Diane's POV
Salo-salo kaming lima rito sa dining area ng casa. Si Stone ang nakaupo sa gitna at dulong bahagi ng mahabang mesa habang nasa magkabilang gilid naman niya ang dalawa niyang kaibigan. Katabi ko si Caleb at nasa tapat ko naman si Rhin na katabi ng asawa ne'tong si Roezl.
"Diane, nasan na ang nobyo mong si Diego?" Natigilan ako nang biglang magsalita si Rhin. Ang tahimik at tipid kung magsalita na kaibigan ko noon ay bigla nalang naging nag-iba. Alam kong dahil din 'to sa bago niyang pamumuhay sa America.
Pero hindi ko inaasahan na bigla niyang sasabihin ang mga katagang 'yon lalo na't nasa harap namin si Stone.
"May boyfriend ka na?" Tanong sa akin ni Caleb atsaka ako kaagad na nilingon. Hindi naman nakatakas sa'kin ay pagtingin ni Stone sa aking direksyon gamit lamang ang kanyang mga mata.
"A-Ano... h-hindi ko pa siya sinasagot," sabi ko sabay iwas ng tingin sa mga pares ng matang nakatutok sa akin. Tila nabunutan naman ang tinik ang mukha ni Caleb nang marinig 'yon habang lumungkot naman ang mukha ni Rhin.
Minsan na rin kasing nagtapat sa akin si Diego noon lalo na tuwing tatawag ito sa casa at mangangamusta kay Don Frederico, tiyahin niya na si Aling Cena atsaka na rin sa akin.
May natatanggap akong bulaklak at regalo mula sa kanya tuwing kaarawan ko. Mabait si Diego, sobra, kaya kahit na sinong babae ay hindi mahihirapan na mahalin din siya pabalik. Si Diego ang isa sa mga taong pinakaiingatan ko.
"Ilang taon na rin siyang nanliligaw sa'yo, tama?" Tumango ako kay Rhin atsaka ngumiti.
"Ang swerte mo Diane, may lalakeng gumagawa sa'yo niyan. Kung ako pa sa'yo, sagutin mo na si Diego, sinagot ko nga 'tong tatay ng anak ko nang walang ligaw-ligaw eh. Wala man lang nananalaytay na pagkaromantiko sa katawan." Mahina akong napatawa nang tignan ni Roezl si Rhin atsaka ngumuso matapos lunokin ang pagkain ne'to pero inismiran lang siya ni Rhin.
"Eh kung ligawan din kaya kita, Diane?" Natigilan kaming lahat nang biglang magsalita si Caleb. "Hindi mo pa naman siya sinasagot hindi ba? May pag-asa naman ako hindi ba?" Napalunok ako nang tuluyan akong harapin ni Caleb atsaka tinignan ng deretso sa mata.
"A-Ano..." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Parang nawala bigla ang dila ko.
Seryoso ba siya? Bakit sobrang bilis naman ata, medyo nabigla ako.
"Promise, magpapakabait ako. Just let me court you." Napaawang ang aking bibig nang makitang seryoso nga si Caleb sa kanyang sinasabi. Kahit sina Roezl at Stone ay natigilan din.
Hindi ako makakilos at ni hindi rin makapagsalita. In just an instant, I lost all the words that I wanted to say. Kilala ko si Caleb at minsan ko na rin narinig mula sa publiko ang tungkol sa mga babae niya. Caleb was known for his charismatic face and being a casanova.
"Kasi Caleb... ano--"
"Who wants dessert?" Napalingon kaming lahat kay Stone nang magsalita ito bigla na parang wala lang. Biglang tumunog ang cellphone ni Caleb sa loob ng kanyang bulsa dahilan upang kunin niya 'yon.
Caleb gave me an apologetic smile before excusing himself in the dinner table.
"Ako! Ice cream ba ang dessert?" Si Roezl 'yan.
"Oo, kunin mo sa loob ng ref ko." Napabusangot si Roezl sa sinagot ni Stone atsaka umalis, sinundan naman siya ni Rhin para tulungan sa pagkuha ng ice cream.
Biglang tumahimik ang dinning area nang kami na lang ni Stone ang naiwan dito. Yumuko ako atsaka tinignan ang aking mga daliri sa kamay nang mapatingin si Stone sa aking direksyon.
Parang mabibingi ako sa sobrang tahimik naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang tignan ngayon. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay sobrang sama ng tingin ni Stone sa akin.
Dahil ba yun sa nalaman niyang may nanliligaw sa akin? O baka dahil narinig niya mismo galing sa kaibigan niyang si Caleb na gusto akong ligawan ne'to. Maybe he's thinking I'm trying to seduce his friend once again, just like how he thought I seduce his other friend, Hayden--na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung nasan na.
Nakakapagtaka rin na hindi ko man lang narinig sa tatlong magkakaibigan ang pangalan ni Hayden ulit.
HINATID namin sina Rhin at Roezl kasama ang maganda nilang anak na si Rosie sa labas ng bahay hanggang sa labas ng kanilang sasakyan. Karga ko si Rosie sa aking bisig na ngayon ay mahimbing ang tulog, pasado alas nuebe na rin kasi ng gabi. Medyo natagalan pa kami kanina pagkatapos naming kumain dahil uminom pa ang tatlong magkakaibigan sa likod ng casa habang nasa loob naman kami ng guest room ni Rhin at Rosie kanina.
"Salamat sa pagpapatulog sa anak ko, Diane ha? Himala at nagpapakarga 'yan sa iba, umaayaw kasi si Rosie kung minsan at mas gustong magpakarga sa tatay niya." Napangiti ako sa sinabi ni Rhin bago dahan-dahan na ibinigay sa kanya si Rosie.
"Thank you, Diane," sabi naman ni Roezl habang nakangiti sa akin at naka-akbay sa asawa niya.
"Stone, mauna na kami ha? Salamat." Tumango ng isang beses si Stone kay Roezl bago kumaway sa amin ang mag-asawa atsaka sila tuluyang pumasok sa kanilang sasakyan.
Pinagmasdan ko ang sasakyan nilang umalis sa casa hanggang sa tuluyan na itong nawala sa aking paningin.
"Diane, I'll go ahead." Napalingon ako kay Caleb nang magsalita ito sa aking tabi. I faced him and smile before nodding as my response.
"Mag-iingat ka sa biyahe pauwi, Caleb." Lumawak ang ngiti sa labi ni Caleb atsaka ako biglang niyakap na ikinabigla ko.
"Of course, I will." Isang nakaw na halik sa pisngi ang ginawa niya dahilan upang tuluyan akong maestatwa sa aking kinatatayuan.
"Man, I'll go ahead. Thank you for the dinner," wika ne'to atsaka kinawayan si Stone bago naglakad palayo atsaka pumasok sa kanyang kotse..
Caleb waved his hand at me while smiling before driving his convertible car outside the dark road of casa.
Nanatili lang akong nakatayo dito sa labas hanggang sa umihip ang malamig na hangin ng gabi. The cold breeze of the night kisses the skin of my face and sway some of hair strands.
Tatalikod na sana ako upang pumasok sa loob nang maramdam ko ang pagtama ng isang matigas na bagay mula sa aking likuran. I almost jolted when I felt two warm hands on both side of my shoulders. Dahan-dahan itong dumausdos sa aking braso na ikinatayo ng balahibo ko sa batok.
"May nanliligaw sa'yo, hmm?" Napalunok ako nang maramdaman ang hininga ni Stone sa aking buhok. Hindi ako sumagot at parang unti-unti ko nang nararamdaman ang panginginig ng aking katawan.
"Look at me." He commanded which made me face him in a very slow manner. Nang harapin ko si Stone, nanatiling nakayuko ang ulo ko at nakatingin lang sa sahig.
Hindi ko siya magawang tignan sa mata dahil baka tuluyan na akong manghina. Stone's aura is getting heavier like the last time we're in a restaurant.
"I said, look at me." Dahan-dahan akong tumingala sa kanya hanggang sa tuluyan nang magtama ang tingin naming dalawa. Nagmumukha akong tupa habang nakatayo sa harap ng isang galit at gutom na leon.
"Sino si Deigo?" Payak kang tanong pero ramdam na ramdam ko ang lamig ng boses niya sa buong katawan ko, mula ulo hanggang paa.
"K-Kaibigan ko at manliligaw..."
"Nagpapalligaw ka?" Napalunok ulit ako atsaka dahan-dahan na tumango bago yumuko ulit. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa oras na 'to kaya nilalaro ko na lang ang tela ng aking bestida gamit ang aking mga daliri.
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang aking babae atsaka pwersahang pinatingin sa kanya ng deretso. Stone leaned his face closer to mine while clenching his jaw and his gray eyes raging in anger.
"Diba sabi ko, tignan mo 'ko? Simpleng utos hindi mo magawa," he said in a gritted teeth which made me feel terrified in just a snap.
"Kailan pa?"
"N-Nong 2nd year college pa lang kami," mahinang saad ko habang hawak-hawak parin ni Stone ang aking baba. He suddenly smirked before nodding as a response.
"Ang landi mo, alam mo ba 'yon? Sobrang landi mo."
"Stone, hindi ko pa naman siya sinasa--"
"Who f*****g cares? At ngayon ano? Magpapaligaw ka rin ni Caleb, ganon ba?" Kaagad akong umiling sa kanya ng ilang beses.
"H-Hindi, Ston--"
"Dapat lang, naiintindihan mo 'ko?" Piniga niya ang aking magkabilang pisngi habang nanlilisik ang dalawang mga mata niya. Masakit pero iniinda ko. Napahawak ako sa kanyang palapulsohan atsaka sunod-sunod na tumango bago niya ako padabog na binitawan.
Malakas 'yon o baka ako lang talaga ang tuluyang nanghina dahilan upang muntikan na akong mapaupo sa sahig ngunit kaagad niya ring hinuli ang braso ko atsaka dinala sa madilim na sulok dito sa labas ng casa.
Stone pinned me against the hard foundation before covering my mouth using his hand. At dahil nasa madilim kami na parte, hindi kami nakikita ng ilang tagapagsilbi na naglalakad dito sa labas habang may dalang trash bag sa kanilang mga kamay.
Hindi ako gumawa ng ingay habang si Stone naman ay nakamasid sa dalawang tagapagsilbing itinapon ang mga basura sa isang malaking basurahan dito sa labas ng casa.
Nakatitig lang ako sa magagandang kulay abo niyang mga mata na nasisinagan ng kaunting ilaw mula sa buwan. Nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla akong tignan ne'to atsaka binigyan ng isang masamang tingin dahilan upang umiwas kaagad ako.
Hinawakan niya ulit ang baba ko atsaka pinatingin sa kanya ng deretso bago magsalita.
"Sa oras na malaman kong nagpapaligaw ka sa iba, malilintikan ka talaga sa'kin." Kahit natatakot, nagawa ko paring tumango sa kanya habang nakatingin ng deretso sa mga mata ne'to.
"You're carrying my name because of that piece of f*****g paper. Bring shame to my name Diane and I swear you'll taste hell, you got me? Wag mo kong ipahiya dahil hiyang-hiya na ako ngayon pa lang matapos akong magpakasal sa isang klaseng babae na katulad mo." And then just like that, his words got me like an arrow straight into my chest.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumulo ang mga luha ko sa harapan niya. Imbes na makonsensya, mas lalong nagalit si Stone nang tumulo ang luha ko sa kanyang kamay na nakahawak sa baba ko.
Kaagad niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi gamit lamang ang isa niyang kamay atsaka 'yon piniga.
"Don't f*****g cry in front of me. Hindi ako madadala sa paiyak-iyak mo." Matigas niyang sabi bago pumasok sa loob ng casa. Napalunok ako atsaka kaagad na pinunasan ang mga luhang kumawala sa aking mga mata.
Napatingala ako sa kalangitan atsaka hiniling na sana matapos na 'to kaagad dahil sa oras na ikinasal ako kay Stone, isa na akong bilanggo sa kanyang mundo.
And I just want to escape no matter how much I love him.