(4) Rough Kiss

1707 Words
Diane's POV Salu-salo kaming kumakain ngayon sa hapagkainan. Masaya ako dahil may handa kami ngayon sa kaarawan ni Mama, noon kasi tanging pagsisimba lang ang ginagawa namin dahil mas gugustohin pang ilaan ni Mama ang kanyang pera sa pag-aaral ko at ilang gastuhin sa bahay. "Happy Birthday to you! Magwish ka Ma!" Masayang sambit ko pagkatapos namin s'yang kantahan. Pumikit si Mama atsaka nagwish bago hinipan ang kandila. Nagpalakpakan kaming lahat atsaka naguunahan na makakuha ng slice ng cake. "Oh, dahan-dahan lang," nakangiting sambit ni Mama pagkatapos ibinigay ang cake nina Aling Cena. Nag-uunahan talaga kasi ang mga kasambahay sa cake, nakatutuwa silang tignan. "What's your wish, Leticia?" Tanong ni Don Frederico sa kanya atsaka hinawakan ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng mesa. "Hiling ko po na sana tuluyan na kayong gumaling." Napangiti ako sa sinabi ng aking Ina. Sobrang bait talaga ni Mama. Kung magiging kaarawan ko man ngayon, 'yan din ang hihilingin ko. Marami ng nagawa si Don Frederico sa amin, pinatira niya kami sa kanyang tahanan, tinrato kami na parang sarili niyang pamilya, pinapaaral n'ya ako sa isang maganda eskwelahan at higit sa lahat, pinahahalagahan niya kami. Hindi ko maiwasang tumayo mula sa pagkakaupo atsaka puntahan silang dalawa. Niyakap ko si Mama atsaka si Don Frederico. "Para saan naman 'yan hija?" Nakangiting tanong ni Don sa'kin. "Wala lang po, gusto ko lang kayong yakapin," ani ko. Ilang buwan na rin pala ang nakakalipas mula nong una naming punta rito sa casa. "Teka nga lang, asan si Stone?" Tanong ni Mama sa gilid. "Baka andon na naman 'yon sa kabayo niya," wika ni Don Frederico. "San ka pupunta Diane?" Pagpapatuloy niya ng bigla akong naglakad palayo. "Tatawagin ko po si Stone para makakain na po s'ya." Isang ngiti at tango ang isinukli ng Don sa akin bago ako tuluyang tumalikod. Dinala ako ng aking mga paa sa likod ng casa kung saan makikita ang isang malaking kwadra ng mga kabayo. Gabi na kaya dala-dala ko ang isang lampara. Napangiti ako ng maaninag ang isang munting ilaw doon, paniguradong si Stone 'yon. Christmas vacation namin ngayon kaya andito si Stone sa casa at wala sa dorm niya. Napayakap ako sa aking sarili ng biglang humangin, nakalimutan kong suotin ang aking cardigan sa loob sa pagmamadaling tawagin siya rito. Nakasuot lang ako ng isang kulay asul na bestida dahil ito ang paboritong kulay ni Mama. "Stone?" Tawag ko sa kanya ng makapasok na ako sa loob ngunit walang sumasagot. "Stone, asan ka? Kakain na tayo sa loob," wika ko pero wala talagang sumasagot. Inilapag ko ang dalang lampara sa ibabaw ng malaking kahon na gawa sa kahoy atsaka nagpasya na maglakad pa sa loob para hanapin siya. Kabisado ko na kung saang parte ng kwadra niya ilalagay si Nancy, ang paboritong kabayo ni Stone. Tuwing uuwi siya rito sa casa, walang araw na hindi niya bibisitahin ang kanyang kabayo. Talagang napamahal na siya rito. "Stone?" Tawag ko sa kanya ng makapasok na ako sa kwadra ni Nancy. Nangunot ang aking noo ng makita ko si Nancy na nakatali pero wala naman si Stone. Nasan ba 'yon? May narinig akong pagkabasag ng isang bote sa labas kaya kaagad akong tumakbo papunta roon. "Sh*t!" "Stone!" Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong may dugo ang kanyang kamay. Kaagad kong kinuha ang isang tuyo at malinis na basahan sa gilid atsaka iyon binalot sa kanyang kamay. "Anong ginagawa mo?" Tanong niya sa'kin. Naaamoy ko ang alcohol mula sa kanyang bibig ng magsalita siya. Naglalasing ba siya? Bakit? Hindi ko siya pinakinggan atsaka tinapos ang pagbalot ng kanyang kamay na puno ng dugo. Mukhang malalim ang sugat niya dahil kaagad na pumula ang tela. "Halika, bumalik na tayo sa casa. Ipapagamot na'tin 'yan kay Mama." Nagulat ako ng bigla niyang bawiin mula sa'kin ang braso niya. "Sino ka ba para utusan ako, ha?" Aniya atsaka kinuha ang isang bote ng alak sa kanyang gilid at tinungga iyon. "Bakit ka umiinom? Hindi ba masyado ka pang bata para sa bagay na 'ya-?" "Pwede ba?! Wag kang mangialam ng buhay ng iba!" Napaatras ako ng bigla na siyang sumigaw. Dise sais pa lang si Stone kaya hindi siya pwedeng maglasing. "Pero Ston--" "Get the f*ck out of here! I don't need anyone!" Bakit ba siya nagagalit ngayon? May problema ba siya o di kaya'y pinagdadaanan? Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya. "Okay, pero kailangan mong sumama sa'kin. Stone, may sugat ka baka magkaimpeksyon 'yan kapag hindi na'tin 'yan kaagad maidala kay Mama," mahinahon kong wika sa kanya. "Please, Stone kahit ngayon lang makinig ka naman sa'kin." "Makinig? Ako makikinig sa'yo? Sino ka ba sa inaakala mo ha?" "K-Kung may problema ka pwede mo naman akong pagsabihan. M-Makikinig naman ako sa'yo." "Shut the f*ck up! Ikaw ang problema ko, Diane, hindi mo ba napapansin 'yon? Kayong dalawa ng Mama mo!" Nabato ako sa aking tinatayuan ng sabihin niya 'yon. "Simula nong dumating kayo rito, nagkadaleche-leche na ang lahat. Hindi ko alam kung anong nakikita ng Lolo ko sa inyo para tanggapin niya kayo rito sa casa ng ganon-ganon na lang. Tsaka alam kong nagbabait-baitan ka lang para makuha mo ang simpatya ng Lolo ko, lalong-lalo na kay Hayden! Kung sila nabibilog ninyo, pwes ako hindi!" Napakapit ako sa isang kahon na nasa aking likuran ng unti-unting lumalapit si Stone sa'kin. Puno ng galit ang kanyang mga matang nakatingin sa'kin atsaka nakakuyom ang kanyang isang kamao na walang sugat. "H-Hindi totoo 'yan, Stone. Hindi ko magagawa 'yan." "Alam na alam ko ang mga taong katulad mo, Diane. Alam ko kung ano talaga ang pakay niyo rito sa buhay namin. Ginagamit niyo lang si Lolo para makuha ang yaman niya, hindi ba? 'Yan talaga ang habol ng nars mong Nanay sa simula pa lang." Napailing ako sa sinabi niya. Nagsimula ng mangilid ang mga luha ko sa masasakit na sinabi niya tungkol sa Ina ko. "Ang mga taong katulad mo ay sobrang sakim sa yaman kaya hindi ko kayo magawang pagkatiwalaan noong una pa lang. Ni hindi nga kita kayang tignan ng matagal, sobrang sakit sa mata na makita 'yang pagmumukha mong sobrang inosente pero ang totoo naman ay manggagamit! You are nothing but a certified gold digger! Kayong dalawa ng Mama mo!" "Hindi totoo 'yan! Bawiin mo ang sinabi mo, dahil hindi totoo 'yan!" Tuluyan ng pumatak ang luha mula sa mga mata ko. Kaya ko pang tiisin ang mga masasakita niyang sasabihin tungkol sa'kin, pero labas na ang aking Ina roon. "Oh please, cut the act Diane," sambit niya. Ngumisi siya sa'kin atsaka unti-unting humakbang papalapit. Tinignan niya ako mula hanggang paa atsaka napangisi. "What's the real score between you and Hayden, huh?" Napaiwas ako ng tingin ng tanggalin niya ang ilang hibla ng aking buhok. Napalunok ako ng dumausdos ang kanyang mga daliri paibaba sa aking leeg. "H-Hindi ko alam ang pinagsasabi mo," mahinang wika ko sa kanya. Napasinghap ako ng inilapit niya ang kanyang labi sa aking leeg at halikan 'yon. Nang dahil sa ginawa niya, kaagad na tumayo ang balahibo ko sa batok. "Really?" he whispered against my skin. "Tell me Diane, do Hayden satisfy you in bed?" Deretso akong napatingin sa kanya. Sobrang serysoso ng kanyang mukhang walang kaemo-emosyong nakatingin sa'kin. Napailing ako dahil hindi ko talaga alam ang sinasabi niya. Walang namamagitan sa'min ni Hayden at mas lalong walang nangyayari sa'ming dalawa. "No?" Aniya atsaka niya iniangat ang isang sulok ng kanyang labi. "Then let me satisfy you, then." Nanlaki ang aking mga mata ng bigla niya akong sunggaban ng halik. Hinapit niya ang aking bewang atsaka ako kinarga upang paupoin sa isang kahon na gawa sa kahoy na nasa likuran ko lang. Sobrang rahas niyang humalik. Mahigpit niya ring hinawakan ang aking bewang papalapit sa kanyang katawan. Nagpupumiglas ako dahil sa ginawa niya. Mahal ko si Stone pero mali 'tong ginagawa namin. "What the f*ck Diane! Kiss me back!" Hasik niya ng maramdamang hindi ko tinutugunan ang kanyang mga halik. Dahil sa takot, hinalikan ko siya pabalik tulad ng gusto niya. Sinusubukan kong sundin ang ritmo ng kanyang mga halik pero hindi ko magawa. Nasasaktan talaga ako sa mga halik niya. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa likod ko na pilit na ibinababa ang zipper ng aking suot na bestida. Doon na ako kumawala sa kanyang mga halik atsaka siya itinulak. "S-Stone! Hindi pwede ang gusto mong mangyari!" Nagulat siya sa biglaang pagtulak ko sa kanya kaya mas lalo tuloy siyang nagagalit sa'kin ngayon. "You let Hayden touch you but not me?! Stop being selfish, Diane. Alam kong gusto mo rin 'to, stop being so innocent!" Buong lakas niya akong ikinulong sa kanyang mga bisig upang hindi ako makagalaw. Hinalikan niya ulit ako sa labi paibaba sa aking leeg. Naramdaman ko ang kanyang mga kamay na sa loob ng aking suot na bestida. Tuluyan na akong napaiyak at napahagulhol sa ginagawa niya. "Ahh!" Napadaing ako ng marahas niyang nilalamas ang aking dibdib. "Stone, please tama na," pagmamakaawa ko sa kanya pero patuloy pa rin siya sa ginagawa niya. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kundi ang umiyak na lang. Sana hindi na lang ako nagpunta rito, at sana noong unang pagtaboy niya sa'kin ay umalis na kaagad ako. Hindi ko na kaya, wala rin naman akong lakas ikukumpara sa kanya. At kahit anong pagmamakaawa ko ay hindi niya ako pakikinggan. Bigla siyang tumigil atsaka unti-unting lumalayo sa'kin. Napatingin ako sa kanya habang pinupunasan ang luha sa aking pisngi. Tahimik lang siyang nakatayo sa aking harapan, hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko siya ngayon. Inayos ko ang aking sarili atsaka ang suot kong bestida bago tuluyang tumayo mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng kahon na gawa sa kahoy. Napadako ang aking tingin sa kanyang kamay ng may tumulong dugo roon. "S-Stone, ang sugat mo." "Umalis ka na." Napahinto ako ng aakmang kukunin ko ang kanyang kamay. Mas dumami ang pagpatak ng dugo roon kaya hindi ko maiwasang mabahala. "Pero Stone--" "I said leave!" Napapitlag ako ng bigla siyang sumigaw. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao kaya kaagad na akong umalis mula sa kwadra at bumalik sa casa. Nalimutan ko pa ang dala kong lampara sa loob kaya ngayon ay halos madapa-dapa ako habang tumatakbo sa madilim na lupain ng mga Lincoln.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD