"No. Please Rich, huwag naman ganito. Mahal na mahal kita."
Ang malakas na habol ni Sabinah sa kaniyang long time boyfriend na si Richard.
"Stop it Sabinah, tapos na tayo." Balik naman ni Rich sa babae.
"Hindi ako papayag, please gagawin ko ang lahat balikan mo lamang ako," sumamo pa niya sa kasintahan.
"I am sorry pero tapos na tayo. Tapos naaaahhhh!" malakas na ring wika ng lalaki.
"Bakit? Dahil ba ayaw kong ibigay ang matagal mo nang hinihiling?" sumbat na ni Sabinah sa dating kasintahan.
"s*x lang ba ang importante sa'yo?" malakas niyang turan, disente siyang babae pero kung kailangan niyang maging bulgar sa sandaling iyon ay gagawin niya makuha lamang pabalik ang lalaki.
Papapalabas na ng elevator si Harvey patungo sa basement kung saan naroroon parking lot ng kanila opisina ng marinig ang mga tinig.
Noong una ay batid niyang magkasintahan ang nga ito ng maya-maya ay napatigil siya dahil naintriga siya sa topiko ng mga ito.
"s*x lang ba? Sige, ibibigay ko sa'yo ang gusto mo!" ani ng tinig ng babae.
"What do you think, you're doing?" maang ng lalaki. Napasilip siya at nakita ang babaeng tila tinatanggal ang botones ng blusa nito.
"'Di ba ang ito ang gusto mo? Hiniwalayan mo ako dahil ayaw kong ibagay sa'yo ito 'di ba?" ani ng babae na tila nanabasag na ang tinig.
"I am sorry Sabinah pero hindi na kita mahal," diretsahan ng lalaki.
"For three years, okay naman tayo 'di ba? Tapos sasabihin mong hindi mo na ako mahal. Dahil ba sa malanding si Maricar? Dahil ba naibibigay niya ang nais mo. Heto ako, handa na akong ibigay ang matagal mong hinihiling," sumamo ni Sabinah.
"Pwede ba Sabinah, itigil mo na ito! Okay, minahal kita noon dahil maganda ka at naayos mo pa ang sarili mo. Look at yourself! Mukha ka nang Manang. Hindi pa nga kita nakukuha pero mukha ka ng Tita ko," wika ng lalaki.
Napakuyom ng kamao ni Harvey sa narinig. Yes, masasabi niyang brusko siya paminsan-minsan sa mga babae pero hindi siya nanlalait at nag-aalipusta.
"What? 'Di ba ito ang gusto mo? Ang hindi ako magsuot ng maiksi para sa'yo lamang ako! Tapos—tapos—susumbat mo lahat sa akin?" naiiyak nang wika ni Sabinah.
Nainis na rin ang lalaki.
"Ayaw ko na at pwede ba lubayan mo na ako?!" anito saka pumasok sa sasakyan nito.
Walang nagawa si Sabinah kundi ang muling isara ang botones ng damit at saka umiyak ng makaalis na ang sasakyan ng dating kasintahan.
"Ang galing mong lalaki ka! Naniwala pa naman ako sa'yo. Buwisit! Makikita mo! Makikita mo!" galit na galit at inis na inis na wika.
Naglakad na siya pabalik sa elevator.
"Aray kooooo," aniya sa paang natapilok sa kahahabol kay Richard.
"Ahhhhhhhh! Hayop na lalaking iyon, may pa-promise-promise pa. s*x lang pala ang habol," hikbi niya.
Napapailing na lamang si Harvey ng marinig ang hinaing ng babae.
"Ahhhhhh!" muling palahaw ng babae.
"Women," aniya saka tuluyang pinasibad ang sasakyan.
Pagkauwi ni Sabinah ay agad siyang umatungal.
"Grabe beshy, ang sakit. Pinagpalit ako sa higad. Ang sakit beshhhh," atungal niya.
"Ako rin besh, ang sakit sakit din besh. Ang sakit na ng tainga ko. Kanina ka pa umaatungal," ani ng kaibigang si Marian.
"Besh naman eh," aniya.
"Girl. Mellinials na tayo. No more heartache na. Nasaktan ka man, make it as a motivation," ani ng kaibigan.
"Wow! Ang brainy mo doon beshy," aniya sa kaibigan.
"Of course! Ako pa! Kaya tumayo ka na diyan at gogora tayo sa parlor ni Mamang Renee. Kailangan mong magpaganda at tignan lang natin kung hindi maglaway iyang Richard na iyan," anito sabay singkit pa ng mata.
"Nagmahal, nasaktan, nagpaganda lang ang peg mo! Kaya go lang ng go beshy," pampalakas loob pa nito.
Agad nga silang tumungo sa parlor ng kanilang kilalang parlorista. Maraming kuda ito dahil pasara na nga ito pero binulabog pa nila. Dahil tila naawa ng ikuwento nila ang ginawang panlalait ni Richard sa kaniya ay na-challenge ito at kinarer ang pagrebond ng buhok niya.
Matapos ng halos humigit kumulang tatlong oras ay maayos na siya.
"Iyan beshy, nagmukha ka na uling tao," ani ng kaibigang si Marian. Agad niya itong binatukan.
"Aray!" maktol nito.
"Pasimple ka manlait besh," aniya.
"Joke lang naman," anito sabay ngiti sa resulta ng makeover niya.
"Iyan, tignan mo lang kung hindi bumalik sa'yo ang jowa mo."
Pagmamalaki ni Mamang Renee sa kaniyang make over.
"Thanks," aniya.
"Hoy! May bayad iyan, kasama over time ha!" ani ng bakla.
"Oo na. Ito na," aniya sabay abot sa tatlong libo.
"Good!" anito saka ngumiti.
Kinabukasan maaga siyang pumasok. Marami sa opisina nila ang nanibago sa kaniya. Maiksi ang kaniyang skirt at magandang maganda siya.
"Wow! Mukhang kinarer mo ang overnight makeover mo ah. Halata ka girl?!" ani ng ilang kaopisina na hindi alam kung nang iintriga lamang o nilalait na siya.
"Hindi naman masyado," aniya. Ayaw niyang makipagplastikan sa mga ito.
Alam nila kung bakit siya nagpapalit ng image at alam niyang ilan sa mga ito ay lihim siyang pinagtatawanan.
"Ohhhh, wow! What a change!" Ang bungad ni Maricar kasama si Richard.
Tumingin din si Richard sa kaniya.
"Yeah. I just realize na huwag na huwag mo palang babaguhin ang sarili mo para sa isang tao dahil baka dumating ang araw na iyon din ang dahilan nito para iwan ka. Kaya, mag-iingat ka,"aniya rito.
Pinilit niyang magpakatatag para hindi siya maiyak sa harap ng mga ito.
Papasok na si Harvey sa opisina niya ng marinig ang kumosyon ng ilang empleyado niya. Hindi pa siya pormal na nagpapakilala sa mga ito dahil hindi pa siya pinapakilala ng ama. Naroroon lamang siya upang aralin ang pasikot-sikot ng kanilang negosyo.
"No worries, hindi ako magpapakamanang dahil ayaw kong iwan ako ni Richard kagaya ng ginawa sa'yo!"
Balik ganti ng isang babae. Nakita ni Harvey na ang lalaking kasama ng babae ay ang lalaking nakita sa parking lot kahapon.
Napangiti siya ng makita ang babaeng kausap ng babae.
'Not bad. She look pretty,' aniya sa isipan.
"Okay! Rendaha mo. Kasi once a cheater always a cheater," anito.
Mas lalong napangiti si Harvey.
'Women.'
Nang breaktime nila ay agad na nagtungo si Sabinah sa rooftop ng building nila. Doon niya binuhos ang inis niya saka muling umiyak. Kahit anong pilit ang gawin niya. Mahal niya pa rin si Richard at nasasaktan pa rin siya.
Nasa rooftop din si Harvey. Naroroon siya sa isang covered part ng rooftop kung saan ginawang cafe. Napakunot siya ng makita sa labas ang isang babae. Pamilyar ito at hindi siya nagkamali. Ito ang babaeng nilait-lait ng ex nito kahapon.
Nakitang umiiyak ito.
Lumipas ang ilang araw ngunit paulit-ulit lamang siyang nasasaktan sa tuwing nakikita sina Richard at Maricar. Tila hindi na niya kakayanin kahit ilang beses niyang kinumbinse ang sarili.
"Sure ka na ba diyan?" tanong ni Marian sa kaniya habang ginagawa ang kaniyang resignation letter.
Napapanalitang papalitan na raw ng anak ang kanilang boss kaya uunahan na niya ito.
Tumango siya bilang tugon sa kaibigan.
"Alalahanin mo mas mahirap maghanap ng trabaho kesa jowa ngayon," paalala pa nito.
Alam naman niya iyon pero hindi na healthy ang work place niya kaya mas gugustuhin niyang maghanap na ng iba kesa naman araw araw siyang nasasaktan.
Muli ay naluha siya.
"Girl, move on! Hay naku. Hindi worth ang Richard na iyan sa mga luha mo." Anito.
Sa wakas ay natapos din niya ang ginagawang resignation letter. Ipapasa na niya ito bukas para matapos na rin ang paghihirap niya.
Sunod na araw ay maagang pumasok si Sabinah upang maipuslit aa opisina ng kanilang boss ang kaniyang resignation letter. Nang ganap na pumatak ng alas otso ay biglang nagtawag ang kanilang operation manager.
"Attention everyone" malakas na tinig ng kanilang matandang dalagang operation manager.
Lahat sila ay napatayo sa kani-kanilang cubicle. Doon ay nasumpungan nila ang guwapong kasama nito. Napatirik pa ang mata niya dahil mukhang ipagmamalaki pa nito ang guwapong jowa nito.
"Good morning everyone. Siya nga pala ang ating bagong boss sa kompaniya. Siya ang nag-iisang anak ni Sir. Henaro Hernandez. Siya si Harvey Hernandez," pakilala nito.
Nanlaki ang mata ni Sabinah. Saka naalala ang resignation letter niya. Tila gusto niyang kumaripas ng tabo patungo sa opisina nito ngunit hindi na niya magagawa iyon. Habang hindi siya mapakali ay nagtitilihan naman ang ilang kababaihan dahil sa guwapong boss nila.
Aksidenteng napako ang tingin kina Richard at Maricar. Mas lalo siyang nainis.
'Grabe! Relax, Sabinah. Relax!' Pangkakalma sa sarili. Hindi na siya gumawa ng trabaho bagkus ay niligpit na niya ang kaniyang gamit sa mesa.
Pagpasok ni Harvey sa opisina niya ay agad na napansin ang nakatuping papel sa kaniyang mesa. Talagang sinadyang ipatung iyon doon base sa pagkakalagay nito. Nang iwan na siya ng kanilang operation manager ay agad siyang umupo sa kaniyang mesa at tinignan ang papel.
Halos mapaubo siya ng makita ang laman ng papel. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa nababasa.
This is a resignation letter not a love letter;
Dear Sir,
As I said this is a resignation letter and I am sorry but I have to do this. Thanks for giving me the opportunity to work with your company. Thank you so much.
Sincerely,
Sabinah Marie Llanes
Basa sa nakasulat roon. Muli ay napailing siya pero hindi niya mapigilang mapangiti.