Nanlaki ang mata niya. Agad na lumapit rito.
"Ano ito? Wala ka namang planong may pa-proposal ka dito," bulong na tanong rito.
"Ayaw mo pa ba? Sige manliligaw na lamang ako sa'yo," giit pa nito na tila hindi narinig ang sinabi niya.
Naguguluhan na talaga si Sabinah. Hindi alam kung ano ang nais ipakahulugan ng lalaki sa ginagawa nito. Nakita ang matatalas na mata ni Richard. Hindi alam kung galit o selos iyon.
"Sir, itigil mo na ito. Nakakahiya na baka sabihin pa nilang nilalandi kita!" Diin sa huling sinabi. Gustong paringgan si Maricar at pagtakpan na rin ang kilig na nararamdaman.
Tumawa si Harvey. Alam niyang pinariringgan lang ni Sabinah ang babaeng nang-agaw sa boyfriend nito. Nakita niya rin ang ex nito. Punong puno ng selos ang mata nito kaya tila nagatungan pa siya. Dapat lang iyon dito. Yes, maloko siya pero hindi kagaya ni Sabinah ang niloloko niya.
"Wala namang masama di ba? Sabi mo kahapon wala ka ng boyfriend." Giit pa niya kay Sabinah.
Halos magsalubong ba ang kilay ni Sabinah kaya ngumiti na siya.
"Relax, hindi naman kita pililitin. Hayaan mo lang ligawan kita."
"You're breaking your rule sir," aniya. Marami nang kinikilig sa palitan ng kanilang pag-uusap.
"I'm the boss, I can make exemption on the rules." Palusot nito.
"Pero hindi pa ako handa," pakipot na wika pero sa totoo ay kinikilig na talaga siya.
"Hihintayin ko hanggang maging handa ka," turan naman nito na walang balak magpatalo.
"Baka mapagod ka."
"Hindi. Baka ikaw ang mapagod."
Tumingin si Sabinah sa kaniya. Lumapit ito at kinuha ang bulaklak. "Okay, tutal ay mapilit ka. Pumapayag na ako," anito.
"Talaga! Yes! Yes!" Sigaw nito na parang tanga.
Lahat ng empleyado nito ay napamaang sa ginawa nito at napatigil lamang nang mapansin nitong lahat ay nakatingin rito.
Napatawa siya.
"Ano ngayon, 'di nagmukha kang timang." Bulong rito.
"Hindi bale. Nakaganti kana?" Balik wika nito.
Napailing na lamang siya ng makuha ang nais nito. Napangisi rin siya ng sa gilid ay mukhang nag-aaway sina Richard at Maricar. Pilyo rin pala ang amo. May planong gumanti pero hindi man lang siya iniform nito.
Napangiti siya sa ginawang iyon ng boss. Kahit sinong babae naman ay kikiligin sa ginawa nito, feeling niya kanina ay para siyang prinsesa na sa kaniya lahat nakatigin ang mga naroroon. Kaya hindi mawala-wala ang ngiti sa kaniyang mga labi.
Nang break time nila ay agad siyang tumayo at tumungo sa comfort room bago pupunta sa ibaba kung saan naroroon ang canteen upang kumain. Malapit na siya sa pintuhan ng toilet nang biglang pukawin ang pansin niya ng tinig ng isang lalaki. Kilala niya kung sino ang may-ari noon, si Richard.
"Ganyan ka bang kadisperadong pagselosin ako? Pati boss natin inaakit mo?" Ang nang-uuyam na tinig nito.
Lumingon siya sa kinaroroonan nito. Lumunok muna siya bago nagsalita. "None of your business," aniya saka nagpatuloy sa paglalakad ng bigla nitong hablutin ang braso niya.
"Ah—aray! Bitiwan mo nga ako," bigwas sa lalaki.
"Stop what you're doing Sabinah. You look so desperate!" Gigil na wika ni Rich.
"Wow! Tignan mo nagsasabi niyan. Look at yourself too. You look so jealous, para kang asong inagawan lang ng buto ay nauulol na." Matapang na wika sabay bawi sa brasong hawak nito.
"Hindi ko alam na ganyan ka palang klaseng babae?" Dinig na wika nito.
Napangisi siya. Nang-uuyam.
"Hindi ko rin alam na ganyang klase kang lalaki. Kung saan ang uso doon, kung saang pwedeng pasukin doon. Rich, ganoon ako noon pero binago mo ako tapos nang nakasanayan ko na ang mundong pinaglagyan mo sa akin ay saka mo ako iniwan. Kaya binabalik ko lang ang dating Sabinah. Ganito ako noon Rich."
Wika saka muling pinagpatuloy ang pagpasok ngunit bago pa man maisara ang pintuhan ay narinig ang sinabi nito.
"Sa tingin mo ba ay mamahalin ka ng boss natin? Baka gusto ka lang ikama at sa huli ay iiwan ka rin!" Turan pa nito.
Sa kanilang dalawa. Mas mukha itong disperado. "Wala ka na doon, ikama man ako at iwan. None of your business." Sagot saka tuluyang sinara ang pintuhan.
Breaktime na kaya agad na tumayo si Harvey. Papalabas na siya ng makita si Sabinah, mukhang gagamit ito ng comfort room nang makitang naroroon din ang ex nito. Lalampasan na sana niya ang mga ito nang biglang hablutin ng lalaki ang braso nito. Gusto sana niyang sitahin ito nang marinig ang usapan nila.
Napangiti siya sa mga sagot ni Sabinah sa ex boyfriend nito. Ibang-iba sa babaeng naririnig noon sa parking area na nagmamakaawa ritong balikan ito. Maya-maya ay nakitang padaan na ang lalaki sa kinaroroonan kaya nagkubli siya. Hinintay niyang lumabas si Sabinah at maya-maya ay bumukas na rin ang pintuhan at nang makalampas konti ito ay hinabol at hinawakan ito sa braso. Ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang isang malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang pisngi.
Kapwa sila natigilan. Nanlaki ang mata ni Sabinah ng makitang ang boss ang may hawak ng braso niya.
"Sorry. Sorry sir. Sorry talaga." Ang paghihingi ng paseniya rito.
Napahawak si Harvey sa nangangapal niyang pisngi. Tila nag-lock pa ang jaw sa lakas ng sampal ni Sabinah sa kaniya.
"Sorry sir, akala ko kasi ikaw si—."
"Ang ex mo!" Gilalas na wika. Habang hawak pa rin ang pisngi.
"Pasensiya na sir, hindi ko talaga sinasadya. Kanina kasi ay si Richard nandiyan. Akala ko siya ulit kaya sinampal ko agad." Aniya rito.
"Grabe. Ang sakit ha!" Anito sa kaniya at pagtingin at ginagalaw-galaw pa ang panga.
"Sorry na," sabay ng peace sign sa daliri nito.
Akalain ba niya kasing ito pala ang mapagbubuntunan ang inis kay Richard.
"Bakit ka kasi nanghahablot!" Bulong na sisi sa lalaki.
"Narinig ko iyon," parinig nito. "Ilibre mo na lang ako ng lunch para makabawi ka sa pananapak mo sa akin," ani ni Harvey.
Nanlaki ang mata ni Sabinah. Sakto pa naman ang pera niya at baka bukas pa ang sahuran nila.
"Sir naman, sakto lang pera ko. Ikaw na lang kaya manlibre," nakangiting wika rito.
"Ako ang nasapak ng wala sa oras tapos ako pa manlilibre." Angal niya rito.
"Alam ko, nanliligaw ka kaya sige na. Ikaw na manlibre," ani ni Sabinah sabay pa-cute rito.
Natawa na lamang si Harvey.
"Okay, ako na!" Anito saka siya inakay papunta sa kantina.
Dahil sabay sila ay muli na namang nagtitinginan ang mga empleyadong naroroon. Lalo pa noong sabay din silang kumain at idagdag pang naalog din yata ang utak ng boss ng sampalin ito dahil imbes na magalit ito ay nasobrahan ang asukal sa katawan at napaka-sweet nito. Saktong susubuan siya nito ng bumungad sina Maricar at Richard na magka-holding hands pa.
Napatingin ang mga ito sa kanila at matatalim ang titig ng mga ito sa kaniya.
"Let's talk." Maya-maya ay agaw ni Harvey sa kaniyang pansin.
"We're talking," aniya naman sabay nguya.
"Nope, what I mean is about our plan," anito na seryoso.
Tumitig siya sa guwapong mukha ng boss niya. "Okay," pagsang-ayon rito.
"It's between you and me. No feelings involve. Magiging asawa kita sa papel at titira ka sa bahay ko. Magpapanggap tayong mag-asawa sa harap nina mama at papa at maging sa mga kamag-anak namin hanggat hindi naililipat ni papa ang kompanya sa pangalan ko. Kapag nailipat na ito ay pwede na nating ipawalang bisa ang kasal at makakatanggap ka sa akin ng karampatang halaga. Gaya ng mga nasabi ko na noon sa'yo." Mahaba at seryoso nitong wika.
Napakunot noo siya habang pinapakinggan ang sinasabi nito. No feelings involve. Paano kung tuluyang mahulog siya rito.
"Ayaw ko ng seryosong relasyon."
Rinig buhat rito kaya nagtaas siya ng tingin at napadako ang mga mata sa mukha nito. Isang tanong ang umuukilkil sa isipan ng sandaling iyon. Bakit ayaw nito ng seryosong relasyon sa kabila ng edad nito.
Napansin ni Harvey ang pananahimik ni Sabinah habang nakikinig sa kaniyang sinasabi.
"May problema ba sa aking mga sinabi?" Tanong rito baka kasi may ayaw ito sa kaniyang sinabi.
"Ah—wala—wala naman." Kaila rito.
Natapos ang maghapon na nakababad ang mata sa computer. Nang sipatin ang orasan ay nabigla siya. Malapit nang matapos ang shift nila at kailangan na niyang mag-ayos dahil naghihintay na siguro ang kaibigang si Marian dahil plano nilang manuod ng sine. Mabilis siyang bumaba at tinungo ang parking area kung saan nakaparada ang kaniyang sasakyan. Buti na lamang at maayos na ito matapos ng dalawang linggo na pamamalagi nito sa talyer ng kaniyang kuya.
Mabilis ang mga paang tinungo ang kinaroroonan ng sasakyan niya ng marinig ang pagtawag ulit sa pangalan niya.
"Sorry Richard pero nagmamadali ako." Aniya saka binuksan ang sasakyan at pinasok ang sasakyan ngunit mabilis na inagap iyon ni Richard.
Nainis na siya. "Ano bang problema mo?" Buwisit na wika rito.
"Ikaw? Ikaw ang problema ko." Gigil nito.
"Ako? Bakit ako? Excuse me, wala akong ginagawa sa'yo. At pwede ba lubayan mo ako. Mali-late na ako sa—."
"Sa date ninyo ng boss natin?" Pagdudugtong nito. "Bakit? Sinuko mo na ba ang bagay na hindi mo maibigay sa akin noon?" Tila sumbat nito.
Matapang na lumingon rito. Tumitig rito saka unti-unting tumawa.
"Hindi siya katulad mo Richard. Walang-wala ka sa kaniya." Aniya saka ngumisi.
Nakitang nagngalit ang bagang nito. Nang bigla siyang hablutin at sibasibin ng halik nito nang isang tila bakal na kamay ang humila sa kaniya.
Napalunok siya ng makitang si Harvey iyon.
"May problema ba Mr. Malbar?" Matigas at seryosong tinig ni Harvey rito.
Biglang napayuko si Richard. "Wala naman po sir," tila maamong tupang wika nito.
"Makakaalis ka na," taboy rito. Tumitig muna ito sa kaniya bago umalis.
Napabuntong hininga na lamang siya. "Okay ka lang ba?" Tanong pa ng boss.
"Okay lang sir. Salamat." Aniya rito saka nagpaalam na dahil narinig ang pag-ring ng cellphone niya hudyat na nasa tagpuan na nila si Marian.
"Ingat ka."
Ngumiti siya rito saka kumindat. "Bye babe," aniya saka tumawa.