Diane’s POV
“SIGURADO ka bang okay ka lang dito, hija?” tanong sa’kin ni Don Frederico. Tumango ako sa kanya atsaka ngumiti.
“Opo Don Frederico— e-este Lolo.” Napakamot ako sa aking batok. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang ‘Lolo’. Napatawa naman ng mahina ang Don.
“Maglilibot na lang ho ako sa hacienda habang naghihintay sa inyong pagbabalik,” pagpapatuloy ko sa kanya. Hinaplos niya ang aking mahabang buhok atsaka ngumiti.
“Oh s’ya, kung may kailangan ka tawagin mo lang si Cena.” Napatingin ako sa babaeng nasa gilid ko atsaka ngumiti sa kanya, ningitian naman ako pabalik ni Aling Cena. Isa siya sa pinakamatagal na naninilbihan dito.
Sa unang dalawang linggo naming paninirahan ni Inay dito ay halos kasundo ko na ang ilang tagasilbi ni Don Frederico. Kahit na ang ilan sa kanila ay malalaki ang agwat ng edad sa’kin, ay madali ko naman kaagad silang napakikisamahan, at isa na si Aling Cena roon.
Kumaway ako sa sasakyang papaalis. Kada linggo kasi may schedule na check-up si Don Frederico kaya kasama niya si Inay, hindi lang sa check-up kundi halos sa lahat ng lakad ne’to. Kaya tulad na lang ngayon ay naiiwan ako sa hacienda.
Hinawakan ni Aling Cena ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.
“Anong gusto mong gawin na’tin ngayon?” Nakangiting sambit niya sa akin. Nag-isip ako ng ilang segundo ng bigla na lang may magandang ideyang pumasok sa utak ko.
“Gumawa po tayo ng cookies!” Suwestiyon ko. Kaagad na nagliwanag ang mukha ni Aling Cena atsaka tumango sa’kin.
“Pero bago ‘yan, kailangan mo munang maligo. Hindi maganda para sa isang dalagita ang hindi naliligo ng maaga.” Napanguso ako.
“Mamaya na lang po pagka—“
“Hindi pwede. Halika na.”
“Pero kasi madudumihan naman din a—“
“Ayaw ni Señorito Stone ang babaeng hindi mabango at malinis sa kata—“
“Kunin na ho natin ang tuwalya ko.” Naglakad kaagad ako papasok sa hacienda at dali-daling pumunta sa aking kwarto. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Aling Cena sa aking likuran. Napanguso ako, halatang inaasar ako ni Aling Cena!
“BAGAY na bagay sa’yo ang bulaklaking bestida,” kumento niya pagkatapos kong magbihis. Sinusuklayan na niya ang aking buhok habang nakaupo ako sa harap ng salamin.
“Alam mo bang matagal na naming gusto na may babae sa hacienda na ito? Kahit si Don Frederico ay matagal ng hiniling na may anak siyang babae o di kaya ay apo,” panimula ni Aling Cena. “Pero hindi na biniyaan ng pangalawang anak ang Don sa yumaong asawa ne’to, kaya ang nag-iisang anak ne’to na si Señorito Artemis ang unico hijo ng Don,” pagtatapos niya.
“Si Señorito Artemis po ba ang Ama ni Señorito Stone?” May kung ano akong naramdamang kiliti sa aking tiyan sa tuwing sasambitin ko ang pangalan niya.
“Tumpak, at ang Ina naman ni Señorito Stone ay si Señorita Hyacinth. Nong ikinasal silang dalawa ay labis ang tuwa namin dahil sa wakas at may isang babae ng kumakatawan sa Casa de Lincoln pagkatapos ng ilang taon.” Kitang-kita naman sa mukha ni Aling Cena ang saya. Halatang napamahal na sa kanila ang Ina ni Stone.
“Ano po ang hitsura ng Señorita? Maganda po ba siya?” Napahinto siya sa pagsusuklay sa aking buhok atsaka ako tinignan ng deretso sa mata sa repleksyon ng salamin.
