(5) Wrath

892 Words
Diane’s POV Masyadong mabilis ang pangyayari. Pagkapasok ko kaagad sa loob ng bahay ay kaagad akong pumasok sa loob ng aking kwarto. Narinig ko pang tinawag ako ng aking Ina pero hindi ako nakinig at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. Kaagad kong isinara ang aking pinto atsaka iyon na nilock. Deretso akong humiga sa aking kama atsaka kinumutan ang aking sarili bago umiyak. Masyado akong nasaktan sa ginawa ni Stone kanina, lalong-lalo na sa mga salitang binitawan niya. Nasaktan ako ng husto dahil yun pala ang tingin niya sa amin ni Mama. Ang tingin niya ay manggagamit kami at inaabuso namin ang kabutihang hatid ni Don Frederico. Hindi naman ‘yon totoo lahat kaya dapat hindi ako umiyak ng umiyak ngayon, pero hindi ko talaga maiwasang masaktan. May narinig akong pagkabasag ng malaking bagay sa labas kaya kaagad akong napahinto sa pag-iyak atsaka bumaba mula sa kama. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa pinto atsaka pinakinggan ang mga boses sa labas ng aking kwarto. “Wag mo nga akong hawakan!” Napasinghap ako ng marinig ko ang pagtaas ng boses ni Stone. “Señorito Stone, dumurugo ang iyong sugat. Hayaan mong tignan ko ‘ya—“ “Shut up!” Nanlaki ang aking mga mata ng marinig ang boses ng aking Ina. Hindi ako nakatiis at kaagaf na binuksan ang aking pinto. Dumiretso kaagad ako sa sala kung saan maririnig ang mga boses. “Stone! Watch your voice!” Maawtoridad na sambit ng Don sa kanyang apo. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko sila sa sala. Nakatayo sa Stone sa gitna at nakatingin kina Don Frederico at ng aking Ina, nakatalikod naman siya sa aking direksyon. Nagkalat ang bubog ng malaking vase na nabasag sa sahig. Puno ng pag-aalala ang mukha ng aking Ina na nakatingin kay Stone at sa malaking sugat ne’to. “I loathe you! Sana hindi na lang kayo nagpunta rito sa Casa! I hope my grandfather won’t marry you!” Natigilan ako sa sinabi ni Stone sa aking Ina. Kita naman ang pagkagulat sa mukha ng aking Ina at ng Don. Napatawa naman si Stone habang napailing nang makita ang reaksyon ng dalawang taong nasa kanyang harapan ngayon. “You think I won’t find out your plan on marrying Leticia? Huh?” Tanong niya sa kanyang Lolo. Tuluyan ng nawala ang pagkagulat sa mukha ni Don Frederico at pinagmasdan lang ne’to ang kanyang apo. Gulat na gulat ako sa rebelasyon ngayon. Anong kasal? Gustong pakasalan ng Don ang aking Ina? Bakit? T-Tsaka paano na si Stone? Halata sa kanyang boses na nasasaktan siya tungkol dito. “Are you out of your mind Grandpa? Papakasalan mo ang babaeng ‘yan?! Ha! Binilog na nga niya ang utak mo! Can’t you see it? Nagkukunwari lang ‘yan para makuha ang simpatya mo! Silang dalawa ng anak niya! Mga manggagam—“ Napasinghap ako ng biglang sampalin ni Don Frederico si Stone. Napatakip ako sa aking bibig nang makita kong may bahid ng dugo ang labi ni Stone sanhi ng malakas na impact ng pagsampal ng kanyang Lolo. “D-Don Frederico! T-Tama na, nasasaktan n’yo na po ang apo ninyo.” Pag-aawat ni Mama kay Don nang bumubuwelo na naman ito upang sampalin sa kabilang pisngi si Stone. “You don’t have respect in me and in this house! Pinapakain kita, inaaruga, binibihisan, pinapaaral, binibigay ang mga luho mo dahil apo kita! Konting respeto na lang sana sa akin at sa mga taong naririto ang kailangan mong gawin pero hindi mo magawa!” Hindi na rin maiwasan ng Don ang magtaas ng boses. Nakayuko lang si Stone pero patuloy parin ang pag-agos ng kanyang dugo mula sa labi at sa sugat ng kanyang kamay dahil mahigpit na nakakuyom ito. Hindi ko maiwasang masaktan ng makita kong may tumulong luha mula sa kanyang mga mata nang magpasya akong maglakad sa gilid upang tignan ang kalagayan niya. “Fine. Marry that woman then.” Isang malamig na boses ang biglang umapaw sa buong lugar nang magsalita ulit si Stone. “But I don’t want to be here if that time comes. Ipatapon niyo na lang ako sa America, mas gugustohin ko pang don tumira na mag-isa kesa rito.” Naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang sabihin niya ‘yon. A-America? Sobrang layo non, ilang milya pa ang aabutin bago makarating doon. Hindi ko alam pero biglang nakaramdam ng sakit ang aking munting puso nang mapagtanto kong ayaw na ni Stone dito. “If that’s what you want then so be it. I’ll prepare an early flight for you tomorrow.” Matigas na wika ng Don sa kanyang apo. Kaagad namang tumalikod si Stone atsaka naglakad papunta sa aking direksyon. Napahinto siya ng makita ako. Hindi ko napansin na may luhang tumulo na pala mula sa aking mukha. Nang tignan niya ang aking pisngi, nag-igting ang kanyang panga bago ako nilagpasan. Halos manlumo naman ako ng makita ko ang kanyang kulay abong mga mata na may bahid ng lungkot, galit, at poot nang tignan niya ako. Sinundan ko na lang siya ng tingin na ngayon ay naglalakad papunta sa kanyang kwarto. Napaigtad pa ako sa aking kinatatayuan ng pabagsak niyang isinara ang kanyang pinto. Stone... Kailangan mo ba talaga ‘tong gawin? Sobra ba talaga ang galit mo sa amin para mas piliin mong umalis kesa ang manatili sa sarili mong tahanan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD