UMALIS na agad sila upang simulan na ang kanilang misyon. Binigyan sila ng sasakyan ni General Villanueva, upang ma magagamit sa kanilang mga lakad. Sa loob ng sasakyan ay nandoon na ang lahat-lahat nilang kailanganing na mga gamit. Tulad ng mga; armas, devices, pera, at iba pang importanteng bagay. Para madali silang makapag-surveillance ay nangupahan sila ng isang kuwarto sa hindi kalayuan sa bahay ng Robinson. Nakatayo ang stand ng teleskopyo sa tapat ng bintana at naka sentro ito sa malaking bahay. Ang ginawa nila ay pasilip-silip sa bintana kung may lalabas na sasakyan. Sa mga sandaling iyon ay hindi pa masyadong lumalabas si Tom ng bahay. Sapagkat nagpapagaling pa ito. Ang lagi nilang nakikitang lumalabas ay ang suspek at kasama ang kanyang asawa. Madalas ang mga ito sa casino. A