Diane’s POV
Ilang linggo na ang nakalipas mula noong una kong nakita ang mga kaibigan ni Stone. Simula noon, halos palagi na rin silang bumibisita sa hacienda hanggang sa tuluyan ng bumalik ang klase. Nagdodorm kasi si Stone at mga kaibigan n’ya sa paaralan, hindi tulad ko na hatid-sundo palagi.
Nagaaral na rin ako sa paaralan kung saan nag-aaral si Stone. Halos hindi ko mapigilan na tumalon-talon sa ibabaw ng kama ng sabihan ako ni Don tungkol doon.
“Diane!” Napatingin ako sa babaeng tumawag sa’kin. Ngumiti ako sa kanya atsaka kumaway bago tuluyang tumakbo papalapit sa kanyang direksyon.
“Magandang umaga, Liera!” Masayang bati ko sa kanya. Kaagad naman akong niyakap ng aking kaibigan at hinaplog-haplos ang aking buhok.
“Oh, Diane, ang aking napakainosenteng Diane. Tinatrato ka ba ng maayos sa hacienda ng mga Lincoln?”
“Liera, wag mong pigain si Diane. Ikamamatay niya ‘yan.” May biglang nagsalita sa gilid namin ni Liera. Boses pa lang niya, kilalang-kilala ko na.
“N-Nako! Pasensya na! Pasensya ka na!” Kaagad namang lumayo si Liera sa akin atsaka napakamot sa kanyang batok. Napalingon ako sa babaeng nagsalita kanina atsaka binati rin siya.
“Magandang umaga, Rhin.” Sinuklian ako ng isang ngiti ni Rhin.
Sila ang mga kaibigan ko rito sa bagong paaralan na pinapasokan ko. Si Liera ang una kong naging kaibigan, natutuwa ako sa personalidad niya lalong-lalo na’t ang pagiging maalalahanin ne’to. Si Rhin naman ay parang may burol na pupuntahan araw-araw dahil sa kanyang hitsura, walang ekspresyon ang kanyang mukha at tipid lang siyang magsalita, kasalungat siya ni Liera. Napakaoverprotective naman ni Rhin pagdating sa aming dalawa.
May narinig kaming tilian sa kabilang parte ng hallway kaya kaagad akong napalingon doon.
“Tss. Andito na naman ang mga babaerong mahahangin.” Dinig kong bulong ni Liera sa gilid. Noon pa man hanggang ngayon, ayaw na ayaw na niya sa grupo nilang Stone.
Nakatuon lang ang aking pansin sa lalakeng nasa likuran at tahimik lang sa paglalakad habang nasa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon ang kanyang kamay. Nakasuot naman siya ng earphones at halatang may pinakikinggang musika.
“Diane!” Halos sabay ang tatlong kaibigan ni Stone ng tawagin nila ako. Dali-dali silang tumakbo papunta sa aking direksyon para batiin ako ngunit bigla silang napapreno ng humarang sina Liera at Rhin.
“Nak ng—tumabi ka nga Liera! Hindi ikaw ang pakay ko!” sambit ni Caleb sa kanya. Magkaclubmate silang dalawa sa journalism pero animo’y aso’t-pusa dahil palagi na lang nagbabangayan.
“At sino ka para utusan ako?! Ayokong maimpluwensyahan ng kademonyohan ang aking Diane!” Nagsusukatan na silang dalawa ng tingin.
“T-Teka lang, nasa hallway tayo baka mapagalitan na nama—“
“Look who’s against on my way, again… Hmm, Rhin?” Napatigil ako sa pagsasalita at napalingon kay Roezl. Isang walang ganang tingin lang ang ibinigay sa kanya kay Rhin.
“Englisherong bobo, pinoprotektahan ko lang si Diane mula sa’yo,” plain na sambit niya kay Roezl. Animo’y nag-aaway silang apat sa pamamagitan lang ng mga masasamang tinginan sa isa’t-isa.
Inakbayan ni Hayden sina Roezl at Caleb atsaka sila hinila palayo. Nakahinga naman ako ng maluwag sa ginawa ni Hayden, buti na lang talaga at andiyan s’ya. Ayoko kasing maulit na naman ang pangyayari noon na lahat kami ay pinapunta sa guidance tsaka pinalinis ang isang buong palapag ng paaralan.
“Magandang umaga sa inyo, pagpasensyahan n’yo na lang ‘yong dalawa,” pagbati ni Hayden sa amin atsaka tumingin sa’kin.
“Nga pala Diane, may meeting tayo mamaya ha? Bawal ka malate.” Tumango ako kay Hayden atsaka ngumiti.
“Sige, makakaasa ka,” tugon ko sa kanya. Kumaway siya sa amin atsaka nagpaalam na pupunta na sa una nilang klase.
Napabilang ako sa SSG council at ako ang representative mula sa Grade 8, habang SSG president naman si Hayden tsaka VP niya si Stone.
MABILIS natapos nag araw at he’to ako ngayon naglalakad papalabas ng building upang hintayin ang aking sundo na si Manong Efren. Nagtext sa’kin si Mama kanina na kailangan ko raw umuwi kaagad upang hindi kami gabihin ni Manong sa kalsada.
Nitong nagdaang mga araw, hindi ko sinasadyang marinig ang paguusap nina Mama at Don Frederico tungkol sa mga taong gustong pabagsakin si Don. Hindi ko tuloy maiwasang mangamba lalong-lalo na’t para kay Don Frederico. May sakit na nga s’ya tapos ganito pa mangyayari. Sobrang bait ng Don para magkaroon ng kaaway, siguro dahil din ito sa negosyo niya.
Napalingon ako sa kabilang parte ng hallway ng may marinig akong pagbagsak ng gamit sa loob ng isang silid. Kanina lang natapos ang school hours kaya wala ng mga estudyanteng nagpakalat-kalat sa paaralan. Hindi ko tuloy maiwasang matakot dahil baka totoo ‘yong usap-usapan dito tungkol sa isang multo.
“Ahhh.” Nanlaki ang aking mga mata ng marinig akong munting pag-ungol. Pero bakit ganon? P-Parang ang laswa pakinggan.
Dapat tumakbo na ako papuntang parking at doon na maghintay kay Manong pero dinala ako ng aking mga paa papalapit sa mismong silid. Nakasara ang pinto at madilim sa loob. Gusto kong pigilan ang aking sarili na buksan iyon pero hindi ko magawa.
“Hmm! Aahhh!” Nanginginig ang aking kamay habang nakahawak sa doorknob.
“Ugh! Sht,” isang boses ng lalake na naman ang narinig ko.
“Aaaahh! Ahh—hmm! ”
“Lower down your voice.”
“I-I’m sorry… Ahhh! I can’t help it, baby… Hmm! You’re so good.”
Nagulat ako ng may biglang tumakip sa aking bibig mula sa likod atsaka ako dinala sa gilid. Nagpupumiglas ako ng hapitin niya ang aking bewang atsaka isinandal sa matigas na pader.
“Shhh!”
“H-Hayden?!—Hmmm!”
“Wag kang maingay, Diane,” aniya atsaka tinakpan ang aking bibig. Tumango lang ako sa kanya atsaka niya dahan-dahan na tinanggal ang kanyang kamay na tinatakpan ang aking bibig.
“A-Anong ginagawa nila sa loob?” May pag-aalinlangan kong tanong sa kanya. Napaderetso siya ng tayo atsaka napatingin sa’kin. Nakita ko kung paano umalon ang adam’s apple niya.
“Ano kasi… Hindi mo na kailangan pang malaman. Bakit andito ka pa? Akala ko nakauwi ka na,” bulong niya sa’kin.
“Papunta pa lang ako sa parking lot para doon hintayin si Manong Efren, p-pero may narinig kasi ako habang naglalakad kanina. K-Kaya ayon,” mahina kong sambit sa kanya. Mahinang napatawa si Hayden sa’kin atsaka kinurot ang aking pisngi.
“Silly girl, your curiosity will kill you,” aniya.
Tumahimik kaming dalawa ni Hayden ng marinig na naman namin ang mga ungol mula sa silid. Parang pinagpawisan ata ako sa posisyon naming dalawa. Dinala kasi ako ni Hayden sa medyo masikip na daanan na nasa likod lang ng silid. Mukhang daanan ito papunta sa stock room kung saan nilalagay ang ilang gamit panglinis ng mga janitor at janitress namin.
“Aaaahh! Baby, I’m c*mming!” Biglang uminit ang pisngi ko sa mga masasagwang tunog na aking narinig. Nagulat ako ng takpan ni Hayden ang magkabila kong tainga. Napatingala ako sa kanya ng gawin niya ‘yon.
Ilang beses akong napakurap ng aking mapagtanto na sobrang lapit na pala ng mukha niya sa akin. Napaawang ang kanyang labi ng mas titigan niya ang aking mga mata.
“Hayden,” mahinang sambit ko sa pangalan niya. Sa sobrang lapit niya sa’kin, maririnig ko na ang bawat paghinga niya.
“Nasabihan na ba kita kung gaano ka kaganda?” Napasinghap ako sa mga katagang biglang lumabas sa kanyang bibig. Napahawak ako sa braso niya ng dumausdos ang kanyang dalawang kamay papunta sa aking pisngi.
“H-Hayden, anong—“
“Diane, I think… I think I already like you.” Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Mas lalo akong hindi mapakali ng dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin habang nakatingin sa aking labi.
Tuluyan na akong napapikit ng tumama ang tungki ng kanyang ilong sa aking balat. H-Hindi pwede ‘to!
“What the f*ck is the meaning of this?!” Nagulat kaming dalawa ni Hayden ng may biglang magsalita sa gilid. Sabay namin s’yang nilingon at mukha akong tinakasan ng dugo ng makita ang sobrang galit niyang mukha.
“S-Stone!” Tawag ko sa pangalan niya. Napatingin naman ako sa babaeng nasa gilid niya. Nakauniporme ito pero bukas ang unang dalawang butones ng kanyang pang-itaas. Gusot na gusot rin ang suot niyang palda. Isa siya sa mga Senior High student.
T-Teka lang, sila bang dalawa ang nasa loob ng silid kanina? Kaya ba hindi sumipot si Stone sa meeting kanina dahil may iba siyang pinagkakaabalahan?
“Hi Hayden, I never thought you’re into innocent girls as well,” sambit nong babae sa gilid ni Stone atsaka binati si Hayden.
Nagulat ako ng halikan nong babae si Stone sa labi. “You never failed to satisfy me, Stone. Thanks for today, nag-enjoy na naman ako. Call me if you need anything,” ani ne’to atsaka tuluyan ng umalis.
Tuluyan na kaming lumabas ni Hayden mula sa masikip na daan. Isang masamang tingin na naman ang ipinukaw ni Stone sa’kin kaya hindi ko maiwasang mapayuko.
“Look Stone, I can explain—“
“Wala ka namang dapat ipaliwanag sa’kin Hayden. Pero ‘yang babaeng ‘yan, meron.” Matigas na sambit ni Stone. “She’s obviously trying to seduce you. At ngayon nagawa na n’ya,” pagpapatuloy pa niya.
“Seduce? What are you talking about? She’s not seducing me.” Hindi makapaniwalang tumingin si Stone sa kaibigan niya atsaka napangisi.
“At ngayon dinedepensahan mo s’ya? She’s a witch Hayden, she’s trying to manipulate you.” Napailing si Hayden sa kanya.
“No, she’s not Stone. Stop calling her that.”
“Kung ganon, anong ginagawa mo ngayon? Kanina? That girl is trying to get inside your pants, and now you’re defending her.”
“Dahil gusto ko siya. And I guess defending someone you like is just normal.” Stone was taken aback after hearing those words from Hayden. Napatingin si Stone sa’kin na medyo ikinagulat ko. Isang masamang tingin na naman ang ibinigay niya sa’kin na tila binabalatan ako ng buhay. Salubong kasi ang mga kilay niya.
“I like Diane, Stone. Isn’t it obvious?” Pagpapatuloy pa ni Hayden. Bumuga ng hangin si Stone atsaka niya kami tinalikuran. Sinundan ko siya ng tingin at hindi ko maiwasang malungkot. Palagi na lang ganito ang mangyayari, tatalikod siya at iiwan ako.
Biglang tumunog ang phone ko sa loob ng bag at tinignan ang caller. Si Manong Efren ang tumatawag.
“Ihahatid na kita sa parking,” wika ni Hayden sa gilid. Tumango ako sa kanya at isang mala-anghel na ngiti ang sumilay mula sa kanyang mga labi.
Ngunit napatingin muna ako sa gawi ni Stone na ngayon ay nasa malayo na bago tinignan si Hayden.