CHAPTER TWENTY-FOUR

1081 Words
"ANAK, nasa iyo pa rin ang desisyon. Sa amin ng Daddy mo ay walang problema. Dahil alam naming hindi mo ugali ang kamuhian kami or any other member of our families. And besides, we just did the right and best for you and your kids," pahayag ni Ginang Princess Ann. Nais niyang magtampo sa anak. Dahil kung hindi sila muling nakialam ay baka nangyari ang kinatatakutan nila. Subalit dahil mas malapot ang kanilang dugo kaysa tubig kanal ay mas minabuti nilang mag-asawa na ginawa ang tama. Inisip na lamang nila na magulang sila. "Tama ang Mommy mo, anak. Kahit ganoon ang nangyari ay mas mabuting harapin mo si Jamie ng maayos. Kung may maidagdag man ako sa naging pahayag ng iyong ina ay huwag mo ng pangaraping bumalik sa iyong trabaho sa United Kingdom. Dahil hindi natin alam kung ano ang maaring mangyari at gagawin ng pamilya niya sa iyo. Dito sa bansa ay walang problema. Hindi ang pamilya natin ang uri ng tao na namemersonal. Pero sa isyu ninuong magkasintahan ay surest to the sure. She is planning to have revenge." Ipinahayag din ni Ginoong Phillip ang saloobin. Dahil walang magulang na nais mapahamak ang anak. Kaya nga sila pumagitna kahit wala sana silang balak. Subalit sa kagustuhang maayos ang gusot sa pagitan ng tatlo ay ginawa pa rin nila ang tama. SAMANTALA dahil sa bilis ng mga pangyayari, kahit aware na aware siya sa binitiwang salita ng mga magulang ay nanatili siyang tahimik ng ilang sandali. "Sa katunayan po, Mommy, Daddy, ay hindi ko alam kung ano ang aking iisipin sa ngayon. Tama po, may tampo po ako sa inyo dahil ako lang pala ang walang kaalam-alam tungkol sa mag-iina ko. Pero sa kabilang banda ay kahit ano'ng gawin natin ay ako ang may kasalanan sa lahat. Huwag po kayong mag-alala. Dahil mas matimbang pa rin po ang pamilya natin kaysa kay Jamie." Inalog-alog pa nga ni Raven Andrew ang ulo dahil talagang halos ayaw pa ring pumasok sa kaniyang isipan ang lahat. But! "Karapatan mong magtampo kina Ate Princess Ann at Kuya Phillip, Hijo. Dahil na rin sa nasabi mong dahilan. Subalit kung totoong mas malapot ang dugo mo kaysa tubig sa mga kanal ay ako na mismo ang nagsasabing kalimutan at ibaon mo na sa limot ang tampo mong iyan. Alalahanin mong ama ka rin ng tatlong bulinggit kaya't sigurado akong mauunawaan mo ang iyong magulang." Tinig na nagmula sa main door! Kaya naman ay nag-isang linya ang kanilang paningin. Kaso bago pa man may makapagsalita sa kanilang tatlo ay muling nagpatuloy ang biglang sumulpot. "Huwag na kayong magtaka kung bakit nakapasok ako. Subukan akong pigilan ng guwardiya at mawalan siya ng trabaho. Kidding aside. Pinapasok ako ni Kuya Guard." "Raven Andrew, sa pagkakataong ito ay mas palalimin mo pa ang iyong pagpahalaga sa salitang 'pamilya'. Sa laking ng pamilya natin ay sigurado akong iisa lang din ang sasabihin at alam mo na iyan. Malapit na magkamag-anak sina Aries Dale at Mary Claire. Hipag ko rin ang taong iyon dahil pinsang buo ni Darlene. Ano ang koneksyon ng mga ito sa problema mo? Kahit ang hipag kong iyon lang ang kikilos ay madali lang para sa kaniya. Idagdag mo pa ang asawa nitong bilyonaryo. Alam mo iyan, Hijo. About ground works dahil iyan ang naging trabaho ninyo sa navy." Sa mahaba-habang pahayag ng pinsang kaedaran ng mga anak ay hindi na napigilan ni Ginang Princess Ann ang tumayo at niyakap ito. Kaya nga Tandang Maliit ang tawag ng nakakarami rito. Dahil kagaya sa oras na iyon ay tagos sa atay at balun-balunan ang mga sinambit. SAMANTALANG kung napayakap na wala sa oras ang ina sa tiyuhing kaedaran ay napangiti naman ang binata. Hanggang sa kusang bumuka ang kaniyang labi at walang prenong ipinahayag ang nararamdaman sa oras na iyon. "That's it, Tandang Maliit. Oops! Bawal ang manapak. Dahil ayon sa pamangkin mong doktor ay nakakabaog ang mabatukan. Gusto ko pang dagdagan ang mga apo mo sa akin. Mahirap mangako dahil baka ito ay mapako. Subalit kakayanin ko ang lahat ipang maayos ko ang aking kinakaharap na problema sa kasalukuyan." "Diyan ka muna sa tabi ng Tandang Maliit na iyan, Mommy. Kasasabi ko lang na ayaw kong mabaog dahil sa pambabatok ay sapak niya ngunit salubong na naman ang kasing itim ng gabi niyang kilay na mas makapal pa sa pananim na bermuda grass ni Lola Sheryl sa bahay nila." Mula sa pagngiti ay tuluyang napahalakhak si Raven Andrew. Dahil bukod sa naisahan niya ang tiyuhing kaedaran ay napabirong totoo pa siya. Kaso sa inasta niyang iyon ay ang ama naman niyang namamatay-matay dahil sa pagtawa ang gumawa sa iniwasan sa biniro-birong si Lewis Roy. "Tsk! Tsk! Okay na sana ang pahayag mo eh. Aba'y gusto mong dagdagan ko pa?" anito dahil sa pag-angal niya. Tuloy! Ang maemosyonal nilang araw dahil na rin sa nangyari ay nauwi rin sa tawanan. SA kabilang banda o sa Hacienda De Sandoval kung saan naroon ang mag-iina. "Who's that b!tch, Mommy?" takong ni Maya Camille Subalit dahil wala namang kamalay-malay ang ina ay ibinalik lang din nito ang tanong. "Sino, anak?" balik-tanong nito. Tuloy! Napahagikhik ang dalawang lalaki sa triplets. Kaso napasimangot ng todo-todo ang nagtanong. "Mom, our twin sister, is referring to the lady who wants us to be trapped by her. Ah, if my ears is still good in hearing, I heard that her name is Jamie Watson," ani Javier Raven na sinundan ng isa pa sa kambal. "I heard it from Kuya Zurich. Jamie Watson. And he said also that our Papa sent her back to her country." "Mom, does it mean that we can be with him now? I want here, Mommy. Can you talk to them as well to let us stay with them?" Tuloy! Hindi malaman ni Scarlette kung ano ang unang manulas sa labi. Tama. Narinig niya ang lahat mula sa abuela ng mga anak. At ito rin ang pumagitna ng nagkagipitan dahil na rin sa b!tch ng mga anak. 'Kung ako lang ang masusunod ay dito na tayong lahat mga anak. Subalit hindi ko magawa-gawa dahil hanggang ngayon ay hindi pa kami nakapag-usap ng Papa ninyo. Ilang araw na lang ang nalalabi sa ating bakasyon. Siya at wala ng iba ang makapagdesisyon kung gusto niya tayong makapiling,' aniya sa kaniyang isipan. Subalit dahil din sa kaisipang iyon ay muling nanariwa ang kaganapan kung bakit 'pinauwi' na raw ng lalaking pinakamamahal niya ang babaeng kasama nitong dumating sa bansa halos dalawang buwan na ang nakalipas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD