"Partner, ako na ang magtanggal ng posas at tanggalin mo ang nakatakip sa kanyang mukha," utos ni Jester. "Sige, partner." At dali-dali namang inalis ni Divlen. "—Tom?!" Gulat na bulalas nito nang matapos niyang tanggalin ang takip sa mukha nito. "Divz? Anong ginawa mo dito?" Gulat rin ang reaksyon ni Tom. "Magkakilala kayo part—" putol sa tanong ni Jester, dahil sa pagharap ng lalaki ay nagulat siya at hindi niya maipaliwanag ang kaba na kanyang nararamdaman. Hindi siya puwedeng magkamali, siya ang Daddy ni Clyde. "M-Melodina!" bulalas ni Tom at agad siyang niyakap nito. Halos hindi makagalaw si Jester sa pagkakabigla nang yakapin siya ng binata. At si Divlen ay gulat na gulat habang pinagmasdan ang dalawa at nagtataka sa nakita. Napatingin si Jester sa pinsan niya at hindi pa ri