PAGSAPIT nang alas-otso ay pinaupo nila si Tom sa isang upuan at nakatali ang mga kamay nito. Ngunit hindi naman hinigpitan at sa likod ng lalaki ay nilagyan ito ni Jester ng isang baril. "Alam mo ba kung paano gumamit ng baril? tanong niya rito. "Oo kaunti." "Paputukin mo iyan kung kinakailangan, protektahan mo ang iyong sarili." Hanggang sa dumating na sina Roman at naka-van na itim ang mga ito. Tulad ng iniutos ni Jester ay lumabas si Kurad at ang kanyang kasama upang salubungin si Roman. Ang mag-partner naman ay kasalukuyan ng nakapuwesto at nakatutok ang kanilang mga baril sa dalawang lalaki. Walang nagawa ang mga ito, dahil alam nilang napapaligiran sila ng mga pulis. Ang tanging inaasahan nila ay ang mapawalang sala sa kaso na kanilang ginagawa. "Nasaan ang pera?" sigaw ni K