(11) After 8 long years...

1277 Words
Diane's POV Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa kaba, hindi ko maiwasang mapahawak sa aking dibdib habang nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan. Madilim ang buong paligid at halos wala ka ng mga sasakyan na makikita sa daan. "Okay lang po ba kayo Señorita?" Deretso akong napatingin kay Mang Efren nang magsalita siya. "Ayos lang po ako, wag kayong mag-alala sa akin. Pasensya na po kung bigla-bigla 'to ngayon," paghihingi ko sa kanya ng despensa. Nakita kong umiling ito sa akin atsaka ngumiti sa rear view mirror ng sasakyan. "Nako señorita, ayos lang po," tanging tugon niya lang bago tuluyang itinuon ang buong atensyon sa harap ng kalsada. Naging tahimik na ang buong biyahe hanggang sa makarating na kami sa mismong lugar. Nang maiparada na ng maayos ni Mang Efren ang kotse, kaagad akong lumabas at dali-daling pumasok sa building. Napayakap pa ako sa aking sarili ng humangin. Kung totoo man na andito si Stone sa lugar na 'to, hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin sa totoo lang. Kung ano ang dapat kong gawin sa oras na makita ko na siya ng harap-harapan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya lalo na tungkol sa biglang pagpanaw ni Don Frederico na ako ang kasama. Kaagad kong iniapak ang aking mga paa sa loob atsaka tinahak ang daan papunta sa silid kung nasaan si Don Frederico ngayon. Walang tao rito sa labas ng pasilyo at tahimik ang buong lugar sa mga oras na 'to. Nang makita ko na ang silid ng Don ay mas binilisan ko pa ang aking paglalakad, ngunit kaagad din akong napahinto nang biglang bumukas ang magarang pinto ng kanyang silid atsaka doon iniluwa ang isang matangkad na lalake. Nakasuot siya ng kulay itim na coat at bukas ang unang tatlong butones ng kanayng kulay itim din na polong panloob. Napatigalgal ako sa aking kinatatayuan nang tuluyan na niya akong harapin. Kulay itim ang lahat ng kanyang suot, kasalungat naman sa suot kong kulay puti lahat. Nang magtama ang tingin naming dalawa ay halos manghina ako. It's been 8 years... 8 years of not seeing him yet here he is standing right in front me... Hindi ko alam pero parang naiiyak ako sa tuwa dahil sa wakas nakita ko na siya ulit, ngunit hindi ko rin maiwasang malungkot dahil sa ganitong klaseng sitwasyon pa talaga kami pinagtagpo ulit ng tadhana. Ang laki ng pinagbago niya, sa pagkakataong ito ay mas lalo silang nagkakamukha ng kanyang ama na si Señorito Artemis. He got almost the best features of his late father. Lumaki ang kanyang pangangatawan, mas lalo siyang tumagkad at mas naging maginoo ang kanyang awra. And his eyes... It was still the most beautiful and perfect set of gray eyes that I adore the first time I saw him. "Stone..." Hindi ko na maiwasang sambitin ang pangalan niya. Napahawak ako sa kwintas na ibinigay ni Don Frederico sa akin na mula pa sa ina ni Stone. Halatang galing pa siya ng airport dahil sa kanyang suot, paniguradong pagod na pagod siya ngayon. "Stone, bumalik ka," wika ko atsaka dahan-dahan na naglakad papalapit sa kanyang direksyon, Hindi siya kumibo, ni hindi rin man lang siya gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. Pinagmasdan niya lang talaga ako. Nang makalapit na ako sa kanya ay doon lang ako huminto. Nakatingala ako kay Stone at mas lalong pinagmasdan ang kanyang gwapong mukha na nakatingin din sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti at wala sa huwisyong iniabot ang kanyang mukha. "Don't you dare touch me with your filthy hands." Nabato ako sa aking kinatatayuan nang bigla siyang magsalita. Nanatiling nasa ere ang aking isang kamay atsaka napalunok nang makita kong mag-igting ang kanyang mga panga. Binawi ko naman kaagad ang aking kamay atsaka napayuko. "P-Pasensya na," mahina kong sambit. "Why