"THEN, do the right thing, Hijo. Aba'y isang dekada na yata ang nakalipas simula nalagas ka sa kalendaryo ng Mommy mo ah," pahayag ni Ginoong Phillip sa anak na dumulog sa kaniya.
Masaya siya kahit papaano. Dahil sa wakas ay umamin sa kaniya ang anak. Kaso mukhang iba ang trip ng mahal niyang tigreng nagkatawang tao.
"Well... To see is to believe, Hijo. Maniniwala akong sensero ka sa iyong pahayag kapag mangyari na. May tiwala ako sa iyo, anak. Pero pagdating kay Scarlette ay saka na ako maniwala kapag nandiyan na." Kibit-balikat nito.
"Huh! Mukhang may usapan kayo ni Lewis Roy, Mommy. Aba'y wala na yatang matinong sagot---"
"Heh! Ang sabi ko to see is to believe. Aba'y hindi pa ba matino iyon? Susme, bumalik ka na nga lang sa silid ninyo ng magiging asawa mo kaysa makipagpilitan ka sa akin. Ah, kayong mag-ama ang mag-usap. Dahil pupuntahan ko ang mga pamangkin mo. Baka madisturbo ang living dictionary natin."
Pinutol na nga ng Ginang ang sinasabi ng binata ay kibit-balikat din itong umalis.
SAMANTALA napatingin ang binata sa ama ng nawala na sa kanilang paningin ang ina.
"May alam kayo ni Mommy ano, Daddy? Kaya po ba napasugod kayong dalawa---Ah, mali pala. Dahil kasama ninyo si Zurich noong nagtungo po kayo sa La Union last week," aniya.
"Anak, bago mo harapin ang tungkol kay Scarlette ay ayusin mo muna ang sa inyo ni Jamie. Kahit ano pa ang kahihinatnan ay mas mabuting magpakatotoo ka. Kagaya nang sinabi ko kanina ay susuportahan kita kahit sa anong bagay," tugon ng ama.
"Ang gulo-gulo n'yo talagang kausap ni Mommy, Daddy---"
Kaso ang inakala nilang nagtungo sa kinaroroonan ng mga dragon babies ay muling iniluwa ang paningin.
"Twist of life ang tawag doon, anak. Dahil walang kabuluhan ang buhay natin kung puro kasiyahan. Good night sa inyong dalawa ng Daddy mo," anito saka tuluyang nawala sa paningin nila.
Narinig din naman kasi nila ang maingat na tunog ng pintuan. Kaya't sigurado silang pumasok na nga ito.
"Sige na, anak. Sabi nga ng Mommy mo pagsubok iyan. Dahil sa ganitong pagkakataon ay diyan masusubok ang katatagan mo bilang tao. At bilang ama mo ay iyan din ang sasabihin ko," ilang sandali pa ay wika ng Ginoo.
Kaya naman ay wala na ring nagawa ang binata kundi ang bumalik sa sariling silid.
'Hopefully, magawa mo ang tama, Hijo. Sa nakikita ko ay panakip butas mo lamang ang Briton mong kasintahan,' piping saad ni Ginoong Phillip habang nakatanaw sa daang tinahak ng anak.
AFTER sometimes...
"So, ano'ng sabi ng anak natin, Honey?" tanong ng bumalik na Ginang sa kinaroroonan ng asawa.
Well, iyon naman talaga abg plano nilang mag-asawa. Ang kausapin at bigyan ng tip ang binatang lampas kuwarenta na kaso mukhang wala pang balak ayusin ang buhay pag-ibig.
"Sinubukan niya akong tanungin kung may nalalaman tayo, Honey. Pero sabi mo nga ay twist of life. Kaya't pinanindigan kong walang sinabi."
"That's right, Honey. Kahit gustong-gusto kong sahihin pero walang thrill kapag nagkataon. By the way, how about Jamie? Ano'ng masasabi mo sa kaniya?"
Sa tanong na iyon ng mahal na asawa ay napahingang malalim ang Ginoo bago nagwikang muli.
"Sa katunayan ay noon po ka ito napansin, Honey. Kapwa sila naglolokohan. Bakit ko nasabi ito? Sira-ulo ang taong walang reaksyon kapag alam na ibang tao ang bukambibig ng kaulayaw. Ah, huwag mo akong tingnan ng ganyan, Honey. Dahil inamin iyan ng anak natin. At sa kasintahan naman niya ay ganoon din. Kaya't kako kapwa sila nakakulong sa relasyon na walang kasiguraduhan."
"Kung hindi ako nagkakamali ay si insan Janelle ang nagsabi noong kapanahunan namin. Ito ang labang kailangang panoorin. At bago pa nga umingit ang mga apo natin ay matulog na lang din tayo."
It's just a normal night for them. Pero dahil kinorner nila ang binatang anak ay inabot sila ng siyam-siyam.
KINABUKASAN...
"Sino ka? Bakit mo ako hinarang?" agad na tanong ni Scarlette sa babaeng basta na lang lumitaw sa dinaraanan niya.
Kaso umusbong ang galit sa kaibutuwiran ng kaniyang puso dahil sa naging sagot nito.
"Why did you come back here in your country? What if you just stayed and bury yourself to the country where you hide for ten consecutive years? Friendly advice, go back now to the place where you belong!"
Mula sa mapang-insulto ay naging mariin at kulang ay makapisa. Ngunit dahil wala naman siyang kaalam-alam sa tinutukoy nito ay hindi siya nagpatalo.
"Wala akong pakialam kahit ano man ang sabihin mo! Dahil kung may lugar mang nababagay sa akin ay ang bansang kinaroroonan natin ngayon. Ito amg bansa ko! Kaya't wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan! Kung mayroon mang aalis dito ay ikaw at wala ng iba. Dahil sa accent mo pa lamang ay isa kang Briton. Kaya't bago pa kita ipa-deport ay umalis ka sa paningin ko!"
Malakas niyang sagot. Abah! Wals itong karapatang sabihan siya ng kung ano-ano. Kahit ang Papa Arnold lang niya ang nakamulatang pamilya ay hindi ibig nilang na maari siyang apak-apakan ng wala yatang breading sa katawan!
'Wala akong pakialam kung naunawaan mo man ako o hindi! Letseng babaeng ito basta na lang humaharang! Hinayupak eh! Pero sino kaya iyon? Aba'y hindi ko naman kilala ah.' Ngitngit na ngitngit siya habang papalayo sa kinaroroonan nito.
Pero nakailang hakbang pa lamang siya ay sumalubong sa kaniya ang mga anak.
"Mommy! Who's that mad woman? Let's go and tell to Grandpa and Grandma!" agad na wika ng babae sa salitang Espanyol. Maaring nakalimutang nasa bansang Pilipinas kaya't sa Spanish sinabi.
Subalit ayaw din niyang maging bastos ito. Kaya't kahit kumukulo ang dugo niya at gustong-gusto niyang ilampaso ang mad woman ayon sa anak ay mas minabuti niyang idinaan sa magandang usapan.
"Kaya nga siya mad woman dahil hindi ko kilala. Ngunit hayaan na natin siya total hindi ko naman siya hinayaang saktan ako. Let's go back to the house now." Yakag niya sa mga ito.
Kumbinsado man o hindi ang mga anak niya ay wala na siyang magagawa. Ang mahalaga ay tahimik silang sumunod sa kaniya.
Kaso!
"Well, well... I guess the heaven didn't forsake me after all. This is the perfect timing for me to do so."
The vicious woman murmured while intently looking to them. Scarlette and her children.