"SAAN tayo pupunta, honey?" maang na tanong ni Raven Andrew sa kasintahan.
"Let's say, mamasyal tayo, Honey. A few days from now, we will go back to my country already for our work," tugon nito.
Kaso, dahil wala naman siyang matandaang nag-usap silang mamasyal sa araw na iyon ay muli siyang nagtanong.
"Ang tanong ay saan tayo mamasyal ngayon, Hon? Ikaw na rin ang nagsabing ilang araw mula ngayon ay babalik na tayo sa United Kingdom. May nakalimutan ka pa bang pasyalan?" patanong niyang sambit.
Ngunit sa isipan niya ay talagang wala siyang balak umalis sa araw na iyon. Dahil kung may pupuntahan man siya ay sa lugar kung saan siya maaring makakuha ng lead sa babaeng ilang taon na ring pinananabikan.
"Honey, sa katunayan ay gusto kong nagtungo tayo sa La Union. I want to roam that hacienda once again before we will travel. Maganda ang Baguio pero iba pa rin doon." Nakangiti itong naupo sa kaniyang tabi.
'Alam kaya nitong doon ako pupunta? Pero imposible naman ang bagay na iyon. Kahit nga mga magulang ko ay walang kaalam-alam sa plano ko,' aniya sa sarili.
"Ay kung doon ang nais mo ay bakit hindi mo ipinauna kagabi upang naipaalam ko sa kanila---"
Kaso ang pananalita niya ay naudlot dahil na rin sa kasintahan. Mula pagkaupo sa tabi niya ay nakangiti itong tumayo at nagpakanlong sa kaniya. Hindi lang iyon, ipinulupot pa nga nito ang nga braso sa leeg niya.
"Surprise nga, Honey. Let's gusto ko ring magpaalam sa kanila bago tayo babalik sa ating trabaho. Surest to the sure, I will take years once again to be back here," anitong muli.
"Okay, Hon. Go and prepare for our departure now. I'll do the same with my car." He pleaded.
Kaysa naman magmukha siyang sira-ulo ay pumayag na lang siya. Pero sa kaloob-looban niya ay may mali. Dahil bigla itong nanghikayat na magtungong Hacienda De Sandoval.
'Damn you, Raven Andrew! Go ahead and agree with my plan to go there. And smile while you can. Because I'll make sure that you will be mine forever! My dignity is what you've taken, and that is enough for me to do an action!'
Ang hindi niya alam ay ngitngit na ngitngit ang kasintahan habang nakatanaw sa kaniya habang papunta siyang garahe upang e-check ang sasakyan.
SAMANTALA...
"Hey, young man! Aba'y bakit nandito ka pa? Are you not feeling well? Shall we go and consult a doctor?" sunod-sunod na tanong ni Ginang Princess sa panganay na apo.
Bukod sa habol-habol nito ang hininga ay nakapambahay pa samantalang dapat ay nasa paaralan na sa ganoong oras. He's graduating in secondary, after all.
"Tama naman ang Grandma mo, apo ko. May problema ba?" tanong din ng Ginoo dahil kahit siya ay naguguluhan sa binatilyo.
Subalit dahil dinaig pa ang hinabol ng mga alaga nilang Labrador Retriever at German Shepherd na military police dog ay dumiretso sa maliit na refrigerator at kumuha ng tubig.
"Huwag po kayong mag-alala, Grandma, Grandpa. Nandito ako sa bahay dahil wala po kaming pasok ngayon dahil sa meeting daw po ang faculty and staff. Ah, set aside those for now. Dahil mukhang tumama kayong lahat sa kasintahan ni Papa Raven Andrew. Kung ako po sa inyo ay tawagan ninyo si Auntie Lette at umalis muna sa hacienda. Iyan ay kung hindi pa oras upang magkita-kita sila---"
Kaso dahil talagang walang maunawaan ang mag-asawa ay bahagyang pinutol ni Ginang Princess Ann ang pananalita ng apo.
"Wait lang, Zurich Niel. Maari bang liwanagin mo ang iyong sinasabi? Tayong-tayo lang naman ang nakakaalam na nasa Hacienda De Sandoval ang Auntie Scarlette at mga pinsan mo. Paano nangyaring alam ito ng Papa at Tita Jamie mo?" patanong niyang sambit.
Kaso ang dating magiting na inspector ang nagpaliwanag sa sagot o ang mahal niyang asawa.
"Sa palagay ko ay alam at nahuhulaan ko na ang dahilan kung bakit hinahabol ng apo natin ang kaniyang hininga, Honey. Actually, we let our guard down toward Jamie. Sigurado akong nalaman niya sa pamamagitan natin ang tungkol sa triplet nating apo. At ngayon ay hinihikayat ang ating anak na magtungo sa Hacienda De Sandoval upang ibisto ang mga ito with matching paninira. Dahil sigurado rin naman akong kumilos na si Raven Andrew simula noong kinausap natin siya."
Mahaba-haba niyang pahayag saka hinarap ang apo.
"Zurich apo, nasaan sila ngayon? I mean ang Papa mo at ang kasintahan," tanong niya.
"Sa ngayon po, Grandpa, nasa garahe si Papa pero naiwan sa taas si Tita Jamie," tugon nito.
Ibubuka pa lamang niya ang labi upang bilinan sana ito kaso nagmistulang nasa gitna ng court room na itinaas ni Ginang Princess Ann ang palad.
"SA pagkakataong ito ay wala na tayong magagawa pa kundi ang kausapin si Scarlette. Dahil sa katunayan ay mas may karapatan siyang magdesisyon kung handa na ba niyang harapin ang nasiraan na yata ng ulong si Raven Andrew."
"Zurich apo ko, bantayan mo muna ng palihim ang iyong Papa RA. Abisuhan mo kami ng Grandpa mo kung paalis na sila."
"Ikaw naman, Hon, dito ka muna sa mga apo natin at ako na kakausap kay Scarlette. Nasa kanila na iyan kung aayusin na nila ang kanilang buhay o magpatuloy sila sa ganiyang set up."
Nagpakawala ng malalim na hininga ang Ginang kasabay nang paglipat-lipat na paningin sa mag-lolo.
Tanging 'yes, Honey' at 'Opo, Grandma' ang sagot ng mga ito.
"KIDS, gusto n'yo bang makita ng malapit ang Papa ninyo?" tanong ni Scarlette sa mga anak.
"Of course, Mommy. Iyan po ang rason kung bakit tayo pumarito sa Pilipinas. Isn't it?" mabilis na sagot ni Maya Camille.
"Tama po si twin sister, Mommy. Sabi po ni Kuya Rich noong huli silang dumalaw ay dapat happy together daw ang family like them. He said as well that they have a big and happy family," pahayag naman ng inakala niyang walang pakialam. Dahil abala sa ginagawang laruan.
Kaso!
"Our grandma said as well to give a lesson to Papa. Ah, something like---Tama po! Wala raw pong thrill ang buhay kapag hindi natin bigyan ng kaunting hirap."
Boom!
"Don't listen to that Javier Raven, Mommy! Ah, I want to be with Grandma and Grandpa. That's the only way for me to be near with Papa. All of you can go back to Madrid, but I'll beg them both to let me here."
"You, Nicolas Andrew, we've been here for almost two weeks but you never uttered a single word, what do you want to do in life? Never mind that twin brother of us."
Nagmistulang espanyolang aristocrata ang mag-ten years old na si Maya Camille. Dahil na rin sa inasta.
Ganoon pa man ay hindi mad minabuting idinaan ni Scarlette sa magandnag usapan.
"MGA anak, nasa inyo ang desisyon kung babalik pa tayo sa Madrid o dito na tayo sa bansa. Still, kailangan ko na ring ayusin ang lahat sa Tarlac o ang ari-ariang iniwan ng Lolo Arnold ninyo," aniya saka pinaglipat-lipat ang paningin sa mga ito.
"I may be young of age, Mommy, but I know what's right and wrong. There's something wrong between us and Papa. Why? We have lived our lives in Madrid alone for more than nine years. And now that we are finally here, he is with someone else while we're here on their Hacienda De Sandoval. Still, we want to see and meet him, Mommy."
Sa pahayag na iyon ni Maya Camille ay bahagya siyang naumid. Subalit muling napaangat nang sinundan ito ni Nicolas Andrew.
"This time, I will agree to my hot tempered twin sister, Mommy. Kung may sarili na siyang pamilya ay wala na po tayong magagawa pa. We are young of age, and no one will believe that we have a deep understanding. But, we don't care at all. What we care about is you as our mother. About our Papa? He's not with us all our lives, but we only want to see and meet him as well as we will tell him about our existence."
Boom na boom!
Mula sa pagkaumid ay unti-unting sumilay ang ngiti sa mukha ni Scarlette. Tama naman ang mga anak niya. Kahit naman gusto nilang makasama habang-buhay ang ama ng mga ito kung hindi puwede ay wala silang magagawa.
"Okay, my precious children. I got all your points. And we still have two weeks to stay here in our country. I will decide once again what to do after the remaining days of our vacation." Tumango-tango siya habang pinaglipat-lipat ang palad na humaplos sa mukha ng mga batang Sandoval.
AFTER sometimes...
'F*ck! Kailan pa ako naging nerbiyoso? Simula pa kaninang umaga ito sa bahay ah.' Piping kastigo ni Raven Andrew sa sarili habang nagmamaneho.
Kung kailan nasa malapit na sila sa Hacienda De Sandoval ay saka naman siya nakaramdam ng pag-atras.
"I will not ask you if you are okay, honey. Dahil simula pa kanina sa Baguio ay napansin ko ng balisa ka. Why, Honey? Shall we continue to that place or let's go back home now?" Tinig ng kasintahan niya ang pumukaw sa kaniyang malalimang pag-iisip.
'Damn you! Isa ka pang padagdag sa iniisip ko eh! Pabalikin kitang mag-isa sa United Kingdom! F*ck!' Ngitngit niya dahil sa tinuran nito.
Kaso!
'Teka lang! Kailan pa ako naging murderous sa aking kasihtahan?' tanong niya sa sarili.
"No, honey. Nandito na tayo. Kaya't nararapat lamang na tumuloy tayong dalawa," saad na lamang niya.
Iyon nga lang ay hindi na niya ito pinagkaabalahang lingunin pa. Dahil bukod sa nakatutok sa kalsada ang kaniyang atensiyon ay ayaw niyang ipakita rito na naiinis siya ng todo-todo.
'Tsk! Tsk! Go ahead with your stupidity! We will see if you can still be like that after you will know the truth about that woman!'
Lihim ding napapangitngit ang dalaga dahil hindi naging kaila ang pagkabalisa ng kasintahan.