CHAPTER TWENTY

1581 Words
"OUCH! Pinsan naman. Aba'y imbes na salubungin mo ako ng welcome home pinsan eh. Tsk! Tsk! Sapak at batok pa." Napahawak si Raven Andrew sa leeg dahil sa pananapak ng second cousin niyang si Rennie Grace. Magpinsang buo ang kanilang ina. His mother, Princess Ann Harden Sandoval and Nathalie Janelle Harden De Luna Abrasado. Pero kahit nasa ikalawang henerasyon sila ay nakasanayan na nila ang pinsan na tawagan. "Heh! Sabihin kong itakwil kitang pinsan ngayon din at oras mismo! Susme---" "Hey, buddy. Huwag mo akong tingnan ng ganyan ha. Aba'y hindi naman tayo magkaaway sa pagkakaalam ko. Na-miss ko lang ang amo mong sira-ulo." Kusa itong tumigil sa pagsesermon sa kaniya dahil humarap sa K-9 navy dog niya. Belgian Malinois, Hero. "Nangingilala pa siya, pinsan. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi naman siya nangangagat. Like now, he knows that we are family. Nagulat lang siguro sa pananapak mo," nakatawa niyang saad bago bumaling sa kasamang dumating. "Hon, she's one of my cousin. Attorney Rennie Grace Abrasado. Pinsan, siya naman si Jamie Watson. Kasintahan ko." Pagpapakilala niya sa dalawa. "Haist! Para kang others, pinsan. Aba'y idinagdag mo pa ang trabaho ko. Ah, kayo ni pinsan Art Dos ang bagay. Dahil sa mga K-9 dogs ninyo, huh!" "Hello, Jamie. Welcome to the family and our country. How are you?" Masayang pinaglipat-lipat ni Rennie Grace ang paningin sa mga bagong dating kasabay nang paglahad sa palad. "Same here, Rennie Grace. I'm so happy to meet you," tugon nito saka tinanggap ang nakalahad na palad. Dahil paminsan-minsan lamang silang magkita-kita ay napagkasunduan nilang magkaroon ng party. Kaya nga laking pasasalamat ng mga Harden-Sandoval dahil nasa Baguio ang karamihan sa kanilang kamag-anak. Including 'laglag bala/kapre' na kasalukuyang nasa siyudad. LATER that night... "Ngayong tulog na ang fiancee mo ay baka naman maari kaming makiamot sa oras mo, anak?" saad ni Ginang Princess Ann. "Huh! Si Mommy naman. May pag-uusapan po ba tayo na hindi maaring marinig ni Jamie?" balik-tanong ng binata. Aba'y wala naman siyang kamalay-malay sa tinutukoy ng ina. Kaya nga ibinalik niya ang tanong nito. Kaso batok naman ang napala sa ama. "Natural, Hijo. Gusto ka rin naming masolo. At para sa ikakaalam mo ay nandito sa Baguio ang pinsan mong nakapag-asawa ng Espanyola. At mayroon siyang nabanggit sa amin ng Mommy mo," muli ay pahayag ng Ginoo na agad ding sinundan ng asawa. "Kaso mukhang hindi na namin kailangang ipaalam sa iyo ang tungkol doon, anak. Dahil bukod sa masaya ka na sa kasalukuyan ay may nobya ka na rin. We just miss you, son. Thank you for coming home," malungkot nitong saad. Tuloy! Mas napantastikuhan ang binata dahil dito. Sa pananalita pa lang ng pinsan niyang laglag bala ay mayroon ng ibig sabihin. At ngayon naman ay ang kaniyang magulang. Ano ba ang nangyayari sa earth? Aba'y ganoon na ba siya kapabaya at wala na siyang kaalam-alam sa nangyayari at kaganapan sa pamilya niya? Kaso bago pa niya maibuka ang labi upang muling sanang magsalita at itanong kung ano ang ibig nilang sabihin. Subalit hindi na niya nagawa dahil sumilip ang teenager na pamangkin. Zurich Niel Mondragon. "I'm sorry for the disturbance, Grandma and Grandpa. But I can not stop my brother from crying. Yuri is crying unstoppable. That makes me worry. Maybe you can come a little." Kakamot-kamot ito sa ulo na hindi malaman kung papasok ba sa kinaroroonan nila o hindi. And yes! The living dictionary is already graduating in secondary school. "Okay, my dear. Go back now in your room. We will follow you shortly. Baka mag-away na naman sila ng younger brother ninyo." Pagtataboy na lamang ng Ginang. "Sige po, Grandma. Those brothers of mine are really annoying now a days," tugon nito bago tumalikod pabalik sa silid. Then... "Anak, pag-isipan mong mabuti bago ka magdesisyon. Kung gusto mong malaman kung ano ang ibig naming sabihin ng Daddy mo ay puntahan mo kina bayaw Brian Christoph ang pinsan mong si Aries Dale upang siya mismo ang magkuwento sa lahat. But for now, go to your room now as well before Jamie wakes up. Pupuntahan muna namin ang mga pamangkin mo." Tinapik-tapik ni Ginoong Phillip sa balikat ang anak. "Go now, Hijo. Kahit gustuhin naming makipagkuwentuhan sa iyo ng mas mahaba ay hindi maari. Narinig mo naman ang sinabi ni Zurich Niel. Annoying na raw ang mga kapatid niya. Kung magtatagal kayo ng nobya mo rito sa Baguio ay may oras pa tayo para sa kuwentuhan." Segunda rin ng Ginang bago sila tuluyang nagtungo sa silid ng younger set of their grandchildren from their long lost daughter, Agatha Pearl Bonifacio Mondragon. SAMANTALANG naiwang napaisip ang binata. Dahil sa araw na iyon ay pawang matatalinhaga ang salitang binitiwan ng mga mahal niya sa buhay. "Kung si pinsan Aries Dale ay maaring may nangyari sa Spain. Subalit ano'ng kinalaman ko roon? Huh! I'm working in the United Kingdom together with his cousin on their side. But I never pay a visit to him in Madrid. Aba'y baka magaya lang iyon sa laglag bala naming pinsan na batok at sapak ang isalubong. Arrgh! What's really going on?" Dahil sa maraming katanungang nagsusulputan sa kaniyang isipan ay mas hindi na siya dinalaw ng antok. Kaya't imbes na tahakin ang daan pabalik sa silid niya kung saan naroon ang nobya ay sa kusina na kang siya nagtungo at kumuha ng ilang in can beer at bumalik sa balkonahe ng ikalawang palapag ng kabahayan. MADRID SPAIN "I'm so sorry that I cannot serve you until the end, Hija. I need to go back to my home town now." "Gusto ko man pong tumutol sa iyong pag-alis, Nana. Pero wala ng ibang nakakaunawa sa iyong damdamin na makasama ang pamilya mo kundi ako. At sana kahit nandoon ka na po ay dalawin n'yo kami rito ng mga anak ko." "Yes of course, Scarlette. My children will love to do that as well. You know them already that is why I can guarantee that someday, we will come to visit you and the triplets." Sa tinuran nito ay mas naging emosyonal si Scarlette. Bihira na ang makasuwerte ng mapagkatiwalaang kasama sa loob ng bahay. Isa na ito sa mga trustworthy nannies. Hindi lang ito nanny sa mga anak niya kundi naging sandalan din niya. Naging best friend niya ang halos Nanay na niyang nanny. Alam nito ang buong kuwento na nakapaloob sa kaniya. Kaya nga hirap na hirap siyang pakawalan ito. She is with her and the triplets for ten years already. Kahit pa sabihing nagbabakasyon ito sa sariling lugar. Kaso sa malaliman niyang pag-iisip ay maaring inisip nito na may dinaramdam siya. "Are you not feeling well today, Hija? I'm still here so you can tell me what's the matter," anito. "Okay lang ako, Nana. Nalulungkot man ako sa nalalapit mong pag-uwi ngunit hindi ako ganoon kasamang tao upang ipagkait ang kaligayahang para sa inyong mag-anak. Mamimisd po kita, Nana." Yumakap na lamang siya rito upang ikubli ang mukhang hindi maitatwa ang lungkot. Kaso mas hindi siya nakapagsalita dahil sa tinuran nito. "You may not my own child, Scarlette. But I treated you as one. I hope that you will decide to go home now in your country to be with the father of your children. And if he has his own now, atleast he will accept as his your kids. Besides, according to you, his parents treats you very well. I have this feelings that they will do the same if you will go back to their embrace." Sa pahayag nito ay mas napaiyak siya. Dahil sa katunayan ay noon pa niya iyon naisip. Pero dahil maliliit pa ang triplet way back then ay hindi niya magawa-gawa. Their tenth birthday is approaching as well. At ilang taon na rin nilang hinihiling na kahit wala silang party basta makapiling nila ang ama. "Simula noong umalis ako sa piling nila ten years ago ay wala na akong balita sa kanila. Sa tuwing sinusubukan kong magparamdam sa kanila ay inuunahan ako ng hiya hanggang sa nakasanayan ko ng wala sila sa piling ko. But recently, I noticed my children. They are asking about him again. Pero natatakot ako, Nana. Lalo na noong pinuntahan nila ako sa GONZALEZ SHIPPING COMPANY. Alam kong lukso ng dugo iyon mula sa kanilang tiyuhin na kamakailan ko lang din nalamang second cousin ng kanilang ama. Sa nasaksihan kong reaksyon ng Boss ko ay namukhaan nito ang triplets lalong-lalo na si Maya Camille. She looks like their grandmother Princess Ann. While Javier Raven and Nicolas Andrew has the looks of Sandoval. Kahit pa sabihing mix ang features nila. But don't worry, Nana. Alam kong matagal mo nang gustong makapiling ang iyong pamilya. Kaya't hindi kita pipigilan. Just let me cry for a moment on your shoulders." Mula sa maemosyonal ay napangiti si Scarlette dahil na rin sa hinaba-haba ng naging pahayag niya ay nagawa pa niyang hinaluan ng birong totoo. "Kung iyan ang makapagpapagaan sa iyong kalooban ay sige lang, Hija. But remember that your kids are exceptionally talented and brainy. So must decide before their summer vacation. Have faith to them, Scarlette and most especially, to HIM. Pray to our God to be with you always." Dahil dito ay muli siyang napayakap sa butihing Yaya nilang mag-iina. How she really wish and pray that everything gonna be alright. Umaasa rin siyang sana ay tanggapin ng pamilya Harden-Sandoval ang mga anak niya. 'Kahit ang mga anak ko lang, Panginoon Diyos. Masaya na ako basta tanggap nilang pamilya ang triplets.' Mga katagang laging nasa isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD