Stone's POV
Nakatitig lang ako rito sa pader ng aking sairling condo. Umuwi kaagad ako rito matapos kong marinig ang last will testament ng aking Lolo. Hanggang ngayon ay hindi parin mawala-wala sa isipan ko ang tungkol sa bagay na 'yon.
You must marry Diane Ramos.
"f**k!" Sigaw ko atsaka hinagis ang isang bote ng alak na hawak-hawak dito sa pader ng aking kwarto. Inis akong napahilamos sa aking mukha habang paulit-ulit 'yon na tumatatak sa utak ko.
To be honest, I don't need my grandfather's inheritance pero hindi naman ako papayag na makikinabang si Diane doon. Hindi ko hahayaan na mapupunta sa kanya ang ni kahit katiting na yaman na pagmamay-ari ng mga Lincoln.
I am the last Lincoln in this bloodline, I won't let her have her what's supposed to be mine.
Bakit hanggang ngayon ay kailangan ko pang makipagsiksikan sa babaeng 'yon?!
Naalala ko ang sinabing suwestiyon sa akin ni Atty. Garcia tungkol doon.
Biglang tumahimik ang buong lugar matapos kong ihagis ang isang babasaging vase dito sa loob ng opisina ni Lolo.
"I understand you're anger at this very moment Mr. Lincoln but since this is a legal document, you must follow what this paper says in order to get your shares completely as Don Frederico's successor." Hindi ako umimik dahil masyado akong galit na galit ngayon, baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya.
Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang sabihin sa'kin ang mga nakasaad sa dokumento. He's just a lawyer doing his job. Hindi naman pwedeng ibuntong ko sa kanya ang labis na galit ko ngayon.
"I can give you a suggestion and an option about this matter." Don lang ako napatingin sa kanya ng deretso nang sabihin niya 'yon.
"If you want all your grandfather's inheritance, then you must marry Diane." What the actual f**k? Eh yun lang din naman 'yon, sino ba ang pinagloloko ng lalakeng 'to?
"But before your marriage, make her convince to sign a prenuptial agreement." Dagdag pa niya dahilan upang tuluyan na akong mapaharap sa kanyang direksyon. He's serious, I can see it through his face.
Prenuptial Agreement? Bakit hindi ko 'yon naisip kaagad? Siguro dahil din 'to sa pagiging galit ko kanina kaya hindi kaagad ako nakapag-isip ng dapat kong gawin.
Of course, prenuptial agreement will do.
"Let Diane borrow your surname for a while. And when you decided to legally turn down the marriage, you can file an annulment afterwards," wika ne'to atsaka inayos ang kanyang suot atsaka ipinasok ulit ang mga dokumento sa loob ng kanyang briefcase.
"You can follow my suggestion or do something else that can benefit you." Kinuha na niya ang kanyang gamit atsaka tumayo ng maayos sa aking harapan.
"I guess my job for today is already done, thank you for you time Mr. Lincoln." Nagsimula na itong maglakad papaalis ng opisina ni Lolo. Tinawag ko siya dahilan upang mapahinto ito.
"Why are you helping me? You are my grandfather's lawyer, you should make his last will testament come to reality." Mr. Garcia faced me for the last time this day before saying something.
"I'm indeed his lawyer but I just can't stand watching a helpless looking man after hearing my client last will testament who obviously have no idea what his grandfather did. I just did my job Mr. Lincoln, and that is to help someone in need. And as far as I can see, you need help." He flashed his manly smile at me, causing the wrinkles around his eyes become visible.
"After all, no one wants a forced marriage. Not even you, am I right?" He finally left the place leaving some impactful words behind.
Umayos ako ng tayo atsaka napahinga ng malalim. Ang plano kong uuwi sana ng casa ngayong araw ay hindi natuloy dahil dito. I need to gather all my thoughts and idea first bago ako babalik doon matapos ng walong taon.
The casa will be under Diane's possession, for now.
I need to make a plan for her to sign a prenuptial agreement. Alam kong malalaman at malalaman din ni Diane ang tungkol sa last will testament ni Lolo dahil trabaho ni Atty. Garcia na ipaalam sa aming dalawa ang bagay na 'yon.
Kung tutuosin, Diane is just a small fry, hindi siya importante para pagtuonan ng labis na atensyon.
Kung ikakasal man ako sa kanya, wala dapat ni isang kakilala namin ang tungkol sa bagay na 'yon. Marrying a woman like her is the most embarrassing thing I am about to do.
Bigla akong napalingon sa pinto ng aking kwarto nang may marinig akong pagdoorbell. Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahan na bibisita sa'kin ngayong araw.
Pagbukas ko ng pinto, kaagad na pumasok ang kaibigan kong si Caleb atsaka deretsong hinanap nag sofa rito upang doon kaagad umupo.
"Man, how could you leave me on that place? Kung hindi ko pa tinanong sa receptionist ng building kung nakita ka nilang pumasok ay baka hanggang ngayon nandon parin ako." Pagrereklamo ne'to bago kinuha ang remote ng aking TV.
Napailing na lang ako atsaka kumuha ng panibagong alak sa loob ng aking ref. I tossed the canned beer to Caleb that he immediately caught midair.
"So, nagkita na ba kayo ni Diane?" Pagbabasag niya sa katahimikan dito sa loob ng aking condo. Minatahan ko siya bago sumagot.
"Yes." And believe me or not, but she's such a f*****g eyesore.
Biglang umayos ng upo si Caleb atsaka ako tinignan sa mukha ng maige. Nakangisi ito sa akin at mukhang mapupunit na ang mukha sa lapad ng kanyang ngiti.
"She's beautiful, right?" Nanunuksong sambit ne'to. Hindi ako umimik atsaka ininom ulit ang alak sa aking kamay.
"Coca-cola body rin," dagdag pa ne'to bago sumipol.
"She's still a trash," wika ko. And a certified gold digger as well.
"Ang harsh mo naman, pero aminin mo, tama ako hindi ba? She grown up into a beautiful woman, no scratch that, she's a goddess," sabi niya na tila sinasamba ang hampaslupang 'yon. Kung siya na lang kaya ang ipakasal ko sa babaeng 'yon? Ang dami niyang dadah.
"You're obviously simping for that low-life creature."
"Luh, di naman ganon. Nagagandahan lang," pagdedepensa pa ne'to sa sarili bago itinuon ulit ang atensyon sa harap ng tv.
"Ano na pala ang plano mo ngayon? Uuwi ka ba ng casa?" Tinignan ko siya nang itanong niya sa'kin 'yon.
"Oo, uuwi ako roon." I need to go back because that place belongs to me, not to Diane or anyone else, but only to me. Babawiin ko 'yon mula sa kanya, babawiin ko ang mga bagay na dapat ay sa akin lang.
"Sweet! Sabihin mo 'ko kung pupunta ka don ha?" Kaagad na nagsalubong ang dalaw akong kilay nang sabihin niya 'yon.
"And why would I?" Nilingon ako ni Caleb bago ako tinaasan ng dalawang kilay atsaka ngumiti.
"Bibisitahin ko si Diane, matagal-tagal na rin mula nong huli naming pag-uusap." Mas lalong nagsalubong ang dalawa kong kilay sa sinabi niya.
"What do you mean? You're talking to her?"
"Oo, tuwing uuwi ako rito sa Pinas. Siguro last year ang huli naming pag-uusap." Biglang may pumitik sa aking sentido nang sabihin niya 'yon. Inosenteng tinignan ako ni Caleb na may pagtataka dahil sa reaksyon ko.
"Wait, didn't I mentioned that to you?"
"No." Hindi magiging ganito ang reaksyon ko kung sinabi pa niya ang tungkol don. Napakamot siya sa ulo atsaka mahinang napatawa bago napailing.
"Aish! Makakalimutin na talaga ako," wika pa niya atsaka tumawa ulit. Seryosong tinitigan ko si Caleb na ngayon ay natatawa parin sa sarili habang nakatingin sa hawak-hawak niyang canned beer na mukhang nangangalahati na ata.
Tumayo si Caleb sa kanyang kinauupuan matapos tignan ang oras sa kanyang relong pambisig.
"I have to go, Stone, may family dinner pa kami. I'll talk to you some other time," aniya. Sinundan ko naman siya hanggang sa bungad ng pinto ng aking condo atsaka siya tinanaw na naglalakad paalis.
I shut the door behind me as I found myself looking intently to my luggages on the other side of the room. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa atsaka kinontak ang casa, nang may sumagot ne'to kaagad kong sinabi ang pakay ko.
"This is Stone, dadating ako diyan bukas. Expect my arrival any time starting tomorrow." 'Yon lang ang sinabi ko at hindi na hinintay pang makasagot ang kung sino mang nasa kabilang linya.