bc

One Shot Stories

book_age18+
160
FOLLOW
1.0K
READ
billionaire
sex
bxg
gxg
highschool
office/work place
virgin
intersex
affair
wild
like
intro-logo
Blurb

A different story that will rattle your mind and want to read more.

This is the compilation of my one shot story.

From event or just my imagination.

A straight story to LGBT+.

And from Rated 16+ to 18+.

Just enjoy and please, no hate.

chap-preview
Free preview
Baby, it's Christmas
Baby, it's Christmas By: iM_jho19 From the song: Underneath the Mistletoe by Sia "I love you, Baby." Sabi sa akin ng girlfriend kong si Pauline at hinalikan niya ang expose kong balikat.  Napangiti naman ako doon at sinagot siya. "I love you too," and this time ay hinalikan ko siya sa labi.  Anim na buwan pa lang kaming magkakilala at dalawang buwan naman kaming magkasintahan. Kahit ganoon kaiksi pa lang ang relasyon namin, walang minuto na hindi niya pinaramdam kung gaano niya ako kamahal. Masaya ako kung ano ang mayroon ako na kasama siya.  My parents are busy kaya palagi siya ang kasama ko. Siya ang nagpapasaya sa akin kasama ng mga bago kong kaibigan. Sila lang ang nakakaunawa sa nararamdaman kong kalungkot bilang mag-isa. "Anong gusto mong lunch?" Tanong niya sa akin na tumayo na mula sa pagkakahiga. Napangiti na lang ako nang makita ko ang kaniyang katawan. Ang ganda at ang sexy kasi ng girlfriend ko kaya hindi ko mapigilan ang aking sarili na pagmasdan ito. Tapos, halata pa ang marka sa katawan niya dahil sa ginawa namin kagabi at hindi siya nahihiya ipakita ito which I’m proud of. Napakagat tuloy ako sa aking labi. "I don't like what's on your mind?" Nakangiti nitong sabi.  "What?" Napangisi ako. "Wala kaya akong iniisip." Pagmaang-maangan ko pa na kinailing niya na lang.  "Whatever," sabi siya at pumasok siya sa banyo para mag-ayos. Napangiti na lang ako sa kaniya.  Tumayo na rin ako at inayos ang kaniyang mga gamit na susuotin. May dala kasi siyang bag kagabi, madaling araw pala, noong umuwi kami rito. Today is Chritmas pero ako ang kasama niya. Actually, sa kanila ako namasko at umuwi lang kami noong madaling araw dahil aalis kami mamaya. Hindi ko alam saan ang punta namin dahil siya naman ang nagplano. Basta raw oras namin ito ngayon.  Malapit na ako sa family niya kaya nakakataba ng puso dahil tanggap nila kami. Masaya ako dahil doon at may pamilya na rin ako. Pagkatapos niyang  maglinis ng katawan ako naman ang sumunod habang siya ay bumaba para makapaghanda ng pananghalian namin. Kaya sa pagbaba ko ay ang lawak ng ngiti ko dahil sa nakahain. Inuwi ito namin kagabi at ngayong tanghalian na lang kinain, medyo niluto niya lang ng kakaiba. Masarap din magluto ang girlfriend ko kaya ang swerte ko talaga.  Pagkalapit ko sa kaniya ay hinalikan niya ako sa labi na tinugon ko naman. Napangisi siya na nanunukso kaya napairap ako sa kaniya. “Kain na tayo,” sabi niya at pinaghila pa ako ng upuan bago siya naupo sa tabi ko. Napangiti ako dahil alagang-alaga niya talaga ako. Masaya kaming kumain na nagkulitan pa bago kami umalis. Nakahanda na ang lahat ng kailangan namin kaya sumakay na agad kami. Naka-jeans kaming dalawa at pulang couple shirt na siyang tinutukso niya sa akin. Ako kasi ang bumili nito. “Mahal mo talaga ako, ano?” Nakangisi nitong sabi habang nagmamaneho. Siya ang nagmamaneho dahil siya lang naman ang nakakaalam kung saan ang punta namin. Napabusangot tuloy ako. “Hubarin mo na lang. Mukhang ayaw mo naman.” Napahalukipkip pa ako dahil nababanas ako sa kaniya. Ngunit tumawa lang ito at nang tumigil siya sa intersection dahil may stoplight, ninakawan niya ako ng halik kaya nahampas ko siya. Ngunit mas  natawa lang siya at hinalikan akong muli. Dahil nga marupok ako sa kaniya, hinuli ko ang kaniyang mukha at mas pinalalim ko ang halik. She’s really sweet na gustong-gusto ko and I love her.  Beep! Tunog ng sasakyan na nasa likuran namin. Kaya natatawa kaming naghiwalay at siya ay nagmaneho habang ako ay naupo nang maayos. “Saan pala punta natin?” Maya ay tanong ko sa kaniya. Sa Pangasinan lang naman kami at papunta kaming norte sa ngayon. Nginisihan niya lang ako bago niya pinaliko ang sasakyan at nakita ko ang sign kung ano ito. Nanlaki ang mata ko dahil matagal ko ng gustong umakyat ng Baguio. “Thanks, Baby.” Puno ng galak na sabi ko kaya na hinalikan ko pa siya dahil doon. “Para sa iyo,” tugon niya at nagpatuloy nang magmaneho.  Napatingin na lang ako sa labas at tinitingnan ang madadaanan namin. Hindi pa naman hapon talaga, nasa alas-tres pa lang ngunit maya ay nabalot na ng hamog ang paligid. Mabuti na lang at marunong si Pauline magmaneho kaya panatag ako. “Christine, hindi ba uuwi mga magulang mo ngayong taon?” Nakakunot ang noo ni Pauline nang tinatanong niya ako at naka-focus pa rin sa mpagmamaneho. “Hindi na ako umaasa na uuwi sila. Ni tumawag nga hindi nila ginawa, e. Kaya sobrang thankful ako dahil nandiyan kayo para samahan ako.” Gustong kumawala ng luha sa aking mga mata kaya agad ko itong pinunasan. Kahit ano mang gawin, magulang ko pa rin sila at nami-miss ko sila. Hindi umimik si Pauline subalit kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. Napangiti naman ako sa gesture nito. Ang sweet talaga.  Ngunit…  Biglang nag-iba ang tunog ng sasakyan kaya dahan-dahan na ni Pauline itinabi ito. Mabuti na lang at hindi mabilis ang kaniyang pagpapatakbo dahil kapag nangyari, maaring umatras kami o nabangga. Nasa paakyat pa naman kaming daan at halos walang dumadaan at hindi mo talaga makikita sino man dahil sa kapal ng hamog. “Ano ang nangyari?” Tanong ko ka Pauline na parang tanga. “Titingnan ko lang. Dito ka lang.” Tumango naman ako habang siya ay kinuha ang flashlight. Hinalikan niya muna ako bago siya bumababa. Hindi ko siya maaninag ng maayos dahil sa kapal talaga nag hamog. Napahinga na lang ako ng malalim at tiningnan ang cellphone ko kung mayroon ba akong puwede mahingian ng tulong ngunit wala namang signal. Napalatak ako sa inis. Tiningnan ko ulit si Pauline sa labas ngunit wala akong makitang ilaw ng flashlight kaya kinabahan ako. Kinatok ko ang bintana para tawagin siya ngunit walang sumagot. Mas nakaramdam ako ng takot lalo na’t mag-isa lang ako. Matatakutin talaga kasi ako. Blag! “Ahhh!” Napasigaw ako nang biglang may kumalabog sa bintana sa banda ko mismo. Ngunit ang takot ko ay napalitan ng galit nang makita kung sino ang may pakana ng kalabog.  Mabilis kong binaba ang salamin ng bintana habang siya ay natatawa. Hindi ko siya maaabot kaya bumaba na ako at mabilis siyang pinaghahampas. Alam niyang matatakutin ako tapos ito pa ang ginawa niya. “Sorry na.” Niyakap niya pa ako habang naiiyak na ako. Naiinis talaga ako sa kaniya ngunit siya lang din naman ang makakapitan ko nang mga oras na ito kaya yumakap na ako sa kaniya. Mas matangkad siya sa akin kaya palagay ko safe ako sa yakap niya. “Hindi ko na uulitin. Sorry na.” Hinalikan niya pa ang noo ko.  Ganoon muna kami sandali hanggang bumitaw na ako ng kusa. Tumingin siya sa kaniyang relo na napakunot ang kaniyang noo. “May problema ba?” Nabahala na rin ako.  “Tumigil ang relo ko kaya hindi ko alam ang oras.” Sabi niya kaya agad akong pumasok sa loob ng sasakyan para makita kung anong oras na.  “Alas-singko na ng hapon.” Sabi ko at pinakita pa ang cellphone ko sa kaniya. “Wala ring signal dito kaya hindi ko alam sino ang tatawagan.”  “Paano ba iyan? Hindi ako marunong mag-ayos. Hintayin na lang natin ang sasakyang dadaan dito. O puwede ring bumalik ako. ‘Di ba, sa hindi kalayuan ay may bahay tayong naraanan? Baka makahingi ako ng tulong doon.” Sa sinabi niya ay agad akong napailing. Ayaw kong maiwang mag-isa rito at hindi ako sigurado sa lugar. Natatakot na nga ako dahil dumidilim na masyado. “Sasama na lang ako. Iwan na lang natin ang sasakyan dito.” Napaisip siya at napatango. “Hindii rin ako mapapalagay kung iiwan kita rito.” Iginiya niya ko sa sasakyan. “Kunin mo ang gamit na kailangan natin at kukuha ako ng jacket sa bagahe natin.” Sabi niya kaya tumango ako.  Pumunta siya sa likod para kumuha ng damit habang ako ay kinuha ang wallet, cellphone naming dalawa. Nagdala na rin ako ng bote ng tubig at extra pang flashlight.  “Baby,” tawag ko sa kaniya na sinagot niya ng 'humm', “may mga gamit ka ba rito na maari nating panlaban?” Hindi ko na rinig na sumagot siya pero narinig ko ang pagsara niya ng pinto. “Wala akong dala dahil bawal magdala ng bagay na nakakapanakit, hindi ba? Kaya wala akong nilalagay rito sa sasakyan.” Maya ay nasa tabi ko na siya at binibigay sa akin ang jacket na isa habang ang isa ay suot niya na.  Hindi na ako sumagot pa at sinuot na rin ang jacket. Malamig na nga at kailangan namin ito. Nang nakasuot ako, doon na lang ako naginhawahan.  “Halika na,” aya niya at tumango naman ako. Ni-lock niya na muna lahat ng pinto at binalikan ako. Hinawakn niya ang aking kamay kaya ang lagay ay hawak kamay kaming naglakad pabalik sa pinanggalingan namin kanina. “Ang bilis dumilim ng langit.” Puna ko dahil ilang sandali pa lang kami na naglalakad ay dumilim na nga talaga at may hamog pa na mas kumapal. Niyakap agad ako ni Pauline. “Don’t worry. Nandito lang ako.” She assured me as she kissed my forehead. Napanatag naman ang loob dahil alam kung hindi niya ako pababayaan.  Ilang sandali pang paglalakad namin, may nakita kaming tao sa may kalayuan. Nakatayo lang ito doon kaya nakaramdam ako ng takot ngunit si Pauline ay napangiti. “Salamat naman at mukhang may makakatulong na sa atin.” Binalingan niya ako ng tingin habang nakangiti. “Dito ka lang, lalapitan ko ang tao.” Ngunit napahawak ako sa kaniyang braso at ayaw ko siyang paalisan. “Huwag. Baka masamang tao iyan.” Umiling pa ako na ayaw ko. Hindi namin maaninag kung sino ito dahil sa kadiliman at kahit ilawan namin ng flashlight ay hindi mahahalata.  “Sandali lang ako. Promise! At kaya dito ka na muna para masigurado.” Pangunumbinsi niya sa akin pero umilinng ako. Hindi ako makakpayag. Napatingin kami sa taong sa dulo at nakita naming papalapit ito sa amin. Ako na matatakutin ay nanlaki na ang mga mata sa takot at kung ano na ang naiisip, habang si Pauline ay tinawag pa ito. Inilawan ko ang taong papalapit at unti-unti ay naaninag na namin siya. Noong oras na tuloyan na namin siyang nakita, halos tinakasan ako ng kaluluwa ko. Takot ang bumalot sa aking sistema habang si Pauline ay nanahimik at napaatras.  “Takbo!” Sigaw ni Pauline habang hinihila ang kamay ko. Parang akong tinuod pero naigalaw ko pa ang katawan ko. Ang nakita lang naman namin ay isang lalaki na may maskara. Hindi lang basta maskara kundi katulad ng isang clown na may hiwa sa pisngi na my padugo pa. Ang mas nakakatakot ay may dugo ang damit nito. Mabilis kaming pumasok ni Pauline sa gubat. Pasalamat ako at nandito ang girlfriend ko at hindi niya ako binibitawan. Naiiyak na ako sa sobrang takot na sinabayan pa ng nginig sa katawan. Nanghihina na ang katawan ko at hindi rin namin makita ang aming dinadaanan kahit may liwanag na ng buwan, at dahil dito ay nadapa ako. “Sh*t Baby, halika na.” Inalalayan ako ni Pauline na tumayo at sa pagtayo ko ay siya ring pagsulpot ng nakamaskara. Nakita agad siya namin dahil nakasentro talaga siya sa sinag ng buwan. “Tumakbo ka na, Christine. Ako ang bahala rito.” Sabi ni Pauline na tinutulak pa ako sa likod at paalis. Madiin akong napailing habang umaiiyak. Hindi ko kayang iwan ang mahal ko sa mamatay tao na ito. Maririnig mo ang huni ng kulisap sa gabi at mabining haplos ng hangin na sumasabay sa kaba ko. Nagkakatitigan ng sila ni Pauline at ang nakamaskarang lalaki, lalaki dahil sa tindig nito. “Umalis ka na, dalian mo! Huwag ng matigas ang ulo.” May diin niya ring utos at tinulak pa ako. Kasabay rin noon ay ang pagsugod ng nakamaskara.  Kaya sa takot ko at makahingi ng tulong ay napatakbo ako papasok sa loob ng gubat. Hindi ko na alintana kung ano ang madaanan ko. Alam kong nagkasugat-sugat na ako at na tusok na ang paa ko ngunit patuloy pa rin ako. Naiisip ko ang itsura ng nakamasara at naiisip kong hinahabol ako nito. Panay ang lingon ko nagbabakasakaling makita ko ang girlfriend ko ngunit hindi ko ito makita, at kahit ang nakamaskara ay wala. Hanggang napatigil ako sa isang malapad na damuhan. May puno pa rin sa palibot kaya hindi ko alam kung saan ako papasok para makalabas dito sa kagubatan. Nalito na rin ako kung saan ako dumaan kanina. “No,” sabi ko at napasabunot pa sa aking buhok. Nagpalinga-linga pa ako ngunit hindi ko talaga alam. “Ahhh!” Naisigaw ko nang biglang may humawak sa balikat ko. “Hey! Hey! It’s me.” Napaharap agad ako at napayakap sa kaniya. Nakatakas si Pauline at nandito siya ngayon sa harapan ko. Hindi ko mapigilan ang mapaluha. “A-akala ko hindi na kita makikita.” Panay ang pagtangis ko. “Shhh! Huwag kang maingay at baka masundan niya tayo.” Tumango ako at kumawala sa kaniya. Nakikita kong nagpapalingon-lingon siya kaya napalingon din ako na natatakot. Wala akong makita sa gubat kundi kadiliman. Binalik ko na lang ang paningin ko sa kaniya, halatang nagusot talaga ang kaniyang damit at magulo ang buhok na parang nakipagbuno. Mas naawa ako sa girlfriend ko nang makita ko ang galos sa kaniyang braso.  “Sorry kung naging mahina ako.” Naiiyak kong sabi na yumakap naman sa kaniya.  “Wala kang kasalana. Pero bago pa may mangyari, umalis na tayo rito.” Sabi niya na sinang-ayonan ko naman. Inalalayan niya ako habang lingon pa rin siya ng lingon.  Medyo makipot ang daan kaya pinauna niya ako. Sa pagpasok namin sa kadiliman, isang malakas na hampas sa batong ang aking naramdaaman. Nanlabo ang aking paningin hanggang naramdaman ko na lang ang pagtama n katawan ko sa matigas na bagay. “Hmmm…” Napaungol ako at pinilit ko na idilat ang aking mga mata. Wala akong maalala pero masakit ang aking batok. Minulat ko ang aking mata at malabo ang nakikita ko. Kaya gusto kong kusutin ito ng aking kamay, ngunit hindi ko ito maigalaw. Doon ay nagising ako dahil nakatali ang kamay ko at nagpabalik sa akin sa lahat. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung nasaan ako. Nasa isang puno ako ng pine tree at sa kabila ay nakita ko si Pauline na wala ring malay.  “Baby,” mahina kong tawag rito ngunit hindi ako nito naririnig. Napalingon ako sa paligid upang tingnan kung nandito ang nakamaskarang lalaki at nakahinga ako nang hindi ko ito nakita kahit saan. Ginalaw-galaw ko ang kamay ko nagbabakasakaling matanggal ko ang tali. Hindi ko alam kung tanga lang ang nagtali o sineswerte lang talaga ako dahil maluwag ito noong inikot ko ang aking braso. Dahan-dahan ay hinala ko ito hanggang nagtagumpay akong maitanggal ito.  Nagpalinga-linga muna ako para masiguradong wala ang masamanag tao. Nang mapagtanto kong wala nga siya, mabili aking tumayo at kahit nahihilo man ay pinilit kong malapitan si Pauline. Nang nasa harap niya na ako, mabilis ko siyang ginigising habang pinipilit na tanggalin ang tali ngunit mahigpit ito kaysa sa akin kanina.  “Baby, wake up. Pauline!” Tawag ko sa kaniya na pinipilit pa ring tinatanggal ang pagkakatali sa kaniya.  “Hmm…” Tunog nito indikasyon na nagigising na siya. Napangiti naman ako dahil mukhang ayos naman siya. “Gumising ka na. Kailangan nating makaalis.” Sabi ko na pabulong at pinipilit na tanggalin ang tali. Ngunit nagulat ako sa sunod niyang sinabi. “Bakit buhay ka pang impostor ka? At bakit ako nakatali?” Napatigil naman ako dahil naguguluhan ako sa kaniyang sinasabi. “Ano ang pinagsasabi  mo?” Nagugulohan talaga ako sa sinasabi niya, at anong impostor? “Huwag ka ng magpanggap pa dahil buko na kita!” Sigaw pa niya na mas nagpaluha sa akin dahil naguguluhan ako at ito ang unang beses na sinigawan niya ako. Wala na ang pagmamahal na nakikita ko sa kaniyang mga mata. Napatayo ako na gulong-gulo. “Tama siya. Huwag ka ng magpanggap.” Nahintakutan ako nang may biglang bumulong sa akin. Nakalimutan kong nasa ganito kaming sitwasyon dahil sa sinasahi niya. Sinakal ako nito ng kaniyang braso kaya napahawak ako rito habang pilit na tinatanggal ito. Gulong-gulo na nga ako tapos nawawalan pa ako ng hininga. Hanggang napaisip ako, inapakan ko ang kaniyang paa at itutulak sana siya. Ngunit.. Isang tusok ang naramdaman ko sa aking leeg at hinugot niya agad. Binitawan niya ako kaya napaatras ako. Takotna takot ako ngayon lalo nang makita ko, sa tulong ng liwanag ng buwan, ang pagbuhos ng dugo mula sa ginawa niyang gripo. Napatingin ako kay Pauline ngunit nakangisi lang ito. Napahawak ako sa sugat hanggang mapaluhod ako dahil sa panghihina.  “Too bad. Tsk!” Sabi lang ng naka-maskara at nakita ko na lang ang pag-angat ng kamay nito hanggang maramdaman ko ang sakit sa aking ulo. Doon ako ay napadapa. Nakatingin pa rin ako sa kanilang dalawa na ngayon ay nag-uusap na. Hindi ko marinig ang iba nilang sinasabi dahil nanghihina na ako. Ganito ba ako mamamatay?  May nagawa ba akong masama at ganito ang parusa sa akin? Paulit-ulit na tanong ang tumatakbo sa isipan ko habang tinitingnan sila.  Nakangiti si Pauline katulad kung paano niya ako ngitian noon. Ano ang nangyayari?  Sa nanlalabo kong mga mata, nakita kong tinanggal ng lalaki ang kaniyang maskara at tiningnan si Pauline. May sinabi itong kinawala ng ngiti ni Pauline hanggang narinig ko ang sinabi ng sumaksak sa akin dahil may kalakasan ito. "Baby, it's Christmas." Ang sabi ng hindi kilalang mamatay tao bago niya sinaksak si Pauline ng paulit-ulit. Doon ay unti-unti na rin akong napapikit. Wala na akong pakialam kung mamatay ako total wala naman na ang taong mahal ko. Wala na.. “Doc, nagigising na ang pasyente.” Naririnig kong sabi ng boses ng babae. Kilala ko ito pero hindi malinaw.  Napapadilat ako ngunit napakaliwanag kaya agad akong napapapikit. Hindi ko maintindihan ngunit masakit ang buo kong katawan pero mas lalo na ang ulo ko at ang leeg. Parang hindi ko kayang lumunok.  "Anak," tawag nito sa akin kaya napalingon ako sa kanan ko. Doon nakita ko ang mama ni Pauline. Sa pagkakita ko sa kaniya, naalala ko ang lahat na nangyari.  Magsasalita sana ako ngunit walang boses na lumabas sa akin. Hinawakan naman ng mama ni Pauline ang braso ko para huminahon ako. Medyo nagpa-panic na nga ako sa isiping hindi ako makapagsalita.  Siya rin ang pagdating ng doktor. Tiningnan ako nito at sinuri ang ibang bagay.  "She's stable now, from what I've observe at ayon na rin ito sa MRI na sinagawa namin sa kaniya. Gayunpaman, kailangan pa rin siyang masuri ng mga ilang araw rito at iwasan munang pagsalitain siya." Paliwanag ng doktor at nakinig naman kami. Tumango ang mama ni Pauline at nagpasalamat hanggang makalabas ang doktor.  Noong dalawa na lang kami ang naiwan, tiningnan ko siya na mukhang naintindihan niya ang tanong ko. May ngiti siya mapait na iginawad sa akin.  "Dalawang linggo kang nakaratay rito sa hospital kaya hindi na namin nahintay, Anak. Nilibing na namin si Pauline." Sa sinabi niya, napapikit ako. Hindi ko alam kung may nailuluha pa ako pero nasasaktan ako ngayon kahit ganoon ang sinabi niya. Ayaw ko siyang mawala. "Hindi na siya nailigtas pa ng mga taong tumulong sa inyo." Pagpapatuloy niya. "Ilang saksak ang natamo niya at maliban doon, sinunog siya ng hayop na iyon. Sinunog niya ang anak ko." At umiyak na nga ang mama niya.  Habang ako ay napatulala na lang sa narinig. Hindi ko naisip na mangyayari iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.  Lumipas ang mga araw at naging maayos na ako. Naibalik na rin ang boses ko kaya nasabi ko ang lahat ng nalalaman ko sa mga pulis. Naawa ang mga magulang ni Pauline sa akin pero I assured them na okay lang ako. Nadalaw ko na rin siya ngunit hungkag pa rin ang nararamdaman ko.  Sa sumunod na araw, mag-isa na naman ako sa bahay. Malungkot pero alam kong masasanay rin ako. Ngunit kakaiba ngayong araw, may taong dumating na nagpangiti sa akin. Naghahanda ito sa kusina kaya napangiti akong lumapit dito at yumakap.  "Maupo ka na roon at kakain ka na." Utos niya sa akin at parang bata akong tumango at naghintay sa kaniyang ihahain. Natakam agad ako dahil fried chicken ito. Matagal na akong hindi nakakain nito dahil pinagbabawal sa akin.  Masagana akong kumain at nang natapos na ay doon ako nagtanong sa kaniya. Babae ito at maganda, may balingkinitang katawan na mas matangkad lang sa akin ng three inch.  "Saan tayo ngayon?" Nagtataka kong tanong. "Akala ko, matagalan na siya at totoo ang pag-ibig niya. Mabilis lang pala malinlang ang pag-ibig na sinasabi niya." Naiinis kong sabi at uminom ng tubig. Natawa naman ito ng napaka-sexy.   "Sa Cebu. Dating gawi." Lumingon pa ito sa akin ay tumango naman ako sa sinabi niya.  "Okay… Christmas. My twin sister." Nakangisi kong sagot sa kaniya. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.3K
bc

His Obsession

read
91.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook