Chapter 2

2023 Words
KINAKABAHAN ako habang nandito kami ni ate Cana sa taxi. Ihahatid niya kasi ako sa anak ng amo niya. Ngayon ko lang nalaman na magkaibang bahay pala ang amo ni ate Cana at ang magiging amo ko. At ngayon ko lang din nalaman na ako lang pala ang magiging katulong s***h personal maid niya kaya kahit saan daw magpunta ang boss ko ay sumama ako. Naguguluhan tuloy ako sa sinasabi ni ate Cana. Dapat secretary pala ang kinuha niya. Pero keri ko na 'to. Kayang-kaya ko naman yun. Ako pa ba! "Maaga pa naman, Aerith. Gusto mo kumain nalang muna tayo. Nagugutom narin kasi ako." Saad ni ate Cana sa 'kin. Tumango ako dahil nagugutom narin naman ako. Naiisip ko din na baka hindi ako makakain sa labas kung papasok akong personal julalay ng magiging boss ko. Baka pagbawalan akong lumabas lalo na at ka bago-bago ko lang. Sinabi lang ni ate Cana sa taxi driver kung saan kami pupunta. Tahimik lang akong nakamasid sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang malalaking building na nadadaan namin. First time kong pumunta ng Manila kaya excited na kinakabahan sa mangyayari sa 'kin. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone na nasa bulsa ko kaya agad ko itong kinuha. Napangiti ako ng makita ko ang pangalan ni Cali. Binasa ko ang message niya saka ako nagtipa ng reply at sinend sakanya. Tinatanong niya kasi kung nakarating na ba ako ng Manila. Umiyak pa naman siya kagabi nang malaman niyang aalis ako. Mabuti nalang at napatahan ko at pilit namin siyang pinapatawa ni Robert. Alam kong nalukungkot sila sa pag-alis ko. Kahit ako nga ay nalulungkot. Namimiss ko na nga sila eh pero kailangan ko itong gawin dahil para din naman ito sakanila. Natigil ako sa pag-iisip ng huminto ang sinasakyan naming taxi sa harap ng mall. Kukuha sana ako ng perang pamasahe ng maunahan ako ni ate Cana. "Ako na bahala, Aerith." Sabi sa 'kin ni ate. "Thank you po, ate!" Nakangiti kong sabi. Bumaba ng taxi si ate Cana kaya bumaba narin ako. Kayang-kaya ko namang dalhin bagahe ko dahil malaking backpack ang dala ko. "Halika, Aerith! Kain na muna tayo!" Aya sa 'kin ni ate Cana na ikinatango ko. Nauna siyang maglakad sa 'kin papasok ng mall. Nakasunod lang ako sakanya habang pinagmamasdan ang kabuuan ng mall. Ang laking mall kasi, walang ganito sa probinsya namin. Kung meron man ay maliit lang at hindi pa malakas ang aircon kaya mainit. "Teka, iihi muna pala ako. Dito ka lang. Hintayin mo lang muna ako dito, Aerith." Pagpapaalam ni ate Cana sa 'kin. "Sige lang po ate. Dito lang po ako, hindi po ako aalis dito." Sagot ko. Tumango naman siya at agad umalis sa harap ko. Nakatayo lang ako sa gilid habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan. Ang iba ay may mga dalang shopping bags. Napatitig ako sa dumaan sa harap ko na isang pamilya. Bigla kong naalala sila mama at papa. Hindi ko mapigilang hindi maingit, lalo na't maaga akong naulila. Agad kong iniwas ang aking tingin sa pamilyang dumaan sa harap ko. Baka kasi biglang tumulo ang luha ko. Habang hinihintay ko si ate Cana ay may nakita akong mga bazaar. Malapit lang naman sa pwesto kung saan ko hinihintay si ate Cana kaya lumapit ako. Habang naglalakad ay naka focus ang tingin ko sa mga display na kwentas. Ang ganda kasi pero halatang mamahalin. Nagtingin-tingin lang ako hanggang sa hindi inaasahan ay may nabunggo ako. Napa-atras pa ako dahil sa tigas no'n. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin dahil masyadong matangkad ang taong na bangga ko. Nang makita ko ang mukha ng lalaki na nakatitig sa 'kin ay halos tumigil ang paghinga ko dahil sa sobrang gwapo niya. Natulala ako dahil hindi ako makapaniwala na may ganito pala talagang mukha na nag e-exist. Pero halatang play boy ang isang 'to sa hitsura palang niya. "Y-You.." sabi ng lalaking na bangga ko. Boses palang niya ay lalaking-laki. Natauhan agad ako at agad yumuko sa harap niya para humingi ng pasensya. "Sorry po, sir. Hindi ko po sinasadyang mabangga po kita." Panghihingi ko ng paumanhin. Sa suot palang niyang suit ay halatang mayaman ang lalaking 'to. Baka magalit sa 'kin dahil sa nabangga ko siya. Pumasok sa isipan ko na baka ipahiya ako ng lalaki kaya agad akong tumalikod sakanya at tumakbo. Narinig ko pa ang boses niya na tinatawag ako pero hindi na ako lumingon. Hinahanap ko nalang kung saan nagbanyo si ate Cana. Nang mahanap ko yun ay dali-dali akong pumasok. Sakto namang palabas din si ate Cana sa isang cubicle. Nagulat pa ito ng makita niya ako. "Hi, ate Cana. Naiihi din po pala ako." Saad ko kaya tumango si ate sa 'kin. Pumasok ako sa cubicle at agad ibinaba ang suot kong pantalon. Kinabahan talaga ako kanina, bagong salta pa naman ako dito sa Manila tapos may makakaaway agad ako. Tinapos ko ang pag ihi ko at agad finlush ang toilet. Lumabas ako ng cubicle at nakita si ate Cana na hinihintay ako. "Tara, hanap tayo ng makakainan.'' Aya sa 'kin ni ate. Naghugas lang ako ng kamay saka ako tumango. Naunang lumabas si ate Cana kaya sumunod ako sakanya. Palinga-linga pa ako sa paligid at baka makita ko ang lalaking bumaba yata sa langit dahil sa sobrang gwapo na akala mo anghel. Nakahinga lang ako ng maluwag ng hindi ko ito nakita. Pumasok kami sa isang fast food ni ate Cana. Inutusan niya akong maghanap ng table dahil masyadong maraming taong kumakain. Nakahanap naman ako kaya agad akong pumwesto. Hinihintay ko lang si ate Cana habang nakatingin ako sa paligid. Ilang sandali lang ay lumapit si ate Cana dala ang inorder niyang pagkain. "Kumain ka ng marami, Aerith. Para mamaya paghinatid kita sa boss mo hindi ka magutom. Baka kasi utusan ka kaagad no'n." Sabi sa 'kin ni ate. Tumango ako. "Salamat po sa libre, ate Cana. Sa unang sahod ko talaga ikaw una kong ililibre," nakangiti kong sabi. "Suss, wala yun. Basta pag butihan mo lang ang trabaho mo. Pag pinagalitan ka ng boss mo, ipalusot mo nalang sa kabilang teynga mo. Wag na sasagot at hayaan lang." Sabi niya habang kumakain. Sumubo naman din ako ng pagkain bago ako sumagot. "Yan nga din po ang gagawin ko, ate Cana. Kaya ko pong gawin yun," sagot ko. Kung ano-ano lang ang pinagkwekentuhan namin ni ate Cana. Nalaman ko din na may anak na pala siya. Nasabi din niya sa 'kin kung gaano na siya katagal sa trabaho niya kaya isa siya sa pinagkakatiwalaan ng boss niya. Kwenento din niya sa 'kin ang magiging boss ko. Pangalan palang niya halatang masungit. Sana lang hindi ako pahirapan ni Mr. Perseus Martinez. Pagkatapos naming kumain ni ate Cana ay agad kaming tumayo para makaalis na. Lumabas kami ng mall at naghanap ulit ng taxi si ate. Ako naman ay kinakabahan na dahil ihahatid na talaga ako ni ate Cana sa boss ko. May humintong taxi sa harap namin kaya agad lumapit si ate Cana. Sumakay siya sa back seat kaya sumunod narin ako. "Kuya sa Martinez mansion po kami." Sabi ni ate Cana sa driver. Tango lang ang sagot ng driver at agad pina-usad ang sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at kinakabahan parin sa mangyayari sa 'kin. Hanggang sa tuluyan kaming nakarating sa isang malaking bahay. Yung gate ay masyadong mataas kaya hindi basta-basta maakyatan ng magnanakaw. Huminto ang sinasakyan naming taxi at inabot ni ate Cana ang pamasahe. Bumaba na si ate kaya bumaba narin ako. "Ito ang bahay ng boss ko. Sabi kasi ni Ma'am ay dito muna tayo pupunta para makilala ka niya." Sabi ni ate Cana sa 'kin. "Sige po, ate." Sagot ko. Nag doorbell lang si ate Cana, bumukas naman bigla ang gate dahil may dalawang body guard pala ang nandoon. Halata talagang mayaman ang pamilyang ito dahil pagpasok namin ni ate Cana ay bumungad sa 'kin ang magandang fountain na napapalibutan ang paligid ng red rose. Malawak ang daanan at kailangan munang maglakad ng ten minutes bago makarating sa harap ng mansion. Nakita ko na may isang guard din do'n na nakatayo sa gilid ng pinto. Binuksan niya agad ang pintuan kaya agad kaming pumasok. Napatulala ako sa ganda ng bahay. First time kong makakita ng ganito ka gandang bahay. Pero ang tahimik. Buti pa do'n sa bahay namin, maliit pero maingay kaya masaya. "Halika na, Aerith! Punta tayo do'n sa garden." Aya sa 'kin ni ate Cana. Tango lang ang sagot ko saka sumunod sakanya. Habang naglalakad ako ay pinapaikot ko ang aking mga mata dahil ang ganda ng chandelier. Kulay gold ito at sobrang laki. Binuksan ni ate Cana ang slide door saka siya pumasok. Sumunod nalang din ako at agad napatigil sa paghakbang. Maging si ate Cana ay napatigil din sa paghakbang ng marinig namin ang dalawang tao na nag-uusap. Isang boses babae at boses lalaki. Nakita ko agad sa di kalayuan ang dalawa. Ang babae lang ang nakita ko na halatang may edad na pero maganda parin. Hindi ko makita ang kausap niyang lalaki dahil nakatalikod siya mula sa gawi namin. "I already told you mom. I don't need a maid." Galit na sabi ng lalaki. Napalunok ako ng ilang beses sa takot. Mukhang siya ang magiging boss ko. Hindi naman ako bobo na hindi makuha ang pinag-uusapan nila. Naramdaman kong siniko ako ni ate Cana na nasa tabi ko. Tumingin ako sakanya. "Siya yung boss mo. Si sir Perseus Martinez. Diyos ko! Nakakatakot talaga siya. Buti pa yung bunso niyang kapatid na lalaki mabait pa." Saad ni ate Cana. Biglang tumingin sa gawi namin ang matandang babae. Yumukod si ate Cana kaya ginaya ko din siya. "Stop it, Perseus. Nandito na ang bagong maid." Sabi ng ginang. "What the hell!" Galit na sabi ng lalaki saka lumingon sa gawi namin ni ate Cana Ngunit, bigla itong natigilan ng makita kami ni ate Cana. Yung kunot niyang nuo kanina ay biglang nawala habang nakatitig samin. Hindi ko alam kung samin ba siya nakatitig o sa 'kin lang. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa uri ng titig niya. Pero familiar sa 'kin ang mukha ng lalaki. Parang may kahawig siya ngunit hindi ko lang maalala kung sino. Medyo makakalimutin pa naman ako kaya hindi ko maalala. "Magandang tangahali po, madam. Pati narin po sa'yo, sir Perseus." Magalang na bati ni ate Cana. Yumukod nalang din ako saka binati sila. Hindi ako makatingin sa lalaking nasa harap ko dahil titig na titig siya sa 'kin. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. "What's your name, hija?" Tanong sa 'kin ng babae kaya agad akong napaderitso ng tayo. "Ahm.. ako po si Aerith Doctolero, ma'am." Sagot ko. "Mukhang masyado ka yatang bata pa hija. Alam mo ba ang gawaing bahay?" Tanong sa 'kin ng matandang babae na elegante parin tignan. "Opo, ma'am. Sanay na sanay po ako sa gawaing bahay." Sagot ko. "Marunong po si Aerith, Madam. Sa katunayan nga po siya ang nanay at tatay ng mga kapatid niya kaya makaka asa po kayo na marunong po siya. Diba, Aerith?" Sabat ni ate Cana na palipat-lipat ng tingin sa 'kin at kay madam. Agad akong tumango. "Opo, pangako ko po na pagbubutihin ko po ang trabaho ko." Saad ko habang nakatitig kay madam. "Masungit ang anak ko, hija. Sana magtagal ka. Pang ilang maid ka na kapag pinalayas ka pa niya sa bahay niya." Saad ng ginang habang naiiling. "Mom.." tawag ng anak niya na magiging boss ko. Kinausap pa ako ni madam at kung ano-ano ang tinatanong tungkol sa buhay ko. Lahat naman ay sinagot ko ng maayos. Mabuti nga at kami lang dalawa ni madam ang nandito sa garden. Pina alis kasi niya si sir Perseus pati narin si ate Cana. Medyo hindi na ako kinabahan kay madam. Medyo masungit ang mukha niya pero ngumingiti naman siya. Mas natatakot ako sa kwento niya tungkol sa anak niya. Goodluck nalang talaga sa 'kin. Iniisip ko nalang na para 'to sa mga kapatid ko kaya kailangan kong mag tiis para mapag tapos ko sila sa pag-aaral. Alam ko naman na gagabayan ako nila mama at papa kaya lumalakas ang loob ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD