(14) Prenup

1864 Words
Diane's POV Andito parin ako sa casa at kasalukuyan nagdidilig ng mga halaman sa hardin. Lumuwas na rin si Deigo papunta sa probinsiya nila pagkatapos ng burol ni Don. Hanggang ngayon, hindi parin tuluyang naghihilom ang mga sugat namin mula sa pagpanaw ng Don. Hanggang ngayon, naninibago parin kaming lahat. Narinig ko pa mula sa ilang mga tagapagsilbi na dadating daw ngayong araw si Stone. Alam kong ilang beses na niya akong sinabihan na dapat umalis na ako ng casa bago pa siya dumating pero buo ang desisyon ko. Hindi ako aalis dito kahit na ipakaladkad niya ako sa labas ng kalsada, tutuparin ko ang pangako ko kay Don Frederico. Kahit pagbuhatan pa ako ng kamay ni Stone, hindi ako aalis dito. "Señorita, handa na po ang pagkain ninyo." Napalingon ako sa aking likuran nang may tumawag sa akin. Isang ngiti ang sinukli ko sa kanya bago siya tuluyang umalis. Kaagad ko namang niligpit ang pandilig ko rito atsaka inayos ang aking suot na bestida. Pero hindi kaagad ako umapak sa loob ng hacienda nang makita ko si Nancy sa labas ng kwadra niya. Natagpuan ko na lang ang aking sarili na tumatakbo papunta sa kanya habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin dito sa hacienda dahil sa mga naglalakihang puno sa paligid. How could I leave this beautiful paradise? Kaagad kong hinawakan si Nancy atsaka siya binigyan ng pagkain. Kinakausap ko rin siya na parang tao lang tungkol kay Don Frederico. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nakikinig siya sa akin. "Magiging maayos din ang lahat hindi ba, Nancy?" wika ko atsaka siya niyakap. "Señorita Diane!" Awtomatiko akong napatingin sa casa nang may sumigaw sa pangalan ko. Bakas sa mukha ng tagapagsilbi ang pagkabahala sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin dito sa malayo. Magsasalita pa sana ito nang makita ko ang isang matangkad na lalake sa kanyang likuran. The maid obviously sensed his presence behind her which made her looked at him. Ni hindi man lang siya tinaponan ng tingin ng lalake at deretso lang itong nakatingin sa akin. Napaawang ang aking bibig nang mamukhaa ko na ito. He removed his shades as he tilted his head to the other side with one hand inside his pocket. He's wearing a white polo that was folded until his elbow and a black vest paired with black slacks. Napalunok ako nang titigan niya ako ng maige dahilan upang mapahawak ako ng mahigpit kay Nancy. "Stone..." Bulong ko sa kanyang pangalan. His piercing gray eyes are looking intently into my soul before he switched it to his horse. Napaderetso siya ng tayo nang makita si Nancy sa tabi ko. Pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa bago ngumisi atsaka tumalikod papasok ng casa. Naptingin ako kay Nancy bago ko inilipat ang aking atensyon kay Stone na ngayon ay tuluyan ng nakapasok sa loob. He's finally here... TAHIMIK at wala ni isa ang may balak na magsalita habang nasa harap kami ng hapag-kainan. Tanging ang pagtama lang ng mga kubyertos sa babasaging plato ang naglilikha ng tunog dito. Ni halos hindi ko rin magawang igalaw ang aking mga kamay sa pagkakataong ito lalo na't andito lang si Stone sa aking tabi. Siya na ngayon ang nakaupo sa silya ni Don Frederico habang nasa kanang parte niya ako nakaupo. "Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" Hindi ako sumagot at nakatingin lang ako sa plato ko. "Eat." Napalunok ako nang marinig ko ang sobrang seryoso niyang boses. Sinunod ko siya kaagad atsaka isinubo ang pagkain sa aking bibig. Palihim na nanginginig ang aking mga kamay habang sumusubo ako. Natakot ako kanina sa pagdating niya dahil baka totohanin niya ang pagkaladkad niya sa'kin sa labas ngunit laking gulat kong inaya niya akong kumain ng agahan ngayon. Tumayo na si Stone matapos niyang kumain dahilan upang mapatingala ako sa kanya. Sakto namang nagtama kaagad ang tingin namin na halos ikinahigit ko ng aking hininga. "Follow me in the office after taking your meal. I have important business to discuss with you." Yon lang ang sinabi niya sa'kin at kaagad na rin itong naglakad papalayo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang lumiko sa isang pasilyo. Hindi rin ako nagtagal sa hapag at ngayon ay nasa mismong labas na ako ng opisina. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya kanina pero masama ang kutob ko roon. Hindi ako mapakali. Binuksan ko ang pinto at don ko siya nakitang nakaupo sa upuan ng Don. He intertwined his fingers above the table as he met me in the eye. Don pa lang, bigla ng lumakas ang kabog ng aking dibdib. "Take a seat." Kahit na kinakabahan ay umupo ako sa tapat niya. Tumayo ito at may biglang inilapag sa ibabaw ng mesa. Naglakad si Stone papunta sa isang gilid at kumuha ng kopita roon bago isinalin ang isang alak mula sa bote. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, what's inside that folder is the last will testament of my grandfather," wika ne'to atsaka naglakad papalapit sa akin ngunit huminto siya sa gilid ng mesa atsaka sumandal roon bago ininom ang alak sa kanyang baso. "Do you know what it says?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa inumin niya. Tinignan niya ulit ako ngunit sa pagkakataong ito ay may galit na sa mga mata niya, na tila isang makamandag na ahas na handa akong tuklawin. "It says I have to f*****g marry you." Nabato ako sa aking kinauupuan at kaagad na bumilog ang aking mga mata sa gulat. Ako? Ikakasal kay Stone? Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako o matatakot. Halo-halo ang aking emosyon sa pagkakataong ito pero mas nanaig ang takot. "f**k!" Napaigtad ako ng ihagis niya ang baso dahilan upang mabasag 'yon ng pira-piraso. "Hanggang ngayon pinapaboran ka parin ng matandang 'yon." Rinig kong sabi niya. "S-Stone, hindi naman natin siguro kailangan gawin ang nakasaad s-sa papel--" "Anong hindi? Anong hindi ha?!" Mga mabibigat na yapak ang ginawa niya papalapit sa akin. Kaagad ko namang inilayo ang aking pang-itaas na katawan nang mas lalo siyang lumapit sa kain. Idinuro niya sa aking mukha ang kanyang hintuturo habang may nagbabagang tingin. "Kung hindi ko 'yan gagawin, walang mapupunta sa akin! At lahat ng dapat na sa akin ay mapupunta sa'yo! Ano ako, tanga?! Hindi ako papayag na ikaw ang makikinabang sa lahat!" Buong galit niya wika sa akin. Napapikit na lang ako sa pagsigaw niya atsaka kaagad na yumuko. "Pinlano mo 'to lahat noh? Pinlamo mo 'to para makuha mo ang yaman ng buong Lincoln." Napatingala ako kaagad nang bigla ulit magsalita si Stone. Maayos na siyang nakatayo sa aking harapan. Sunod-sunod akong umiling sa sinabi niya. "H-Hindi Stone, maniwala ka. W-Wala akong alam, wala akong alam tungkol sa last will testament ni Don Frederico. Tsaka wala akong pakialam sa yaman ninyo, maniwala ka sa'kin kahit ngayon lang," sabi ko sa kanya. Kahit baliktarin niya pa ang buong mundo, wala talaga akong alam. Nagkatitigan kami saglit pero ako yung unang umiwas atsaka napayuko na naman habang nakahawak sa aking daliri. Bakit ba hanggang ngayon ganyan parin ang tingin niya sa'kin? Ni kahit isang sandali ay hindi sumagi sa isipan ko ang tungkol sa yaman nila. Hindi ako ganon. Hindi ako pinalaki ni Mama ng ganon. Naniniwala parin akong nasa sipag at tiyaga ng isang tao ang makakapagpaangat sa kanya at hindi dahil sa yaman ng iba. "If that's so, then prove it to me." Napaderetso ako ng upo nang magsalita ulit siya. Nagtataka akong napatingin sa kanya na ngayon ay iniluhod ang isang tuhod upang magpantay kaming dalawa habang nakatukod naman ang isa niyang braso sa isan tuhod ne'to. He gave me a pen which makes me puzzled. Para saan ang ballpen na 'to? "I will marry you and you will marry me." Napalunok ako sa sinabi niya at hindi maiwasang magharumento kaagad ang aking puso. "But sign our prenuptial agreement," dagdag pa ne'to habang nakalahad parin ang ballpen na hawak-hawak niya. "Kung totoong wala ka talagang paki sa yaman namin, pirmahan mo yung papel. Nakasaad doon na kahit isang piso ay wala kang makukuha sa akin, sa akin ang casa, at wala kang makukuhang shares sa kompanya. You're not a gold digger aren't you? Then f*****g prove it to me." Matigas niyang wika sa akin. Dahan-dahan kong iniangat ang aking kamay sa ere atsaka unti-unting kinuha ang ballpen mula sa kanya. Stone smirked the moment I took the ballpen away from him. "And one more thing." Tumayo na ulit ito atsaka pinagpag ang kanyang suot na slacks bago nagsalita ulit. "Shut your mouth about this f****d up thing of marrying you. Wala dapat ni isa mula sa casa o kahit ibang tao ang nakakaalam na ikakasal tayong dalawa, maliwanag ba? Dahil kung hindi, hindi mo gugustohin ang magagawa ko sa'yo." Kaagad akong binalutan ng takot sa buong katawan nang umigting ang kanyang panga matapos niya yung sabihin. "M-Makakaasa ka," sabi ko sa kanya bago tumango. Lumapit na ako sa mesa atsaka kinuha ang isa pang papel mula sa loob ng folder. Nakita ko kaagad ang prenuptial agreement papers kaya 'yon ang kinuha ko. Tinignan ko 'yon ng maige bago siya nilingon sa aking likuran. "P-Pagkatapos ko 'tong pirmahin, a-ano na ang kasunod na mangyayari?" He tilted his head to the other side before crossing his arms. "Of course we'll get married and the inheritance will be passed on me. Mahaba-haba pa ang proseso kaya hindi pa kaagad kita mahihiwalayan pero sa oras na matapos na ang lahat, you and I must sign the annulment papers. You got me?" Aniya na ikinatango ko na lang. Ngumisi ito sa akin bago hinawakan ang baba niya, yumuko na ako sa mesa atsaka pinirmahan kaagad ang prenuptial agreement. Kung ito lang ang paraan upang paniwalaan ako ni Stone na hindi ako isang klase ng babae na sakim sa yaman ay gagawin ko. Inilapag ko na ang ballpen sa ibabaw ng mesa atsaka umayos ng tayo. Napahawak naman kaagad ako sa aking suot na bestida nang maramdaman ko ang presensya ni Stone sa aking likuran. Napahigpit ang pagkakahawak ko nang maramdaman ko ang kanyang hininga sa aking buhok. "I never thought this would be easy." Napasinghap ako nang hawakan niya ang magkabila kong braso atsaka ako pinaharap sa kanya. Hinawakan niya ang aking baba atsaka ako pinatingin sa kanyang ng deretso. Naka-angat ang isang sulok ng labi ni Stone at halos malunod ako sa mga tingin niya lalo ang sobrang ganda niyang mga mata na nakatingin lang sa akin. "Are you excited for our marriage? Hmm?" Hindi ako sumagot at tanging paglunok lang ng laway ang nagawa ko. Bumaba ang tingin ni Stone sa aking labi kaya mas lalong itong ngumisi. He then rubbed my lower lip using his thumb. Nagulat na lang ako nang bigla niya inilapit ang aking mukha sa akin at sa isang idlap lang at hinalikan niya ako sa labi. Napakapit ako kaagad sa braso niya ng maramdaman ko ang kanyang dila sa aking labi na pilit itong pinapasok. Napasinghap ako nang tuluyan ko ng maramdaman ang kanyang dila sa dila ko. Pagkuwan ay huminto rin kaagad si Stone atsaka lumayo sa akin. "That's for being a good girl," he whispered before licking his lower lip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD