"WHAT'S the meaning of this, Ho---Jamie? Ito ba ang dahilan kung bakit nagpursige kang punarito tayo? Alam mo bang nandito si Scarlette?"
Nais sapakin ni Raven Andrew ang sarili dahil sa mga tanong na nanulas sa kaniyang labi. Subalit mas nanuot sa isipan niya ang nangyayari dahil sa isinagot nito.
"Sa loob ng sampung taon nating magkasama sa navy ay ganoon mo rin ako katagal na ginawang parausan. Oo! Parausan kako dahil kahit nasa kalagitnaan tayo ng marubdubang pagniniig ay pangalan ng hay*p na iyan ang sinasambit mo! Ngunit dahil sa pagmamahal ko sa iyo ay nanatili akong tahimik. Even I came here with in your country just to be with you!
Subalit ano'ng ginawa ng mga magulang at pamangkin mo? Dinaig pa nila ang mga taong walang pinag-aralan dahil ako ang iyong nobya subalit pakitang tao lang silang lahat. Dahil nagawa pa nilang itinago rito sa Hacienda De Sandoval ang mag-iinang iyan!"
Dahil sa pag-aakalang tapos na ito sa pananalita ay dali-dali siyang nagwika. Lalo at ayaw pumasok sa kaniyang isipan ang tinuran nitong may mga anak na ang babaeng isang dekada nang nakaukit sa kaniyang puso.
"Magalit ka hanggat gusto mo sa akin, Jamie. Subalit maging dahan-dahan ka sa iyong pananalita laban sa aking mga magulang---"
Subalit hindi rin niya natapos ang sinasabi dahil pinutol nito.
"Bakit? Totoo naman ah! Sila ang mga taong konsintidor! See those children? Ang mga anak ng babaeng hindi natin alam kung ilang lalaki ang dumaan sa buhay! Samantalang ako ay ikaw at wala ng iba! Kaya't huwag na huwag mo akong pigilan sa mga nais kong sabihin!" Malakas nitong pamumutol.
SAMANTALA dahil hindi nakatiis si Scarlette sa mga salitang binitiwan ng kasintahan ni Raven Andrew ay hinarap niya ito.
"Wala kang karapatang insultuhin ang mga taong walang kasalanan sa iyo, Miss. Tama! Alam nina Tita Princess Ann at Tito Phillip na nandito kami ng mga anak ko. Okay, lahat iyan ay totoo. Still, on what ground did you have your right to insult them? Sige! Ituloy mo ang pananakit mo sa aming mag-iina tingnan ko lang kung makakauwi ka sa bansang iyong pinagmulan in one piece!"
Mula sa malumanay na pananalita ay naging mabalasik na rin. Okay lang sana kung soya lamang pero ang idamay ang mga taong pawang kabutihan ang ginawa ay ibang usapan na.
Kaso!
"Mom! T-the dog! That animal is c-coming near---" Pautal-utal hanggang sa tuluyang hindi natapos ni Javier Raven ang pananalita dahil tumawa ng mala-demonyong tawa ang babaeng walang iba kundi si Jamie.
"I don't f*cking care if all of you will die---"
Subalit hindi na hinayaan ni Raven Andrew na matapos ito sa pananalita bagkos ay ihinarang niya ang sarili upang hindi madamba ng aso ang bata. Tama, galit siya pero walang kamuwang-muwang ang tatlong kasama ng babaeng pinangulilahan sa loob ng maraming taon. At higit sa lahat ay may lukso ng dugo siyang nadarama para sa mga ito.
"HERO, I trained you as a navy dog not to hurt anyone else. Nakilala mo ang pinsan kong sumapak sa akin almost two months ago. Sila, hindi mo ba magawang kilalanin? Nandito sila sa Hacienda De Sandoval. Ibig sabihin ay pamilya natin sila," pahayag niya habang nakayuko.
"Scarlette, I'm sorry for the trouble that Jamie have caused. Sa katunayan ay gusto kitang makausap. Subalit hindi sa ganitong sitwasyon. Our family or the Sandoval own this hacienda, that is why I can come back anytime."
"Kids, kung tama man ang nasa isipan ko ay mas nararapat lamang na manatili kayong mag-iina rito sa loob. Kung papayagan ako ng Mommy ninyo upang kakausap kayo ay babalik ako upang makapag-usap tayong lahat. Don't worry about these dog of mine. He won't bite his masters."
Pinaglipat-lipat niya ang paningin mula sa K-9 navy dog at sa mag-iina.
'F*ck! They are my children, for sure! Pero kailangan ko munang tapusin ang isyo sa pagitan namin ni Jamie,' napamura niyang saad bago hinarap ang kasintahang nagwawala.
"Once and for all, Jamie. Let's go back in Baguio City. Doon tayo mag-usap kung ano man ang problema sa ating dalawa. Ayaw kong magbitiw ng anumang salita laban sa iyo alang-ala sa ilang taon nating pagsasama," aniya.
"Bakit, Raven? Maibabalik ba ng pag-uusap natin ang nakaraan? Ito ang tandaan mo, YOU ARE MINE and MINE ALONE!" sigaw nito.
Kaya naman!
"PAANO naging sa iyo ang aking anak, Hija? He's walang nagmamay-ari sa kaniya. Dahil hindi siya laruan na basta angkinin ninuman.
About them?Bago pa nagtungo sa United Kingdom si Raven Andrew ay matagal na naming kilala si Scarlette. Dahil anak siya ng aming kaibigang si Arnold o isa sa matalik na kaibigan ng asawa ko. Kaya't may karapatan silang mag-iinang manirahan kahit saang sulok ng Hacienda De Sandoval. Or should I say in any property that belongs to our family.
Scarlette's children? They are our precious grandchildren, Hija. Kako hahayaan naming mag-asawa na ang kanilang ama ang makatuklas about their existence. Subalit kung kailan siya nakapag-isip-isip ay saka pumagitna."
Marahil ay inakala ng mahal niyang asawa na tapos na siyang magsalita. Dahil tumigil siya pansamantala.
"It's been a while since you are in our country, Jamie Hija. Pero wala naman kaming matandaan na binastos ka kahit sino sa amin. Naturally, naging tahimik kami tungkol kina Scarlette dahil kagaya nang sinabi ng asawa ko ay gusto naming si Raven Andrew mismo ang makatuklas. Ngunit dahil sa inasta mong ito ay pinatunayan mo lamang na tama ang sinasabi ng iba naming kapamilya."
"Son, wala kaming pinagsisisihan tungkol sa aming paglilihim sa iyong mag-iina. Oo, ako na ang nagsasabing they are your flesh and blood. The triplets children are from Buenaventura-Sandoval family. So, if I were you, do the right thing before it's too late."
Pahayag ni Ginoong Phillip kasabay nang paglipat-lipat ng paningin sa anak at sa kasintahan nito.
Kaso!
Ang hindi nila inaasahang hakbang ng Briton ay binunot ang isang 45 calibre sa shoulder bag saka itinutok sa triplets!
"Kung hindi maging akin ang ama ninyo ay mas mabuting mawala tayong lahat sa mundo---"
Maaring sinayang niya ang sampung taong pagkakawalay sa mag-iina pero kailanman ay hindi niya pinangarap na mawalay ng habang-buhay. Kayat kahit wala sana siyang balak utusan ang aso niyang si Hero ay wala siyang nagawa.
"HERO, stop her, now! Don't k!ll her. Just stop her!" aniya na parang nasa kabilang kalsada ang kausap.
Sa bilis ng pangyayari ay namalayan na lamang nilang pinaibabawan ng K-9 dogs ang Briton na nanutok ng baril sa triplets.
In a day, marami ang nangyari. Isa na roon ang pagbalik ng magkasintahan sa Baguio. Dahil nais umano ng binatang pauwiin ito sa United Kingdom. Samantalang ang mag-iina ay naiwan sa Hacienda De Sandoval na halatang under shocked.
'GO, son. Do your best in winning back their hearts.'
'Yes, Daddy. Babalik po ako ngayon sa Hacienda De Sandoval upang kausapin si Scarlette. Ito na siguro ang ibig sabihin ng palagiang pagpapakita sa panaginip ni Tito Ninong Arnold. Although I only saw him a few times way back then, but, I still clearly remember his face.'
'Oo, anak. And this time, make sure of it that you can bring them back here with you,' sabat nga ng Ginang na akala nila ay hindi nakikinig. Dahil abalang-abala ito sa pakikipaglalaro sa mga apong Mondragon o ang mga younger siblings ng living dictionary.
MAARING napansin siya ng mga anak kaya't akmang sasabihin sa ina ngunit naging maagap siya. Sumenyas siyang manahimik sila dahil niyang kausapin ito.
'They were away from me for almost ten years, but they still understand what I want to do,' bulong niya sa sarili.
Labis-labis nga ang kaniyang pasasalamat dahil kusang lumayo ang mga ito sa kinaroroonan ng inang halatang malalim ang iniisip.
Then...
"HINDI ko alam kung paano ako magsimula, Lette. Pero maari bang hayaan mo akong magsalita at aking ipaliwanag ang lahat?" patanong niyang saad ng silang dalawa na lamang.
Dahil dito ay biglang humarap ang dalaga sa pinagmulan ng tinig. Kaso dahil kapwa hindi inaasahan ang hakbang ay nagkabanggaan sila.
"Are you okay?"
"I'm sorry, Raven."
Magkapanabay nilang sambit. Tuloy ay lumipas ang ilang sandaling katahimikan bago muling nagwika ang dalaga.
"HAYAAN mo muna akong magsalita, Raven. Dahil nararapat lamang na humingi ako ng paumanhin sa iyo. Nang dahil sa akin ay nagkasira kayo ng kasintahan mo. I'm so sorry because of that.
About my children? Wala akong balak ipagkait sila sa iyo at buo ninyong pamilya. Ang tanging hiling ko lang ay ganoon ka rin sana o ang huwag mo akong pagbawalang makasama sila---"
Subalit hindi na natapos ni Scarlette ang pananalita. Dahil na rin sa niyakap siya ng mahigpit ng binata. At dahil sa kabiglaan ay hindi siya agad nakapagsalita.
"Alam kong walang kapatawaran ang nagawa ko, Lette. Ngunit dahil nagpabulag ako sa galit dahil umalis ka noon ng walang paalam samantalang maayos ang usapan nating mag-uusap tayo. Subalit alam ng Diyos kung paano kita pinangulilahan dahil bago pa man may nangyari sa atun noon ay matagal ko ng naamin sa aking sarili na mahal kita ng higit pa sa iniukol ko sa yumaong si Susie. At iyan ang naging dahilan kung bakit naging kami ni Jamie samantalang wala kaming relasyon.
Oo, wala kaming relasyon subalit dahil kami ang laging magkasama ay namalayan na lang naming kami na pala. I'm telling you this not to wash away my sins to you. But I want to start a new life with you and our kids. Will allow that, Lette? I love you and I want to spend my life with you and our children."
Mga katagang nanulas sa labi ng binata habang yakap-yakap ang dalagang si Scarlette.
Kaso!
Nagulat siya dahil bigla itong humagulhol subalit mas nagulat siya ng biglang lumapit ang triplets at galit na galit siyang pinaghahampas sa binti!
Tuloy!
Hindi niya alam kung sino ang uunahing harapin kung ang babaeng yakap-yakap ngunit umiiyak o ang mga anak na pinaghahampas siya sa binti o ang mahal niyang military dog na tuwang-tuwa pa sa nakikita!