NAGISING AKO ng maaga para magsimula mag trabaho. Kahit nalulungkot dahil miss ko na ang mga kapatid ko ay kailangan ko paring mag patuloy.
Ang tagal ko naka tulog kagabi dahil umiiyak ako. Namiss ko na kasi ang mga kapatid ko kaya tinawagan ko sila. Hindi ko na nga lang pinapahalata na umiiyak ako kagabi para hindi umiyak si Cali.
Nag suot lang muna ako ng tshirt at tokong short. Mamaya ko pa kasi itatanong kay sir Perseus ang magiging uniform ko. Nag text din sa 'kin si ate Cana kagabi at tinatanong kung kamusta na daw ako. Sinabihan pa ako na wag daw ako iiyak pag sinigawan ako ni sir Perseus.
Hindi ko nalang sinabi sakanya na hindi naman ganun ang pakikitungo ni sir. Naisip ko kasi na baka dahil unang araw ko kahapon kaya ganun ang trato niya
sa 'kin.
Sinuklay ko lang ang buhok ko na hanggang balikat ko habang nakatingin sa salamin. Nang makita kong maayos na ang hitsura ko ay naglakad ako papunta sa pinto saka ko 'to binuksan at lumabas.
Nahihiya talaga ako matulog sa kwarto ko. Ang laki kasi at ang ganda. Para tuloy akong bisita ni sir Perseus. Dapat nasa maid room ako eh, hindi tuloy ako komportable dahil nadadanan ko ang kwarto ni sir Perseus.
Nakita ko pang naka awang ang pintuan niya kaya yumuko ako habang naglalakad. Nahihiya talaga ako, hindi ko kasi deserve ang kwartong tinutulugan ko. May aircon pa talaga yun, shower at bath tub. Katulong kaya ako.
Masyadong malaki ang bahay ni sir Perseus, may third floor pa nga pero hindi ko pa napupuntahan. Mamaya na ako maglibot-libot sa malaking bahay ni sir Perseus.
Bumaba ako ng hagdan para magluto ng breakfast ni sir Perseus. Titignan ko nalang mamaya kung anong laman ng ref niya.
Nang makababa ako ng hagdan ay tinungo ko ang kusina. Ngunit laking my gulat ko sa nakita ko. Bigla akong kinabahan dahil nakita kong nagluluto si sir Perseus. Nakatalikod siya sa gawi ko habang may pini-prito. Napasabunot ako sa buhok ko dahil nauna pang gumising ang amo ko kaysa sa 'kin. Masisibak na yata ako pangalawang araw ko pa lang sa bahay niya.
Nakatalikod parin siya sa gawi ko kaya hindi ko alam kung magsasalita ba ako para mapansin niya ako o hindi nalang at mag balot nalang ako ng damit ko. Kainis ka talaga Aerith! May pa aga-aga ka pang nalalaman mas maaga pa pala boss mo. Pagkausap ko sa sarili ko.
Bigla akong natulos sa kinatatayuan ko ng biglang lumingon si sir Perseus
sa 'kin. Iniisip ko tuloy kong mag dra-drama ba ako na sumakit ang tyan ko kaya ako natagalan gumising.
Titig na titig sa 'kin si sir Perseus habang may hawak na sandok. Napipilitan akong ngumiti sakanya at hindi pinapahalata na natatakot ako sakanya. "G-Good morning po, sir Perseus. Pasensya na po kung na late po ako ng gising," panghihingi ko ng pasensya saka yumukod.
Nag-angat ako ng tingin at nakitang naka titig parin sa 'kin si sir Perseus. Hindi siya nagsalita at wala man lang ka emo-emosyon ang mukha niya. Galit siguro siya dahil nahuli ako ng gising. Akala ko talaga maaga na ang 5AM, dapat pala 4AM gising na ako. Sana hindi niya ako tanggalin, promise talaga bukas gigising ako ng 3:30AM.
"Morning," sagot niya saka pinatay ang stove. Humarap ulit siya sa 'kin. "Sit down so, we can eat breakfast." Utos niya kaya naguluhan ako. Wala pa naman kasing plato sa mesa kaya bakit niya ako pinapaupo.
"Kukuha lang po muna ako ng plato, sir." Saad ko at akmang maglalakad papunta sa lagayan ng mga plato.
"Let me," sabi niya saka naunang lumapit sa lagayan ng mga plato at kumuha do'n. Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko dahil sa ginawa ni sir Perseus.
Pumasok sa isipan ko ang kape niya kaya ipagtitimpla ko nalang siya. Ngunit pinigilan ako ni sir Perseus at siya na daw ang mag titimpla ng kape naming dalawa at umupo nalang daw ako. Natatakot tuloy ako at baka huling almusal ko na pala 'to. Baka kasi sabihin niya sa 'kin na mag balot na ako ng mga damit dahil paalisin na niya ako.
Umupo nalang ako sa upuan habang kinakabahan. Nakasunod lang ang tingin ko kay sir Perseus na nag titimpla ng kape. Naglakad siya papunta sa mesa saka niya inilapag ang mug sa harap ko na may lamang kape.
Yumukod ako sakanya. "Thank you po, sir Perseus. Pasensya na po talaga kung na late ako ng gising," malungkot kong sabi dahil baka kausapin niya ako habang kumakain.
Nag-angat ako ng tingin ng marinig kong hinila ni sir Perseus ang upuan na nasa katapat ko. Nakita ko siyang umupo do'n at seryosong nakatitig sa 'kin.
"Wag mo sana akong tanggalin sir Perseus. Kailangan na kailangan ko po talaga ng work para sa mga kapatid ko. Bukas po babawi ako sir. Gigising po ako ng mas maaga. Hindi ko pa po kasi alam ang schedule mo sir kaya pasensya na po talaga." Sabi ko habang nakatitig sa mga mata ni sir Perseus.
"Eat." Sabi niya saka kinuha ang kape niya at humigop.
Ako naman ay natatarantang kinuha ang kutsara para kumain. Naguguluhan talaga ako kay sir Perseus.
"Nakalimutan kong sabihin sa'yo ang mahalaga kong pinagbabawal." Sabi niya kaya napatigil ako sa pagsubo.
"A-Ano po yun sir?" Tanong ko.
"Bawal na bawal kang pumunta sa third floor." Sabi niya sa seryosong boses. Tumango agad ako at hindi na nag tanong kung bakit. Boss siya kaya dapat sundin ko ang gusto niya.
"Noted po, sir Perseus. Dito lang po ako sa floor na 'to at sa second floor po. Promise ko po yan," sagot ko saka itinaas pa ang isang kamay ko na parang nanunumpa.
"Good. And by the way, you don't have to wake up early. I can cook, Aerith." Sabi niya kaya napakurap-kurap ako sa harap niya.
Nagsimula ng kumain si sir Perseus habang ako ay nakatitig parin sakanya. Hindi ko malaman kung bakit ganito si sir Perseus, ganito din ba siya sa mga maid niya?
"Hindi kita isasama muna sa companya ko ngayong araw," sabi niya kaya tumango ako.
"Sige po, sir. Mag lilinis nalang po ako dito sa bahay mo. May labahin ka na po ba para malabhan ko po mamaya." Sabi ko sakanya.
"Kukunti palang," sagot niya.
"Sige po, maglilinis nalang po ako buong araw." Sabi ko saka kumain ulit. Napapa isip ako kung dapat ba kami mag sabay kumain dalawa. Ang alam ko kasi huli kumakain ang mga maid pagkatapos kumain ang amo. Dapat nga sa labas ako kumain hindi dito sa dinning area. Sumasakit tuloy ulo ko kung mali ba 'tong ginagawa ko. Mamaya, tatawagan ko si ate Cana para mag tanong sakanya sa dapat kung gawin.
Natapos kaming kumain ni sir Perseus kaya inunahan ko na siyang magligpit ng plato. Ililigpit pa naman sana niya, buti nalang naunahan ko. Kumunot pa talaga ang nuo niya sa ginawa ko. Hindi ko nalang pinansin at lumapit agad ako sa sink para maghugas ng plato.
Ngunit agad akong lumingon kay sir Perseus dahil may naalala akong itanong sakanya. "Sir Perseus.." tawag ko sa pangalan niya.
"Yes?" Sagot niya habang titig na titig
sa 'kin.
"Itatanong ko lang po sana.. kung may uniform po ako. Sabi kasi sa 'kin ni ate Cana na may uniform daw po," sabi ko.
"Yes, pero wala na ngayon. Kaya hindi mo na kailangan mag suot ng uniform." Sabi niya saka tumayo sa kinauupuan niya. Ang tangkad talaga ni sir Perseus, hanggang dibdib lang yata niya ako eh.
"Sige po, sir." Nakangiti kong sagot saka ibinalik attension ko sa mga hugasan. Narinig ko naman ang yapak ni sir Perseus na papalayo sa kusina. Siguro ay babalik na siya sa kwarto niya para maligo.
Nang matapos akong maghugas ng plato ay nilinisan ko narin ang sink. Ang sarap maglinis sa kusina ni sir Perseus. All white kasi sa kusina at ang mga gamit ay aesthetic, gustong-gusto ko talaga ang ganito kaso hindi ako makabili sa bahay namin dahil kulang ang sahod. Gusto ko nga sanang ipaayos ang bahay namin. Kapag talaga naka ipon ako ng pera, unti-untiin ko ang pag-aayos ng bahay namin.
Pinunasan ko ang lamesa ng basang towel. Ang mahal siguro ng mesa na 'to dahil halatang matibay at maganda ang pagakaka design. Samin kasi yung mesa namin pwedeng itiklop pagkatapos naming kumain.
Nagwawalis ako ng kusina para pagkatapos dito ay sa sala na naman ako maglilinis. Seryoso akong nagwawalis ng biglang may narinig akong tumikhim sa likuran ko. Napa ayos ako ng tayo saka lumingon. Nakita ko si sir Perseus na naka suot ng mamahaling suit. Bumagay sakanya ang kulay navy blue na suit. Mas lalo tuloy siya naging gwapo.
"I'm leaving." Sabi niya sa 'kin.
Ngumiti ako. "Sige po, sir. Ingat ka po," sagot ko.
"I will be home at 5PM." Sabi niya kaya tumango ako.
"Ano po gusto mong lutuin kong ulam mamaya, sir?" Tanong ko.
"Anything. Hindi naman ako maarte sa pagkain," sagot niya kaya tumango ako.
"Sige po, sir." Sagot ko nalamang.
Hindi siya agad umalis sa harap ko. Nagtaka pa ako kung bakit hindi pa siya umaalis. Napabuga pa siya ng hangin. "Wag kang lalabas ng bahay, Aerith. Wag mo din kalimutan ang sinabi ko sa third floor." Sabi niya saka umalis sa harap ko.
"Okay po, sir." Pahabol kong sigaw dahil naglalakad na siya palayo sa 'kin. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil hindi niya ako tinanggal sa trabaho.
Pinagpatuloy ko nalang ang pag wawalis ko para mamaya sa sala naman ako maglilinis. Ang laki pa naman ng sala ni sir Perseus kaya dapat kong bilisan.
Nang matapos ako magwalis ay nag mop narin ako sa sahig. Lumabas ako ng kusina habang dala-dala ang walis at maliit na towel para punasan ang mga naka display.
Dahan-dahan ko pang pinupunasan ang mga paintings dahil baka mahulog ko. Mukha pa namang mamahalin, baka isang buwan kong sahod mapunta lang dito pag naka basag ako. Nang matapos ako ay ang mga figurine na malalaki na naka display sa aparador.
Nang matapos ako ay agad akong nag walis ng sahig. Hindi ako tumigil hangga't hindi ako natatapos. Nag vacuum na din ako sa mga couch at sa mga ilalim. Dalawang oras din akong naglilinis at pawis na pawis akong umupo muna sa sahig. Nakatulala lang ako habang nag papahinga lang saglit.
Napalingon ako sa pinto na sinasabi ni ate Cana sa 'kin na kwarto daw ng mga maid ni sir Perseus. Ang sabi kasi ni ate Cana sa 'kin bago ako nag paalam na aalis na kami ni sir Perseus ay may electricfan daw do'n sa kwarto kaya hindi daw ako maiinitan. Kaya akala ko talaga do'n ang kwarto ko.
Tumayo ako ng maalala ko na bodega na daw yun sabi ni sir Perseus. Dapat lang na linisan ko yun kung bodega na at baka bahayan pa ng mga lamok.
Naglakad ako papunta sa pinto at iniisip na sana hindi lock 'to para naman malinisan ko. Pinihit ko ang siradura ng pinto at napangiti ng mapagtanto na hindi naka lock. Binuksan ko ang pintuan saka ko 'to tinulak ng bahadya. Sumilip ako sa loob at napakunot ang nuo ng makita ko ang loob ng kwarto.
Ang akala ko kasi ay puro box or kung ano-ano ang nakalagay sa kwarto. Pero dalawang kama lang ang nandoon at isang electricfan. Para paring 'tong kwarto at hindi bodega dahil wala namang naka tambak na gamit. Nagtataka tuloy ako kung bakit sinabi ni sir Perseus kahapon na bodega ang kwartong 'to.
Isinara ko nalang ang pinto, mamaya ko nalang tatanungin si sir Perseus, baka naguluhan lang talaga siya kahapon.
Kailangan ko talagang tawagan si ate Cana. Baka kasi sinusubukan lang ako ni sir Perseus, ganun naman talaga ang mga amo, sa simula susubukan ka muna kung maasahan ka. Hindi ko alam ang takbo ng isip ni sir Perseus. Kanina pa nga lang gulat na gulat akong nagluluto siya, tapos hindi man lang nagalit bagkos ay pinaupo ako at pinagtimplahan pa ng kape.
Kailangan ko talagang makausap si ate Cana.