"MAY napapansin ka ba sa iyong kasintahan, anak?" tanong ni Mrs Sandoval sa binatang anak.
Tanging ito ang kasama nila sa bahay. Dahil abg panganay ay pari ay nasa destino. Samantalang si Shailene ay nasa piling ng asawa at ang bunso o si Gwyneth o mas kilalang Agatha ay nasa asawa o sa MARGARITA INTERNATIONAL CRUISE SHIP. Kapiling man nila ang panganay nitong anak.
"Sorry, Mom, pero wala akong kaalam-alam sa nais mong tukuyin. Ibabalik ko po ang tanong mo, Mommy. Ano po ba iyon?" patanong nitong sagot.
Subalit hindi na iyon nagawang sagutin ng Ginang. Dahil bukod sumulpot ang living dictionary nila ay ang mahal na asawa ang gumawa.
"Don't be so naive and sensitive, Hijo. Dahil hindi naman kayo nagbubulungan ng Mommy mo ay ako na ang nagpaliwanag sa ibig niyang sabihin."
"Actually, ang Tito Ninong Leo mo ang nagsabi sa akin na pansinin natin si Susie. Halos araw-araw kayong magkasama noon subalit sa nitong mga nakaraang araw ay halos hindi na magsalubong ang landas n'yo. At isa pa, ayon sa kumpare ko ay para daw ba itong laging namimilipit sa sakit. Kaya't kung ako sa iyo ay kausapin mo siya. Ikaw ang mas nararapat na makaalam kung ano man ang iniinda nito."
Wala naman silang ibang nais mangyari kundi ang magkaayos ang dalawa. Dahil simula't sapol ay sila na ang saksi sa relasyon ng mga ito. Iyon nga lang ay wala pang binanggit na tungkol sa kasal.
SAMANTALA dahil sa naging pahayag ng mga magulang ay tuluyang napatigil si Raven Andrew. Totoo naman ang mga ito. Kahit gaano sila ka-busy na magkasintahan ay mayroon silang oras para sa isa't isa.
"Sa lagay na iyan ay napansin mo pero hindi mo binigyan ng pansin ang tungkol sa bagay na iyan, anak?" Tinig ng ina ang pumukaw sa kaniyang naglalayag na isipan.
"Ngayon ko lang po napag-isip-isip ang bagay na iyan, Mommy, Daddy. Sa katunayan ay tama po kayo. Kahit may kaniya-kaniya kaming trabaho ay hindi kami nawawalaan ng panahon sa isat-isa. Subalit kagaya nang sinabi po ninyo ay mukhang kapwa kami nagpabaya. Huwag po kayong mag-ala-ala. Dahil pupuntahan ko siya ngayon din total wala naman po akong duty," pahayag niya.
"Tama iyan, anak. At kung may tampuhan man kayo o kahit anong sigalot ay ayusin ninyo."
"Go back to your room now, Hijo. Total kamo ay wala kang duty, mas mabuting huwag mo ng ipagpaliban ang pagkausap mo kay Susie."
Mga ilan lamang sa binitiwang salita ng mga magulang niya. Kaya naman imbes na puntahan ang kaibigang kapwa Inspector ay sinunod niya ang pahayag ng ina. Bumalik siya sa kaniyang silid at doon ay nagmuni-muni.
SA kabilang banda, "Ako ang nababahala sa anak natin, asawa ko. Nakausap mo na ba sina pareng Philip at Mareng Princess?" patanong na saad ni Ginang Nancy.
"Oo, asawa ko. Ngunit hindi ko alam kung nakorner na nila si Raven Andrew. Alam mo namang mahirap hagilapin ang taong iyon sa bahay nila," tugon ng asawa.
Ibubuka pa lamang ng Ginang ang labi upang muling ipahayag ang nasa isipan subalit hindi na nagawa dahil may kumakatok sa gate. Kaya naman ay dali-dali silang nagtungo sa gate.
"MAGANDANG umaga sa inyong dalawa, Mr and Mrs Demasalang. Maari ba namin kayong makausap?" salubong na tanong ng isang kagalang-galang na Ginoo.
"Ganoon din sa iyo, Sir. Pasok po kayo ng mga kasamahan mo," tugon nilang mag-asawa saka nagbigay daan sa mga hindi inaasahang panauhing.
Then...
"Iyan ang totoo, Mr and Mrs Demasalang. Isa ang anak ninyo sa mga gurong may pagmamahal at malasakit sa mag-aaral bagay na hinahangaan ng nakakarami including myself as a principal. Kaya't labis-labis ang aking pagtataka noong hindi na siya pumapasok. At kaninang umaga nga ay napag-usapan namin sa faculty na kausapin kayong mag-asawa."
Dahil sa pahayag ng nagpakilalang prinsipal ay ilang sandali ring natahimik ang mag-asawang Demasalang. Ngunit dahil na rin sa kagustuhang mayroong malaman kung ano ang dahilan ng pagkaganoon ng dalaga ay agad na hinamig ni Ginoong Leo ang sarili.
"Kung ganoon po, Sir, may alam ba kayong dahilan kung bakit biglang hindi pumasok ang aming anak? Dahil kung dito sa bahay ay wala kaming kaalam-alam. Basta na lamang nagkukulong---"
Kaso ang seryosong pag-uusap nila ay binulabog ng malakas na kalabog. Kaya't dali-dali silang nagsitayo at nagtungo sa silid ng dalagang kanilang pinag-uusapan.
"Anak!"
"Miss Demasalang!"
Malakas at sabay-sabay nilang sambit nang nabungaran ang dalagang walang malay at naliligo sa sariling dugo.
DAHIL na rin sa paggabay at pagkausap sa kaniya ng mga magulang ay mas minabuti ni Raven Andrew na sundin ang mga ito. Ilang sandali rin siyang nagmuni-muni sa loob ng kaniyang silid bago nagbihis saka muling bumaba at nagtungo sa bahay ng nobya niya.
'Wala namang masama kung kausapin ko siya. We have been couples for a few years now,' aniya sa isipan bago binuhay ang makina ng sasakyan at minaniobra patungo sa tahanan ng nga Demasalang.
'Ha? Owner type jeep naman ang sasakyan nila Tito Ninong ah. May bisita kaya sila?' tanong niya sa kawalan ng nasa tapat na siya ng kabahayan.
Kaso!
Nasa tarangkahan pa lamang siya ay dinig na dinig na niya ang kumosyon na nanggagaling loob ng kabahayan. Kaya naman ay napatakbo siya papasok kahit walang nagsabi.
"Tito Ninong! A-anong nangyari?" agad niyang tanong nang nakasalubong ito sa hagdan.
Kaso iba naman ang isinagot nito.
"Anak, dala-dala mo ba ang iyong sasakyan? Kung oo dali na, ihanda mong muli at kailangan madala sa pagamutan si Susie. At kung hindi ay iyong owner ko sa garahe---"
Hindi na niya ito pinatapos bagkos ay wari'y ibon na lumipad at nagtungo sa silid ng kasintahan. Wala siyang pakialam sa maaring sasabihin ng mga nandoon. Hindi nga siya pumayag na ang lalaking nandoon ang bumuhat bagkus ay siya mismo ang gumawa.
"Sundan n'yo na lang po ako, Tito Ninong. Ako na ang bahala dahil nandiyan ang sasakyan ko. Mamaya na rin po ako magtatanong kung ano ang nangyari at humantong siya sa puntong ganito." Baling niya sa long time friend ng kaniyang ama.
"Go now, Hijo. Oo, susunod kami ng Tito Ninong mo." Pagtataboy naman ni Ginang Nancy.
Dahil dito ay hindi na nagsayang ng oras ang binatang buhat-buhat ang dalagang naliligo sa sariling dugo.
Ang tanong, ano nga ba ang nangyari kay Susie?
Bakit siya naliligo sa sariling dugo?