Present...
Diane’s POV
“Diane! Bilisan mo na, mahuhuli na tayo sa ceremonial rites!”
“Andiyan na!” Dali-dali kong inayos ang suot kong toga habang atsaka hinalikan ang pisngi ni Don Frederico.
“I’m so proud of you, Diane. I’ll see you later okay?” Kaagad akong tumango sa Don atsaka niya niyakap habang nakangiti.
“Please, pakialalayan niyo po ng mabuti ang Don,” wika ko sa nars na mag-aalaga sa kanya.
“Yes po, Ma’am Diane.” Hinalikan ko ulit sa pisngi si Don Frederico bago itinulak ng nars ang kanyang wheelchair papasok sa malaking auditorium ng unibersidad na pinapasukan ko. Pumila na kaagad ako kasama ng iba pang mga estudyante sa labas.
This is it, Diane, makakapagtapos ka na ng kolehiyo. Makakapagtrabaho ka na rin ng maayos at maipapatayo ang pinapangarap mong pastry shop na minsan niyo na ring pinangarap ng iyong Ina.
Napabuga ako ng hangin atsaka hinintay ang aking turno na maglakad sa mahabang red carpet dito.
Nalakad na ang estudyanteng sisnusundan ko kaya nong umabot na siya sa gitna, naglakad na rin ako. Maraming camera ang kaagad na tumutok sa akin para kunan ako ng litrato na ididisplay mamaya sa labas ng mismong auditorium. Nang nasa tamang pwesto na ako, nanatili akong nakatayo hanggang sa matapos ang lahat ng mga estudyante na isa-isang pumapasok sa loob.
Mabilis natapos ang ceremonial rites namin at may malawak na ngiti akong naglakad papunta sa direksyon Don Frederico. Isang mahigpit na yakap naman ang ibinigay ko sa kanya bago ipinakita ang aking diploma at medalya.
“Your mother would be very proud of you, Diane.” Nakangiting sambit sa akin ng Don. Kaagad ko naman ‘yong sinuklian bago kami sabay na lumabas ng auditorium. Binati pa ako ng mga kabatchmates ko nang makita nila ako.
“Congrats! Magna c*m laude namin!”
“Congratulations, Diane!”
“Congrats, Diane!”
Ilang lang ‘yan sa mga pagbati na natatanggap ko mula sa kanila. Nagpasalamat naman kaagad ako sa mga bumati sa akin bago kami nagpatuloy sa paglalakad papuntang parking lot.
Ibinigay ko ang aking phone sa nars ni Don Frederico upang kuhanan niya kami ng litrato. I gave my diploma to the Don and let him wore my silver medal. Pumwesto naman ako sa likod ng kanyang wheelchair atsaka hinawakan ang kanyang balikat.
“Isa pa po, Ma’am Diane!” Nakangiting saad ni Grace, ang nars ni Don Frederico. Niyakap ko si Don mula sa likuran atsaka ipinagdigkit ang aming mga pisngi bago ngumiti.
“Ang ganda! May bagong ididisplay na litrato na naman si Don Frederico sa kwarto niya,” wika ni Grace. Napangiti ako sa sinabi niya atsaka tinignan ang Don na ngayon ay nakatitig sa diploma ko.
“Handa na po ba kayo na bisitahin natin Mama?” Tanong ko sa kanya habang nakahawak sa isa niyang balikat. Ngumiti siya sa akin atsaka tumango.
“Of course, hija.” Dumiretso na kami sa itim na van na nasa di kalayuan. Naging madali lang ang pagakyat ng wheelchair ni Don Frederico dahil naka customize ito para sa kanya. May built-in ramp para maisakay kaagad ang wheelchair niya. Konting pagtulak lang ne’to papasok at magiging maayos na ang lahat. Hindi na siya kailangan buhatin pa.
HINDI nagtagal ay tuluyan na nga naming narating ang lugar kung saan namin makikita si Mama. Masaya akong bumaba mula sa sasakyan atsaka tinulungan ang nars at driver ni Don Frederico sa pagbaba sa kanya.
Tulad nang pagbisita namin dito, sobrang linis parin ng buong lugar. Ang sariwa rin ng hangin dahil sa mga malalaking puno na nakatayo sa magkabilang gilid ng kalsada.
“Ang bulaklak po Don Frederico,” wika ni Grace atsaka inilagay ang isang magandang bouquet ng bulaklak sa ibabaw ng hita ng Don. Nagkatingin muna kaming dalawa ni Don Frederico atsaka napangiti bago namin pinuntahan si Mama.
Sa tuwing napapalapit kami sa kanya, hindi ko maiwasang matuwa dahil sa sobrang excited. Excited ako dahil sa wakas malalaman na niyang nakagraduate na ako ng kolehiyo.
Huminto kami atsaka pinagmasdan ang isang puntod na may pangalan niyang nakaukit. Lumuhod ako atsaka hinawi ang ilang dahon bago sinindihan ang kanyang kandila.
“Andito ulit kami ni Don Frederico, Ma,” wika ko habang nakatingin sa kanyang puntod. Kinuha ko ang aking medalya at diploma atsaka ito ipinakita sa kanya.
“Tignan mo, graduate na ako! Magna c*m laude ako, Mama. Ang galing-galing ko hindi ba?” Hindi ko napansin na may isang luha na palang kumawala mula sa aking mata.
“Sayang at hindi mo inabutan ‘to Ma, gusto ko sanang kayo dalawa ni Don Frederico ang makakasama ko sa graduation pic.” Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa aking pisngi. Don Frederico touch my shoulders which made me look at him. Inilahad niya sa akin ang mga bulaklak na kaagad ko namang tinanggap atsaka ito inilagay sa ibabaw ng kanyang puntod.
Hindi namin inaasahan ang biglang paglisan ni Mama sa amin isang taong na ang nakakalipas. Naaksidente si Mama sa daan noong pauwi na siya mula sa kanyang trabaho sa ospital. May isang lasing na driver na nagdadrive non at aksidenteng nakatulog habang nagmamaneho. Maghahating gabi na non nang makatanggap ang casa ng isang tawag mula sa ospital na pinagtatrabahoan ni Mama, at ‘yon na nga ang nabalitaan namin.
Hindi na nailigtas si Mama habang sinasakay siya sa ambulansya. Dead on arrival na siya non.
Kaya naman nang malaman ko ito, labis akong nanlumo. Mahigit isang buwan din akong hindi nakapasok sa unibersidad dahil don kaya kinailangan kong iretake ang isang semester dahil don.
Nagstay pa kami sa sementeryo nang ilang sandali bago tuluyang umuwi sa casa para makapagpahinga na ulit ang Don. Mamayang alas quatro ng hapon ay dadating ulit ang kanyang doktor upang bigyang siya ng kanyang maintenance medicine.
“DIANE! Congratulations!” Napangiti ako nang may makita akong cake at ilang simpleng handa na ginawa nina Aling Cena para sa akin nang makauwi na kami sa casa.
Kaagad ko silang niyakap isa-isa atsaka pinasalamatan.
“Sobrang proud namin sa’yo Diane! Walang katumbas ang aming supporta sa kung ano man ang gusto mong gawin.”
“Nasa likod mo lang kami Diane!”
“Oo nga, handa kaming umalalay sa’yo kung dadating man ang araw na kakailangin mo ng tulong.”
Napangiti ako sa lahat ng sinabi nila sa akin. Mula noon at hanggang ngayon ay hindi talaga nila ako pinabayaan. Isang pamilya na ang turing ko sa kanila at ganon din sila sa akin.
“Oh s’ya! Kainina na natin ‘to habang mainit pa.” Kaagad kaming sumang-ayon sa sinabi ni Aling Cena. Kaagad ko namang tinignan si Don Frederico atsaka siya hinalikan sa pisngi nang magpaalam muna siya sa amin upang magpahinga sa kanya silid.
Sinundan ko sila ng tingin ni Grace nang tuluyan na silang makapasok sa isang pasilyo papunta sa kwarto ni Don Frederico.
Nasa kalagitnaan kami ng pagsasaya at pagkukwentohan nang biglang tumunog ang telepono.
“Ako na, ako na ang sasagot.” Nagboluntaryo si Aling Cena atsaka siya tumayo mula sa pagkakaupo rito sa tabi ko atsaka sinagot ang tawag. Sinundan ko lang siya ng tingin.
“Hello? Sino po ito?” Bungad ni Aling Cena sa kabilang linya. Biglang bumilog ang kanyang mga mata kaya hindi ko maiwasang mapatayo sa aking kinauupuan dahil sa pag-aalala.
“Aling Cena sino ho ‘yon?” Tanong ko sa kanya matapos niyang ibaba ang tawag. Hindi na rin maiwasang mabahala ng iba pang tagapagsilbi nang lingunin nila ang direksyon ni Aling Cena na ngayon ay tila gulat na gulat parin.
Hinarapn niya muna kami ng tuluyan atsaka napalunok bago magsalita.
“S-Si... Señorito... Señorito Stone a-ang tumawag.” Napahawak ako sa mesa nang sabihin niya ‘yon. Hindi ko maiwasang magulat din sa sinabi niya. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at mukhang lalabas ito sa aking lalamunan.
Mula nong umalis si Stone walong taon na ang nakakalipas, ni isang tawag o balita mula sa kanya ay wala kaming narinig.
“A-Ang sabi niya ay u-uuwi siya ngayon s-sa katapusan ng buwan.” Nakarinig ako ng pagsinghap mula sa mga tagapagsilbi.
“Babalik na siya sa rito Pilipinas.” Dagdag pa ni Aling Cena. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig, tila nasa isang panaginip lang ako dahil mukhang masyadonitong mangyari sa totoong buhay. Pero hindi, totoo ito at walang halong biro na sinabi ‘yon ni Aling Cena sa amin.
Hindi ko alam pero bigla na lang ako nakaramdam ng labis na kasiyahan dahil sa balitang ‘yon.
After 8 long years, I’ll finally see him...