(15) Wedding Day

1737 Words
Diane's POV Seryoso si Stone sa plano niya dahil ngayon ay papunta na kami ng huwes. Kahapon pa lang mula nong pinirmahan ko ang prenup agreement namin, halos hindi na mapakali si Stone na sumapit kaagad ang bukas. He's obviously rushing things. Atat na atat na siyang makuha ang yaman ng pamilya niya at masolo ito bilang nag-iisaang tagapagmana ng lahat. Halos hindi naman ako nakatulog kagabi dahil pauli-ulit akong binabagabag sa ginawang paghalik ni Stone sa akin sa loob ng opisina ng Don na ngayon ay opisina na niya. Iyon ang ikalawang pagkakataong nahalikan ko siya sa labi. Ang una ay nangyari walong taon na ang nakakalipas. Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa litrato ng aking ina at ni Don Frederico rito sa kwarto ko. Hawak-hawak ko ang suot kong kwintas na ibinigay ni Don sa akin. Pinili kong suotin ito uli dahil sa kasalang magaganap ngayong araw. Hindi na dapat ako mag-ayos pa dahil parang kaswal na araw lang naman ito para kay Stone. There's nothing special in our wedding day. Ang sarap isipin na ikakasal ako sa kanya dahil minsan ko na rin 'yong pinangarap; ang maikasal sa lalakeng mahal ko. Pero sa pagkakataong ito, hindi ko magawang makaramdam ng labis na kasiyahan dahil alam ko naman ang rason kung bakit niya ako papakasalan. Alam ko ring may hangganan ito dahil sa oras na makuha na niya ang lahat, tutuldukan na rin niya ang bagay na naguugnay sa aming dalawa. May narinig akong pagkatok sa labas ng aking pinto dahilan upang mapatingin ako roon. "Señorita? Naghihintay na po si Señorito Stone sa inyo sa labas." "Lalabas na ako, salamat." Iyon lang ang tanging tugon ko atsaka kaagad na tumayo. Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin sa huling pagkakataon. Isang simpleng puting bestida lang ang suot ko na umaabot hanggang sa ilalim ng aking tuhod at nakapusod ang aking mahabang buhok. Kaagad akong lumabas ng kwarto atsaka nilapitan si Stone na nagbabasa ng dyaryo sa sala. "T-Tapos na ako," wika ko sa kanya na ikinalingon ne 'to sa akin. Kaagad itong natigilan atsaka ako tinignan mula ulo hanggang paa bago niya sinara ang kanyang dyaryo. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa habang umiiling bago ito tuluyang tumayo. "You don't really have to prepare well, Diane. Masyado mong ginagalingan sa pag-aayos, baka mapaniwala mo ang judge na nagmamahalan tayong dalawa," bulong sabay tawa bago naglakad palabas ng casa. Nakapakit ako sa aking bestida atsaka siya sinundan kaagad sa loob ng kotse. Oo nga naman, dapat talaga hindi na ako nag-ayos pa. "Let's go straight to the city hall," utos ni Stone sa driver nang makapasok na kami sa loob. Nanatili lang akong tahimik buong biyahe hanggang sa marating na namin ang city hall. Lumabas si Stone at iniwang nakabukas ang pinto ng sasakyan bago siya tuluyang naglakad sa loob. Napabuga ako ng hangin atsaka ito sinundan, buti na lang at nakita ko pa ito sa dulo ng pasilyo bago lumiko sa kaliwa. Halos takbuhin ko ang loob ng city hall masundan ko lang siya. Pumasok siya isang pinto at nang maisara niya ito, don ko pa lang ito nabuksan. May judge at isang witness kami, yun daw ang lawyer ni Don Frederico sabi ni Stone sa akin kanina. Nagsimula kaagad ang maliit na seremonya. Hindi dapat ako kabahan pero hindi ko talaga maiwasan. Ito ang unang pagkakataong ikakasal ako kaya hindi ninyo ako masisisi. We're exchanging some vows that we'll never even follow. Nang sabihin ni Stone ang mga katagang yon, gusto ko siyang paniwalaan na gagawin niya talaga 'yon sa akin. Kahit sa oras na 'to man lang... pero alam kong malabo yun. After the judge announced that we are now husband and wife, Stone did the kissing. Mabilis at maikli lang ang halik na ginawa niya sa akin at imbes sa labi, sa pisngi niya lang ako hinalikan. Hindi nagtagal ay umalis na rin kaagad kaming dalawa. Mula kanina, tahimik parin ako hanggang ngayon habang nakatingin sa labas ng bintana. Don na kumunot ang noo ko nang ibang daan na ang tinatahak ng driver. "San tayo pupunta? Hindi pa ba tayo uuwi sa casa?" Tanong ko kay Stone na ngayon ay busy sa kanyang cellphone. "What do you think do newlyweds do after their wedding, Diane? Dederetso ba sila sa bahay?" natigilan ako sa sinabi niya nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin. Nanlamig ang aking mga kamay atsaka palihim na napahawak sa aking bestida. "S-Stone, kailangan ba talaga nating gawin 'yan?" Pati ba sarili ko ibibigay ko rin sa kanya? Akala ko ba pipirma lang kami matapos ng kasal na parang isang normal na araw lang? Nilingon niya ako na salubong ang dalawang kilay na tila ba hindi alam ang pinagsasasabi ko. "What the hell are you trying to imply? Kakain tayo, Diane. I'm hungry." Bigla akong namula sa sinabi niya at hiniling na sana ay kainin na ako ng lupa ngayon. Ang dumi-dumi ng utak mo Diane! Natigilan saglit si Stone bago ako nilingon ulit na may ngisi sa mga labi. "Perhaps you're suggesting something else, hmm?" Mas lalo akong namula sa sunod niyang sinabi. Lumapit si Stone sa akin dahilan upang mailayo ko kaagad ang aking sarili sa kanya. Napalunok ako nang ilapit niya ang aking mukha kaya napayuko kaagad ako. Stone stopped but his breath touches the skin of my cheeks which make me flushed more. Halatang-halata na ako ngayon dahil sa namumula kong mukha. "I won't bed a boring woman like you, Diane." Tila binuhusan ako ng isang malamig na tubig nang sabihin niya 'yon. "I will never waste my energy to a filthy woman like you, tandaan mo 'yan," he continued with a greeted tooth before pulling himself away from me. Nanatili lang akong tahimik dito sa gilid habang nakayuko at nakahawak sa aking bestida. Stone didn't talk again nor looked at my direction until we arrived at his favorite restaurant. KUMAKAIN na kami ngayon sa loob, nang matapos na siya ay hinintay niya pa ako. Don ko siya napansing tinanggal ang singsing sa kanyang daliri atsaka 'yon inilagay sa kanya bulsa bago tinignan ang isang magandang babae sa kabilang table. Palihim ko siyang pinagmasdan na ngumingiti sa babae habang nakahawak sa kanyang baba. The girl noticed him and stare at him as well. Nagpapalitan sila ng malagkit na tingin sa isa't-isa hanggang sa tuluyang tumayo ang babae atsaka nagtungo sa bar section ng restaurant. Stone didn't excuse himself, he just stood up and walk away and followed the girl. Natigilan ako sa ginawa niyang pag-iwan sa akin dito at hindi maiwasang masaktan. Sinundan ko sila ng tingin nang huminto sila sa bar at sabay na umupo sa isang high stool atsaka umorder ng maiinom. Umiwas kaagad ako ng tingin atsaka tinignan ang aking pagkain. Tinapos ko na lang 'yon dahil ayaw kong magsayang ng pagkain. Naiihi ako kaya naghanap ako ng restroom. Pagkalabas ko ng restroom, may nabangga akong lalake kaya nagsorry kaagad ako sa kanya. "Pasensya na, hindi ko po sinasadya." Yumuko ako sa kanya ng bahagya. "No, it's fine. Pasensya ka na rin," sabi niya sa akin. Don ko lang napansin na may hawak siyang wine at naibuhos niya yun sa puti kong bestida. May kulay pulang mantsa na ang damit ko kaya nataranta ang lalake nang makita 'yon. "s**t, I'm sorry! I'm really sorry." Kaagad niyang kinuha ang table napkin sa isang bakanteng table atsaka 'yon ginamit upang punasan ang damit ko. "Pasensya ka na talaga. Now, I ruined your dress." "O-Okay lang, aksidente naman 'yon." Umiling ito atsaka pinunasan pa yung damit ko. Napamura ito nang hindi talaga matanggal yung mantsa. Natural, hindi talaga yan matatanggal sa papunas-punas lang. "This is all my fault. I'm really sorry." Don ko lang siya natignan sa mukha at halos mapatitig ako sa kanya dahil parang hindi siya isang Pinoy. Katulad siya ni Stone na may lahing banyaga. His features and his physique are shouting power and dominant. But his facial expression is so soft. Napatanga ito nang makita rin ang mukha ko. Nagtitigan kaming dalawa bago siya ngumiti atsaka napakamot sa kanyang batok at nagsorry ulit. "You know what, I should buy you a new dress. Sorry talaga." He asked for my name and my phone number to contact me para raw alam niya kung saan niya ipapadeliver ang damit. Yung pangalan ko lang ang ibinigay sa kanya at ang address ng casa, hindi ko binigay ang number ko. "Lincoln? Nakatira ka sa Casa de Lincoln?" Tanong niya habang nakakunot ang kanyang noo. "Oo, bakit?" He looks intrigued which makes him lean closer to me. Tinitigan niya ng mabuti ang aking mukha na ikinalunok ko. "You don't look like a Lincoln, and I never heard that the Lincoln household have a beautiful lady like you." Don na ako kinabahan. Kilala niya ba ang mga Lincoln? Kilala niya ba si Stone? Hindi ko dapat ibinigay sa kanya ang address ko, dapat talaga yung numero ko na lang. "Who the f**k are you?" Natigilan kaming dalawa nang may isang malalim at malamig na boses ang bigla naming narinig mula sa likuran ng lalakeng kaharap ko. A taller and tougher physique of a man was standing behind him. The atmosphere became heavier each second and it became darker as well. Natigilan yung lalake nang makita si Stone atsaka ito tumahimik bigla. "S-Stone Lincoln, ikaw pala 'yan. I never expected to see you here." Hindi sumagot si Stone sa kanya atsaka ako tinapunan ng tingin na ikinalunok ko. "You're eyeing on my prey. Get lost before I gouge your eyes." Dali-daling naglakad paalis ang lalake at hindi na ako nilingon pa ulit. Napasandal ako sa pader nang ihakbang ni Stone ang kanyang mga paa papalapit sa akin. Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa atsaka napatingin sa aking bestidang may mantsa bago ako tinignan sa mata. "Umalis lang ako saglit, nakipaglandian ka na sa iba. Anong klaseng asawa ka?" Matigas niyang wika atsaka marahas na kinuha ang palapulsohan ko. We got back on our table and left thousands of bills on it before taking my wrist again. Halos kaladkarin na niya ako papalabas ng restaurant atsaka ako ipinasok sa kanyang kotse na may nagbabagang mga mata, kulang na lang umusok pati ang ilong niya. Gusto kong isumbat sa kanya ang kanyang ginawang pag-iwan niya rin sa akin kanina para sa ibang babae ngunit hindi ko na lang ibinuka pa ulit ang bibig ko hanggang sa makauwi na kami sa casa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD