Stone’s POV
“Stone, is it true? Babalik ka na talaga sa Pinas?” Napalingon ako kay Roezl na ngayon ay kakapasok lang sa loob ng aking bahay dito sa Beverly Hills.
Kay aga-aga nambubulabog ang lalakeng ‘to rito. I have no idea where he got that news from. Wala naman akong ibang pinagsabihan tungkol don maliban na lang kay...
“Caleb?” Pati ba naman siya mang-iistorbo sa akin dito? Napabuga na lang ako ng hangin nang makit ko ang aking dalawang kaibigan na nakatayo na mismo sa loob ng aking malaking bahay.
Right. Roezl defintely got the news from Caleb.
Tinalikuran ko sila atsaka dumiretso sa aking kusina upang kunin ang aking kape. I poured my brewed coffee to my favorite mug before facing these two invaders in my property.
“Come on man, is it really true?” Pagtatanong pa ulit ni Roezl.
“Hindi ba talaga ako kapani-paniwala sa’yo? Totoo nga ang sinabi kong uuwi si Stone,” inis na sambit ni Caleb sa kanya atsaka padabog na umupo sa malaki kong sofa bago ipinatong ang dalawang paa sa aking center table.
Feeling at home ang potang*na.
“Yes, I’m going back to the Philippines after 8 long years,” I said before sipping my black coffee. Nakaputing roba pa lang ako ngayon dahil kakagaling ko pa lang talaga sa loob ng aking kwarto nang marinig ko ang busina ng kotse ni Roezl sa labas ng bahay ko.
“Is this a miracle?!” Hindi makapaniwalang saad ni Roezl sa akin. Tinignan ko lang siya ng walang ekspresyon sa mukha.
“Bakit? Anong rason mo kung bakit ka uuwi sa Pinas? I thought you hate that place?” Sunod-sunod na tanong niya sa akin. Napatingin kami kay Caleb nang tumawa ito bigla habang umiiling. Nilingon niya kami bago magsalita.
“Too slow, Roezl. Paniguradong dahil ‘yan kay Diane kaya uuwi si Stone,” wika ni Caleb atsaka ako ningisihan. “Namimiss na niya ‘yon sure ako. Lalo na’t sinabihan ko siya nong huling linggo kung gaano na kaganda at kasexy si Diane sa Pilipina—aray!” Sapol sa ulo si Caleb nang itapon ko sa kanya ang aking suot na tsinelas.
Kaagad siyang napahawak sa kanya ulo bago ako binigyan ng isang masamang tingin.
“Stop spreading false informations, Caleb.” Payak kong sambit sa kanya bago ininom ang aking kape. Napakamot naman si Roezl sa kanyang batok atsaka ako hinarap.
“Eh kung ganon, ano ba talaga ang rason kung bakit gusto mong umuwi sa Pilipinas? I’m curios as hell, you aren’t that easy to read,” sambit ni Roezl sa akin.
Napatingin kami sa isang babaeng kakababa lang ng hagdan atsaka niya tinignan sina Roezl at Caleb. And just like me, she’s just wearing a white robe. Ramdam ko ang tingin ng dalawa kong kaibigan na nakatitig sa akin na tila kinukuwestiyon ako kung sino ang babaeng kakababa lang mula sa ikalawang palapag.
The girl aproached me and greet me a good morning before saying something.
“I accidentally heard your conversation when I got down here, but may I know who’s Diane?” Tanong niya sa akin habang nakatitig ang kanyang kulay berdeng mata sa kulay abo kong namang mga mata.
“She’s nothing. Just go back to my room and wait for me, okay?” Utos ko sa kanya. Hindi siya kumibo ng ilang segundo bago ako hinawakan ang aking mukha atsaka ako siniilan ng halik sa labi.
“Okay, baby. Don’t make me wait too long hmm?” Bulong niya atsaka ako tinalikuran at bumalik sa taas. Nang hindi na nila marinig ang yabag ng paa ng babae ay kaagad nila akong tinanong tungkol sa kanya.
“Damn man, kahapon brunnette yun ah. Bakit naging blonde na naman ngayon? Iba-iba ba schedule mo araw-araw?” Nakangising sambit ni Caleb sa akin atsaka napailing.
“Hinay-hinay lang diyan, Stone ha. Nakakalimutan mo pa naman ang gumamit ng condom paminsan-minsan. Baka karmahin ka niyan.” Si Roezl naman ang nagsabi niyan. Hindi ko na lang sila kinibo ng ilang segundo dahil ininom ko ang aking kape.
Yes, I do f**k with or without condoms. It actually depends on my mood and to my partner, pero mostly kinoconsider ko ang mood ko. Sometimes I prefer doing it raw, sometimes not.
“Pero teka nga! Bumalik tayo sa topic natin kanina.” Hinarap niya ulit ako bago magsalita. “Ano ba talaga ang rason mo kung bakit uuwi na lang pabalik ng Pinas?” Pag-uulit niya pa sa kanyang tanong kanina.
Tinitigan ko muna ang dalawa kong kabigan bago sagutin ang tanong ni Roezl.
“I just want to visit my grandfather that’s it.” Payak kong wika sa kanila atsaka tuluyang ininom ang aking kape.
“Mabuti naman kung ganon, akala ko kasi habambuhay ka nang magtatanim ng galit sa kanya.” Naglakad ako papunta sa direksyon ni Caleb atsaka doon umupo sa kabilang dulo ng aking malaking sofa.
Ilang taon rin ako nagkaroon ng galit sa sarili kong Lolo. Hindi niyo ako masisisi dahil siya na lang ang natitira kong pamilya pero mas pinili pa niya talaga ang ibang tao kesa sa sarili niyang apo. Mas binibigyan niya ng pansin at importansya ang mga hindi niya kadugo kesa sa akin.
I honestly don’t want these expensive, luxury things around me at the moment. What I want is a family. Pero hindi ko alam kung bakit ipinagkait niya pa sa akin ‘yon.
After both of my parents died in a car accident where I almost lost my life as well, my life has never been the same. Marami ang nagsasabi sa akin na nasa akin na raw ang lahat, pero hindi ako naniniwala don.
Is it because I am wealthy? Powerful? Influencial? Hah! Baka ganon na nga.
“At patatalsikin ko sa casa ang babaeng ‘yon.” Dagdag ko pa bago napatiim bagang. Naalala ko na naman ang mukha ng babaeng ‘yon. Napansin ko sa gilid ng aking mga mata na deretsong napalingon sa aking direksyon si Caleb. Si Roezl naman ay kaagad na pumunta sa aking harapan na salubong ang dalawang kilay.
“S-Seryoso ka ba?” Tanong niya sa akin.
“Mukha ba akong nagbibiro?” Payak kong sabi sa aking kaibigan. Napaayos ng upo si Caleb atsaka ako tuluyang hinarap.
“Oy Stone, gagawin mo talaga ‘yan? Hanggang ngayon galit ka pa rin ba kay Diane? Wala namang ginawang masama ang babae sa’yo eh.” Naiangat ko ang isang sulok ng aking labi dahil sa kumento niya. Walang ginawang masama? Sa oras na iniapak ng babaeng ‘yon ang mga paa niya sa casa ay nagkandaleche-leche na ang lahat. Sinira niya ang buhay ko, ninakaw niya mula sa akin ang kaisa-isang pamilya na meron ako.
“Galit? No Caleb, I didn’t just hate that woman, I loathe her.” At habambuhay ko siyang kamumuhian hanggang sa huli kong hininga.
Nagkatinginan ang dalawa kong kaibigan atsaka halos sabay na napabuntong hininga. Alam nila na hinding-hindi nababago ang aking desisyon kapag buo na aking loob na gawin ang isang bagay. They can’t stop me and the only thing that they can do is to support me all the way or none at all.
Biglang tumunog ang isang cellphone kaya sabay kaming napalingon ni Caleb kay Roezl nang hugutin niya ang isang bagay sa kanyang bulsa.
“Sht! My wife is calling me.” Natarantang wika ni Roezl nang makita ang screen ng kanyang cellphone.
“Sagutin mo na ang tawag ni Rhin, baka isang lumilipad na tsinelas na naman ang aabutin mo sa bahay ninyo pag-uwi,” Caleb said as he rest his back against my sofa again. Kaagad na lumayo si Roezl sa amin bago sinagot ang tawag ng kanyang asawa.
Roezl and Rhin became lovers the moment Rhin resides here in States. Hindi ko talaga alam ang buong kwento nila pero hindi na rin ako nagulat tungkol don dahil minsan na ring nagkagusto ng palihim si Roezl kay Rhin nong mga highschool students pa lang kami.
Rhin is Diane’s friend. Kaya kung malaman man ng asawa ni Roezl ang pinaplano ko, tiyak na pag-aawayan na naman nila ang tungkol doon. Balita ko ay umuuwi taon-taon si Rhin sa Pinas para lang bisitahin si Diane, ganyan kaattached ang asawa ni Roezl sa babaeng ‘yon.
“Man, married life is scary isn’t it?” Napalingon ako kay Caleb nang bigla itong magsalita. I shrugged my shoulders as respond before I speak.
“Takot ka lang matali sa iisang babae kaya ganon.”
“Eh ikaw? Hindi ka ba takot?” Napatingin ako sa kanya bago umiling.
“I refuse to get married not because I’m scared Caleb, it’s because I don’t need it. Hindi ko kailangan ng asawa para mabuhay.” Payak kong sabi sa kanya. Tuluyan na akong tumayo nang bumalik na sa kanyang pwesto si Roezl matapos niyang makausap sa phone ang kanyang asawa.
Hindi na rin sila nagtagal pa dito sa pamamahay ko at tuluyan ng umalis. Hinahanap na raw kasi si Roezl ng kanyang anak sabi ni Rhin. While Caleb on other hand have some important husiness matters to do a few hours from now according to him. Tinanaw ko na lang ang dalawa sa bungan ng aking main door habang sabay na pinaandar ang kanilang mga kotse.
Sumandal ako sa door frame habang pinagmamasdan ang dalawang sasakyan na magkasunod na lumabas sa aking malaking gate.
Napatingala ako sa kalangitan at hindi inaasahang mapaisip si Diane. Awtomatiko akong napahawak sa aking labi nang maalala ko ang gabing ‘yon. The night where I first kissed her.
I hate to admit this but her lips feels different among the rest...
Isang beses ko lang siya nahalikan pero hanggang ngayon hindi ko parin ‘yon magawang kalimutan. I felt somethintg strange and unexplainable the moment her lips collided with mine. Parang gusto ko siyang—
Madiin akong napapikit dahil sa aking iniisip. The fck is wrong with me?
Inis akong pumasok ulit sa loob atsaka dumiretso sa aking kwarto sa taas. Nakita ko ang babae na nasa ibabaw ng aking kama, at nang magtama ang tingin naming dalawa ay kaagad na kumislap ang kanyang mga mata.
I need to divert my attention to this woman. Biglang uminit ang katawan ko kanina kaya kailangan kong ibunton ang nararamdaman ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon.
Kaagad akong lumapit sa kanya atsaka siya itinulak pahiga sa kama bago pumaibabaw sa kanya. I grabbed her face before giving her a kiss.
Fck you Diane, this is all your fault. I can’t wait to meet you again and kick you out from the casa like a trash.