are you here?" Matigas niyang tanong sa akin. Ramdam ko ang pagkainis sa kanyang boses ngayon na tila ba hindi nasiyahan sa bigla kong pagdating dito. "N-Nalaman ko kasi sa casa na dumating ka na at andito ka sa lamay ni Don Frederico, kaya nagpunta kaagad ako rito." Para makita ka at masabi ko sa'yo na kahit sa huling paghinga ng Don ay ikaw parin ang hinahanap niya. Narinig ko siyang napatawa ng mahina dahilan para tignan ko ulit siya ng deretso. Umiiling si Stone na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. "So, you're still in the casa huh?" aniya bago ako tinignan ulit sa mata. Napahakbang ako paatras nang bigla siyang lumapit sa akin bago ako tinignan mula ulo hanggang paa. "You're still the gold digger Diane I've ever known," aniya na ikinasinghap ko. "Masaya ka na bang wala si Lolo? Siguro ilang gabi mo rin 'tong pinalangin na mawala na siya para makuha mo na kaagad ang yaman niya hindi ba?" dagdag pa niya atsaka marahas na hinawakan ang isa kong braso. Napapikit ako ng diinan niya ang paghawak doon na tila pinipiga ako. "H-Hindi totoo 'yan... Stone, nasasaktan ako--" "Dapat ka lang masaktan." Hindi ako makapaniwala sa katagang lumabas sa kanyang bibig. Nanlilisik na ang dalawang magaganda niyang mga mata sa akin na para bang nakahanda siyang sugurin ako kung may gagawin akong hindi niya gusto. Walong taon. Walong taon na ang nakakalipas ngunit ganon parin ang tingin sa akin ni Stone. Walong taon na ang nakakalipas nong huli naming pagkikita pero ganon parin ang kinalabasan ng muli naming pagkikita ngayon. Walong taon na ang lumipas pero wala paring nagbago. Stone still loathe me just like the first time he laid his eyes on me. Biglang bumukas ang isang pinto sa likuran ko dahilan upang hilahin ako ni Stone sa isang sulok. Nang tuluyan ng nakaalis ang taong lumabas, ay kaagad niyang hinawakan ang magkabila kong braso at marahas na pinaharap sa kanya. "Get the fck out of here, you're such an eyesore. Sa oras na makita pa kita ulit dito, hindi ako magdadalawang isip na kaladkarin sa labas naiintindihan mo ba ako, Diane?" Buong diin niyang sambit. Niyugyog niya ako nang hindi ako sumagot sa kanya. "Do you fcking understand me." Pag-uulit pa niya. "Hindi." Hindi ko siya susundin. Hindi ko magawang iwan si Don Frederico ngayon. Nangako ako, nangako ako sa kanya na mananatili ako sa casa at aalagaan ko ang pamamahay niya. "Anong sabi mo?" Hindi makapaniwalang saan ni Stone sa akin. "Ang lakas ng loob mong huminde sa akin," dagdag pa niya at kulang na lang ay suntokin niya ang pader sa labis na pagtitimpi. "Nangako ako kay Don Frederico na hindi ako aalis ng casa," deretsahan kong sambit sa kanya habang nakatingin ng deretso sa kanyang mga mata. Natigilan siya saglit nang sabihin ko 'yon sa kanya. Binitawan na niya ako bago ako dinuro sa mukha atsaka magsalita. "You leave whether you like it or not and you can't fcking change my mind." That was the last words I heard from him before turning his back against me. Nang makita ko siyang naglalakad paalis ng lugar, tuluyan na akong napaupo sa sahig dahil bigla na lang nanghina ang aking mga tuhod. Hindi ko maiwasang mapaiyak habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa kwintas na suot-suot ko ngayon. Huminga ako ng malalim bago pinunasan ang ilang butil ng luha sa aking pisngi bago dahan-dahan na tumayo ulit. Ano na ang gagawin mo ngayon Diane ngayong andito na si Stone? Ano ang susunod mong hakbang para lang manatili sa casa at tuparin ang pangakong binitawan mo kay Don Frederico? Sa totoo lang, hindi ko alam. Nawawalan ako ng pag-asa tungkol sa bagay na 'yon ngayong ganon parin pala ang tingin ni Stone sa akin makalipas ang walong taon. He might changed physically, but not the way he sees me... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD