Diane's POV
Wala si Stone ngayon hanggang sa susunod na dalawang araw dahil may business trip ito. Maaga itong umalis sabi ni Aling Cena kanina sa akin nong nagtanong ako.
Nasa hardin ako ngayon at nakaupo sa isang silya at umiinom ng tsaa habang kumakain ng isang cake na ginawa ko. Nakangiti ako habang nakatitig sa cheesecake na ginawa ko.
Balang araw, magkakapagtayo rin ako ng sarili kong pastry shop. 'Yon ang pangarap ko, pangarap naming dalawa ni nanay.
Mapait akong napangiti nang maalala ko na naman siya. Isang buwan na rin ang lumipas nong huli ko siyang binisita, wala naman akong trabaho ngayon kaya mas mabuti siguro na bisitahin ko siya at si Don.
Nagulat ako ng biglang may sumabog mula sa aking likuran kaya halos matapon ko ang tsaa na nasa ibabaw ng mesa. Nagsilabasan ang mga confetti atsaka ito dumapo sa aking buhok, mukha, suot, at kahit sa cheesecake ko.
"Maligayang kaarawan, Diane!" Napalingon ako sa aking likuran at don ko nakita si Aling Cena na may dala-dalang cake na may nakasinding kandila at ang ibang tagapagsilbi na may dalang party popper. Sabay nila akong binati na may malawak na ngiti sa mukha.
Ngayon ko lang naalala na kaarawan ko pala ngayon.
"Salamat sa inyo, nag-abala pa kayo." Nakangiti kong saad.
"Oh s'ya, magwish ka na," sabi ni Aling Cena atsaka itinapat sa akin ang bilog na cake. Ipinikit ko ang aking mga mata atsaka nagwish bago hinipan ang kandila.
Isa-isa nila akong niyakap atsaka binati ulit. Salu-salo naman kami rito sa hardin nang ilabas ni Aling Cena ang pansit at ilang putahe na niluto niya. Simple lang ito kaya mas nagustuhan ko.
Lahat ng nagtatrabaho sa casa ay pinatawag ko para sabay kaming kumain. Masaya kahit muntikan ko nang malimutan ang espesyal na araw na 'to.
Nakangiti lang ako habang nakikinig sa kanilang magkwento sa harapan ko habang nakipag-usap naman ako sa ibang tagapagsilbi. Nasa kalagitnaan kami ng pagsasaya nang may marinig akong pagparada ng isang motorsiklo sa labas ng casa.
"Ako na po, kumain lang muna kayo diyan," sabi ko sa tatlong guwardiya na aalis na sana.
"Sigurado po ba kayo, Señorita?"
"Opo." Nakangiti kong saad atsaka tuluyan ng tumalikod upang puntahan ang main entrance ng casa. Nasa bungad pa lang ako pero alam ko na kaagad kung sino ang dumating.
Kaagad akong tumakbo papalapit sa direksyon niya hanggang sa tuluyan akong huminto atsaka humawak sa doorframe ng malaking pinto ng casa habang nakatanaw sa isang lalakeng nakaleather jacket atsaka inaayos ang buhok na medyo nagulo dahil sa pagsuot niya ng helmet.
Biglang lumiwanag ang mukha ko atsaka awtomatikong napangiti nang mapalingon siya sa aking direksyon dahilan upang mapaderetso ito kaagad ng tayo.
"Diane." Tawag niya sa pangalan ko atsaka ngumiti rin. Dahil mahaba ang aking suot na bestida ngayon, kaagad ko itong iniangat atsaka tumakbo papunta sa kanyang direksyon.
Muntikan pa akong madapa sa huling hakbang ng hagdan papunta sa kanya.
"Dahan-dahan lang." Natatawa niyang saad at muntikan na akong saluhin.
"Diego!" I called out his name before throwing myself to him for an embrace. Kaagad ako niyakap pabalik ni Diego atsaka inikot-ikot habang medyo nakaangat ang aking paa sa ere.
"Dumating ka!" Nakangiti kong wika sa kanya. Diego put me down and looked at me straight in the face before saying something.
"Oo naman, I won't miss your birthday now that I am here." Tila hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. Kinuha ni Diego ang isang bouquet ng bulaklak atsaka ito ibinigay sa akin.
It's my favorite flower, lilies.
"Happy Birthday, Diane," he said in a very low voice while looking at my eyes. Sobrang hina ng pagkakasbai niya non, pero sakto lang upang marinig ko.
"Thank you, Diego." Nakangiti kong wika sa kanya. Kaagad kong hinawakan ang kanyang isang kamay atsaka pinapasok sa loob ng casa. Dinala ko siya sa hardin kung saan kami may maliit na salu-salo.
Nakita ni Aling Cena ang kanyang pamangkin kaya kaagad niya itong niyakap. Mas lalo akong nasiyahan ngayong andito na si Diego. Wala na akong ibang hihilingin pa sa araw na 'to kundi ang matapos ito ng matiwasay at masaya.
NASA gilid kami ng maliit na lawa rito sa hacienda ni Diego. Mahangin at hindi masakit ang araw sa oras na 'to kaya masaya kaming nagkukwentuhan at kumakain sa ilalim ng puno. Aalis na siya mamaya kaya sinulit namin ang oras ngayon, idagdag mo pa ang magandang panahon.
"Kailan ka babalik sa Australia, Diego?" Nilingon niya ako habang pareho kaming nakaupo rito sa damuhan.
"Bakit? Gusto mo na ba akong bumalik kaagad?" Bumakas bigla ang lungkot sa boses ni Diego kaya umiling kaagad ako.
"Hindi naman sa ganon, pero diba plano mong doon magtrabaho at tumira?" Tumango ito sa akin bago tinignan ang lawa sa aming harapan.
I suddenly felt Diego's hand above mine which made me looked at it. Nang tignan ko si Diego, nakatingin na ito sa akin atsaka ako tinitigan sa mata. Biglang humangin kaya tinangay ang ilang hibla ng aking buhok. Hinawi ni Diego ang ilang hibla na tumatakip sa aking mukha atsaka ito inilagay sa likod ng aking tainga bago binigyan ng isang matamis na ngiti sa labi.
"Have I told you how beautiful you are today?" Natigilan ako sa sinabi niya. "You always have been this breath taking, Diane. Always have been." Huminga siya ng malalim bago yumuko atsaka kinuha ang dalawa kong kamay bago ito mahinang pinisil.
"Alam mo namang andito lang ako palagi hindi ba? Hinihintay ko parin ang sagot mo, Diane. Palagi kong hihintayin 'yon hanggang sa handa ka na." Diego is the most soft-spoken man I've ever encountered with. Mula noon at hanggang ngayon ay kumportableng-kumportable ako sa kanya.
Siya ang isa sa naging sandalan ko nong nawala si Nanay, sa kanya ko palaging sinasabi ang mga problema ko sa buhay, si Diego ang palagi kong hinahanap-hanap sa tuwing nahihirapan ako. Siya ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko ngayon at masaya akong unti-unti na niyang naaabot ang mga pangarap niya.
Diego deserves it because he works hard for it, and he deserves to be happy as well.
But then...
I love Stone. I still do.
Palihim ko siyang minamahal mula noon hanggang ngayon. At hindi ko alam kung paano ko yun itatama o ihinto. Mahirap diktahin ang puso, sobrang hirap.
"Diego... kasi..."
"Hindi mo 'ko kailangang sagutin ngayon, Diane. You don't have to pressure yourself," he said and reached the back of my head before pulling me closer to him. Diego kissed my forehead which made me close my eyes.
Humangin ulit kaya mas dinamdam ko ang magaan niyang halik sa akin noo at ang preskong hangin ng hacienda.
The moment he pulled away he flashed his manly smile before standing up and reached my hand.
"Balik na tayo sa loob?" Tanong niya sa akin. Tiningala ko siya atsaka tinignan ang kanyang kamay na nakalahad sa akin bago ko 'yon tinanggap.
Bitbit ko ang bulaklak na ibinigay sa akin ni Diego sa kabila kong kamay habang hawak niya ang isa kong kamay. Diego's other hand is carrying the picnic basket as we walked in this vast land of Casa de Lincoln.
Hindi na rin nagtagal pa si Diego kaya hinatid ko siya sa labas ng casa. Nakatingin lang ako sa kanya mula rito sa kinatatayuan ko nang isuot niya ang kanyang helmet atsaka sumakay sa kanyang motor.
"Mag-iingat ka, Diego." Ngumiti ito sa akin atsaka tumango.
"Oo naman. Maligayang kaarawan ulit sa'yo, Diane." Napangiti naman ako sa sinabi niya atsaka mahigpit na hinawakan ang bulaklak na ibinigay niya sa akin.
Kumaway ako sa ere nang tuluyan na siyang umalis sa casa. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa bumukas ang dalawang malalking gate ng casa atsaka ito tuluyan ng nawala sa aking paningin.
Napayuko ako atsaka tinignan ang aking paboritong bulaklak bago ito inamoy habang nakangiti. Salamat Diego, maraming salamat dahil andiyan ka.
Tumalikod na ako habang nakatingin sa magagandang bulaklak, dapat ilagay ko sila sa isang vase sa loob ng aking silid. Nasa loob na ako ng casa nang mapahinto ako sa paglalakad.
Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang sobrang pamilyar na tunog ng sasakyan. Nilingon ko ang labas ng casa at don ko nakita ang sasakyan ni Stone na pumarada sa labas.
Nahigit ko ang aking hininga nang makita ko itong lumabas mula sa sasakyan atsaka ako tinignan ng deretso sa mukha. A-Anong ginagawa niya rito? Akala ko ba ay sa susunod na dalawang araw pa siya uuwi?
Napatingin ako sa dala niyang kahon na may katamtaman lang na laki atsaka ito naglakad papunta sa aking direksyon.
"S-Stone, akala ko ay nasa business trip ka ngayon." Mahinang saad ko hanggang sa tuluyan itong mapahinto sa aking harapan.
"I forgot something." I gave him a puzzled look, but his cold and plain voice makes me look down in the floor instead of his face. Ilang oras na ang lumipas mula nong umalis siya rito pero bumalik pa siya dahil lang sa may nakalimutan siya? It's been already half a day since he left the casa, maggagabi na nga ngayon.
Natigilan ako nang ilahad niya ang kahon na hawak-hawak niya sa akin dahilan upang mapatingin ako roon.
"It's your birthday today, isn't it? I forgot to give you this." Napatingala ako sa kanya atsaka ibinalik ang aking tingin sa magandang kahon na hawak niya.
Alam niya...
Alam niyang kaarawan ko ngayon kaya binilhan niya ako ng regalo? Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng regalo mula sa kanya kaya hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa kahon na dala niya. He came back just to give me a gift.
"S-Salamat, Stone."
"Señorita Diane? Nakita niyo po ba si Sir Diego? Naiwan niya po kasi ang guwantes niya sa hardin kanina." Sabay kaming napalingon ni Stone sa isang babaeng tagapagsilbi. Nang makita niya si Stone ay kaagad itong naestatwa atsaka bumilog ang mga matang nakatingin sa matangkad na lalake sa aking likuran.
"S-Señorito Stone! N-Nakabalik na po kayo?" Hindi sumagot si Stone sa kanya pero ramdam na ramdam ko ang tingin niya mula sa aking likuran.
Napalunok ang babae kaya dali-dali itong yumuko atsaka humingi ng despensa bago tuluyang umalis. I just stood froze and unwilling to move because the atmosphere suddenly became heavy in just an instant.
"I see..." Stone said in a very deep voice. "You got a visitor without me?" Napalunok ako atsaka dahan-dahan na hinarap siya ulit.
Natigilan ako nang makita ang regalong hawak-hawak ni Stone ngayon. The box where the part he's holding is now destroyed. Stone gripped it so hard to the point it was crashed in his hand.
"Stone, magpapaliwanag ako--" Hindi ko natapos ang gusto kong sabihin ng pahablot niyang hinawakan ang aking braso. Napangiwi ako sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya don.
"Paliwanag? Hindi ko kailangan 'yan." He said in a gritted. In just an instant, his eyes are now burning in rage.
"Sinong nag-utos sa'yo na pwede kang tumanggap ng bisita rito sa pamamahay ko, ha?"
"S-Stone, bitawan mo 'ko. M-Masyado ng masakit." Mabibigat ang mga hakbang niya patungo sa isang pasilyo rito sa casa habang hawak-hawak ang braso ko.
Takot na takot na ako nang tahakin niya ang huling pinto sa dulo ng pasilyo atsaka 'yon binuksan. Stone opened the door of his room before pushing me inside causing me to fall in the floor. Nasira na ang ilang bulaklak na hawak ko kaya dali-dali ko 'yon kinuha bago siya tinignan.
"Anong ginagawa ng potanginang Diego na 'yan dito sa bahay ko?!" Stone suddenly gripped both of cheeks using his one but strong hand.
"Ang landi-landi mo! Dinala mo pa talaga ang lalake mo rito sa bahay ko! Wala kang respeto!" He shouted in front of my face. Napatingin siya sa bulaklak na hawak-hawak ko kaya kinuha niya 'yon mula sa akin.
"Stone, wag! Ibigay mo sa'kin 'yan, pakiusap!"
"Why the f**k would I? Did Diego gave this to you?" Tuluyan ng tumulo ang luha ko nang ihampas niya ang bulaklak sa dulo ng kama niya.
"Stone, tama na!" The flowers are now destroyed.
"This crappy flower belongs to the trash!" Inis niyang tinapon ang bulaklak sa sahig atsaka ito inapak-apakan. Tuluyan na akong napaiyak sa kanyang ginawa habang nakatingin sa ginagawa niya.
Nang tignan ako ni Stone kaagad niya akong nilapitan atsaka hinawakan sa braso bago sapilitan na pinatayo.
"Don't you dare f*****g cry on that piece of f*****g flower." Napasinghot ako nang makita ang nagbabaga niyang mga tingin sa akin.
"You know what? You don't deserve my gift, you don't deserve anything from me! Buying you gift and canceling my trip for your birthday is the biggest mistake I've ever done!" Natigilan ako sa sinabi niya. He missed his trip for me. Stone lied. He lied about what he said earlier.
Sinadya niyang hindi tumuloy para sa kaarawan ko ngayon.
Ang sunod na nangyari ay tuluyan na niya akong inihagis sa ibabaw ng kanyang kama na mas lalo kong ikinakaba.
"Did that Deigo f****d you while I'm not around?" Napalunok ako sa sinabi niya lalo na't isa-isa niyang tinatanggal ang butones ng kanyang suot.
"Does he make you feel good?" He tossed his white polo in the side and started unbuckling his belt.
"Stone... w-wag mong gawin 'to, please. Walang n-nangyari sa amin ni Diego, m-maniwala ka sa'kin."
"I missed millions of investments because I chose you over them today. Now, make it f*****g worth it!" Bigla niyang hinila ang dalawa kong paa atsaka siya pumaibabaw sa akin.
"You f*****g w***e, you better make this worth it." He whispered with a gritted teeth before claiming my lips and destroying my clothes.