayukyok sa tabi ng ataul ng kanilang dalaga. And yes! Susie Demasalang was dead already. Patay na ito ng nakarating sila sa pagamutan. Kaya't imbes na ibalik sa tahanan nila ay sa morgue na dumiretso. "Kaya ko pa, Tito Ninong. Dahil sa kapabayaan ko ay wala akong nagawa upang isalba si Susie. I'm so sorry, Tito Ninong," tugon nito na hindi man lang nag-abalang lumingon. "Anak, huwag kang magsalita ng ganyan. Dahil kapwa kayo may trabaho kaya't naging busy lalong-lalo na sa iyo. Tama ang Tito Ninong mo, anak. Umuwi ka muna upang makabawi ng puyat at pagod. At ako ang nakikiusap sa iyo, Raven Andrew Hijo, huwag mong hayaang talunin ka ng depression dahil sa pagkawala ng kasihtahan. Kung ano man ang rason ni Susie ay maari mong malaman sa sulat na natagpuan ng mga kinakapatid mo sa kaniyang silid." Sinalo ni Ginang Nancy ang asawa sa pagpaliwanag ng asawa saka inilahad ang palad na may hawak-hawak na sulat. SAMANTALANG dahil sa tinuran ng naunaiyaming biyanan ay napaangat ng paningin si Raven Andrew. Doon niya napagtantong nandoon din ang mga magulang niya. Ngunit ang higit na nakapukaw sa kaniya ay ang sulat na tinutukoy ng Ginang. "Tita Ninang?" aniya. "Oo, anak. Natagpuan iyan ng mga kinakapatid mo sa silid ni Susie. Walang nangahas na nagbukas dahil nakapangalan sa iyo. Kaya't bilang Tita Ninang mo ay makinig ka sa amin. Go home and take a rest. Alalahanin mong hindi lang ikaw ang nakasalalay sa iyong buhay bagkus ay buong sambayanan. You are a great chief of all inspectors here in our place. Kaya't alagaan mo rin ang iyong sarili," muli ay pahayag nito. Hindi na nga siya nakasagot pa. Dahil bukod sa talaga namang wala siyang maapuhap na sasabihin ay nagsimulang muling dumagsa ang mga tao. Lalong-lalo na ang mga katrabaho ng namayapa niyang kasintahan at ang mga estudyante nito. "ANO'NG balita, Jimmy? Aba'y kung hindi lang kita kasa-kasama simula pa noon ay baka sabihin kong nag-iba ang taste mo sa mga babae eh!" nakailing na tanong ni Boss Gorio sa tauhan. "Kung ang tinutukoy mo, Boss, ay si Sandoval ay hindi umaalis sa tabi ng babaeng iyon. Pero kung tungkol naman sa kasintahan nito ay nagpakamatay daw." Nakangisi nitong kibit-balikat. "Tsk! Tsk! Alam ko iyan, Jimmy. Dahil sa hilig mo sa laman ay mukhang nakalimutan mo na ang dahilan kung bakit nais nating pabagsakin ang Sandoval na iyon," aniya. Kaso kagaya sa nauna ay umiling-iling ito bago humarap sa kaniya. "Sa palagay ko ay mas sakit ang gag*ng iyon, Bossing. Sigurado akong walang kaalam-alam ang Sandoval na iyon sa itinatago nito. At isa pa, aba'y wasak naman ang arenola ng lintik na iyon bago ko pinagsawaan." Mula sa seryosong pananalita ay napailing ito hanggang sa napangiti. Kaya naman ay sinapak niya ito. Iyon naman ang gusto niyang marinig. Kung totoo nga bang nagalaw nito ayon sa mga iba niyang tauhan. "Tsk! Tsk! Magpasalamat ka at mortal kong kaaway ang Sandoval na iyon. Aba'y mga problema tayo ng gobyerno hindi mga rapist. Hindi kita tutulungan oras na ikaw ang habulin ng grupo no'n," pahayag na lamang niya. "Huwag kang mag-alala, Bossing. Dahil hindi kita ipapahamak. Well, sa ngayon ay ang antabayanan kung ano ang maging reaksyon ng hay*p na iyon." Kibit-balikat pa nito. May punto naman ito. Dahil simula't sapol ay kasama na niya ang mga tauhang hindi siya iniwan kahit kailanman. Kaya't imbes na pahabain ang pakikipag-usap dito ay napailing na lamang siya bago tumalikod. "HINDI maari ang sinasabi mo, Mr Villareal!" "Huwag ko akong sigawan! Dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit humantong tayo sa ganitong sitwasyon! Ngayon huwqg kang umastang walang kasalanan!" "Kasalanan? Ano ang kasalanan ko sa batas? Kung mayroon man ay ang pagpayag kong gamitin mo at ng iyong grupo ang pangalan ko! Kaya't bago ko pa maisipang---" Kaso ang pananalitang iyon ni Mr Buenaventura ay hindi na natapos. Dahil sa biglang sumulpot. "DADDY? Ano'ng ibig sabihin nito? Bakit po napapalibutan ng mga hoodlums ang bahay natin?" sunod-sunod na tanong ni Scarlette. Subalit dahil basta lamang siya sumulpot ay ibinalik lang nito ang tanong. "Hija! What are you doing here? You never tell me about your homecoming! Since when you are here?" tanong din nito na hindi pinansin ang mga binitiwan niyang salita. "Well... Well... Sa palagay ko ay tapos ang usapan, Mr Buenaventura. Hindi na kita kukulitin tungkol sa napag-usapan natin basta papayag ka suhestiyon ko," nakangising sambit ni Mr Villareal. Ngunit ang mga mata ay matiim na nakatitig sa kaniya. Kaya naman ay mas sumidhi ang inis niya rito. 'Ang hay*p na ito ay mukhang manyakis pa! Aba'y kanina pa nakatingin sa akin eh!' Napangitngit tuloy ang dalaga dahil sa manyakol na panauhin ng ama. "GO back to the airport right now, Scarlette! I never call you back home. That is why you are not needed here!" sigaw ng kaniyang ama bagay na nakakapanibago. Spoiled siya rito. Kahit kailanman ay hindi siya nakaranas ng kurot man at sigaw. Kaya nga labis-labis ang pagkagulat niya sa oras na iyon. Kaso! "Alam kong nakuha mo kaagad ang nais kong ipabatid sa iyo, Mr Buenaventura. Ngunit ako na ang nagsasabing huwag na huwag kang gagawa ng ikapapahamak ninyong mag-ama. Dahil malalaman ko ang bawat kilos ninyo. Well, we will go now. But remember, I have eyes and ears everywhere. Mas mabuti na ring maiwan kayong dalawa upang makapag-usap ng maayos." Kibit-balikat ni Mr Villareal saka bumaling sa mga tauhan. "Let's go, guys. Alam na ninyo ang susunod n'yong hakbang," anito. Wala mang sumagot sa mga ito subalit tahimik namang kumilos. MAKALIPAS ng ilang sandali ng nawala na sa kanilang paningin ang mga hoodlums ayon na rin sa dalaga. "Please, anak. Makinig ka kahit ngayon lang kay Daddy. Kailangan mong makaalis dito sa Tarlac sa lalong madaling panahon. Dahil kung hindi ay mapapahamak ka." "No, Daddy. Hindi ako aalis hanggat wala akong natatanggap na paliwanag mula sa iyo." "Pero, anak, alam kong nauunawaan mo na ang takbo nang usapan namin ni Mr Villareal kanina. Ngunit wala na akong oras na magpaliwanag. Para sa iyo ang ginagawa ko, Hija." Ganoon pa rin. Umiling-iling ang dalaga. Dahil talagang wala siyang maunawaan sa nais ipakahulugan ng ama. Tama rin naman ito. Alam at nauunawaan niya ang nadatnang usapan ng dalawang lalaki. Ngunit ayaw manoot sa kaniyang isipan. "Scarlette Hija, huwag mong sayangin ang buhay mo ng dahil sa akin. Tama na ang pagkakamali ko minsan. Kaya't bago pa mahuli ang lahat ay sana makapagdesisyon ka. I'll be in my office room here in the house if you will need me. By the way, I'm happy that you came home for me. It's unfortunate that you have to face indecency because of me. Always remember, Hija, you are my real wealth no matter what happen." Sa hinaba-haba ng pahayag ng ama ay nawala na ito sa kaniyang paningin ng nakahuma siya. Still, she can't fully figure out what's the matter with her father.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD