(16) First Sign

1565 Words
Stone's POV Nakaupo ako ngayon sa swivel chair ng aking opisina rito sa loob ng kompanya. My phone suddenly rings which made me look at it above my table. Napairap ako nang makita ang numero ng babaeng nakausap ko noon sa restaurant. We hooked up later that night after sending Diane back in the casa. It's just a simple one-night stand but this b***h kept on ringing my number and sending me some messages. I should block this girl. Biglang bumukas ang pinto ng aking opisina atsaka roon iniluwa si Caleb na may malawak na ngiti sa kanyang labi. "Hi, Stone! What's up?" He casually asked and make himself comfortable on my sofa. Kaagad niyang kinuha ang isang playboy magazine mula sa ilalim ng aking center table atsaka 'yon binuklat habang nakalagay ang dalawang paa sa ibabaw ng mesa. He's too comfortable... "What are you doing in my office without any appointment?" Payak kong tanong sa kanya habang binubuklat ang ilang papeles sa ibabaw ng aking mesa. "I got bored, tsaka kailangan ko pa ba ng appointment?" Kunot-noo niyang tanong habang binubuklat din ang magasin na hawak-hawak niya. Tinignan ko siya gamit ang mga mata ko na ngayon ay nakangisi na habang tinitignan ang mga babaeng hubo't hubad na sa magazine. Napailing na lang ako bago isinandal ang aking likuran. "Nga pala, umuwi na si Roezl kahapon kasama ang asawa niyang si Rhin at anak nila. I told them you invited them for a dinner tonight in the casa." Napaderetso ako ng upo nang marinig ko ang sinabi niya. "At kasama ako," dagdag pa niya bago ako tinignan atsaka ngumisi. Napaawang ang aking bibig atsaka kinuha ang stress ball ko sa gilid bago 'yon ibinato sa kanya ng malakas. Hindi niya 'yon inaasahan dahilan upang matamaan siya sa braso na ikinadaing ne'to. "Tangina, para san 'yon tol?!" "Sinong nag-utos sa'yo na gawin 'yon? Nag-iisip ka ba?!" Dalawang oras na lang at sasapit na ang gabi. Kaagad kong kinuha ang telepono atsaka tinawagan ang casa upang maghanda ng makakain dahil may bisita ako. Matapos 'yon ay nilingon ko ulit si Caleb na salubong ang dalawang kilay. This man is getting on my nerves sometimes. "Sweet! Makakadalaw na ako sa casa ulit!" Nakangiting saad niya atsaka tumayo na. Kinuha niya ang stress ball atsaka 'yon tinapon pabalik sa akin na kaagad ko namang naisalo. "Mauna na ako sa'yo, Stone, kita na lang tayo don." He then waved his hand at me with his other hand inside his pocket. Tingnan mo nga 'tong lalakeng 'to, kahit kailan talaga. "Hoy, san ka pupunta?" Huminto ito atsaka ako nilingon. "Sa casa." "You're not leaving my office without me. Sabay na tayong pumunta ron pagkatapos ng trabaho ko rito." He frowned before rolling his eyes. "Nah, mauna na ako don. At least may oras pa para makausap ko si Diane." Ngumiti ito na parang aso atsaka basta-basta na lang na umalis sa opisina ko. Kung gaano siya kabilis pumasok, ganon din ito kabilis umalis. Awtomatiko akong napatayo sa aking kinauupuan nang marinig ko ang huli niyang sinabi. Kaagad kong kinuha ang sking suit sa ibabaw ng aking swivel chair atsaka 'yon sinuot bago tuluyan umalis. I'll just finish my work tomorrow. Kailangan kong makauwi kaagad bago pa ako maunahan ni Caleb sa casa. He really is getting on my nerves this time. PINARADA ko kaagad ang aking sasakyan sa labas ng casa at dali-daling pumasok sa loob. May mga tagapagsilbing bumati sa akin ngunit hindi ko sila binati pabalik. Nauna pa ako rito dahil inutusan ko si Caleb na bumili ng wine kahit na may mga stocks pa ako rito. I want him to do something else before he got here. Kaagad na hinanap ng aking mga mata si Diane atsaka tinungo ang silid ne'to, nang buksan ko ito, walang Diane ang bumungad sa akin. Inis kong sinara 'yon at hinanap si Aling Cena. "Where is she?" Tanong ko rito. "Si Señorita Diane po ba?" "Who else could it be?" I said sarcastically. "Nasa hardin po siya Señorito. Kakaauwi niya lang galing sa trabaho." Trabaho? She's working? Since when? Tumango ako ng isang beses bago nilagpasan ito. Dumiretso ako sa hardin at don ko na nga siya nakita. Parang uminit kaagad ang ulo nang masilayan siyang nakatayo at pinagmamasdan ang mga tanim. "Diane." Calling her name feels like burning my own throat. "S-Stone." Napaatras siya ng isang hakbang nang makita akong mabilis na naglakad patungo sa kanya. Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid bago hinawakan ang kanyang braso atsaka dinala sa sulok. Tila napaso ako sa paghawak sa kanya kaya kaagad ko rin itong binitawan nang madala ko na siya sa gilid. "A-Ano po ang gagawin ninyo? May ginawa po ba akong mali?" Napapikit ako ng madiin bago siya binigyan ng isang masamang tingin. She sounds like an innocent girl and it irritates me even more. Salubong ang dalawang kilay kong hinawakan ang kanyang palapulsohan atsaka ito itinaas. Kaagad kong nakita ang gintong singsing doon sa malakandila niyang daliri. "Stop wearing this piece of shit." Sapilitan kong tinanggal ang singsing sa kanyang daliri at hini inalinta ang pagiging marahas ko sa kanya. Nang matanggal ko 'to ay inis ko itong tinapon sa harapan niya na ikinapikit neto. "Roezl and Rhin is going to visit here and so is Caleb." Humakbang ako ng isang beses papalapit sa kanya habang nakatingin sa maliit ne'tong mukha na kaagad naman niyang iniiwas sa akin. "I want you to act normally, do you understand me? Wag na wag mong mabanggit na ikinasal tayong dalawa dahil kung hindi malilintikan ka sa'kin." Matigas kong wika sa kanya. Diane nodded slowly while looking in the ground. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa, she's wearing her office attire. Tight black pencil skirt above her knees; showing her delicate and flawless legs and a baby pink blouse that is a little bit see-through. Naningkit ang mga mata ko lalo na't nakatirintas ang mahaba at maalon-alon nitong buhok dahilan upang makita ng husto ang leeg niya. Inis kong tinaggal ang pagkakatali sa kanyang buhok na ikinagulat ne'to bago. "Exposing yourself too much everywhere makes you an unwanted wife. O baka 'yan talaga ang istilo mo para makapang-akit ng mga lalake?" Parang may pumitik sa sentido ko nang biglang may pumasok sa aking isipan dahilan upang maitulak ko siya pasandal sa isang puno rito. "S-Stone, ano ba, nasasaktan ako." Pilit niyang tinatanggal ang aking kamay sa kanyang mukha ngunit tinabig ko 'yon at marahas na hinawakan ang kanyang baba bago inilapit ang aking mukha sa kanyang mukha. Napasinghap ito nang sapilitan ko siyang pinatingin sa akin ng deretso. "Nagtatrabaho ka ba talaga o lumalandi?" Matigas kong wika sa kanya na ikinabilog ng mga mata ne'to. "Ilang lalake na ba ang naakit mo at naikama, Diane?" Sunod kong tanong na mas ikinagulat ne'to. "Señorito Stone! May bisita po kayo rito, Caleb daw po ang pangalan." Hindi ako gumalaw sa aking pwesto at nanatili lang akong nakatingin ng deretso sa babaeng nasa harapan ko nang may tumawag sa akin. Nakaksiguro kong hindi nila kami makikita rito kaya hindi ako sumagot. Inayos ko ang aking tayo bago diniinan ang pagkakahawak sa baba ni Diane. She's terrified, I can see it on her eyes. "Isa ba si Caleb sa mga lalake mo?" Tanong ko ulit. Napakurap ng ilang beses si Diane na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Sagutin mo 'kong malandi ka!" "H-Hindi. Hindi ko gagawin 'yan, Stone, maniwala k--" Padabog kong binitawan ang kanyang baba atsaka umatas ng isang hakbang. "Stone! Man, nasan ka?" Narinig ko ang boses ni Caleb sa di kalayuan dahilan upang mapalingon ako roon bago tinignan ulit si Diane na nakayuko na ngayon. "Go to your room and wear something decent. Wag mo kong ipahiya sa mga bisita ko." Malamig kong wika sa kanya bago tumalikod at iniwan siya roon. Kaagad akong pumasok sa loob ng casa at kinausap si Caleb. Habang nag-uusap kaming dalawa nakita kong pumasok si Diane sa main entrance ng casa atsaka dumiretso sa isang pasilyo papunta sa kanyang kwarto. Hindi ito nakita ni Caleb dahil nakatalikod ito sa kanya. Pagdaan ng ilang minuto, lumabas na ito at suot-suot ang mahabang bestida ne'to na abot hanggang ibaba ng kanyang tuhod. Napatingin si Caleb sa kanya atsaka napatayo sa kanyang kinauupuan na may malapad na ngiti bago nilapitan si Diane. "Hi, Diane! How are you?" Rinig kong tanong ne'to sa kanya. Napatingin si Diane sa akin saglit bago nilingon si Caleb. I placed my index and thumb finger on my chin as I watched them talk a few distance from me. Make one wrong move Diane, just make one wrong move and you're done. May narinig akong pagparada ng isang sasakyan sa labas ng bahay dahilan upang mapatingin ako roon. "Andito na sila!" Masayang sabi ni Caleb atsaka hinawakan ang kamay ni Diane bago ito hinila papuntang main door. Naningkit ang mga mata kong nakatingin sa kamay niyang hawak-hawak si Diane. Nang tuluyan na kaming nakalabas, kaagad na binawi ni Diane ang kanyang kamay mula kay Caleb atsaka tinignan ang tatlong taong lumabas mula sa sasakyan. It's Roezl, Rhin, and their daughter. Rhin suddenly gave her daughter to Roezl and run towards Diane's direction and gave her an embrace. "Diane! Namiss kita!" Naiiyak na sambit ne'to. Nakita kong niyakap ni Diane pabalik si Rhin atsaka ngumiti. And right there, I suddenly froze a little bit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD