(9) Farewell

1900 Words
Diane’s POV Taimtim kong pinagmamasdan ang magagandang bulaklak dito sa hardin ng casa. Kakapitas ko lang ng mga sariwang bulaklak para may bago akong mailagay sa loob ng silid ni Don Frederico. Nagisismula na rin kasing malanta ang mga bulaklak doon kaya kailangan ko ng palitan. Napatingin ako sa aking kanan nang makita ko si Aling Cena na lumabas mula sa bahay. Kaagad ko siyang tinawag na ikinalingon niya sa aking direksyon. “Aling Cena, san po ang punta niyo?” Tanong ko sa kanya habang bitbit ang isang basket na may mga bulaklak. Napatingin siya sa dala ko atsaka napangiti bago ako nilingon ng deretso sa mukha. “Kay gandang mga bulaklak naman ang pinitas mo Diane, kasing ganda mo.” Nakangiti niyang saad sa akin atsaka hinaplos ang aking pisngi papunta sa aking baba. Napangiti ako dahil don. “Pupuntahan ko si Nancy, papakainin ko muna siya,” dagdag pa niya. Napaderetso ako ng tayo atsaka napatingin sa kwadra ng mga kabayo sa gitna ng malawak na lupain ng Casa de Lincoln. “Ako na po ang bahalang magpakain sa kanya,” wika ko sa kanya atsaka ito ningitian. “Ay nako wag na anak—“ “Hayaan niyo na lang ho ako Aling Cena, baka mapagod pa kayo sa kakalakad papunta sa kwadra.“ Malayo-layo pa naman ‘yon mula dito sa mismong bahay. Nagpupumilit pa siya nong una ngunit kalaunan ay bumigay na rin. Binigay ko na lang sa kanya ang basket na bitbit ko atsaka siya ulit pumasok sa loob. Inayos ko ang suot kong bestida atsaka bota bago itinali ang aking buhok. Nakangiti kong nilakad ang malawak na lupain dito atsaka kaagad na pumasok sa loob ng kwadra nang tuluyan na akong makalapit. Hinanap ng aking mga mata ang nag-iisang kabayo rito sa loob. Kaagad akong napangiti nang makita ang kulay kayumangging kabayo na umiinom ng tubig. “Nancy,” wika ko sa pangalan niya bago siya hinawakan. Kaagad niya akong nilingon na tila kilalang-kilala na niya ang boses ko. Sobrang ganda niyang kabayo, malaki at halatang malakas din ito. Kumuha kaagad ako ng pagkain niya sa labas atsaka ito inilahad sa kanya na kaagad naman niyang kinain. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ko ito. May bigla akong naalala kaya kaagad na napalitan ng pagkapait ang aking matamis na ngiti. “Namimiss mo na ba ang amo mo, Nancy? Walong taon na rin kasi ang nakalipas eh noh?” Kinakausap ko ito na parang tao lang. “Di bale, sabi naman ni Aling Cena ay uuwi na siya rito sa katapusan. Makikita mo na rin siya, Nancy.” Nalaman ko kasi na regalo ito ng yumaong ama ni Señorito Stone sa kanya. Si Nancy ang huling regalong natanggap niya mula sa kanyang ama bago ito lumisan kaya ganon na lang kamahal ni Stone ang kabayong ito mula pa noon. At alam ko rin na mahalaga ito para sa kanya kaya inalagaan namin ito ng maige para sa kanya. Gusto ko pang makita na nakasakay si Señorito Stone sa kabayo niya habang nililibot ang sobrang lawak na lupain nila rito. May bigla akong naisip kaya hindi ko maiwasang mapangiti ng malapad habang nakatingin ng deretso sa kabayo na ngayon ay tapos ng kumain. “Naiisip mo ba ang naiisip ko, Nancy?” Tanong ko rito kahit na malabong maintindihan niya ako. Kaagad kong kinuha ang kanyang siyahan na nakasabit lang sa gilid atsaka ito ikinabit sa kanyang likuran. Nang maiayos ko na ito ay iginiya ko si Nancy sa labas bago kumapit sa kanya ng mahigpit atsaka sumakay sa kanyang likuran. I leaned closer to reach for her neck before saying something. “Libotin natin ang buong hacienda, Nancy!” I happily lead Nancy using the reins or strap that I am holding as she started to leap outside her barn. Halatang sobrang saya neto dahil ang liksi niya. Nakangiti ako habang nakasakay sa kanya. Malamig ang sariwang hangin na dumadapo sa aking balat at tinatangay ang ilang hibla ng aking buhok na hindi nasama sa pagkakatali. Pinunta namin ang isang lawa rito sa hacienda na may katamtaman lang ang laki atsaka ito pinagmasdan. Water lilies are floating above it and some lotus flowers, kay gandang pagmasdan. Naikwento pa sa akin ni Don Frederico noon na ito raw ang paboritong lugar ng yumaong asawa niya na si Donya Valencia. Simula nong nawala na ito ay halos hindi magawang puntahan ni Don Frederico ang lugar na ito noon. Ayon sa kanya, mas lalo lang daw siyang malulungkot sa tuwing pupunta siya rito dahil palagi niyang maaalala ang kanyang asawa. Kahit na ganon ay hindi naman ito nawawalan ng sigla at ganon parin kalinis at kaganda ang lawa na ito simula nong unang apak ko sa hacienda na ito. At dahil importante ito para kay Don, importante na rin ito para sa akin. "Nancy, sumilong muna tayo sa puno," wika ko sa kabayo atsaka ito iginiya papunta sa isang malaking puno rito sa tabi ng lawa. Nang marating na namin ang puno, bumaba ako mula sa kanya atsaka itinali sa isang maliit na bakod dito sa may tabi, halatang napaglumaan na rin ito dahil wala na ito sa ayos. Napangiti ako nang makita ang nakaukit sa puno. I traced my fingertips through the carved name on the old tree. "Stone was here..." bulong ko sa hangin habang nakatingin sa pangalan ni Stone na nakaukit doon. Hindi ko maiwasang alalahanin ang kwento sa akin ni Aling Cena tungkol sa batang Stone na palaging naglalaro rito sa punong ito. Maraming alaala si Stone dito kasama ang mga magulang niya dahil kada linggo ay dito raw sila nagpipicnic ng buong pamilya niya. Napatingin ako sa isang gulong na ginawang duyan atsaka doon umupo habang pinagmamasdan ang lawa sa aking harapan. Kung totoo man na uuwi si Stone dito sa Pilipinas, hinihiling ko na sana magkaayos na sila ni Don Frederico. Sana magkausap sila at magkabati dahil ilang taon na rin silang hindi nagkikita. Nalulungkot ako sa sitwasyon nilang dalawa, gustohin ko mang umalis na lang dito sa casa kung yun lang ang paraan na magkakabati sila, hindi ko naman magawa dahil kay Don. Ayaw niya akong umalis dito kaya ginagawa ko na lang ang lahat upang maalagaan siya ng mabuti para sa oras na darating ang pagkakataong magkikita sila ni Stone ay may lakas pa ito. "Señorita Diane! Señorita!" Napalingon ako sa kabilang parte ng lupain nang may marinig akong tumatawag sa akin. Kaagad akong napatayo mula sa pagkakaupo sa duyang de gulong atsaka tinanaw ang isang babaeng tagapagsilbi sa casa. Ilang metro pa ang layo niya sa akin ngunit napahinto na ito kaagad dahil sa layo ng kanyang tinakbo. "Bakit? May problema ba sa loob?" Sigaw ko sa kanya pabalik. Kaagad kong nilapitan si Nancy atsaka tinanggal ang pagkakatali sa kanya. "Señorita... A-Ang Don po! Si Don Frederico nahihirapan na pong huminga!" Tila tinakasan ako ng dugo at kasabay nang pagsigaw niya ay ang bigla kong pagkaramdam ng labis na kaba sa aking dibdib. Hindi ako halos makagalaw at muntikan ko pang mabitawan ang tali ni Nancy. "Señorita! Señorita Diane!" Nabalik ako sa aking ulirat nang bigla na naman akong tawagin ng tagapagsilbi. Nanginginig ang aking dalawang kamay na napakapit kay Nancy atsaka kaagad na sumakay sa kanyang likuran. Wala akong sinayang na segundo atsaka kaagad na pinatakbo ang kabayo papunta sa casa. Muntikan pa akong mahulog dahil bilis ng pagpapatakbo ko. Nang nasa likuran na ako ng casa ay kaagad akong bumaba mula kay Nancy, ibinigay ko naman kaagad ang tali sa isang lalakeng tagapagsilbi dito atsaka tumakbo sa loob. Hindi... Hindi pwede 'to... Sobrang bilis ng pagkabog ng aking puso nang tahakin ko na ang pasilyo papunta sa kwarto ng Don. Nang pihitin ko ang doorknob ng pinto ay kaagad akong pumasok sa loob. Napahinto ako nang makita ang Don na nilalagyan na ng oxygen mask, awtomatikong tumulo ang aking luha nang masaksihan ko ang kalagayan niya. "Don Frederico!" sigaw ko atsaka kaagad na tumakbo papunta sa kanyang kama. Andito si Alin Cena at ang ilang tagapagsilbi ng casa, ganon din ang nars ni Don na si Grace na ngayon ay may tinatawagan sa telepono. "Papunta na rito si Dr. Fuentes, Señorita Diane. Kumuntak na rin ako ng ambulansya," wika ne'to na ikinatango ko kaagad. Hinawakan ni Don ang aking kamay at pilit na tinatanggal ang oxygen mask sa kanyang mukha. "Anong ginagawa ninyo? Wag niyo pong tanggalin 'yan Don Frederico," sambit ko sa kanya at pilit na isinusuot pabalik ang mask sa kanya. Inabot ng Don ang kanyang mukha atsaka pinunasan ang luha sa aking pisngi bago ako pinapatahan. Mas lalo tuloy akong naiyak dahil sa kanyang ginawa. "D-Diane..." Nahihirapang sambit ne'to. Kinuha ko ang kanyang kamay atsaka iyon na pinisil. "Malapit na pong dumating ang tulong Don Frederico, k-kumapit lang ho kayo. I-Ipangako niyo po sa akin na l-lalaban kayo." Hindi ko maiwasang mautal habang sinasabi ang mga katagan iyon. Hindi pwedeng mangyari 'to, Diyos ko wag muna parang awa Niyo na. "U-Uuwi pa po ang apo ninyo, magkikita pa po kayo ni Señorito Stone k-kaya kumapit po kayo Don." Umiling ito sa akin atsaka pilit na ngumiti sa akin. Mas lalo akong napahagulhol dahil don at hindi na rin maiwasang mapaiyak nina Aling Cena sa gilid. "Diane... M-Makinig ka..." Napalunok ako bago inilapit ang aking mukha nang husto upang marinig ko ang mahina niyang boses. "I saw your mother last night," panimula niya na ikinaestatwa ko. "She thank me f-for taking good care of you a-and believe me, that was o-one of the best gratitude I've received. K-Kuntento na ako Diane a-at wala na akong ibang hihilingin pa." Bakas sa kanyang boses ang labis na panghihina. Hindi na rin normal ang kanyang paghinga. He's taking longer inhales and shorter exhales. Nakatingin lang ako sa kulay abo niyang mga mata habang nakahawak ng mahigpit sa kanyang kamay. Pinunasan ko ang panibagon luhang kumawala sa aking pisngi bago magsalita. "Ako rin po, buong buhay akong tatanaw ng utang ng loob sa inyo dahil sa pag-aaruga ninyo sa akin; sa amin ni Mama," sabi ko sa kanya. "Kaya kailangan niyo pong lumaban ngayon, Don Frederico. Kumapit lang po kayo sa akin at wag kayong bibitaw," dagdag ko pa. Kung kailangan kong manalangin ng araw-araw para lang iligtas Ninyo si Don Frederico ay gagawin ko. Hayaan po Ninyo na makita niya muna ang kanyang apo at makausap ito bago maging huli ang lahat. Nakikiusap po ako sa Inyo. "Diane... Promise me one thing..." Pinisil ng Don ang aking kamay bago magsalita ulit. "Choose whatever makes you happy a-and take good care of yourself for me." Awtomatiko akong tumango sa kanya atsaka hinalikan ang kanyang kamay na kulubot na. Ngumiti ito sa akin bago hinaplos ang aking pisngi. "I can now rest easy... Thank you, Diane... Thank you..." Unti-unti ng dumudulas ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak sa aking mukha na mas ikinaluha ko. Napahagulhol ako ng iyak nang isarado na niya ng tuluyan ang kanyang mga mata, ngunit bago tuluyang mawalan ng buhay ang Don ay may naibulong pa siya sa hangin. "Forgive me... Stone..." And with that, a single tear suddenly escaped from his eye. Sa araw na ito, tuluyan ng nawala ang tumatayong Ama ng Casa de Lincoln. Another beautiful life have come to an end and the whole household mourn for his leave. The casa will never be the same without him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD