CHAPTER TWENTY-ONE

1312 Words
"ALL those years, you are living in Spain, Hija. Bakit ngayon mo lang naisipang umuwi rito? How are you now? Ah, sa dami ng gusto kong itanong ay hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko." Hindi magkandatutong lumapit si Ginang Princess Ann sa dalagang ilang taong ding nawala sa piling nila. "How about them, Tita, hindi mo po ba itatanong?" patanong ding sagot ni Scarlette. Subalit nakangiting umiling-iling ang Ginang saka bumaling sa triplet na halatang dugong Harden-Sandoval. "Kahit hindi mo sabihin ay alam na alam ko, anak. This little girl is my look a like. Samantalang ang dalawang ito ay mas nanalaytay ang dugong Sandoval. You don't need to explain to me anything, Hija." "Kids, can I hug you all? I'm your grandmother. Your father's mother." Nakalahad ang mga braso ng Ginang saka pinaglipat-lipat ang paningin sa mag-iinang dumiretso sa La Union upang hindi makadaupang palad ang magkasintahang Raven Andrew at Jamie. Samantalang walang sinayang na oras ang tatlo o ang triplet ng mga Sandoval. Nag-unahan silang yumakap sa abuela na halatang emosyonal. Kaso! "Grandma, aba'y bakit po kayo nag-iiyakan? Ah, wala naman pong patay eh. Dapat nga po ay happy-happy at may party for their homecoming." "Auntie, I remember you very well. Ikaw iyong Auntie na kasama namin noon sa house nina Grandma. Welcome home po, Auntie." Pagitna ni Zurich Niel na napahawak sa leeg. Ah, nasanay siyang maingay ang paligid pero hindi sa iyakan. Mas gugustuhin pa niyang habol-habulin ang mga younger brothers niya kaysa mag-iyakan sila. Tuloy! Nabaling ang paningin ni Scarlette sa binatilyong si Zurich Niel. Ang living dictionary ng mga Sandoval-Mondragon. "Kumusta ka na, Zurich? You are a fine young man already." Luhaan man siya pero hindi naging sagabal iyon upang ikubli niya ang kasiyahang lumukob sa kaniyang puso. Inilahad pa nga niya ang kaniyang mga braso na malugod nitong tinugon. "Sabi nga po ng nga pinsan ko sa kabila ay okay pa po ako sa alright, Auntie. Sana po huwag na kayong umalis ng mga cousins ko upang mag-stay na rin po rito sa bansa si Papa Raven Andrew. Eh, kung gaano ka po katagal nawala ay ganoon din po siya sa navy," tugon nito nang kumalas sa pagkayakap. "KUNG ganoon sana kadali ay noon pa, Zurich. Pero ang mahalaga ngayon ay tanggap at kinikilala n'yo ang mga anak ko." "Maya Camille, Javier Raven, Nicolas Andrew, he is your big brother Zurich Niel." Maagap niyang pagpakilala sa mga ito. Kaso ang panganay sa magpipinsan naman ang nauna. "Kuya Rich na lang ang tawag ninyo sa akin mga pinsan. Kung hindi ako nagkakamali ay sina Yuri at PA ang kaedaran ninyo. Come and give hug," anito. Kaya naman! Ang mga bubwit ay parang nasilihan sa puwet. Kung gaano sila kabilis na lumapit sa abuela nila ay patalon naman ding lumipat sa binatilyong pinsan. LATER that night... "It's been a while since we are here in your country, honey. And if I'm not mistaken, we still have two weeks before our vacation is over. Are you sure that you are okay?" Tinig ng kasintahan niya ang pumukaw sa malaliman niyang pag-iisip. "Okay lang ako, Honey. May iniisip lang ako. Ikaw, bakit hindi ka pa natutulog?" Kaso sa kaloob-looban niya ay sigurado siyang niloloko lang ang sarili. Dahil simula noong nakausap niya ang pinsang si Aries Dale. "Akala ko ay babalik kami ng pamilya ko sa Spain na hindi mo man lang ako maalalang dalawin dito sa bahay." "Tsk! Tsk! Kalalaki mong tao ay mahilig ka sa drama, pinsan. Maari bang may pinagkaabalahan lamang?" Kaso sa tinuran niyang iyon ay napaismid lamang ang kausap. "Kung sabihin mong laging nakabuntot sa iyo ang Briton na iyon kaya't hindi ka makasilip ng oras upang dumalaw dito ay maniniwala pa ako. But seriously, wala ka bang balak alamin kung paano ko nalaman ang tungkol sa dalagang hanggang ngayon ay nakaukit sa puso mo? Tama naman sila, wala kami sa posisyon upang sabihin sa iyo ang aming nalalaman. Pero dahil pamilya tayo ay naisip kong tumulong kahit sa maliit na bagay." Dahil sa naging pahayag ng second cousin niya ay muling sumiphayo ang mga salita ng ina. "Nais pa sana kitang biruin, pinsan. Pero sa nakikita ko ay seryoso ka. Okay, fine. Aminado akong may nais akong patunayan mula sa iyo. Dahil base sa pananalita ninyo ni Mommy ay kayo ang may nalalaman. Tell me, insan. Ano ba ang nais ninyong sabihin sa akin?" patanong niyang sambit. But! "It's about Scarlette Buenaventura, pinsan. Hindi ko alam kung hinanap mo ba siya noong umalis ito rito sa Baguio. Ngunit sa Madrid Spain napadpad. Kung naguguluhan ka pa rin ay kausapin mo sina bayaw BC at insan Gwyneth. Dahil kinumpirma nilang nanggaling ito United Kingdom. Actually---" "Ano ba? Aba'y bakit ang dami mong pasikot-sikot? What if you will go straight to the point? Just tell him that Scarlette Buenaventura is working under GONZALEZ SHIPPING COMPANY as a manager. Susme, ang oras mong magpaligoy-ligoy ay gamitin mo na lang sa makabulihang bagay!" Malakas na pamumutol ng hindi nila namalayang nakalapit o ang tiyuhin nilang kaedaran din. Kaya naman! Napatingin si Raven Andrew rito pero inunahan naman siya. "Kung Uncle ang sasabihin mo ay babawiin ko ang panunulsol sa pinsan mong iyan ipaalam sa iyo ang lahat. Tsk! Tsk! Sampong taon na ang nakalipas, Hijo. Mayroon ka na ring ikinakama. Heh! Huwag kang sensitive dahil alam ko namang nauna na ang biyahe ninyo kaysa alukin mo ng kasal." Pak na pak! Ang Lewis Roy Calvin II ay namutol na nga ng pananalita ay naging bulgar pa! "My goodness, Lewis. Pinutol mo nga ang sinasabi ko pero mas malala ka pa sa pasikot-sikot eh." "Pinsan, unknowingly, tinanggap pala siya ng kumpanya bilang assistant manager. Pero dahil sa dedikasyon sa trabaho ay umangat siya sa managerial position noong nasa ika-limang taon siya sa nauna. And..." 'May mga anak na kayo. Triplets pa.' Nais sana niyang idugtong pero ang genius niyang best friend na tiyuhin ay nabasa ang nasa kaniyang isipan. Kaya't agad din sumabat. Halos nakalimutan niya ang bagay na iyon. Lewis Roy Calvin II is indeed a genius one. "Pamangkin ko ngunit huwag na huwag mo akong matawag-tawag na Uncle. Kung gusto mong malaman ang karugtong ng sasabihin sana ng taong ito ay mag-reflect ka muna. Dahil sigurado akong may malalaman ka. Kumbaga, the answer is always at the crime scene. So, before that woman will follow you here, go back home now and mediate." Pagtataboy pa nito. "Okay. Okay. Kung ayaw ninyong sabihin sa akin ay ako na ang bahalang kumilos," pahayag na lamang din niya. Well, nagbigay naman sila ng lead kaya't may magagamit siya upang muling kikilos. Tama naman silang lahat. Siya lang ang walang kaalam-alam tungkol Ang pag-uusap nilang iyon ay tumagal pa ng ilang oras. Pero naging maingat sa mga salitang binitiwan. Dahil nais nilang ito mismo ang makaalam tungkol sa triplets. "HEY! What's on that punch?!" Dahil sa kabiglaan ay iyon ang nanulas sa labi ni Raven Andrew. Aba'y paanong hindi siya mabibigla samantalang basta na lamang siya sinapak ng kasintahang nasa tabi o mas tamang sabihing kaharap. "Tsk! Tsk! As if you are not on yourself, Honey. Hey, you too! I'm talking all along here in front of you, but it seems that you are on another planet. What's matter with you?" kunot-noo at patanong nitong tugon. Sa tinuran nito ay saka pa lang nanumbalik ang tamang huwesyo ang t***k ng kaniyang puso. Ganoon pa man ay hinamig niya ang sarili bago nagwika. "I'm sorry, honey. Pero may iniisip lang ako. By the way, just go to bed first. May gagawin muna ako sa baba," saad na lamang niya saka ito hinagkan. Hindi na rin niya ito hinintay na makasagot ito. Lumabas siya sa kaniyang silid at tinungo ang hagdan. Kaya't hindi na niya napansin o mas tamang sabihing hindi niya nakita ang makahulugang tinging nakasunod sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD