Chapter 3:

2013 Words
                        Marami ang nagtaka kung bakit Sabinah lang ang tawag ng kanilang boss sa kaniya. Mas lalong umugong ang bulong-bulungan sa kanilang opisina.           "My dad is coming in a bit. I want you to be here," aligagang eksplika ni Harvey sa babae.           Napatapik siya ng noo. Akala ay galit na galit ito, iyon pala ay aburido dahil mapapaaga ang pagpapanggap nila.          "So? Bakit kailangang naririto ako?" Maang na tanong.          "Ngayon na natin sisimulan ang pagpapanggap natin."         "What?" Aniya sa kabiglaan. Kahit sa isip ay alam naman na.         Buti na lamang pala at pusturang pustura siya ng araw na iyon. Kahit papaano ay ready na siya sa kaniyang role.        "I want you to be natural. Kailangan maisip ni papa na nagkakamabutihan na tayo. Na seryoso na tayo sa relasyon natin," aniya.        "Okay. Wait! Kinakabahan ako," aniya saka bumuga-buga pa. Kinakabahan siya. Binigla ba naman siya nito. Hindi pa naman siya nakapagpraktis ng script sa role na gagampanan niya.            Nang kumatok ang sekretarya niya ay senyales iyon na naroroon na ang ama.            Agad na hinawakan ni Harvey ang beywang ni Sabinah. Nabigla si Sabinah at tipong itutulak niya na ang lalaki ng bumukas ang pintuhan dahilan para matigilan siya.           "Mom! Dad!"         Gulat na wika ni Harvey. Hindi niya talaga inaasahang kasama rin ng ama ang kaniyang ina.           "Aheemmmm! It seems your busy huh!" Ani ng ama na tila tinutuya siya.         "Yeah. Babe, come here. Mom, dad meet Sabinah, my fianceè." Pakilala sa magulang.           Tumawa ang ama niya. Iyong tipo ng tawa na nang-uuyam.         "You're kidding right? Kilala kita. Maloko ka sa babae at ayaw mong mag-settle down," ani na kilalang-kilala talaga siya.                   "Mahal, baka naman nagbago na ang anak natin," pagtatanggol ng kaniyang mama.         "Mahal, anak ko iyan kaya kilala ko siya." Anito.         "Aahhheeemmmm! Hmmpp! Hello po," ngiting awat ni Sabinah.          "Oh hija. Buti naman at nakilala mo itong anak ko," mabait na wika ng ginang.         "Opo naman tita. Mabait naman itong si Harvey 'di ba babe?" Aniya sabay kindat sa lalaki.          "Ah eh, yes babe."           "'Di ba hindi mo ako lolokohin?" Aniya sabay diin sa huling sinabi.        "Ah! Oo naman babe." Walang nagawa si Harvey kundi ang sagutin ng oo ang bawat itanong ni Sabinah.       "'Di ba babe, sinabi mong bibigyan natin sila ng isang dosenang anak?"        "Ah—oo babe." Muling tugon ngunit nang mag-sink in sa utak ay agad siyang nagsalita. "Isang dosena? Masyado namang marami iyon babe," maang na turan ng magsink-in sa isipan ang sinasabi ni Sabinah.         "Joke lang iyon babe. See tito? Seryoso itong si Harvey," tawang-twang wika. Na nakitawa na rin ang amang kanina ay naiinis sa anak.         "I like you hija. Sana nga ay mapasunod mo iyang anak kong iyan," wika nito pagkatapos.        "Huwag ho kayong mag-alala tito, akong bahala kay Harvey." Saad sabay hawak sa braso ng lalaki. Pagkatapos noon ay nagkatinginan silang dalawa. Ngumiti lang siya rito saka kinindatan.         Walang nagawa si Harvey kundi ang makiayon sa pagpapanggap na siya ang may gawa.        "What brought you here mom, dad?" Tanong sa mga ito ni Harvey.        Tumawa ang ama nito.        "Just to checked if you really taking care of the business. Harvey, ikaw lang ang nag-iisa naming anak at ikaw lang din ang mamamahala nito. I don't want you to play around while the business is suffering. Ayaw kong mawala ito," seryosong turan ng ama.           Tingin kasi ng mga ito sa kaniya ay hindi magseseryoso dahil sa kaniyang pagiging babaero. Yes, maloko siya pero sa mga babaeng maloko rin. He just thirty at bakit ba sila inaapurang magseryoso na siya.         Nang mapansin ni Sabinah ang tensyon sa pagitan ng mag-ama ay agad siyang pumagitna.         "Ahmmmmm! Uhmmmmm! Sir, gusto mo po ba ng kape. Relax lang muna kayo, baka tumanda kayong bigla. Sige ka baka hindi mo maalagahan ang isang dosena mong apo,"  turan dito saka ngumiti.           Tumingin muna ito kay Harvey.         "Babe, maupo ka na muna. Kapag mainit na ang papa mo huwag mo nang sabayan," aniya rito.         Tumingin ng matiim si Harvey sa kaniya na tila ayaw ang ginawa niya. Ngunit pinanlakihan lamang niya ito ng mata. Ito ang may kagagawan ng pagpapanggap na iyon kaya dapat itong sumunod.           Wala itong nagawa kundi muli ay sumunod sa kaniya. "I like you hija. What's your name again?" Tanong ng mama ni Harvey na tudo ang ngiti. "Ikaw lang ang nakapagpasunod sa anak kong iyan." Dagdag pang turan.          Ngumiti siya rito bilang tugon. "Sabinah po ma'am."              "Call me tita Farrah."              "Nice to meet you tita," aniya saka nakipagkamay rito.               Very awkward naman ang pakikipagkamay na iyon at hindi namalayang nakipagbeso-beso sa kaniya ang mama ni Harvey.             "Hamo, hindi na kami magtatagal anak. Dumaan lang kami to check on you. Hopefully ay magtutuloy-tuloy na ito. By the way, yayain mo naman itong si Sabinah sa bahay." Pahabol pa ng mama niya.              "Tara na Henaro at baka ma-late pa tayo sa pupuntahan natin." Yakag na nito sa esposo.               Nang makaalis ang mga ito ay hindi mapigilang mapatawa ng malakas. Nababaghang nagtaas ng tingin si Harvey rito.               "What's so funny?" Gilalas na tanong.                "Ikaw? You look so tense. Mga magulang mo sila hellowwwww," aniya rito.               "They put a lot of pressure on my part—."                "Natural! Nag-iisa ka nilang anak at bakit ba ayaw mong magseryoso sa babae?" Kyuryos na tanong rito.                 Napaismid si Harvey. "Ayaw ko lang."                Si Sabinah naman ang napakunot ng noo.               "That's it! Ayaw mo dahil ayaw mo. Labo mo tsoooong."              Sumeryoso ang mukha ni Harvey.             "Are you getting my offer?"            "Ano sa tingin mo. Nagsimula na ako kaya ihanda mo na ang talent fee ko." Nakangising turan rito.             Napangiti na lamang si Harvey. He likes Sabinah's personality. Walang hassle. Buti na lamang at nakilala ito at tiyak na tumira man sila sa iisang bubong ay hindi siya magkakaproblema rito.              "Since wala na sina papa. You can go back to your work. No worries, gaya ng sabi ko. Kapag kinasal na tayo. Hindi mo na makikita ang ex mo. You'll stay at home and if you want. Bibigyan kita ng puhunan, make your own business." Anito.             Ngumiti ng napakaluwag si Sabinah.             "Sure, sige na babe. Babooo," aniya saka lumapit kay Harvey at halik sa noo nito.            "What's that for?" Gilalas ni Harvey dahil hindi napaghandaan ang ginawang iyon ng babae.              Tumawang muli ng malakas si Sabinah.              "Grabe siya, maswerte ka nga at sa noo lang." Pilyang ngiti rito. Napapailing na lamang si Harvey. Well, not bad. Sabinah is too pretty.             Paglabas ni Sabinah ay napabuntong hininga siya at napapikit pa sa kakiligan. Sino bang hindi tatamaan kung kasing guwapo ng boss niya ang magiging jowa niya. Mala-Ian Veneracion ang peg.               "Aha! May crush ka kay boss noh," paninita ni Hershey.             Agad siyang napadilat ng mata at nakita ang nanlalaking mata ni Hershey.             "Bawal ba? Gosh, makalaglag panty girl." Aniya rito.              Maya-maya ay nag-iba na ang awra ng kaharap. Kinilig din ito. "Oo nga girl, kaya kapag tinatawag ako niyan kinakabahan ako. Ang guwapoooo," tili nito.              "Ay taray—akala mo kung sinong makapanita eh siya rin naman eh pati singit kinikilig." Awat rito.             "Oh siya aalis na ako at marami pa akong gagawin." Ganadong wika saka naglakad papalabas kung saan naroroon ang kani-kanilang cubicle.              Hindi matanggal ang ngiti sa labi niya hanggang sa mapadaan sa gawi ni Maricar.              "Kumusta naman ang paglalandi mo?" Parinig nito.               Ngunit hindi niya iyon pinansin bagkus ay deretso lamang siya. "Aba't mukhang nakabingwit ng matabang isda naging bastos na!" Uyam nito.                Napalingon siya. "Ako ba ang kinakausap mo?" Aniya sabay taas kilay.               "Oo ikaw? Isang higad na pati—."               "Higad?" Aniya sabay tawa.                Nakuha ang pansin ng mga ilang kasamahan. "Higad! Sino sa atin ang higad. Ikaw na umagaw sa boyfriend—este ex ko o ako. Spare me Maricar. If may higad dito ikaw iyon!" Matigas na wika.               "Sabinah tama na!" Galit na turan ni Richard.                 Bumaling siya rito. "Sabinah tama na," ulit na pang-uuyam. "Pagsabihan mo iyang girlfriend mo. Siya yata ang hindi maka-move on. Parinig ng parinig. Insecure yata dahil mas maganda ako sa kaniya!"                 Palabang wika saka lumayas sa harapan ng mga ito habang nagpupuyos si Maricar sa galit na inaawat naman ni Richard.               Nang makaupo sa cubicle ay napabuntong hininga na lamang siya. Mahal niya si Richard at nasaktan siya sa ginawa nito pero sa pagdating ni Harvey ay kahit papaano ay naibabalik nito ang dating Sabinah na tinago dahil kumikilos siya ayon sa kagustuhan ng kasintahang si Richard noon.                "Taray girl. Supla si Maricar sa'yo! Aja!" Ani ng katabing si Claire sabay kindat.               "Dapat lang sa katulad niya," aniya rito. Ngumiti ito.               Sumunod na araw ay masaya siyang pumasok. Gaya ng nagdaang araw naging ganado siyang mag-ayos dahil sa bagong amo. Masakit man ang binti sa high heels ay pinipiling magsuot noon para naman kahit papaano ay lumi-level siya sa tangkad ng boss nila kapag kasama siya.                   Pagbukas ng elevator ay eksaheradang napatingin lahat sa kaniya. Tila siya diyosa na naglalakad na lahat ng tingin ay sa kaniyang nakapako.                  'Ganda ko talaga,' aniya saka ngumiti.                "Good morning," bati sa mga ito saka dere-deretso at napatigil siya ng makitang may lalaking nakatayo sa may cubicle niya at may hawak na bouquet of roses. Eksaheradang napatapik siya ng nakabukang bibig. Na tila nasa isang pelikula at slow motion ang lahat.                 Si Harvey nakatayo sa kaniyang cubicle habang may hawak na bouquet. Very iconic sa mga pelikula. Nang tila magbalik sa totoong mundo ay agad siyang naglakad at lumapit rito.              "Good morning sir. Anong meron?" Agad na tanong rito.              Napalingon pa siya sa lahat ng naroroon at sa gilid ay ang nakahalukipkip na si Maricar. Saktong palabas naman sa elevator si Richard na nabigla sa nakikitang eksena.              "Sabinah, can you be my girlfriend?" Tanong ng boss sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD