Mabilis na tumipa si Harvey sa kaniyang laptop. Nagcompose din siya ng sulat bilang tugon sa resignation ng babae.
Good Day Miss Llanes,
This is your new boss. I am sorry but I declined your resignation letter. I just wanna remind you also that this is not a love letter. If you resigning just because you're breaking up with you ex and you can't endure seeing him with other girl. Then don't mind.
See you around. Be beautiful.....
Your handsome new boss,
Harvey
Pahabol niya sa huling sabi rito.
"Hershey," tawag sa kaniyang sekretarya.
"Yes sir!" Agad naman nitong tugon.
"I will print something. Bring it to Miss Llanes," utos rito.
"Okay sir."
Napapangiti siya sa babae. She find it strange, kakaiba.
Maganda ito at hindi niya maintindihan kung bakit ipagpapalit ito ng lalaki sa iba. Sabagay nakita niya ang babaeng pinalit dito. Konti na lang ay makikita na ang buong kaluluwa. Lalaki rin siya at alam niyang isa iyon sa kahinaan ng mas nakakaraming kalalakihan.
Handang-handa na si Sabinah, hinihintay na lamang ang approval ng resignation letter niya.
"Hi Miss Llanes," bungad ng sekretarya ng kanilang big boss.
"Hi Hershey," ngiting bati rin dito. "Gumaganda ka yata ngayon ah," dagdag pa.
Tumawa ito.
"Ikaw kaya diyan, infairness ganda mo na," anito. "Ito nga pala pinabibigay ni sir," sabay abot nito ng nakatuping papel.
Agad niya iyong inabot at binasa ngunit halos mabulunan siya sa nabasa niya. Kilala na niya kung sino ang gumawa noon. Ang anak ng kanilang big boss.
'Chismoso ka rin pala, tse!' Aniya ng mabasa ang huling sinabi nito.
"Nakakainis!" Gigil na wika.
Walang nagawa kundi ibalik ang mga gamit sa mesa at muling sumobsob sa computer. Ngunit wala naman siyang gagawin kaya naglaro na lamang siya.
May mga report na dapat niyang tapusin pero nagpunta talaga siya roon upang magresign at walang balak gumawa ng anumang trabaho pero ayaw tanggapin ng bagong amo ang kaniyang resignation letter.
Naglaro siya ng text twist. Nawiwili na siya sa nilalaro hanggang sa may isang word na nahihirapan siyang buuhin. Tapos na niya lahat ng possible word at ang longest word na lang ang kinukuha niya. Engross na engross siya sa pag-iisip ng longest word nang may magsalita sa kaniyang likuran.
"Automatic," tinig sa kaniyang likuran.
Nakitang iyon nga ang sagot.
"Yes, you're right," aniya sabay harap rito at ganoon na lamang ang gulat niya nang mapagsino ang lalaking nasa likuran. Agad siyang napatingin sa mga kasamahan. Lahat ay tila busy kuno.
"Ssssssirrr," gulat na wika.
Nagpigil si Harvey na matawa sa hitsura ng babaeng nasa harap. Mukhang busy ito at nang makita ay busy nga sa paglalaro at hindi sa trabaho. Mas lalo pa ng makitang nanlalaki ang mata nito ng makita siya.
"Miss Llanes, can we talk?" Pormal na saad.
"Okay sir, we're talking already."
"I mean not here."
"In your office sir? Sure, no problem."
Agad na wika ni Sabinah saka tumayo at nauna pang maglakad. Lahat ay pasimpleng lumilingon sa kanila. Napasulyap siya sa puwesto ni Richard. Busy ito habang si Maricar naman ay simpleng sumilip.
Kinabahan siya konti pero kung matatanggal siya dahil sa nahuling naglalaro siya ay handa naman siya at iyon naman ang gusto.
Nakangiti pa si Hershey ng madaanan ito.
Pagpasok sa loob ng opisina ng bagong boss nila ay agad siyang nagsalita.
"Sir, can I seat?" Aniya.
"Sure, have a seat Miss Llanes." Agad namang tugon ni Harvey.
"Now sir, ano pong pag-uusapan natin?" Matatas niyang tanong kahit sa totoo lang ay tila nagbabawala ang mga bulate niya sa tiyan dahil sa kaba at sa kaguwapuhan ng lalaking nasa harapan.
Mukha namang maayos kausap ang babae. May pride naman ang bawat bigkas niya, ibang-iba sa babaeng nagmamakaawa sa boyfriend nito noong nagdaang gabi.
"Why do you want to resign?" Agad na tanong ni Harvey.
'Tinanong mo pa? Alam mo naman na di ba?' Bulong niya sa sarili.
"Wala sir, plano ko kasing—" putol na wika. Wala siyang maisip na idadahilan. "—mag-abroad sir. Oo mag-abroad," aniya.
Napailing na lamang si Harvey. Magsisinungaling na nga ang babae. Madali pang mabuko.
"Do you think I could buy that?" Maang na tanong.
"Buy what sir? I am not selling anything?" Gagad na turan naman ni Sabinah.
Nakitang kununot ang noo ang boss nila.
"I'm just kidding. Okay fine, alam mo naman na di ba? Dahil sa pesteng ex ko. Now, papayagan mo na ba akong magresign?" Nakamatang tanong rito.
Nagkatitigan sila.
"Hindi!" Huli ay sagot ni Harvey. "But I'm offering you another job." Anito.
"Another job?" Ulit niya.
"Yes. Another job, iyong hindi mo na araw-araw makikita ang ex mo."
"Talaga! Anong job iyan?" Interesadong wika. Kahit anong trabaho huwag lang makita ang pagmumukha nina Maricar at Richard ay okay na siya.
"Be my wife." Walang paligoy-ligoy na saad ni Harvey.
Dinig na dinig ni Sabinah ang seryosong sabi ng amo. Kaya napatawa siya ng malakas. Ubod lakas na halos maubo-ubo na siya.
"Ohhhh! uhhhhh! Uhhhhmmmm!"
Ubo niya sa lakas ng pagtawa. "Grabe! Ang galing mo palang magpatawa sir. Bilib na ako sa'yo. Grabe ng joke mo," turan habang hindi maampat-ampat ang pagtawa niya.
"Hindi ako nagpapatawa at seryoso ako." Muling saad ni Harvey doon ay napatigil na si Sabinah.
Tumitig siya sa lalaki. Guwapo ito, matangkad, maputi pero medyo tan gawa ng kagagaling lang yata sa beach, mayaman at mukhang matalino. Impossibleng nagkagusto ito sa kaniya. Hindi siya kagandahan, hindi katalinuhan minsan clumsy pa.
Agad niyang tinaas ang daliri.
"Sir ilan ito?" Tanong rito sa apat na daliri niya.
"Four," sagot nito.
"Eh ito?" Muli sa dalawang daliri.
"Two."
"Mali! Peace ang tawag dito." Tawang wika niya. "Mukha namang hindi ka bulag sir. Why you want me to be your wife?" Tanong sa lalaki.
Ngumiti si Harvey.
"I just want somebody to be with. Ayaw ko ng complications, no worries magagawa mo pa rin lahat ng gusto mo. Kailangan ko lang ng tatayong asawa ko sa harap ng aking magulang," sabad nito.
Napangiti na naman si Sabinah. Hindi pa kasi siya nito deniretso. Kung sinabi nitong mag-aartista siya eh kanina pa siya pumayag.
"Talaga sir? Magpapakasal tayo?"
"Yes. But once dad give me the company ay pwede na tayong maghiwalay. Huwag kang mag-alala dahil bibigyan kita ng kalahating milyon kapag nagkataon."
"Kalahating milyon?" Ulit niya.
"Yes. Pwera pa doon ang ibibigay kong allowance sa'yo every month since at that period ay legally ay kasal tayo." Litanya pa ni Harvey.
Sa hitsura ng babae ay tila batid na niyang papayag ito. Sa ugali nito ay tila madaling mapapayag. Mas maigi na ito kesa sa kasintahang si Megan atleast mas madaling iwan kapag tapos na ang pagpapanggap sa mata ng kaniyang magulang.
"Oh ano? Papayag ka ba?" Tanong ng makitang hindi na naimik ang babae.
"Sure," anito.
Ngumiti siya ng sa wakas ay pumayag ito.
"Okay, you can go back to work. Mag-uusap ulit tayo bukas. I think we should start pretending that I am courting you para mas kapani-paniwala kina mama at papa," saad pa rito.
"Okay," anito saka lumabas na. Naisip niyang magandang resbak ito para sa dalawang umapi sa kaniya. She's going to marry their big boss.
Hindi tuloy maiwasang mapangisi mtapos isara ang nilabasang pintuhan.
Pagbalik ni Sabinah sa upuan ay mas lalong lumawak ang pagkakangiti. May ilang pasilip silip pero hindi na niya pinansin.
'Makikita niyo?' Bunyi ng isipan.
Kinabukasan ay maaga siyang pumasok. Kailangan niya ring mag-ayos para naman hindi halata sa guwapong boss nila. Napangiti pa muli ng maalala ang offer nito.
'Be my wife,' umaalingawngaw sa kaniyang isipan ang sinabi nito.
"Aba girl, mababasag na ang salamin wala ka yatang balak tantanan. Bakit mukhang ang ganda-ganda mo yata ngayon?" Ang bulalas ng kaibigang si Marian.
"Naman! Maganda talaga ako girl, ngayon mo lang ba na-notice," masayang wika.
"Ay may pa-high heels pa ang lola. Iyong totoo, office ba ang punta mo o may date ka?" Saad ni Marian.
"Both!"
"Lukaret! Saan nga? May bago ka na bang jowa. Mas guwapo pa kay Richard?"
"Mismo!" Malakas na turan.
"Pak ganern! Talaga girl. Haaaaa—okay that's my girl." Tiling wika ni Marian.
"Ganyan girl, huwag kong ipakita sa Richard na iyan na affected ka. Naku girl, bongga ka diyan." Masayang wika pa nito.
Suot ang bagong-bagong biling dress papasok sa opisina nila. Ginastusan talaga niya ang outfit niya ng araw na iyon. Pagbungad pa lang niya sa opisina nila ay awtomatikong napalingon lahat ng naroroon sa kaniya. Ngunit dere-deretso lang siya sa kaniyang pwesto. Marami ang nagbulungan pero nagkibit balikat lamang siya.
"Wow! Mukhang nagpapaganda si manang o di naman kaya nilalandi ang bagong boss?" Tinig sa kaniyang likuran. Kahit hindi tignan ay kilala na nuya kung sino iyon. Si Maricar.
Tumayo siya at tumingin rito.
"Huwag ko akong igaya sa tulad mo. 'Di ba? Nilandi mo ang boyfriend ko—oppopsss ex na pala," aniya sabay tingin kay Richard na umiwas ng tingin.
"Ibibalik ko lang ang dating Sabinah noon na binago ng pagmamahal noon pero salamat na rin sa panlalandi mo atleast nagising ako sa kahibangan ko." Matiim na wika sa mga ito.
"What's happening here?" Tinig sa di kalayuan agad silang nagtinginan sa pinanggalingan noon. Ang kanilang boss.
"Sabinah, can you come for a bit? Everyone, go back to work. Miss Carpio, Mr. Malbar you can go to your cubicle. Sabinah follow me!" Utos ng kanilang boss na mukhang mala-tigre ang mukha.