“Walang kapantay ang kanyang kagandahan, busilak din ang kanyang puso, kaya hindi na kami nagulat pa nang mapaibig niya si Señorito Artemis.” Napangiti ako sa sinabi niya.
“Nasan na po sila ngayon? Hindi ko kasi sila nakikita simula nong napunta kami rito ni Inay.” Tila naestatwa naman si Aling Cena sa aking likuran. Bigla akong naalarma, baka may nasabi akong hindi kanais-nais!
Isang malungkot na ngiti ang ibinigay niya sa’kin atsaka ipinagpatuloy ang kanyang pagsusuklay.
“Wala na ang mga magulang ni Señorito Stone. Apat na taon na ang nakakalipas noong maaksidente ang sinasakyang kotse ng pamilya. Halos magimbal kaming lahat ng malaman namin ang balita, akala namin pati si Señorito Stone ay hindi nakaligtas mula sa aksidente. Sa awa ng Diyos, at sa pagprotekta ng kanyang Ina sa kanya, ay ilang galos at sugat lang ang natamo ne’to, ngunit ilang buwan din naming hindi makausap ang Señorito pagkatapos non,” mahabang paliwanag ni Aling Cena.
Bigla akong nalungkot sa aking nalaman. Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang naranasan ni Stone noon. Sa isang idlap lang ay nawalan siya ng mga magulang. Kung ako ang nasa posisyon niya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
“Oh s’ya, sobrang ganda at bango mo na. Punta na tayo sa kusina?” Kaagad akong tumango sa kanya atsaka kami sabay na lumabas sa aking silid.
Dali-dali naman akong naghanda ng aming gagamitin sa paggawa ng cookies, dapat din matapos naming ito kaagad bago pa siya dumating.
“Kaya pala sinipag gumawa ng cookies ‘tong alaga ko. May inaabangan pala ang pagbabalik.” Napahinto ako sa aking ginagawa.
“A-Aling Cena naman!” Napatawa ang ilang tagasilbi sa kusina dahil sa pagtutukso sa’kin ni Aling Cena. Paniguradong sobrang pula na ng aking mukha sa hiya!
Tatlong araw na kasing wala si Stone sa hacienda. Nagpaalam siya kay Don Frederico na pupuntahan ang bahay ng kaibigan niya at doon muna matulog ng ilang araw. Malapit na rin kasi ng pasukan kaya pinayagan naman kaagad ito ng Don. Tumawag naman si Stone kagabi rito sa hacienda para ipagpaalam na babalik na siya.
“Hmm! Kaya pala sobrang bango ng Diane natin!” Sambit ng isang tagapagsilbi at inamoy pa ang aking katawan.
“At talaga nga namang nagpaganda pa oh!” Puno ng panunukso nilang sambit sa akin. Sana kainin na ako ng lupa ngayon!
“Tama na ‘yan, sing pula na ng kamatis ang mukha ni Diane. Magsibalik na kayo sa trabaho,” wika ni Aling Cena sa kanila. Kaagad namang tumango ang ilang tagapagsilbi ngunit hindi nakatakas sa’kin ang kanilang pagbungisngis. Napanguso na naman ako.
“Magsimula na tayo?” Tumango ako kay Aling Cena atsaka siya ningitian.
Stone’s POV
Inilagay ko ang bitbit kong bag sa likod ng sasakyan nina Hayden. Sunod namang inilagay ni Caleb ang kanyang mga gamit atsaka ang bag din ni Roezl.
“Everything’s set?” tanong ni Hayden sa amin. Tumango kaming lahat sa kanya.
“Paano naman ‘yong baon mong laced bra Roezl? Baka makalimutan mo ‘yon,” panunuksong sambit ni Caleb sa kanya.
“Oh sht! I forgot it in the bathroom!” Napatawa ang dalawa kong kaibigan ng makita naming si Roezl na dali-daling bumalik sa loob ng mansyon nina Hayden.
We decided to stay here for 3 days before the classes resumes. Para naman magkasama-sama muna kami bago maistress na naman sa klase. And also, for me to avoid that filthy lady in my grandfather’s house.
“Here it is!” Kinaway-kaway ni Roezl ang dala ne’tong black laced bra sa ere. Napailing ako habang napatampal naman sa kanyang noo si Caleb.
“For Christ’s sake! Itago mo ‘yan Roezl Wallace!” Hayden is shooting daggers of sight to Roezl. Andito kasi ang mga magulang niya kaya hindi pwedeng may makita o malaman na hindi kanais-nais ang mga magulang ne’to.
“Oops.” Tumawa si Roezl atsaka itinago ang bra sa loob ng kanyang tshirt.
“Why do you keep on bringing that cup C bra?” tanong ni Caleb sa kanya ng makapasok na kami sa loob ng van na aming sasakyan.
“To remember my first night being with a lady.” Nakangising sambit ni Roezl sa kanya.
“Too proud, huh?” si Hayden ‘yan.
“Of course, Shaina is the best,” tugon ni Roezl sa kanya. Bigla naman itong napahinto atsaka tila nag-isip. “Wait, Shaina ba ‘yon? O Sheena? Ewan, basta ‘yon na ‘yon.”
“Stupid. Hindi man lang maalala ang unang babaeng kumaha ng pagkabirhen ne’to.” Nagtawanan silang tatlo habang umaandar na ang sasakyan. Isa-isa kaming ihahatid ni Hayden sa mga bahay namin. His parents told him to do so, magkasosyo rin kasi sa negosyo ang mga pamilya namin.
“Stone, ang tahimik mo naman ata ngayon.” Pagkuha ni Hayden sa aking atensyon. “May problema ba?” tanong pa niya.
“Nothing. Siguro pagod la—“
“Nako! Baka namiss na niyan ang makipaggiyera tuwing gabi sa dorm!” Caleb cut me off. Tumaas-baba pa ang kilay niya habang nakatingin sa’kin.
“Nakakainggit si Stone! Grade 8 pa lang tayo noon pero andami ng kumakatok sa kwarto niyan sa dorm tuwing gabi! Mga senior high chikababes pa at malulusog! Habang ako, recently lang. Kinginang ‘yan.” Napailing ako sa sinabi ni Roezl. This guy is really talkative.
“Mga siraulo, magsitahimik nga kayo,” sambit ko sa kanila na sinundan lang nila ng pagtawa.
HINDI nagtagal ay nasa Casa na kami. Ipinarada ng driver nila Hayden ang sasakyan sa mismong bungad ng pintoan sa bahay. Ako ang una nilang inihatid dahil mas malapit ang bahay ko mula kina Hayden.
Bumaba na ako sa sasakyan at nagpasalamat sa kanila. Kukunin ko na sana ang mga gamit ko sa likod ng van ng bigla silang bumaba sa sasakyan.
“What are you guys doing?” takang tanong ko sa kanila habang ibinigay ang bag ko sa isang tagapagsilbi.
“We’ll stay here for awhile, right Hayden?” sambit ni Caleb sa isa naming kaibigan. “Hayden?” tawag niya ulit sa pangalan ne’to ng hindi ito sumagot. Napatingin ako kay Hayden na ngayon ay nakatayo sa gilid at tila naestatwa habang nakatingin sa pinto ng hacienda.
Sabay kaming napalingon sa direksyon kung saan siya nakatingin. And to my surprise, I saw a lady standing against the doorframe looking in our direction. She’s wearing a floral dress until above her knees and her long hair was tied in a side bun.
She looks so innocent while watching us. Pabalik-balik naman ang tingin niya sa mga kaibigan ko at sa akin. Biglang nagsalubong ang aking kilay ng titigan niya si Hayden.
“Hi, I’m Hayden. What’s your name?” Sa isang idlap ay bigla nalang nakalapit si Hayden sa direksyon niya. Biglang nailang ang babae at medyo itinago ang kanyang katawan sa likod ng door frame.
“A-Ako si Diane,” mahinang sambit ne’to. Titig na titig sa kanya ang kaibigan ko habang nakangiti.
“Diane… What a beautiful name,” Hayden compliments her. Naningkit ang mga mata ko sa aking nasaksihan. This lady is obviously seducing my friend! Hindi ako papayag!
Kaagad akong nagmarcha papalapit sa kanilang direksyon atsaka humarang sa kanilang dalawa. Nagulat si Diane sa biglang pagsulpot ko sa kanyang harapan habang nangunot naman ang noo ni Hayden.
“Salamat sa paghatid Hayden, pwede na kayong umalis.” Hinarap ko naman si Diane at tinignan siya na walang ekspresyon sa mukha. Napalunok naman sa akin ang babae atsaka napatingala sa aking direksyon. Hanggang baba ko lang siya dahil matangkad akong lalake.
“Go to your room,” I command.
“That’s rude, Stone.” Si Caleb na naman ang biglang sumulpot sa aking gilid. “Hindi mo naikwento sa amin na may maganda ka palang kasama sa bahay,” pagpapatuloy pa niya.
I clenched my jaw. Just what the fck happened to them?! Nakita lang nila ‘tong babaeng ‘to naging ganyan kaagad sila.
“You smell like cookies.” Si Roezl na naman ang nakalapit sa kanya ng hindi ko namamalayan. Anak ng?! “Did you make some?” Tumango si Diane sa tanong ne’to. Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Roezl.
Hinawi ni Hayden si Roezl sa gilid atsaka mas nilapitan si Diane. “Galing ka nga sa kusina, may harina ka pa sa pisngi,” he said and gently wiped Diane’s cheeks using his thumb. Kitang-kita naman ang pagkagulat ni Diane sa ginawa ni Hayden sa kanya.
I balled my hands into fists. Okay, that’s it.
“Enough.” Sabay silang napatingin sa aking direksyon. This girl is obviously a witch, kung ano man ang ginawa niya sa mga kaibigan ko para umakto sila ng ganyan ngayon ay hindi ko alam. Pero isa lang ang isinisiguro ko, I won’t let any one of them fell from this girl’s trap.
“Diane, will you get us something to drink?” I asked her. Kaagad naman siyang tumango atsaka binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Pinipigilan ko ang sarili na huwag maningkit ang aking mga mata.
Umalis na si Diane na ikinabagsak ng balikat nilang tatlo.
“Kung gusto niyo munang manatili rito, okay sige, hindi ko kayo pipigilan. Just wait me in the living room,” I told them and started to walk away.
“San ka pupunta, Stone?” tanong ni Caleb sa akin. “In my room, magbibihis muna ako saglit.” Isang tango lang ang itinugon niya sa’kin kaya kaagad akong naglakad papalayo sa kanila.
I find myself walking toward the kitchen instead of my room. When I saw Diane pouring some juice inside the glass, I automatically approached her. I cornered her using my arms, not minding the juices spilling all over me.
“S-Stone!” sambit niya sa pangalan ko. Napalunok siya ng makita ang basa kong tshirt. “Pasensya ka na, hindi ko sinasadya.” Kumuha siya ng kitchen towel sa gilid at pinunasan ang damit ko.
“Stop… Stop it… I said stop, Diane!” Napaigtad siya sa gulat ng hawakan ko ang magkabila niya braso. Gusto kong magmura ng maramdaman ko ang malambot niyang kutis sa aking palad. Napatingin siya sa aking mga mata at kita ko doon ang takot.
Bigla akong nabalik sa aking ulirat at binitawan siya, pero hindi parin ako lumalayo sa kanya.
“Never come near my friends. Again.” I said without breaking our eye contact. Ilang beses pa siyang napakurap at dahan-dahan na tumango habang nakayuko.
“Know your place here, or else.” Napahinto ako sa aking sasabihin ng tignan niya muli ako sa mata. Her eyes were too innocent for me to handle. How come this lady have those kind of eyes?
No, Stone! That witch is trying to get your sympathy! Never melt your heart for that kind of girl.
Kaagad na akong tumalikod atsaka naglakad palayo ngunit napahinto ako at nilingon siya muli. “Stay away from Hayden.” And with that, I stormed out the place.