(1) First Glance

1528 Words
8 years ago… Diane’s POV Napatingala ako sa isang estranghero na nakatayo sa aking harapan. Sino siya? Bakit ganyan ang suot niya? Nagmumukha siyang agent na nakikita ko sa mga palabas. Ilang beses ko na siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa pero tila isang estatwa lang itong nakatayo sa labas ng maliit naming bahay. “Diane, kunin mo na ang bag mo rito sa loob ng makaalis na tayo!” Napalingon ako sa aking likuran bago tumingin ulit sa lalakeng nakatayo. “Andiyan na Inay!” Dali-dali akong tumakbo sa loob at sinalubong ang aking Ina na bitbit ang ilan naming mga gamit. “Nay, san ba talaga tayo pupunta? Bakit ang dami nating dala? Magbabakasyon ba tayo? Saan naman? Tsaka sino yong malaking mamah sa labas?” Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Napahinto ang aking Ina mula sa pagkakalikot sa kanyang bag atsaka ako nilingon. “Pupunta tayo sa Casa de Lincoln, sasama ka sa’kin.” Casa de Lincoln? Ngayon ko lang ata narinig ang lugar na ‘yon. Parang… Prang tunog mayaman! “Sundo natin ang mamang nasa labas, kaya bilisan mo na diyan.” Tumango na lang ako sa aking Ina atsaka tinulungan siyang kunin ang mga gamit namin. Nang makalabas kami, kaagad kaming sinalubong ng mamang nakatuxedo atsaka kinuha ang aming mga gamit bago ito inilagay sa likod ng magarang kulay itim na sasakyan. Kahit medyo nagugulohan sa pangyayari sumunod lang ako sa aking Ina. Lagpas isang oras din ang biniyahe namin bago marating ang sinasabi nilang Casa de Lincoln, hindi na ako nagulat pa ng makita ang malalaking bakod na pinalilibutan ang isang malaki at malawak na lupain. Nakadungaw lang ako sa bintana ng sasakyan habang papalapit kami sa isang malaking gate. Dito ba kami magbabakasyon ni Inay? M-Mukhang sobrang mahal naman ata rito. Napatingin ako sa aking Ina ng hawakan niya ang aking kamay. Isang ngiti ang ibinigay niya sa’kin na kaagad ko namang sinuklian. Hindi nagtagal ay kaagad kaming sinalubong ng ilang babaeng tagasilbi atsaka kinuha ang aming mga gamit sa likod ng sasakyan. Mahigpit na hinawakan ko ang kamay ng aking Ina nang tuluyan na kaming makababa sa sasakyan. Nasa bungad na kami ng isang malaking bahay na halatang gawa sa matitibay at mahal na uri ng kahoy. Makaluma ang disenyo ngunit hindi maitatanggi ang magandang imprastrakturang ito. “Leticia!” Isang matandang lalake ang biglang sumalubong sa amin. Kaagad siyang inalalayan ni Ina ng bumaba ito sa hagdan papunta sa aming direksyon. Pinagmasdan ko ang matandang lalake, halatang hindi siya purong Pinoy dahil sa kanyang kulay abong mga mata. Nang magtama ang tingin namin, kaagad na sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi. “Ito na ba si Diane?” tanong niya sa aking Ina. Tumango naman ito atsaka siya ningitian. Inilahad ng matandang lalake ang kanyang kamay sa akin, napatingin ako doon atsaka sa aking Ina, nagdadalawang-isip kung kukunin ba ito o hindi. Tumango si Ina sa akin bilang hudyat na kailangan ko itong tanggapin. “M-Magandang araw ho sa inyo,” pagbati ko sa kanya. “Kay gandang bata,” ani ng lalake sa akin. Sumilay ang isang ngiti sa aking labi ng sabihin niya ‘yon. Sabay kaming pumasok sa loob ng malaking bahay atsaka dumiretso sa likurang bahagi ne’to kung saan makikita ang malawak na lupain ng mga Lincoln. Nagkukwentohan sina Ina at Don Frederico habang nasa likuran lang naman nila ako. Pinakilala na ako ni Ina sa kanya kanina, sobrang bait ng Don at mapagkumbaba. “Diane, if you want to rest, you can go straight ahead to your room,” wika ni Don Frederico sa akin ng lingunin niya ako. Ngumiti ako sa kanya atsaka umilling. “Ayos lang po ako, huwag kayong mag-alala sa’kin.” Sinabihan na rin pala ako ni Inay na rito na raw kami titira dahil ‘yon ang gustong mangyari ni Don Frederico. Ang aking Ina ay nagtatrabaho bilang isang nars sa isang ospital, nagkakilala silang dalawa ni Don Frederico ng isugod ito sa mismong ospital kung saan nagtatrabaho si Inay. Nagkataon naman na si Inay ang mismong nag-alaga sa kanya, simula noon ay kinuha na siya ni Don Frederico bilang kanyang personal nurse. “WHERE’S Stone?” Napatingin ako ng deretso kay Don Frederico ng may banggitin s’yang isang pangalan. “Hindi po namin alam kung nasaan si Señorito Stone, Don Frederico,” wika ng isang tagapagsilbi sa gilid. Nasa malaking balkon kami ng hacienda nagmemeryenda, napagod kasi si Don Frederico kanina habang naglilibot kami sa buong lugar. “Siguradong nagngangabayo na naman ‘yon. Tawagin mo s’ya para makapagmeryenda rito.” Kaagad naman itong sinunod ng isang tagapagsilbi atsaka tuluyan ng umalis. Napahawak naman ako sa aking tiyan, mukhang tinatawag ako ng kalikasan! “Uhm… D-Don Frederico?” tawag ko sa kanya. “Yes, hija?” “San po ang banyo rito?” Nahihiya kong sambit sa kanya. “Ah! May banyo sa gilid ng hardin. Mas mapapabilis kung doon ka pupunta.” Kaagad akong tumango sa kanya atsaka iniwan sina Inay sa balkon. Dali-dali akong tumakbo papunta sa hardin na ilang hakbang lang ang layo mula sa balkon. Nang makita ko ang banyo ay kaagad akong pumasok doon. Gumaan naman kaagad ang aking pakiramadam ng matapos. “Señorito Stone! Señorito, hinahanap na kayo ng Lolo ninyo!” Rinig na rinig ko ang pagtawag ng ilang tagasilbi sa lalakeng nagngangalang ‘Stone’. “Señorito! Señorito Stone!” Sa laki ba naman ng lugar na ito, paniguradong matatagalan ang paghahanap nila. Mukhang kinailangan ng lima hanggang sa sampung tagasilbi ang maghanap sa lalakeng ito. Nanalamin muna ako bago tuluyang lumabas at bumalik sa balkon ngunit kaagad akong napahinto ng may isang lalake akong nakitang nakatalikod sa’kin. Nakasiksik ang kanyang katawan sa gilid at tila may tinitignan sa likod ng mahabang palumpong. May dala siyang isang babasagin na jar na may tatlong palaka sa loob. Nangunot ang aking noo habang minamasdan siyang dahan-dahan na tinanggal ang takip ne’to. “Señorito!... Hays, asan na ba ang batang ‘yon?” Rinig kong pagrereklamo ng isang tagapagsilbi. Nasa harapan lang ito ng lalake ngunit hindi siya ne’to makikita dahil sa mga dahon na nagsisilbing pantakip sa direksyon ng lalake. Biglang ibinuhos ng lalake ang dala ne’to sa ulo ng babae. “Ahhh! Palaka! Ahhh!!” Nagsisisigaw ang babae sa takot atsaka biglang tumakbo palayo. Humagalpak naman ng tawa ang lalake habang hawak-hawak ang kanyang tiyan. Naestatwa ako ng marinig ko ang tawa niya lalong-lalo na’t makita ko ang kanyang mukha. Kahit sobrang dumi ng suot n’yang puting tshirt, maong na pantalon, at kulay kayumangging bota, ay hindi mo talaga maitatanggi na sobrang gwapo ne’to. Hindi ako makakurap. Ayokong kumurap ni isang saglit lang, gusto ko pa siyang pagmasdan na natutuwa sa bagay na ginawa n’ya. Parang… Parang wala na akong ibang narinig sa buong paligid kundi tanging ang pagtawa lang n’ya. “Jesus Christ! That was funny,” sambit niya sa sarili habang umiiling atsaka tuluyan na akong tinignan. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi ng makita ako. Napaderetso siya ng tayo ng magtama ang aming paningin at nagsalubong ang kanyang kilay habang pinagmasdan ang aking kabuoan. “Who are you?” tanong niya atsaka tinabingi ang kanyang ulo sa gilid. Napalunok ako. Hindi ko magawang magsalita, parang napipi ako bigla. “Diane?” Napalingon ako sa kaliwa ng tawagin ako ni Inay. Kaagad niya akong nilapitan atsaka hinaplos ang aking pisngi. “Akala ko hindi mo na alam ang daan pabalik. Bakit ka natagalan?” tanong pa niya sa akin. “Stone, there you are young man. Nagkita na pala kayo ni Diane.” Nilapitan siya ni Don Frederico. Isang tipid na ngiti ang isinagot niya sa kanyang Lolo. So, this is Stone… “Nagkakakilala na ba kayo?” Sunod na tanong ni Don Frederico sa kanya. Umiling ito sa kanya atsaka ako tinignan ulit. “No, we haven’t. Tinanong ko pa ang pangalan niya at eksakto naman kayong dumating,” walang bahid na emosyon na sambit ni Stone. Napalunok ako ng makita ko siyang tinignan ako mula ulo hanggang paa bago umiwas. “I got to go, Nancy needs me,” wika niya atsaka kami tinalikuran at nagsimula ng maglakad papalayo. May kung ano akong naramdaman ng banggitin niya ‘yon. Sa araw na’to ay biglang lumakas ang t***k ng aking munting puso, ngunit ito rin ang unang beses na makaramdam ito ng pagkabigo. Halata namang wala siyang plano na makipagkilala sa isang babaeng katulad ko. Kung ikukumpara ako sa kanya, walang-wala ako dahil isa lamang akong hamak na dukha sa kanyang paningin. “Pagpasensyahan mo na si Stone, hija. Ilang talaga ‘yan sa mga taong bago pa lang sa kanyang paningin, but he has a good heart. Magkakasundo rin kayo niyan,” sambit ni Don Frederico sa akin. Tumango lang ako sa kanya atsaka ngumit. “Oh s’ya, bumalik na tayo sa loob.” Sabay kaming tatlo na naglakad pabalik sa balkon. Tumingin ako sa aking likuran at tinanaw si Stone na naglalakad palayo sa direksyon namin. “But he has a good heart…” Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan s’ya sa malayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD