Unexpected Love
By: iM_jho19
"Ang sarap mo," sabi ng lalaki na binabalot ng pagnanasa ang mga mata bago niya inabot ang nakatuping papel sa babae na nagbibihis. "Sunod ulit ha?" Sabi pa nito at ngumisi pa ito na lumabas ang fill-in the blanks na mga ipin.
Walang salita na inabot na lang ng babae ang pera at nagmamadaling lumabas sa silid na inukupa nila ng kanyang kustomer.
At sa paglabas niya ng silid na yun, isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mapupulang labi. Kasabay sa pagpatak ng mga tubig mula sa kanyang mga mata na kanyang agad na pinahid.
Mag-uumaga na naman at tapos na ang kanyang trabaho bilang isang magdalena. Trabaho na hindi niya pinangarap simula pagkabata, pero wala siyang magawa kundi kumapit sa patalim para kumita at mabuhay.
Simula pagkabata, namulat na siya sa ganitong mundong dahil ito din ang trabaho ng kanyang ina na siyang bumubuhay sa kanila. Pinangako niya pa sa sarili na hindi niya ito gagawin at makakaahon silang mag-ina, pero kung tadhana nga naman ang humusga.
Pinangbayad-utang lang naman siya ng kanyang ina sa intsik na pinagkakautangan nito. Labing-anim na taon pa lang siya noon, pero naranasan niya na ang pait ng buhay. Mabait naman ang kanyang ina kaya nagulat siya sa desisyong iyon.
At sa paglipat niya sa intsik na iyon, binaboy lang naman siya ng matabang intsik. Halos gabi-gabi ay ginagalaw siya nito o mas madaling sabihin, ginagahasa.
At nang magsawana ito ay binenta ulit sa sindikato na kumukuha ng babae, lalo na mga bata at magaganda.
At mula noon, ito na ang kanyang naging trabaho.
Gustuhin man niyang tumakas ay hindi niya magawa dahil siguradong bangkay na siya pagnangyari yun. At isa pa, may dahilan siya.
"Sakay na," pabalang na sabi ng isang lalaki pagkatapos nito buksan ang pintuan ng itim na van. Hindi niya namalayang nakarating na siya sa tagpuan nila.
Nagmamadali namang sumakay ang babae na ngayon ay nasa dalawampu na ang edad. Sumunod naman sa kanya ang iba pa na mas bata pa sa kanya.
At ito ang isa niyang rason, ate siya ng mga batang ito. Siya ang tumatayong ate ng lahat at nagiging lakas nila.
May iilan na nakayuko na sigurado niyang umiiyak na naman. Habang ang iba ay tulala o hindi kaya ay wala ng emosyon ang mga mukha na katulad din niya.
"Angela, patahimikin mo ang mga yan kung ayaw niyong tamaan kayo sa akin." Galit na utos sa kanya ng lalaking balbas sarado ang mukha na may malaking katawan.
Kaya naman, sininyasan niya ang lahat na tumahimik. Hindi kasi ito nagbibiro, hindi tulad ng driver nila na tiningnan sila ng may simpatya. Pero wala din itong magawa dahil nagtatrabaho lang din ito.
Tumahimik naman ang mga ito kaya naging maayos ang byahe nila. Ilang minuto pang byahe at narating nila ang complex na kanilang tinutuluyan.
May kanya-kanyang silid sila para maalagaan daw nila ng maayos ang kanilang mga sarili. At minsan ay para na din magkaroon ng privacy pag may kailangan ng agaran serbisyo mula sa kanila.
"Magsibaba na kayo." Sigaw na utos na naman nito, na siyang kinapitlag pa ng iilang bata pero sumunod na lang agad.
Sabay-sabay muna silang pumasok sa isang silid na nandoon dahil kailangang masigurado na ayos ang lahat. Yun lang ang pinapasalamat nila, inaalagaan sila pero pinagkakakitaan naman.
"Mukhang ayos naman ang mga mukha niyo ngayon." Sabi ng amo nila na humihithit na naman ng tabako. Matangkad ito at masasabi sanang gwapo kung maalaga lang sa sarili, hindi yung halos isang beses lang sa isang linggo naliligo. "Pero kailangan niyo paring matingnan." Sabi nito bago sila minwestra na pumasok na sa isang silid.
At doon, nakaabang ang isang lalaki na alam nilang doctor. Araw-araw na nila itong ginagawa para masiguradong malinis sila.
Pinapatingnan kung may sugat o pasa, dahil meron silang kustomer na mahilig gumamit ng dahas pag nakikipagtalik. At ayaw din ng amo nila mangyari yun.
Sino ba ang gustong bumili ng isang bagay na may gasgas na o may sira? Kaya para sa pera, kailangan nila itong gawin.
Pero ang nakakapagod lang, hindi lang isang costumer ang meron sila sa isang gabi. Minsan umaabot pa ng lima, mula sa paglubog ng araw at pagsikat muli nito.
"Daisy, halika na iha." Tawag ng doctor sa pinakabata nilang kasama, labing-anim pa lang ang dalagita pero malaking bulas ito kaya hindi mo agad matutukoy ang edad.
At sa paghubad ng babae, kita agad ang pasa sa murang katawan nito. Hindi mapigilan ni Angela ang magalit. Napakuyom na lang siya ng kamao dahil sa galit at awa. Habang ang doctor ay naawa din habang ginagamot ang bawat pasa't galos na natamo nito. At sa bawat latay, alam niyang sinturon ang may gawa.
At mula sa gilid ng silid, pumalatak ang kanilang boss bago suminyas sa taga lista na alisin ang lalaking may gawa nito sa umiiyak na Daisy.
Halos galit na lang ang bumabalot sa puso ni Angela, hindi lang para sa sarili niya kundi para sa mga bata. Lalo na't hindi naman sila mabibigyan ng hustisya dahil illegal din ang gawain nila.
Pagkatapos ni Daisy, sunod-sunod na silang tiningnan. Naging maayos ang lagay ng iba kaya nakahinga naman si Angela kahit papaano. Hanggang siya na nga ang panghuli.
Walang emosyong naghubad si Angela sa harap ng doctor, sa harap ng lahat. At mula sa gilid ng kanyang mga mata, kitang-kita niya ang pagnanasa sa mga mata ng mga lalaki sa silid na iyon. Mula sa boss nila na humihithit parin ng tabako na alam niyang may m*******a. Samahan pa ng tagalista na lumulunok ng laway at iba pang may dalang baril.
Binaliwala na lang ito ng dalagang si Angel lalo't sanay na siya. Sanay na siya na pagpyestahan ang katawan niyang pinagsawaan na din.
Sino ang hindi mahuhumaling sa dalaga na may lahing kalahating Briton.
Maputi ang balat, may katangkaran na siyang mas nagpadagdag ng appeal nito. Nakakaakit din ang balingkinitang katawan nito. Maganda ang mukha na may matangos na ilong.
Dagdagan mo pa ang mata niyang kulay asul na siyang nagpapaakit sa lalaki, minsan isama mo na rin ang babae. At merong kulay blonde na buhok na umaalon-alon.
"Ayos na ang lahat," pumutol sa isip ni Angela na nanglalakbay sa kung saan, "magsialis na kayo at magpahinga. Marami kayong tatrabahuin mamaya." Ngising aso na sabi ng kanilang boss.
Hindi na sila umimik pa at nagsimula na lang na maglakad palabas, pero bago makalabas si Angela...
"Angela," tinawag siya ng kanyang amo, "darating siya mamaya kaya maghanda ka."
Yun lang ang narinig niya at nagpatuloy na siyang maglakad. Alam niya na kung sino, na kinainis niya na naman. Pero wala siyang magagawa sa katigasan ng ulo nito.
At sa paglakad niya, pinagtitinginan na naman siya ng kalalakihan pero dinaanan niya lang ang mga ito. Minsan sumisipol pa ang mga ito pero ni minsan ay hindi niya tinapunan ng tingin.
Nagpatuloy siya hanggang narating niya ang hagdan kung saan nakatigil ang lahat. Halatang inaabangan siya ng mga ito.
"Ate," naiiyak na tawag ni Daisy sa kanya bago ito yumakap sa kanya.
Walang pasubali na niyakap niya din ito pabalik. "Tahan na, magtiis ka lang. Makakaalis din tayo dito." Sabi niya na tiningnan ang kasamahan.
Pero ang iba ay napaismid lalo na si Jade na nasa edad na labing walo pero may pagkaisip bata. Lalo na paglulong ito sa pinagbabawal na gamot. Tsinita ito at maputi at masasabing maganda kaya gusto din ito ng nakakarami.
"Ilang beses mo na ba yan sinabi? May nangyari ba? Wala naman 'di ba? Pinapaasa mo lang kami sa wala." Sabi nito at padabog na na umakyat. "Baka ikaw makakaalis dahil ililipat ka na sa club." Bulong pa nito pero narinig din naman ng lahat.
Natahimik ang lahat sa sinabing iyon ni Jade. Kahit si Daisy ay tumahan.
"I-iwan mo na kami ate?" May hinanakit na sabi ni Daisy na lumayo sa kanya ng kaunti.
"Yun naman ang kakahantungan ng lahat pagtumuntong tayo ng bente uno." Sabat naman ng isa na naninigarilyo habang nakasandal sa pader, si Maricris na kasing edad lang ni Jade. Ito naman ay parang hapon kaya pinapantasyahan din ng mga kalalakihan.
"Hindi na natin mababago yun." Nakayukong sabi naman ng isa na nakayuko bago umalis na din, si Faith na nasa labing pito pa lang. Tulad ng pangalan niya, tumataglay ito ng maamong mukha na siyang hilig ng mga lalaking gusto ang inosente.
"Wag ka na lang mangako," palatak naman ng isa bago siya umakyat at sumunod na din ang iba. Halos silang lahat ay nawalan na din ng pag-asa.
Habang si Daisy ay ngumiti ng tipid kay Angela bago umakyat na rin. Napakabigat sa puso ni Angela na makita na ganun ang mga kasama. Napabuntong hininga na lang si Angela bago nagpasyang umakyat na din sa inuukupang silid. O baka mas magandang sabihin ay kulungan, pwera rehas.
Pabalang niya itong binuksan at sinira ang pinto bago tumuloy sa maliit na banyo.
Walang pag-aalinlangang hinubad niya ang suot na damit na kanina pa niya suot-suot. Mula pagkagising hanggang matapos niya ang apat ng kustomer.
Tumapat agad siya sa tapat ng shower, at sa pagpatak ng tubig sa kanyang katawang pinagsawaan ng maraming lalaki, masaganang luha din ang tumulo mula sa kanyang mga mata.
Gusto niyang sumigaw... magwala, pero hindi niya magawa. Kaya naman napakuyom siya ng kanyang kamao dahil sa galit at lungkot na bumabalot sa kanyang puso.
Naninikip ito habang walang tinig siyang umiiyak sa loob ng maliit na silid na yun. Saksi ang silid na iyon sa hinagpis niya sa araw-araw. Kung paano niya kuskusin ang balat para matanggal ang laway ng samu't saring lalaki na nagpakasarap dito.
Kung paano napuno ng galit ang kanyang puso. Na kahit sa Diyos ay galit na galit siya. Na kahit kaunting pagpapatawad ay wala na sa kanyang puso’t isipan.
Binalak niya na din wakasan ang buhay na sa wari niya ay wala namang silbi, pero may bagay na pumipigil sa kanya. At yun na lang ang kanyang pinagkakapitan.
Pero hindi niya parin maiwasang wag mabalot ng pighati ang puso niyang durog na.
Mula sa kanyang inang nagbenta sa kanya, sa amang iniwan siya. Sa mga lalaking nagpakasawa sa katawan niya, isama mo na rin ang lalaking akala mo magliligtas sa kanya pero ginamit lang din siya. Ang gahaman niyang amo na nagbebenta ng mga babae para sa panandaliang aliw.
Galit na galit siya.
Iyak at pagkuskos sa katawan ang ginawa ni Angela sa banyo sa loob ng isang oras. Pagpapakalunod sa emosyong bumabalot sa kanya, bago niya naisipang lumabas na at magpahinga dahil may bagong laban na naman siyang haharapin pagkagising.
Nagpunas lang siya at hindi na nag-aksaya pang magbihis. At sa paglapag ng kanyang likod sa kama, ginupo agad siya ng antok.
Sa kasarapan ng kanyang pagtulog, isang mabining haplos ang gumising sa kanya. Isang haplos na napakabanayad ang dumadampi sa kanyang pisngi.
"Hi my princess." Sabi ng isang babae na may hanggang balikat na buhok na kulay itim bago hinalikan sa noo si Angela. Kita niya agad ang mapungay nitong mata na nagpapakita ng sinsiridad.
"Bakit ka nandito?" Inis na napabalikwas ng gising si Angela bago tumingin sa pangahas na pumasok sa kanyang silid.
"A-anong bakit?" Nagtatakang tanong ng babae.
Napasuklay ng buhok niya si Angela na hindi na nag-abala pang takpan ang kanyang kahubdan. Napatingin na lang siya sa ibang bahagi ng silid niya na kulay puti ang pintura, para tuloy hospital maliban sa walang amoy na gamot.
"Bakit ka na naman gumastos ng malaking halaga para lang mapuntahan ako?" Naiinis niyang sabi.
"Dahil gusto kitang makita at makasama kahit sandali lang." May ngiti sa labing sabi nito pero si Angela ay nagagalit sa ngiting iyon.
"Dahil lang doon, gumastos ka para lang sa pukpok na to?" Sabay turo sa sarili. "Mag-isip ka nga, ano ba ang mapapala mo sa akin ha?" Litanya niya na naupo na ng tuwid bago dinuro ang kaharap.
"Wala akong silbi, hindi tulad ng mga babaeng naghahabol sayo. Bakit ka pa nag-aaksaya ng oras at pera sa akin? Isa akong pukpok, isang bayarang babae. Marumi at nakasakdal dito sa putikan na kahit kailan ay hindi namakakaahon pa." At napaiyak na ng tuluyan si Angela.
"Ilang ulit ko na bang sasabihin sayo na wag ka ng bumalik dahil mapapahamak ka lang? Wag mo na ako pag-aksayahan ng oras mo." Bago niya ito tinitigan sa mga mata. "Hindi ako karapat-dapat sayo kaya makinig ka naman please."
"Kat naman, lumayo ka na sa akin dahil wala akong maidudulot na maganda sayo. At umalis ka na din dahil-" at hindi niya na natuloy pa ang sasabihin ng hinalikan siya sa labi ni Kat,
"Dahil mahal kita kaya ko 'to ginagawa. Mahal kita Angela Roque." Buong pusong sabi ni Kat na mas nagpaiyak kay Angela.
"Pero-" Hindi niya na naman naituloy ang kanyang sasabihin ng pinutol na naman ito ni Kat.
"Wag ka mag-alala, pag nasa club ka na ay kukunin kita. Ayaw ka nilang ibenta habang nandito ka eh." Nakangiti pa nitong sabi bago kinulong si Angela sa kanyang mga bisig.
Mas lalong napaiyak si Angela, hindi niya naisip na mamahalin siya ni Kat o nino man lalo na sa kalagayan niya ngayon. Wala na siyang pakialam kung babae man ito, basta masaya siya sa pagmamahal na pinapadama nito.
Hindi kasi pinagbibili ang bata pa dahil mas malaki ang kita nila sa mga ito. Pero pag nasa club na, maari na dahil alam nilang napagsawaan na ang mga ito. Kung baga, laos na at hindi na mabenta pa.
"Mahal kita Angela, yun ang mahalaga." Buong pusong sabi ni Kat na kinailing ni Angela. "At wala akong pakialam kung ano ka, basta mahal kita." At walang pasabing hinalikan si Angela.
At hindi na nga napigilan pa ni Angela ang sarili kundi ang tumugon sa halik ng babaeng nagparamdam sa kanya ng totoong pagmamahal.
Ang taong, mahal niya din pero nahihirapan siyang iparamdam dito dahil sa sitwasyon meron siya.
Hanggang ang munting halik ay nahantong na naman sa isang bagay na nagpapasaya sa kanila. Ang tumutugon sa pagkauhaw nila sa isa't isa.
Nagising ulit si Angela ng bandang hapon na dahil sa katok o mas madaling sabihing kalabog. Ginigising na sila para makapaghanda sa panibagong gabi ng pagkakayod.
Wala na siyang nakitang Kat pero may nakita siyang papel sa gilid. Alam niyang galing yun kay Kat, kaya hindi niya napigilang wag mapangiti. Kasama ng papel na binigay ng mga lalaki ng nakaraang gabi, tinago niya din ito sa sikretong taguan niya sa kanyang silid. Sa maliit na bote na nasa kanyang kisame para hindi makina nino man.
"Angela, tumayo ka na diyan." Kalabog ulit kaya napabuga na lang siya ng hangin at naghanda na.
Mabilis ang galaw na natapos din siya at lumabas na. Nakita niya ang mga kasama na nagsisilabasan na din sa mga silid nito.
Naglakad na lang siya pasunod sa mga ito at tuloy-tuloy silang pumunta sa kainan. May isang gusali kung saan sila kumakain lahat-lahat na halos isang beses lang sa isang araw lang nilang ginagamit dahil yun lang ang oras ng kain nila. Minsan napapakain din naman sila sa madaling araw pero sa labas na.
Sa pagpasok nila sa kainan, hindi makita ni Angela si Daisy kaya mas nalungkot siya. Naawa siya sa bata pero wala siyang magawa. Mas mabuti ngang magpahinga na lang ito.
Kumain na lang silang lahat, nakahanda na ito sa lamesa. Nahati-hati na ang lahat para sa kanilang lahat. At habang masagana silang kumakain, isang matinis ng boses ng bata ang bumasag sa katahimikan.
"Mama..." sigaw nito at nagtatakbo sa ina.
Napalingon naman ang lahat ng bantay sa kanya at napatigil din ang mga babae sa pagkain ang at tumingin dito.
"Gabby," maluha-luhang sabi ng ina at sinalubong ang batang mahigit dalawang taon pa lang. "Anak ko." Hindi magkamahaw na sabi ng babae.
Hindi alam kung ano ang gagawin. Merong hahaplosin ang mukha ng anak, merong hahalikan at yayakapin. Wala siyang pakialam kung puno na ng luha kanyang mga mata. Bakas naman ang tuwa sa mga mata ng bata.
Masaya at nakakaiyak na sana ang eksina ng…
"Gabby!" Dumadagundong na boses ng isang lalaki ang pumalit.
Natakot naman ang bata sa narinig kaya nagtago ito sa likod ng Ina. Kahit ang kanyang ina ay natakot din sa boss nilang naglalakad papunta sa kung nasaan sila.
"Daddy, please don't hurt my mom and me." Naiiyak na pakiusap ng bata sa ama pero mas nanlisik ang mga mata nito.
"Umuwi ka na pasaway kang bata ka." Galit nitong sigaw at hinablot ang bata mula sa likuran ng ina.
"Bo-boss, wag niyo naman saktan si Gabby." Nagmamakaawa na ang ina, na kahit minsan ay hindi nilang nakita na kaya nitong gawin.
"Wala ka ng karapatan sa bata Angela. Ako ang ama, ako ang masusunod." Galit na sigaw nito kay Angela pero pinigilan siya ulit ng babae.
Napuno na ng galit ang lalaki na kitang-kita ng lahat, kaya wala ni isa man ang umimik sa takot na baka sila ang mapagbuntungan nito.
"Boss, maawa ka sa bata. Boss.." pagmamakaawa pa ni Angela, na siya pang nagpaigting ng galit nito.
Kaya naman, walang pag-aalinlangang sinampal niya si Angela.
Isang malutong na sampal ang tumama sa pisngi nito na siyang nagpatumba sa kanya sa lapag. Halos mabali ang leeg niya sa lakas nun kaya napabaling ang kanyang mukha sa kabilang direksyon.
At hindi pa tapos nag lalaki, naglakad ito palapit sa dalaga at akmang sasampalin muli ng...
"Boss, may mga parak!" Sigaw ng isang lalaki mula sa labas. Kaya napatigil ang kanilang boss at napalitan ng kakaibang galit.
"Magsihanda kayo," sigaw na utos nito sa mga tauhan bago tinuro ang mga babae, "kayo doon sa sulok." At sumunod naman sila.
Kasama ang mga babae, binuhat ni Angela si Gabby para makapagtago saligtas na lugar sa gusaling iyon. Bawat gusali sa loob ng compound na iyon ay may taguan kaya hindi sila mahirapang magtago.
Habang nasa sigurado na ang mga babae, nagpapalitan naman ng putok ang sindikato at ang mga kapulisan. Maraming pulis ang dumating pero handa din naman ang kalaban kaya hindi magiging madali ang kanilang gagawin.
Buwis buhay ang kaganapan sa labas habang ang Boss nila ay sumisilip lang sa siwang para makilala ang kalaban. Kitang-kita ang kaduwagang taglay nito pero hindi naman makapagreklamo ang lahat ng kanyang nasasakupan.
Papalubog na din ang araw kaya halos hindi na niya makita ang nasa labas kaya napamura na lang siya. At kasunod nun, ay sunod-sunod na pagsabog sa kung saan-saan.
Takot na takot naman ang mga kababaihan sa kanilang pinagtataguan pero… hindi si Angela. Na mula sa kung saan, may nilabas itong baril.
Baril iyon na galing sa sekretong taguan. Alam niya iyon dahil sinulit niya ang tagal niya sa masalimuot na lugar na ito. Inalam niya lahat ng pasikot-sikot at ang galaw at ang mga sekreto.
"Ito," at inabot niya sa iba ang mag baril pagkatapos maikasa, "kailangan natin maging handa." Sabi niya lang at isa-isang inabutan ang kasama.
Naghanda na rin sila sa kung ano man ang mangyaring masama. Takot man humawak ang iba, mas pinili nilang magpakatatag. Kung ito ang kaligtasan nila, walang pag-aalinlangan silang papaslang.
Habang ang amo nila ay nakipagbarilan na rin dahil nakaabot na ang mga kapulisan sa kung nasaan ito nakatago ngayon kasama ang iilang tauhan. Halos naubos na ang kanyang mga tauhan at ang natira na lang ay ang nasa gusaling kasama niya.
"Hindi ito maari! Patayin niyo sila." Utos niya na naman kaya umulan na naman ng mga bala. Nakaramdam siya ng takot pero pinipilit niyang mag-angas-angasan.
Pero sa kasamang palad, wala silang may tinamaan dahil nagsitago ang kapulisan. Sa pangunguna ng kanilang komander, sinusunod nila ang lahat na pinag-uutos nito. Isang matalinong tao at ginagalang ng lahat.
Suminyas ito sa mga tauhan na naintindihan naman nila. Sa bawat kumpas ng mga kamay nito, isang utos ang binibigay sa pawat grupo.
Dahan-dahan na pinalibutan nila ang buong gusali kung nasaan ang natitirang kalaban. Dahan-dahan at sigurado ang bawat galaw upang walang bulilyasong magaganap. At nang nakaposisyon na ang lahat, doon na sila pumasok.
Ang nakaposisyon sa likuran ang unang pumasok, at naging madali lan iyon dahil halos dadalawa lang ang bantay doon. Nadaanan din nila ang mga babae na ligtas at suminyas sila sa mga babae na manatili upang maging ligtas na sinunod naman nila.
At sa pagposisyon nila, wala ng paligoy-ligoy pang pinaulana ng bala ang mga kalaban.
Tago dito.
Tago doon.
Yan ang ginawa ng mga kalaban pero hindi parin sila naging ligtas dahil mula sa kung saan-saang direksyon ang mga bala.
Hanggang tumahimik na nga ang lahat. Tumahimik ang lahat na halos di mahulugan ng kadayom ang katahimikan.
Ilang minuto pa at pinakiramdaman nila ang kalaban. At ng masiguradong tapos na, mula sa pinagtataguan nila, pinasok na nila ang gusali. At wala na ngang natira pang buhay sa mga kalaban.
Tadtad ng bala ang bawat isa. Dumanak ang dugo sa sahig at pader. Nakaramdam ng awa ang ilang kapulisan pero mas nanaig ang pagdiwang dahil nagtagumapay sila.
"Lumabas na kayo miss, ayos na ang lahat." Sabi ng isang pulis na pumunta sa mga babae. Ito din ang dumaan at suminyas sa kanila na manatili lang sa pwesto nila kanina.
Isa-isa silang lumabas sa masikip na lugar na yun hanggang dumating pa ang iba at tinulungan sila.
At sa paglabas ni Angela kasama ang anak niyang nakayakap sa kanya dahil sa takot, nakita niya agad ang isang pigura. Kilalang-kilala niya ito kahit kailan lang niya ito nakilala. Kilala niya ang buhok, likod at ang tindig nito.
"K-kat?" Paninigurado nito, at sa pagharap nito, naluha na ng tuluyan si Angela. "Kat." Naluluha itong tumakbo at yumakap kay Kat.
Halos nakangiti ang lahatna kasama ni Angela pero mas lalo na siya ng makita niyang kumpleto ang lahat. Kahit si Daisy ay nandito at inaalalayan ng isang pulis na babae.
"Commander Katrina Reyes," may tumawag dito mula sa likod. Kaya napabitaw si Kat at hinarap ang Head niya at sumaludo na sinuklian din nito. "Job will done." Tinapik pa nito ang balikat bago umalis.
Napangiti na lang si Angela sa ala-alang iyon.
"Mukhang masaya ang misis ko." Sabi ng asawa na mula sa kung saan, na yumakap sa kanyang likuran.
Nandito siya ngayon sa harden para magpahangin, at nanlakbay na nga ang kanyang isip sa nakaraan. Maganda ang harden dahil ang daming namumukadkad na bulaklak. Isa ito sa nakadagdag ganda sa paligid kaya dinadayo pa pero hanggang silip lang sila dahil nasa loob ito ng kanilang bahay.
"Naalala ko lang ang dati." Sabi niya na may ngiti sa mga labi bago humilig sa dibdib ng asawa.
"Ayan ka na naman po." At pinugpog ng halik ang leeg ng asawa.
Humagikhik naman si Angela bago hinarap ang asawa. Hinawakan niya ang mukha ni Kat at pinakatitigan ito. Kinakabisado ang bawat anggulo kahit alam na alam niya na ito.
Itim ang buhok na maiksi, mapungay ang mga matang kulay kayumanggi. Manipis nag labi na natural ang pagkapula at moist nito. Matangos ang ilong at kayumanggi din ang balat na siyang nagpadagdag ng laka ng dating nito.
Dagdagan mo pa ng tindig nito, lalo na ang nakatago sa loob ng unipormado nitong katawan. Napakagat labi ni Angela sa iniisip pero agad niya itong winaksi.
"Salamat." Ang kanya na lang na sinabi at ngumiti lang si Kat bago hinalikan sa labi ang asawa.
Isang matamis na halik na kahit kailanman ay hindi nagbago sa paglipas ng mga taon. Dampi lang pero mararamdaman mo ang pagmamahal na namamagitan sa dalawang nilalang.
“Matagal na yun, hanggang ngayon nagpapasalamat ka parin.” Sabi ni Kat.
“Matagal na nga pero hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na yun. Ang araw na binago mo ang buhay ko. Kaya maraming salamat mahal.” Sagot ni Angela at yumakap sa asawa na sinuklian naman nito.
Nasa ganun lang silang posisyon, dinaramdam ang init na nagmumula sa bawat isa. Ang init ng pagmamahal na silang dalawa lang ang may alam.
"Oo nga pala,” bigla itong napabitaw dahil may naalala, “nasaan si Gabby?" Nagtataka niyang tanong sa asawa. Si Gabby ay anak na nilang dalawa dahil inampon na din ito ni Kat.
"Nasa mama mo, alam mo naman yun. Gustong bumawi daw." Nakangiting sabi nito at tumango naman si Angela.
Ang mama niya na siyang naging dahilan ng pagkaligtas nila. Lumapit ito kay Kat at tinulungan din siya ng huli. Hindi niya naisip na hihingi ng tulong ang ina pero pasalamat na rin siya dito.
Nagplano ang mga ito, at isa doon ang maging customer at alamin ang pasikot-sikot. Naging kasabwat din si Angela na ang iniisip lang ay ang makawala lalo na ang makasama niyang bata.
Ang mama niya ang gumawa ng paraan para mailigtas siya. Akala kasi nito, ligtas siya sa intsik. Pero ng malaman nito ang totoo, hindi na nagpatumpik-tumpik pa at nagsabi sa kilalang pulis na mapapagkatiwalaan.
At naisakatuparan din ang plano.
Nang-una, hirap siyang patawarin ang lahat. Pero sa huli ay nagawa niyang patawarin ang ina, ang lahat. Ginawa niya yun para makausad na din siya kasama ang mahal sa buhay.
Napatawad man niya, pero hindi ang batas.
Pati ang sarili niya ay pinatawad niya narin. At nanghingi ng tawad sa Diyos sa bawat araw ng kanyang buhay.
Kaya ngayon, naging maayos na ang kanyang buhay. At kahit minsan, hindi na siya binabalikan ng kanyang nakaraan.
Nakaraan na siyang dahilan para matagpuan niya ang totoong pagmamahal.
Isang magmamahal, na kahit bawal sa mata ng mga tao, na siyang nagbibigay liwanag sa dating madilim niyang mundo.