(10) His Arrival

1752 Words
Diane’s POV Abala ang lahat sa pagaasikaso sa burol ni Don Frederico. Kahit bakas sa mga mukha naming lahat ang lungkot at kulang sa tulog ay ginagawa parin namin ang lahat upang maging maayos at maganda ang kanyang burol. Halos mapuno ng mga bulaklak ang buong malaking kwarto ng kanyang punerarya. Lahat ng mga kakilala niya sa negosyo ay dumalo rito. Lahat sila ang nakikiramay sa amin at talaga nga namang nalungkot sa pagpanaw niya. "Condolence, Diane." Napatingin ako kay Dr. Fuentes na kakarating lang. Siya ang personal doctor ni Don Frederico, nung dumating siya sa casa nong araw na 'yon ay huli na lahat. Labis siyang nalungkot sa kanyang nadatnan dahil wala ng buhay ang Don. Kita naman ang pagdadalamhati sa kanyang mga mata nang tignan niya ako ng deretso sa mukha. "Salamat po," tanging tugon ko sa kanya atsaka binigyan ng espasyo upang masilip ang Don sa kanyang kabaong. Sunod-sunod ang pagdating ng mga tao, may mga media pa nga sa labas pero hindi ko sila pinapapasok upang magkaroon ng privacy ang burol. Tsaka alam kong mag-uunahan lang sila sa pagtatanong sa akin at sa ibang tao rito. Don Frederico needs peace and even privacy at this very moment, at hindi ako papayag na hindi namin 'yon maibigay sa kanya. "Condolence, hija." "Our deepest condolences, Diane." Ilan lang 'yan sa mga pagbati ng mga taong bumibisita rito. Inasikaso namin sila lahat dito, may ilan na nakikipag-usap pa sa akin at kinakamusta ako. Hindi naman lumalayo mula sa akin si Aling Cena na halatang bakas sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala sa akin. "Nak, Diane," pagtawag niya sa akin habang nakaupo ako at nakatingin ng deretso sa kabaong kung saan nakahiga si Don Frederico. Hinawakan niya ang aking kamay na ikinatingin ko roon bago siya nilingon ng deretso. Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya sa akin bago hinaplos ang aking pisngi. "Umuwi ka muna kaya sa casa, anak? Magpahinga ka muna roon dahil alam kong hindi ka makakatulog dito sa pag-aasikaso sa burol ng Don." Pinagmasdan niya ang buo kong mukha. Siguro halata na ang puyat sa aking mukha. Sobra naman ang pamamaga ng dalawa kong mata kahapon dahil halos buong magdamag akong umiiyak sa kwarto ko at walang tulog. Kinailangan ko pa tuloy na magsuot ng salamin. Umiling ako sa kanya bilang pagtugon. "Ayos lang po ako, Aling Cena, wag ho kayong mag-alala sa akin. Malakas pa ako at kaya ko ang sarili ko." Tanging tugon ko sa kanya. Siya na naman ang umiling sa akin atsaka hinawakan ng maige ang aking dalawang kamay. "Hindi magugustohan ng Don ang ginagawa mo sa sarili mo ngayon. Makinig ka sa akin Diane, kahit ngayon lang..." Napayuko ako atsaka hinawakan din ang kanyang kamay. Biglang lumabo ang aking paningin at tuluyan na ngang tumulo ang mga luhang nagmumula sa aking mga mata. Pumatak sila sa kamay namin ni Aling Cena, naramdaman niya 'yon kaya kaagad niya akong hinila upang yakapin. I silently cried above her shoulders as I let my tears flow down my cheeks. Isa-isa na silang kinuha mula sa akin, una si Inay, ngayon naman ay si Don Frederico. Ang dalawang pinakaimportanteng tao sa buhay ay tuluyan na akong iniwan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga susunod na araw. Sa kanilang dalawa ako labis na kumukuha ng lakas upang magpatuloy sa buhay at ngayong wala na sila, nanghihina ako. Pinatahan ako ni Aling Cena atsaka ako inalalayan na tumayo upang maihatid ako sa labas kung saan naghihintay ang driver upang ihatid ako sa casa. Nang tuluyan na kaming makalabas sa punerarya ay kaagad kaming dumiretso sa parking lot atsaka kaagad akong ipinasok sa backseat. "Tatawag kaagad ako sa casa para ibalita sa'yo ang mga kaganapan dito sa burol ng Don. Wag mo na masyadong pagurin ang sarili mo Diane, andito naman kami." Mapait akong napangiti sa sinabi sa akin ni Aling Cena. Hinawakan niya ang aking kamay sabay sabi na magiging maayos din ang lahat. Tuluyan na niyang sinara ang pinto ng sasakyan at kasabay non ay ang pag-andar ng sasakyan paalis. Sinundan ako ng tingin ni Aling Cena hanggang sa tuluyan na akong napapalayo sa mismong lugar. Isinandal ko ang aking ulo sa sandalan atsaka hindi maiwasang mapa-isip si Stone. Alam na kaya niya ang nangyari sa kanyang Lolo? Ano ang gagawin niya sa oras na uuwi na ito rito sa Pilipinas? Tulad ko, labis din kaya siyang malulungkot? Sa lalim ng aking iniisip, hindi ko na napansin na tuluyan na pala akong dinalaw ng antok at nakatulog na sa biyahe. NAALIMPUNGATAN ako sa tunog ng pagsara ng isang pinto sa paligid. Nang maidilat ko ang aking mga mata ay kaagad kong nakilala ang kwarto kung nasaan ako nakahiga ngayon. T-Teka lang, kailan pa ako napunta rito? Ang pagkakaalam ko ay nasa loob ako ng sasakyan. "Gising ka na pala, mabuti naman kung ganon. Sakto lang pala ang pagdating ko." Awtomatiko akong napalingon sa isang direksyon kung saan may isang lalakeng nakatayo at may hawak-hawak na tray ng pagkain sa kanyang kamay. Ngumiti ito sa akin atsaka niya dahan-dahan na inilapag ang kanyang dala sa mesang nasa gilid ng aking kama. "Kumusta na ang lagay mo, Diane?" Umayos ako ng upo sa aking kama atsaka pinagmasdan ang kanyang mukha. Ilang taon na rin ang nakakalipas mula nong huli naming pagkikita, ang dami ng nagbago sa kanyang pisikal na anyo. "Diego..." wika ko sa pangalan niya. Ngumiti ito sa akin tulad ng mga ngiting binibigay niya sa akin nong pinapunta siya rito ni Don Frederico at pinaaral. Si Diego ay pamangkin ni Aling Cena, sabay kaming nagtapos ng high school pero lumuwas din siya sa ibang bansa dahil nakakuha siya ng scholarship sa isang prestihiyosong unibersidad sa Australia at doon nagtapos ng college. "K-Kailan ka pa nakauwi?" Nauutal kong sambit dahil hindi parin ako makapaniwalang makikita ko siya ngayon. "Kahapon lang, nang malaman ko ang balita mula kay Tiya Cena ay kaagad akong umuwi dito." Kaagad kong naramdaman ang pagkalungkot sa kanyang boses. Napayuko si Diego bago siya magsalita ulit. "Ni hindi man lang ako nakapagpasalamat kay Don sa lahat ng kabutihang nagawa niya sa akin," dagdag pa niya. Napalunok ako atsaka nag-iwas ng tingin, may namumuong mga luha na naman sa aking mga mata sa oras na 'to. "Diane, nasabi rin sa akin ni Tiya ang kalagayan mo." Lumubog ang kabilang parte ng aking kama atsaka ko naramdaman ang kamay ni Diego sa ibabaw ng aking mga kamay. "At least take good care of yourself... 'Yon ang huling habilin ni Don Frederico sa'yo, tama?" Deretso akong napalingon sa kanya nang sabihin niya 'yon. Kaagad na tumulo ang luha mula sa aking mga mata sanhi upang hilahin ako ni Diego papalapit sa kanya atsaka niyakap. "Tahan na..." aniya sabay nang paghagod sa aking likod. Isinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib nang maramdaman ko ang kanyang isa pang kamay na hinahaplos ang aking buhok. Naging ganon lang ang posisyon naming dalawa hanggang sa tuluyan na akong tumahan. Pagkatapos non ay inaya na ako ni Diego na kumain ng hapunan at ganon din ako sa kanya. Mabilis lumalim ang gabi at ngayon ay nasa loob na ako ulit ng aking silid. Si Diego naman ay gusto na sanang umuwi pabalik sa bayan dahil mag-aapartment lang daw muna siya bago lumuwas sa probinsya nila. Pero hindi ko siya pinayagan dahil masyado ng malalim ang gabi at baka mapano pa siya sa daan. Nagkatrauma na kasi ako kapag may aalis dito sa casa na gabi na, at dahil 'yon sa pagkawala ni Mama. Masyadong mapanganib ang daan tuwing sasapit ang gabi kaya hindi na nagpumilit pa si Diego na umalis at nagpasyang bukas na lang siya ng umaga babalik sa bayan nang mabisita niya rin ang burol ng Don. Bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw kaya nagpasya akong umalis muna sa aking silid atsaka dumiretso sa kusina. Ngunit hindi pa ako nakakapunta roon ay may narinig akong dalawang boses na tila nagbubulungan sa gilid. Kasabay non ay ang tunog ng pagbaba ng telepono. "Oh, anong sabi?" Rinig kong sambit ng isang tagapagsilbi dito sa casa. "M-Mariya... H-Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko..." "Ha? A-Ano ba kasi ang sabi ni Aling Cena? Sabihin mo na kaagad." Kaagad na nagsalubong ang aking dalawang kilay. May nangyari ba sa burol ni Don Frederico? Nagkaproblema ba roon? Kung ganon ay baka kailangan ko na kaagad na bumalik. Hindi ako mapapanatag at hindi rin ako makakatulog kung may hindi magandang nangyari doon na wala ako. "Si... Si Señorito... D-Dumating na si Señorito Stone at nasa burol siya ngayon." "HA?!" "H-Hinaan mo ang boses mo, ano ka ba!" Awtomatiko akong nabato sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang pinag-uusapan nila at kasabay non ay ang paglingon nila sa aking direksyon. Tila tinakasan ng dugo ang dalawa nang makita nila akong gulat na gulat. "Señorita Diane..." Halos sabay nilang sambit sa akin. "G-Gising pa pala kayo? K-Kanina pa ho ba kayo diyan?" Wika nong isa atsaka napalunok. Nagkatinginan silang dalawa nang hindi ako sumagot. Andito na siya... Nakarating na si Stone... "Señorita?" Deretso akong napatingin sa kanilang dalawa. Nawala ang uhaw ko dahil sa aking nabalitaan ngayon lang. "Gisingin niyo si Mang Efren, babalik ako sa burol. Ngayon din." Halata ang pagkagulat sa kanilang mukha at pag-aalala sa akin. "P-Pero Señorita Diane-" "Magiging maayos din ang lahat kung 'yan ang ikinabahala ninyo. Babalik ako sa loob ng aking silid para kumuha ng kardigan na maisusuot. Tawagin ninyo kaagad si Mang Efren, maliwanag?" Hindi na sila nagpumilit pa atsaka kaagad na tumango sa akin. Dali-dali akong bumalik sa aking kwarto atsaka sinuot ang kulay puti kong kardigan dahil nakabestidang pampatulog lang ako ngayon. Napatingin ako sa isang kwintas na pagmamay-ari ng Ina ni Stone na nasa ibabaw ng aking mesa dito sa loob ng aking silid. Binigay 'yon sa akin ni Don Frederico nong nakaraan kong kaarawan. This necklace was originally from Don Frederico's wife, nang mamatay ito ay ibinigay niya ang kwintas ng kanyang yumaong asawa sa Ina ni Stone na siyang pinakasalan ng kanyang yumaong anak na si Artemis; ang ama ni Stone. Hindi ko alam kung bakit binigay ito ni Don Frederico sa akin, pero kahit na ganon ay iniingatan ko ito at tinuturing yaman. Hinawakan ko ang kwintas at napaisip si Stone bago tuluyang lumabas sa aking silid atsaka sumakay sa isang sasakyan na nakaparada na sa labas ng casa. "Mang Efren, bumalik ho tayo sa burol," wika ko sa kanya na kaagad niyang ikinatango. Magkikita na tayo Stone... Makikita na kita...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD