KINAKABAHAN akong sumakay ng kotse ng boss ko. Dadalhin na kasi niya ako sa bahay niya.
Naiiyak tuloy ako kanina habang nag papaalam ako kay ate Cana. Parang gusto ko nalang sabihin na sa mansion nalang ako mag tra-trabaho para kasama ko si ate Cana. Pero hindi ko sinabi dahil nangako ako kay ate Cana na hindi ako iiyak.
Binuksan ko ang pintuan ng passenger seat saka ako sumakay. Kinakabahan ako lalo na't sobrang tahimik sa loob ng sasakyan. Natatakot tuloy akong lumingon kay sir Perseus na tahimik na naka upo sa driver seat.
"Put your seatbelt on." Biglang sabi ni sir Perseus sa malalim na boses. Dali-dali kong ikinabit ang seatbelt at baka mapagalitan pa ako.
Nang maikabit ko ay agad na pinausad ni sir ang sasakyan. Tahimik lang ako habang naka masid sa labas ng bintana.
"How old are you?" Biglang tanong ni sir.
"24 years old po, sir." Magalang kong sagot.
"I see." Tipid niyang sagot habang nakatitig parin sa daan.
Tahimik na naman ulit kaya tumingin ulit ako sa labas ng bintana. "Parents?" Tanong niya kaya lumingon ako sa gawi ni sir.
"Po?" Takang tanong ko.
"Where's your parents?" Tanong niya ulit.
"Ahh.. wala na po sir. Namatay po sa aksidente n'ong 10 years old palang po ako." Sagot ko agad.
"Any siblings?" Tanong na naman niya ulit.
"Meron po, nasa Ilocus Sur po. Isang lalaki po at half lalaki, half babae po." Sagot ko kaya kumunot ang nuo ni sir. Tumingin siya sa 'kin kaya nagkasalubong ang tingin naming dalawa.
"What do you mean?" Takang tanong niya.
"Beki po, sir. Bakla po kasi ang bunso naming kapatid." Nakangiti kong sagot.
Tumango naman siya saka ibinalik ang tingin sa daan. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na magtanong ulit si sir.
Tahimik na ulit sa kotse kaya tumingin ulit ako sa labas ng bintana. Na aliw ako sa mga malalaking building na dinadaanan namin. Hindi ko nga namalayan na huminto ang kotse ni sir.
"Welcome to my house." Biglang sabi ni sir Perseus. Hindi ako sumagot dahil nakatingin lang ako sa gate na biglang bumukas kahit wala namang taong nag bukas no'n. Automatic yata ang gate ni sir Perseus. Kitang-kita mula dito ang malaking fountain na katulad sa bahay ng mama ni sir Perseus. May naka palibot din na red rose do'n at may malaking garahe kung saan naka park ang mga kotse.
Pinausad ni sir ang sasakyan papasok ng gate. Huminto ang kotse kaya agad kong tinanggal ang seatbelt ko. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla akong pigilan ni sir Perseus.
Naguguluhan naman ako sakanya dahil bigla siyang bumaba ng kotse at umikot papuntang passenger seat. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ang alam ko kasi, dapat hindi niya ako pinagbubuksan ng pintuan. Maid kaya niya ako.
Naguguluhan man ay bumaba ako ng sasakyan. Kukunin ko pa sana ang bag ko na nasa back seat ngunit naunahan ako ni sir Perseus.
"Ako na po niyan, sir." Saad ko at akmang aagawin ko sana ang bag. Mabilis na inilayo sa 'kin ni sir Perseus ang bag kaya hindi ko 'to naagaw.
"Let me. Your bag is too heavy." Saad niya kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. Naguguluhan ako sa asta niya.
Wala na akong nagawa ng mauna siyang naglakad sa 'kin. Pumasok siya sa bahay niya kaya dali-dali akong sumunod.
Bumungad sa paningin ko ang mamahaling mga gamit. Ang ganda ng bahay at halatang lalaki ang nakatira dahil black ang kulay ng pader na may gold na glitters.
Kung sa mansyon ng mama ni sir Perseus ay may magandang chandelier, dito naman ay mas malaki at mas maganda ang chandelier. Kulay coffee naman ang kurtina na naka lagay sa may bintana. Malaki ang bahay, pero mag-isa lang naman si sir Perseus. Ang lungkot siguro ng buhay niya.
Natigilan ako ng marinig ko ang pagtikhim ni sir Perseus. Nakita ko siyang nakaupo sa single couch habang naka dekwatrong nakatitig sa 'kin.
"Come here, Aerith." Tawag niya
sa 'kin kaya agad akong naglakad palapit sakanya.
"Take a seat," utos niya sabay turo sa mahabang upuan na kaharap niya.
Lumapit ako sa upuan saka ako umupo. Siguro ay sasabihin niya ang mga dapat kong gawin sa bahay.
"Do you have a boyfriend?" Tanong niya sa seryosong boses.
Kumunot ang nuo dahil nagtataka ako kung bakit yun ang tinanong niya. Akala ko pa naman sasabihin na niya sa 'kin ang rules niya sa bahay. Pati narin ang sahod ko.
"Wala po, sir." Sagot ko kahit naguguluhan ako.
"Good. Ayaw kong mag boyfriend ka. Para makapag focus ka sa 'kin." Sabi niya sa seryoso paring boses.
"Wala pa po sa isip ko ang mga bagay na yan, sir. Masyadong okyupado ang isip ko para sa mga kapatid ko na malapit na mag college." Deritsong sagot ko.
Tumango siya. "I only have two rules for you, Ms. Doctolero." Saad niya kaya napa ayos ako ng upo.
"A-Ano po yun sir?" Nauutal kong tanong.
"First, you are not allowed to look at other men except me." Saad niya kaya kumunot ang nuo ko. Ano kayang connect no'n sa trabaho ko.
"Second, you are not allowed to talk to other men except me." Sabi niya.
"Po?" Takang tanong ko. Anong klase ba naman kasi ang rules niya. Ganito din ba ang rules niya sa mga katulong niya. Napaka higpit naman niya, pano pala kung sasakay ako ng jeep eh lalaki yun driver. Maloloka yata ako sa rules ni sir.
"Do you understand, Ms. Doctolero?" Tanong niya sa 'kin.
"Ha? Ahh opo, sir. No problem po." Sagot ko kahit naguguluhan.
Tumingin ako sa kabuuan ng bahay at nakitang may maliit na kwarto sa gilid. Siguro ay yun ang maid's room dahil nakita ko kasi do'n kina ate Cana. Katulad na katulad kasi ang porma do'n sa maid's room nila.
"Yun po ba ang maid's room, sir?" Tanong ko kay sir Persues, talagang tinuro ko pa.
"Yes." Tipid niyang sagot.
"Ahm.. pwede na po ba akong pumunta sa kwarto, sir. Ilalagay ko lang po 'tong gamit ko saglit." Saad ko. Gusto ko na kasing magsimulang mag trabaho. Sayand din ang araw.
"That's not your room." Sabi ni sir Perseus.
Napakamot ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Mukhang sa labas pa yata ako matutulog nito. Pero wala naman akong napansin kanina na may kwarto do'n sa labas. Hindi lang pala maid ang trabaho ko nito, mukhang magiging guard din pala ako.
"Nasa second floor ang kwarto mo, katabi ng kwarto ko." Sagot ni sir Perseus saka tumayo mula sa kinauupuan niya. Ako naman ay napakurap-kurap dahil hindi pa nag si-sink in sa isip ko ang sinabi niya.
Bakit naman nasa second floor ang kwarto ko. Ang alam ko talaga do'n sa tinuro ko ang dapat kong kwarto.
Akmang aalis sana si sir Perseus ng pigilan ko siya. "Sir.." tawag ko kaya napatigil siya pag hakbang.
Lumingon naman siya sa 'kin. "What is it?" Tanong niya.
"Ah ehh.. baka po kasi nagkakamali ka po sir. Nasa second floor na po ba ang kwarto ng maid mo po?" Tanong ko habang naka kunot ang nuo.
"Yes. Bodega yang tinuturo mo kanina." Sagot niya saka naka pamulsang naglakad paalis sa harap ko.
Ako naman ay napatingin sa kwartong naka sara ang pinto. Bodega na pala yun. Siguro dahil walang nagtatagal na maid sa bahay niya kaya siguro ginawa niyang bodega.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at naguguluhan kong aakyat na ba ako sa hagdan o hihintayin ko si sir Perseus. Nakatayo lang ako habang hinihintay na bumalik siya.
Ilang sandali pa ay bumalik si sir Perseus na may dalang basong tubig. "Baka nauuhaw ka." Sabi niya ng makalapit siya sa 'kin.
"Naku po, sir. Nag abala ka pa po. Salamat po." Nahihiya kong pasasalamat sabay kuha ng baso niyang hawak.
Ininom ko yun dahil kanina pa talaga ako nauuhaw. Nang matapos akong uminom ay tumingin ako kay sir Perseus na naka titig lang sa 'kin. "Pwede ko na po bang ilagay ang gamit ko sa kwarto ko sir? Para po makapagsimula na ako." Saad ko.
"Sure. You can go to your room. You should rest first. Bukas ka nalang magsimula." Sabi niya na ikina kunot ng nuo ko. Nagtataka na talaga ako sakanya. Hindi kasi ganito ang inaasahan ko. Ang akala ko ay uutusan niya agad ako at susungitan. Ang sabi kasi ni ate Cana ay masama daw ang ugali ni sir Perseus. Kaya unang araw palang ng mga maid ay pinapahirapan na, pero bakit ganun.. bakit pinagpapahinga pa niya ako.
Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil wala akong maisip na dahilan kung bakit siya ganito. Iniisip ko nalang na baka nagkukunwari lang si sir Persues. Baka bukas pa niya ako pahihirapan.
"Saan po ang kwarto ko sir? Baka po kasi magkamali ako ng pasok." Tanong ko.
"Left side." Sagot niya agad. Tumango naman ako saka ko binuhat ang bag ko.
Kahit naguguluhan ay tinungo ko ang hagdan. Umakyat ako habang bitbit ang bag kong dala.
Nang makarating ako sa itaas ng hagdan ay may nakita akong dalawang kwarto. Tinungo ko ang left dahil 'to ang sabi ni sir Perseus.
Pinihit ko ang siradura ng pinto saka ko 'to binuksan. Bumungad sa paningin ko ang magarang kwarto. Isang maganda at malaking kama, mamahaling lamp shade na naka patong sa bed side table. May isang couch na kulay puti at isang kulay white na aparador. Hindi 'to katulad sa ibang design na aparador, 'to kasi ay halatang mamahalin at ang ganda ng design.
Nagtataka talaga ako, baka kasi nagkamali si sir Perseus.
Pumasok nalang ako sa kwarto habang pinapalibot ang tingin. May dalawang paintings pa na naka sabit sa pader.
Inilapag ko ang dala kong bag sa couch saka ko tinignan ang isa pang kwarto. Alam ko namang banyo 'to pero gusto ko paring makita.
Lumapit ako sa pinto saka ko 'to binuksan. Nag ningning ang mga mata ko dahil sa ganda at linis ng banyo. Pumasok ako sa banyo at tumingin sa malaking salamin. Kitang-kita ko ang kabuuan ko. Nalukot ang mukha ko ng makita ko ang hitsura ko, halatang probinsyana talaga ako sa porma ko palang.
"Ang oily na ng mukha ko. Kainis!" Saad ko. Hindi ko kasi nagawang mag ayos kanina dahil pagkatapos namin mag usap ni madam ay tinawag agad ako ni sir Persues dahil aalis na daw kami. Hindi tuloy ako nakapag polbo. Nakakahiya tuloy!
Lumabas ako ng banyo saka lumapit sa couch kung saan naka patong ang bag ko. Binuksan ko 'to para kumuha ng damit pambahay at t'walya. Maliligo na muna ako dahil nanlalagkit ako sa katawan ko.
Pumasok ulit ako sa banyo at agad hinubad ang saplot ko sa katawan. Napangiti pa ako dahil may shower room ang banyo ko at bath tub. Walang ganito sa bahay namin, tabo at balde lang ang meron.
Agad kong binuksan ang shower, hinayaan ko lang ang tubig na umagos sa katawan ko. Nakita kong may shower gel kaya ginamit ko 'to. Hindi naman siguro magagalit si sir Persues kong kumuha ako. Nandito naman sa banyo ko eh.
Napa pikit pa ako habang inaamoy ang shower gel na nasa kamay ko. Ang bango kasi nito, amoy vanilla. Sa bahay kasi tamang safeguard lang ang gamit ko.
Mabilis kong tinapos ang pagligo ko dahil baka hanapin ako ni sir Perseus. Pinatay ko ang shower saka ko kinuha ang t'walya at itinapis sa katawan ko.
Lumabas ako ng banyo at lumapit ako sa kama dahil pinatong ko do'n ang damit ko. Sinuot ko muna ang panty tsaka bra ko. Nag suot lang ako ng cotton short at malaking tshirt. Mamaya itatanong ko kay sir Perseus kong may uniform ba ako na katulad sa mga maid ng mama niya. Sabi din kasi sa 'kin ni ate Cana na may uniform daw sila, pati din daw dito kay sir Perseus.
Kaya mamaya, itatanong ko kung nasaan ang uniform ko para maisuot ko na bukas.