Demon Owns My Heart
“Jess, ingat sa pag-uwi!” sigaw ng kaibigan ko habang naglalakad sa kabilang direksyon. Katatapos lang kasi ng shift namin sa isang maliit na kainin bilang mga server nila.
“Ingat din, Nik!” sigaw ko pabalik at kumaway pa na ginantihan niya rin naman at may kasama pang flying kiss. Napailing na lang ako at natawa nang bahagya.
Kaya naman nakangiti akong naglakad pauwi sa amin. Madilim ang daanan pero sanay na ako rito dahil ilang taon ko na rin itong ginagawa. Bata pa lang ako ay ako na ang bumuhay sa sarili ko kaya alam ko ang kumayod. Maaga kasi akong naulila at wala na akong pamilyang puwedeng kumuha sa akin at mag-aaruga. Buti na lang at mababait ang kapitbahay ko dahil kahit paano ay natutulungan nila ako sa pagkain.
Isa akong working student. Nag-aaral sa umaga, nagtatrabaho sa gabi. Hindi na bago ang araw na ito sa akin maliban sa ang daming customers kanina dahil sa Valentines.
Maraming nagde-date lalo na mga teenager na murang pagkain lang ang kayang bilhin. Ayos lang din para may kita naman iyong amo namin at mapasweldo kami. Ang bait niya rin kasi sa aming mga nagtatrabaho sa kaniya. Minsan may pabaon pang pagkain lalo na sa wala talaga katulad ko.
Dahil nga walang-wala ako, nilalakad ko na lang ang daan kahit saan man ako pupunta. Kalahating oras din ang lalakarin ko papuntang bahay pero papasok pa ako ng looban mga kinse minutos. Squatters area kasi kami kaya masikip ang daan at maraming nakaharang kaya medyo matagal bago makapunta sa amin.
“Miss, pumayag ka na. Alam naman nating masisiyahan ka, eh.” Nagulat ako nang may narinig akong boses mula sa isang eskinita. Ang tahimik na ng gabi kaya narinig ko agad iyon lalo na ang tawa nilang mala-demonyo.
Ang kaninang masaya kong mukha ay napalitan ng takot at pangaba. Takot para sa akin na baka madamay pa ako at mapahamak, at pangamba para sa babae na hindi ko naman kilala pero dahil babae rin ako at naranasan ko rin ang sinasapit niya ngayon.
Narinig ko pa ang tawanan nila. Naawa ako sa babae kaya naman naghanap ako ng puwedeng panlaban sa kung sino man ang nasa loob ng madilim na eskinitang iyon.
May nakita naman akong dos-por-dos kaya dali-dali ko ito kinuha ay dahan-dahan ang galaw ko na lumapit kung nasaan sila. Dapat hindi nila ako mahalata kung gusto ko pang mabuhay.
Sa pagsilip ko, napanganga pa ako. Hindi ko akalaing siya ang pinagtawanan ng mga ito.
Si Clio Stanton.
Ang girl crush ko rati pa or sabihin na nating, lihim kong iniibig. Mabait siya sa lahat lalo na sa akin. Always niya nga akong nililigtas sa mga bully sa school.
Naalala ko pa:
“Itigil ninyo ‘yan!” mautoridad na sigaw ng babae ang narinig ko habang ako ay nakadapa at puno ng samut-saring pagkain na pinagtatapon nila kanina sa akin. Nandito kasi ako ngayon sa cafeteria na dapat kukuha lang ako ng notes na hiniram ng kaklase ko. Iyon pala ay plano nilang lahat ito.
“M-miss Pres?” Narinig kong bigkas ng isa sa mga nam-bully sa akin. Halata ang takot sa boses nito. Lahat kasi takot sa kaniya, mapalalaki man o babae, mayaman man o mahirap.
“Ano ang ginagawa ninyo?” Walang nagsalita o kahit man lang gumalaw ay wala akong narinig. “Wala na pala kayong dapat sabihin, kita ko naman na. Pumunta kayo ng guidance. NOW!” sigaw niya ang dumagundong sa buong gusali.
Nagkandarapa naman silang umalis habang ako ay naiwan sa gitna. Nang nawala na sila, rinig ko ang yapak ni Pres papalapit kung nasaan ako. “Tara,” iyon lang ang sabi niya at inalalayan ako.
Nahirapan pa ako noong una dahil sobrang nanghina talaga ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta nagpatianod na lang ako. Nasagot ang tanong ko nang napadpad kami sa office niya. Nagtataka akong tumingin sa kaniya.
“May shower ka, puwede doon sa banyo ko. Bibigyan na rin kita ng extra kong damit. Kaya pasok na.” Hindi na ako umangal pa at sinunod na lang ang gusto niya.
Sa pagtama ng maligamgam na tubig sa katawan ko ay nakaramdam ako ng kaginhawahan. Ang refreshing nga naman.
Ginawa ko na ang dapat kong gawin sa loob ng banyo at pagkatapos ko ay siya ring pagkatok niya. Parang inabangan pa nga niya na tapos na ako bago ako katukin.
“Miss, abutin mo ‘to.” Inuwangan ko nang maliit lang ang pinto at kinuha ang inaabot niya. Damit lang pala na puwede kong suotin. Sinuot ko na agad ito bago lumabas. Baka mamaya mainip na siya kakahintay sa akin.
“Salamat, Miss Pres!” nakayuko kong sabi.
“You're welcome,” may himig na mukhang masaya ang kaniyang boses kaya napaangat ako ng tingin. Nakangiti nga siya na natural na sa kaniya. Iyong ngiting nagpahulog sa akin dati pa. “Papasok ka pa ba?” tanong niya at lumapit siya sa akin. Ang sexy ng bawat hakbang niya kaya napalunok pa ako ng laway. Nang malapit na siya sa akin, tumingin siya sa relong suot sa kaliwang bisig. “Samahan mo na lang akong kumain. You’re half way late ka na rin naman and I’m sure gutom ka na rin,” nakangiti niyang sabi. Iyong klase ng ngiti na hindi mo kayang tanggihan.
Hindi na nga tumanggi ang tiyan ko. Tumunog ito na parang may dragon sa loob. Napayuko naman ako sa hiya.
‘Bakit ngayon pa?’ sigaw ko sa isip ko.
“Tamang-tama. Tara na.” Kinaladkad na naman ako.
Ako naman itong sunud-sunuran na lang sa kaniya. Mabuti na lang at wala ng estudyante kaya hindi ako mahihiyang kasama ako ni Pres.
“P-pres, saan po tayo?” nahihiya kong sabi.
“Diyan lang sa harap.” Nilingon ako, hindi na naalis ang ngiti niya sa labi. ”Basta! Sunod ka na lang.” Then se wink at me. Wala na nga akong nagawa.
At least ngayon, hawak ko ang kamay ng babae na rati ay tinitingnan ko lang sa malayo. Hawak ko ang malambot na kamay ng babaeng masasabi kong pinakamaganda sa lahat ng nakita ko na. Walang tulak kabigin ang gandang taglay niya kaya naman halos lahat ng estudyante sa paaralan ay nagkakandarapa mapansin lamang niya.
“Tara na.” Aya niya ang nagpagising sa puso kong gumugulong na sa nararamdamang sobrang kilig.
“Ha?” wala sa mundo kong sagot.
“Tara na ‘ka ko.” Inangat nito ang dalang pagkain na take-out. Namula naman ako sa hiya. Hindi ko man lang napansin na nakalabas na kami ng eskwelahan kung saan siya bumili ng makakain. Kung saan-saan kasi ang isip ko nagpunta.
Wala na namang umimik sa amin habang naglalakad palabas. Pero ngayon, hindi na ako nagpahila pa.
Walang boses na kinuha ko ang supot na dala niya at ngumiti naman siya. Ang mga kamay namin ay magkasugpong pa rin kaya namula na naman ako. Ewan ko ba at ang lakas talaga ng dating niya sa akin.
Parang nag-usap ang mga paa namin at alam kung saan kami pupunta. Sa isang park sa labas ng ng school kami tumigil at naupo sa damuhan.
Ako na rin ang naghanda ng pagkain namin kasi nakakahiya kung iaasa ko pa sa kaniya. Walang imik lang kaming kumain.
Pero sa loob-loob ko, kinikilig na naman ako dahil parang nagde-date kami. Napapasulyap ako sa kaniya kung minsan at kita ko ang mga ngiti niyang nagpahulog sa akin lalo.
“Ano ang pala pangalan mo?” Bukas niya ng usapan.
“Je-Jessica Asunción,” nauutal ko pang sabi. Nahihiya talaga ako sa kaniya.
“Ako naman si Clio Stanton.” Napatawa naman ako.
“Alam ko na po, Pres at mag kaedad po tayo,” sabi ko pa at sumubo ng pagkain.
“Eighteen ka rin pala." Nakangiti niyang sabi. “Magkaklase ba tayo? Hindi kasi kita nakikita sa mga klase ko,” sabi niya pa habang patuloy lang ang pagkain.
“Opo, Pres-”
“Clio.” Putol niya sa sinabi ko. Napangiwi tuloy ako.
“Clio nga.” Ngumiti ako para hindi na siya magalit. Pero natawa lang siya. “Bakit?” Nagtataka kong tanong at iling lang ang sinagot niya kaya winalang bahala ko na iyon. “May ilang subject na magkaklase tayo pero hindi mo ako nakikita dahil nasa likod ako at tahimik lang.” Mahaba kong paliwanag.
Tumango-tango lang siya bago nagtanong ulit. “Bakit ka pala nila binu-bully?” tanong niya tapos ginilid ang wala ng laman na pagkain.
Pero nahihiya akong yumuko, kahit kasi ako, ayaw sa katawan na ito. Naiiyak ako habang naiisip ang nakaraan ko.
“Sige na. Sabihin mo na. Ako lang naman ‘to,” sabi niya pa na puno ng kaseryosohan.
“Alam mo ba ang meaning ng LGBT+?” tanong ko na nagpaisip naman sa kaniya.
“Hindi lahat. Bakit?” Tumingin siya sa mga mata ko. “Dahil ba lesbian ka?” tanong niya pa na parang wala lang.
“Hi-higit pa roon,” nakayuko kong sabi. Napakunot naman ang mga noo niya. “May problema sa genetic ko,” sabi ko pa na nagpaisip sa kaniya lalo.
“Genetic na nasa-” hindi niya na tinuloy ang sasabihin niya na parang nakuha niya na ang ibig kong sabihin. Napatingin siya sa akin at kita ko sa mga mata niya ang pag-iintindi. “You mean, intersex or hermahroditism.”
Napayuko na lang ulit ako na hindi na sumagot dahil alam niya na. Ginawa ko ay sumubo na lang ulit ng pagkain. I am down pero ng tumawa siya, napaangat ako ng tingin sa kaniya.
“Ang kalat mong kumain,” sabi niya na natatawa pa. Pinunasan niya ng tissueng dala ang gilid ng labi ko. Naging tuod na lang ako sa kinauupuan ko dahil sa ginawa niya at ang marinig ko lang ang mahinhin niyang tawa, parang tumigil ang mundo ko. Siya na lang ang natitirang tao at naglaho na ang lahat sa paningin ko.
“Salamat, Pres.”
“Its Clio for you,” sabi niya na hinaplos pa ang mukha ko. Hindi ko alam bakit niya ito ginagawa habang tinititigan ako. “Huwag ka ng mag-alala. From now on, I'll protect you.”
“Pe-pero, Miss, hindi mo naman ako kilala.” Pagkontra ko dahil nakakagulat siya.
“No more buts.” Hindi na nga ako umangal pa.
Simula nga noon, siya na ang naging taga-pagligtas ko sa school o kung saan mang nakikita niya ako. Mabait siya pero mahigpit sa mga rules lalo na siya ang presidente ng eskwelahan na pinapasukan ko ngayon.
”Bitawan ninyo nga ako, kungayawninyopangmamatay!” sigaw niya na siyang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Hindi ko naintindihan ang huli niyang sinabi dahil ang hina pero natawa lang ang dalawang lalaking lulong pa ata sa pinagbabawal na gamot.
Pero mas natakot ako ng tinaas ng isang lalaki ang kamao niya at susuntukin nito si Clio.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at sinugod sila. Gamit ang buong lakas ko hinampas ko sa lalaking gustong saktan si Clio.
Nahampas ko ito pero nakagalaw agad ang isa niyang kasama at naagaw niya hawak kong kahoy. Mabilis akong umatras papunta kay Clio at tinakpan siya ng katawan ko.
“Ayos ka lang?” Lumingon ako sa kaniya at tumango naman siya pero ang seryoso ng mukha.
“Bakit ka pa pumunta rito? Tumakas ka na lang sana.” Madiin niyang sabi na may bahid ng pag-aalala. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero nag-aalala rin ako sa kaniya. Magsasalita pa sana ako pero naunahan na ako ng isang lalaking nahampas ko.
“Walanghiya ka! Ang sakit mong pumalo,” naiinis niya sabi at pinakatitigan ako habang hinimas ang ulong bumukol ata. “Pero maganda ka rin, kaya sama ka na lang din.” Susugod sana ulit siya pero sinipa ko siya sa pagitan ng hita niya kaya namilipit siya sa sakit na siyang kinagalit naman ng isa.
“Dahil hindi kayo madala sa pakiusap, ito ang bagay sa inyo.” Nakangisi na parang demonyo nitong sabi bago dinukot nito ang patalim na baon. Nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ng takot.
Hindi ako agad nakagalaw sa gulat ng biglang sinugod niya kami lalo na ako na siyang nasa unahan. Pero ng maramdaman ko ang pag-ikot ng katawa ko dahil hinihila ako ni Clio. Nahulaan ko na agad ang gustong gawin ni Clio kaya naman hinawakan ko siya at ini-steady ang katawan namin. Kailangan ko siyang protektahan. Ngayon ako naman ang proprotekta sa kanya.
Ang sunod kong naramdaman ay ang pagbaon ng patalim sa tiyan ko. Wala akong maramdamang sakit sa katawan. Pero sa puso? Oo, dahil sa nakikita ko sa mga mata ni Clio.
Dahan-dahan akong nanghina pero tumingin pa rin ako kay Clio na may ngiti sa labi. Sinasabing ayos lang ako, na ayos na siya, na ayos lang ang lahat. Napasuka pa ako ng dugo at unti-unting nawawalan ng malay.
“Tsk! Idiot!” Pumalatak ito bago ako inihiga ng maayos sa lupa. Tumayo at naglakad siya papunta roon sa mga lalaki, napasunod na lang din ang mga mata ko. Hindi ko lubos maiisip na masasaksihan ko ito.
Si Clio ay pinatay ang dalawang lalaki ng walang kahirap-hirap. Napakurap-kurap pa ako kasi baka hallucination ko lang ito dahil mamamatay na ako.
Pero hindi.
Hinawakan niya sa leeg ang lalaki at gamit ang kamay na may mahahabang kuko, dinukot niya ang puso nito. Pagkatapos ay pinaghihiwalay niya na ang katawan nito. Tapos ang isa ay gumagapang pa para sana tumakas pero nahawakan na ito ni Cluo sa binti. Binuhat niya ito at binalibag sa pader. Rinig ko pa ang pagmamakaawa nito. Pero parang hindi na siya si Clio na kilala ko. Lalo na ng pinaghiwalay niya ang ulo ng lalaki sa katawan nito gamit lang ang mga kamay niya.
“C-Clio,” tawag ko rito habang hindi ako makapaniwala sa nakita at nasaksihan ko.
Pero sa paglingon ni Clio, ibang Clio ang nakita ko. Pula ang mata niya na para siyang isang demonyo. Nanginig pa ako sa takot dahil sa nakita ko.
Hindi ko alam ang sunod na nangyari basta nakita ko sa blurred kong paningin na nandito na ako sa kuwarto niya. Duguan pa rin at pinipilit na mabuhay.
“Prinotektahan kita pero ito pa rin ang kapalaran mo. Sorry, but I have to take your heart!” seryoso niyang sabi at nanlaki nga ang mata ko nang humaba ang mga kuko niya.
Napapikit ako sa sunod na sakit na nararamdaman ko. Sa sunod kong pagdilat, hawak niya na ang puso ko.
Hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos noon.
Sa sunod kong pagdilat, ibang Clio ang nabungaran ko. Magulo ang buhok pero nakakaakit ito habang nakadagan sa akin.
Hinahawaka niya ako sa kung saan mang parte ng katawan ko. Nakaramdam ako ng init na ni minsan hindi ko pa nararamdaman.
“Je-Jessica.” Habol ang hininga niya habang umiindayog sa ibabaw ko. Hindi ko na rin mapigilan pa at sinabayan siya hanggang natugunan ang aming makamundong pagnanasa.
Habol ang hininga namin nang matapos. Nakadagan pa rin ang hubad niyang katawa sa akin na niyakap ko naman. Ramdam ko pa rin ang init na nanggagaling sa kaniya.
“A-ano ka, Clio?” tanong ko sa medyo paos ko pang boses.
“A demon. Katulad ng kung ano ka na ngayon.” Napakurap naman ako sa sinabi niya hanggang may tinuro siya sa isang sulok ng silid. Napalunok ako ng laway sa nakita ko, isang bagay ang nasa loob ng isang garapong malaki.
“Pu-puso?” Tumingin ako sa mga mata niya. “Akin ba iyan?” Tango ang naging sagot niya pero ng tumingin siya sa akin. Ngumisi pa siya bago hinaplos ang mukha ko.
“I love you and you should love me back now. Now that I have your heart. Now that I own your heart. Welcome to hell. Welcome to my world, Jessica Asunción.”
And yes, she really own my heart.
Clio Stanton owns my heart.
The demon owns my