(6) I’ll Wait

891 Words
Diane’s POV Hindi na nga nagpapigil pa si Stone sa kagustuhan niyang umalis mula sa casa. Sarado ang kanyang utak at hindi na magbabago ang kanyang desisyon tungkol dito. Pinagmasdan na lang namin siyang isa-isa na inilalagay ang kanyang mga maleta sa likuran ng kotseng maghahatid sa kanya sa airport. Pumunta rito sina Hayden kanina dahil sa biglaang pag-alis ni Stone ngayon. Gusto nilang makita ulit ang kanilang kaibigan bago ito tuluyang umalis. Kahit silang tatlo ay hindi magawang pabaguhin ang desisyon ni Stone. “D-Don Frederico, bakit hindi nyo po pinpigilan ang apo ninyo na umalis? Masyado pong malayo ang America at masyado rin siyang bata para mag-isang tumira doon.” Kapansin-pansin ang pag-aalala ng aking Ina kay Stone dahil sa kanyang boses. Alam kong sinisisi na ng akin Ina ang kanyang sarili kung bakit kailangan pa naming humantong sa ganito. Kahit ako, nasasaktan na makita siyang aalis na sa casa. Hindi ko alam kung kailan siya babalik o kung babalik pa ba talaga siya rito. Maaaring ito na ang magiging huli naming pagkikita kung sakali. Masakit, sobra, sobrang sakit na makita siyang unti-unting lilisanin ang bahay kung saad siya lumaki nang dahil sa amin. “Hindi na ganyan kabata si Stone, Leticia. Kilala ko ang sarili kong apo. Kung ito talaga ang gusto niya, ibibigay ko nang walang pagaalinlangan.” Payak sa sambit ng Don habang nakatingin sa kanyang apo na inilalagay ang ilang huling gamit sa loob ng sasakyan. “K-Kami na lang po ni Diane ang aalis, Don Frederico. Kami na lang p—“ “Hindi, Leticia, dito lang kayo ni Diane sa pamamahay ko.” Matigas na wika ni Don Frederico. Palihim namang napalunok ang aking Ina sa kanyang tabi dahil halata ang pagkaseryoso sa boses ne’to. ”Ako ang ama ng casa, dapat niya akong sundin. Walang mali sa pagpapatira ko sa inyo rito ni Diane, ito ang kagustuhan ko at hanggang nabubuhay pa ako, ako ang masusunod dito.” Tumahimik na lang kami atsaka pinagmasdan ulit si Stone. Napahawak ako ng mahigpit kay Aling Cena nang isara na niya ang likuran ng kotse. Nangingilid na ang mga luha ko at magbabadyang tumulo mula sa aking mga mata. Hindi ko ata kaya na makita siyang umalis. Napahinto si Stone sa pagpasok sa likuran ng kotse. Nilingon niya ang aming direksyon at walang ekspresyon ang kanyang mga magagandang kulay abong mata na nakatingin sa amin. Nagtama ang tingin namin ni Stone at sa ilang segundo niya akong tinitigan. Nakita king paano niya ikinuyom ang kanyang kamao at pinaigting ang kanyang panga habang binibigyan ako ng isang masamang tingin. Nilunok ko ang sakit na aking nararamdaman sa mga tingin niya. Grabe ba talaga ang galit niya sa akin? Sa amin ng aking Ina? Hindi ko siya maintindihan dahil wala naman kaming ginagawang masama. Siguro masyado siyang nagalit dahil nakisawsaw pa kami rito at nakikihati kami sa atensyon ng Don. ”Do you still have anything to say, Stone?” He diverted his gaze to his grandfather. Tinitigan niya lang ito bago tuluyan tumalikod atsaka pumasok sa loob ng sasakyan. Kasabay ng pagsara ng pinto, ay ang paguunahan nang aking mga luhang tumulo sa aking pisngi. Tila sila nagkakarera. Nang marinig ni Aling Cena ang aking pagsinghot, kaagad niya akong niyakap. Ibinaon ko ang aking kaliwang pisngi sa katawan niya habang pinagmamasdan ang kotseng sinasakyan ni Stone na unti-unting lumiliit sa aking paningin. “Diane? Diane! S-Saan ka pupunta?” Kaagad akong tumakbo atsaka hinabol ang kotseng sakay ni Stone. Narinig kong tinawag ako nina Aling Cena at Mama pero hindi ako nakinig. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng gate. “Stone! Stone, patawarin mo ako! Stone!” Hindi ko alam kung bakit ako humihingi ng tawad sa kanya. Siguro dahil naisip ko na baka sa oras na humingi ako ng tawad sa kanya ay hindi na ito aalis. “Stone, bumalik ka! Please, bumalik ka!” Nadapa ako sa kalsada atsaka napadaing nang may maramdaman akong sakit sa aking tuhod. Kaagad akong tumayo atsaka tumakbo ulit, hindi inaalintana ang sakit ng aking mga galos sa katawan. Umiiyak pa rin ako, sinisikap kong tumakbo pa ng mabilis at nagbabakasakaling maabotan ko ang sasakyan niya pero hindi... Masyado na siyang malayo... Hindi ko na siya maabot kahit anong pilit kong pagabot sa kanya... “Diane! Diyos ko, Diane!” Napaluhod ako habang hingal na hingal dahil sa pagod. Kaagad kong naramdaman ang pagyakap ng aking Ina mula sa aking likuran. Kaagad niyang pinunasan ang aking mga luha atsaka pinapatahan. Tinulungan nila akong patayuin atsaka pinagpag ang dumi at alikabok sa aking binti atsaka siko. Nakatitig lang ako sa sasakyan kung nasaan nakasakay si Stone. Sana narinig niya ako... Sana nakita niya akong hinahabol siya... Sana... “Bumalik na tayo sa loob, Diane. Tumahan ka na ha?” Pagpapatahan sa akin ni Aling Cena na ngayon ay nasa tabi ko na rin. Suminghot-singhot ako atsaka pilit na pinapakalma ang sarili. “B-Babalik naman si Stone hindi ba po?” Tanong ko sa kanya. Isang malungkot na ngiti ang ibinigay sa akin ni Aling Cena dahilan upang may tumulo na namang luha sa aking mga mata. “Hindi ko alam, Diane, pero sana nga... Sana bumalik pa siya.” Maghihintay ako sa’yo Stone, kahit ilang taon pa ‘yan. Hihintayin ko ang pagbabalik mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD