MAAGA AKONG nagising para asikasuhin ang mga baon ng mga kapatid ko. Nagluto lang ako ng itlog at hotdog para makapag almusal sila bago pumasok sa school. Busy pa ang dalawa sa pag aayos ng sarili nila lalo na si Cali na napaka kikay kapag papasok sa school. Lalaki kasi siya na may pusong mamon. Kaya love na love ko ang kapatid ko na yun dahil siya ang nag dadala ng liwanag sa bahay.
Ako naman ay papasok sa trabaho ko. Hanggang two years course lang ang kinuha ko dahil hindi na kinaya ng power ko. Estudyante ako sa umaga, waitress naman ako sa gabi para lang maitaguyod ko ang pag-aaral namin magkakapatid. Pagkatapos naman sa skwelahan ay tumatanggap ako ng labada sa mga kapitbahay namin pandagdag baon.
Hindi sapat ang kinikita ko at kahit anong gawin kong sideline ay wala parin. Lalo na ngayon na malapit nang mag college si Robert. Kaya kailangan ko ng trabahong malaki ang sahod. Kung dito lang sa probinsya ay kukulangin ako. Ang liit ng pasahod ng boss ko, lagi pa akong overtime, buti sana kung may bayad eh wala naman. Hanggang thank you lang si boss. Tapos kapag nalate ako.. ayon kaltas agad.
"Good morning sa ate kong maganda." Biglang sulpot ni Robert sa likod ko.
"Syempre ako lang ate mo eh. Maganda ako, gwapo ka din." Sabi ko sa kapatid ko.
"Sus... naniwala ka din sa sinabi ko ate. Eh sabi ni lola ako lang daw ang may hitsura sa ating tatlong magkakapatid." Saad niya kaya sumimangot ako.
"Sige, sabihin mo lang yan para wala kang baon sa 'kin mamaya." Banta ko sakanya kaya agad siyang nag peace sign sa 'kin.
"Joke lang ate. Ang ganda-ganda kaya ng ate ko. Parang hindi 24 years old ahh.. parang 18 years old ka lang ate." Pambobola niya sa 'kin.
"Nasaan na kapatid mo? Wag mong sabihing hindi pa siya gising." Tanong ko kay Robert.
"Gising na po yun, ate. Ewan ko kung bakit hindi parin siya bumababa." Sagot ni Robert saka inayos ang mga plato sa mesa.
Pinatay ko naman ang kalan saka ko inilapag ang platong may lamang hotdog at itlog.
"Cali!!! Halika na! Kakain na tayo!" Tawag ko sa bunsong kapatid namin.
Narinig ko naman ang yapak niya na tumatakbo papunta sa kusina.
Nakita ko siyang inaayos ang suot niyang polo. Maarte kasi 'tong kapatid ko. May lahing eva kasi siya. Umamin siya samin ni Robert last month na tanggap naman namin agad. Akala niya siguro ay hindi ko napapansin ang mga kilos niya. Siguro ay napagod na siya magtago sa totoong kulay niya kaya umamin siya samin. Gulat na gulat pa siya ng sabihin kong matagal ko ng alam.
"Good morning, ate!!" Bati niya sa matinis na boses.
Tumango nalang ako saka sinenyasan siyang tumahimik na dahil ang sakit sa teynga ng boses niya. Baka sa sobrang tili niya ay magising pa ang kapitbahay namin.
"Kumain na tayo. Baka malate pa kayo sa school." Saad ko saka umupo sa pwesto ko.
Simula ng mangyari ang bangungot ng buhay namin ay ginawa ko ang lahat para maging mabutibg ate. Minsan ay naiiyak nalang ako kapag naiisip ko ang mga problema. Pero lahat nv problema ay may solusyon kaya nagagawan ko ng paraan.
Nasubukan kong magbinta ng kung ano-ano sa school. Pati project ng mga classmate ko ay pinapatos ko magkapera lang ako. Kapag sabado at linggo naman ay tumatanggap ako ng labahin. Nagtuturo din ako sa anak ng kapitbahay namin para pandagdag narin pang baon naming magkakapatid.
Mabuti nalang at isa ako sa napiling makakuha ng scholar sa bayan namin. Gusto ko sana four years ang kunin kong kurso ngunit hindi ko na talaga kaya. Mabuti na nga lang din at binibigyan kami ng lola ko or tiyahin namin ng ulam dati.
Magkalapit lang din naman ang bahay namin kaya natitignan nila kami dito.
Medyo nakakapagod pero kinakaya ko naman. Lagi ko lang iniisip ang mga kapatid ko kaya lumalakas ang loob ko.
Ngayon na may trabaho na ako ay medyo kaya ko ng bumili ng pagkain naming magkakapatid. Pero talagang hindi sapat ang sahod ko. Sobrang baba kasi kaya gusto kong maghanap ng bagong trabaho.
Nag try akong mag pass ng resume online at hinihintay na tawagan ako. Gusto ko nga din sana lumuwas ng Manila para sana makipagsapalaran do'n. Ngunit, naiisip ko palang kung saan ako titira habang nag aaplay ako. Baka naman maubos nalang ang pera ko hindi pa ako nakahanap ng trabaho.
Nakakapagod talaga mag-isip pero kailangan kong ngumiti sa harap ng mga kapatid ko na para bang walang problema.
Minsan naiisip ko nalang kung paano kaya kung buhay pa sila mama at papa. Siguro, ay medyo ayos ang buhay namin na. Masipag si papa eh, si mama naman ay palaban din sa buhay at kung anong binebenta dati n'ong nabubuhay pa siya.
Natigil ako sa pag-iisip nang maramdaman kong tinapik ako ni Robert. Inilapag niya ang mug na may lamang kape sa gilid ko saka siya umupo ulit sa upuan.
"Salamat!" Nakangiti kong sabi saka ako humigop ng kape.
Mabuti nalang mababait mga kapatid ko kaya hindi ako nahirapan. Maging sila kasi ay nagbebenta ng mga candy or chocolate sa classroom nila.
Nagkwe-kwentuhan lang kaming magkakapatid hanggang sa natapos kaming kumain. Ako na ang nagligpit sa pinagkainan namin at baka malate pa ang mga kapatid ko.
Nagpaalam na sila na aalis na kaya niyakap ko ang dalawa kong kapatid. Simula ng mangyari ang aksidente ay ayaw kong umaalis ang mga kapatid ko na hindi ko sila niyayakap. Natatakot na ako na mawalan ng mahal sa buhay.
Tahimik na ang bahay ng makaalis na ang dalawa. Nagsimula na akong maghugas ng pinggan para mamaya pag-uwi ng mga kapatid ko ay malinis ang lababo.
Pagkatapos ko ay agad kong inayos ang suot kong polo blouse. Naglagay lang ako ng lipstick sa labi ko habang nakatingin sa salamin.
Nang makita kong maayos na ang hitsura ko ay kinuha ko na ang bag ko. Pinatay ko muna lahat ng ilaw at chinenck ko muna ang ang mga saksakan. Mahirap na at baka magkaroon pa ng sunog.
Nang masiguro kong walang nakasaksak ay lumabas ako ng bahay. Sinigurado kong naka lock ang pinto saka ako naglakad papunta sa kalsada. Dadaanan ko muna kasi lola ko dahil may binili akong gamot niya kahapon. Ginabi kasi ako ng uwi kagabi kaya hindi ko naibigay ang binili kong gamot.
Naglalakad ako patungo sa bahay nila lola ng makita ko ang isa kong tiyahin.
May kausap ito habang may dalang walis. Inuna na naman yata ang pakikipag tsismisan bago linis ng bahay.
Tumingin sa 'kin ang tiyahin ko ng mapansin niya akong palapit sakanila. "Oh, ikaw pala, Aerith. Papasok ka na ba sa trabaho mo?" Tanong sa 'kin ng tiyahin ko.
"Opo, tita. Pero dadaan muna ako kila lola para ibigay ang binili kong gamot para sakanya," sagot ko.
"Oh sige. Mag-iingat ka papuntang trabaho mo." Nakangiting sabi sa 'kin ng tiyahin ko. Tumango ako sakanya saka ako nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi pa ako nakakalayo ng marinig kong nag-uusap ulit ang tiyahin ko at ang babaeng kausap niya. Napahinto ako dahil nabanggit ng babae na naghahanap siya ng trabahante.
Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila at parang nagka interest ako.
Lumingon ako sakanila at pinapakinggan parin ang pinag-uusapan nila ng tiyahin ko. Hindi ko na nakayanan at lumapit na ako sakanilang dalawa.
"Tita.. naghahanap ba siya ng trabahante?" Biglang sabat ko sa usapan nila. Nagulat pa ang tiyahin ko dahil bigla akong sumulpot sa likuran niya.
"Pambihira kang bata ka! Akala ko pa naman ay nakaalis ka na," saad ng tiyahin ko habang hinahaplos ang dibdib niya dahil sa gulat.
Tumingin ako sa babae na sa hula ko ay magkasing edad lang sila ng tiyahin ko. "Hello po! Ako po si Aerith Doctolero, 24 years old po. Baka pwede po ako. Naghahanap din po kasi ako mg trabaho.
"Naku, hija. Pwede ka sana.. kaso nga lang sa Manila kasi dadalhin. Personal maid ng anak ng amo ko. Baka kasi hindi mo kayanin ang ugali no'n napaka suplado at masungit pa naman. Kaya ang hinahanap ko ay katulad ng edad ng tiyahin mo sana. Baka kasi hindi mo makayanan kapag sinigawan ka ng boss mo at bigla ka nalang umiyak do'n." Mahabang sabi ng babae.
"Naku! Ayos lang po yun. Kayang-kaya ko po yun. Ayos lang po sa 'kin ang sigawan basta ba wag lang niya akong sasaktan." Pursigedo kong sabi. Napakamot naman sa likod ng ulo niya ang babae habang nakatingin sa 'kin.
Tumingin ako sa tiyahin ko para humingi ng tulong. Agad naman umiling ang tiyahin ko na halatang hindi gusto ang plano ko.
"Ano ka ba Aerith, masyadong malayo yun. At isa pa, baka hindi mo kayanin ang ugali ng boss. Nakwento sa 'kin ni Cana na wala daw nagtatagal sa ugali nang lalaking yun. Kaya nga lagi daw naghahanap dahil three days or four days lang daw nagtatagal ang mga kasambahay. Lagi pa mainitin ang ulo." Saad ng tiyahin ko.
Lumapit ako sa tita ko saka siya hinawakan sa braso. Inilapit ko ang mukha ko sa teynga niya saka ako nagsalita. "Mag co-college na po si Robert. Si Cali naman malapit na din kaya kailangan ko ng trabahong malaki ang sahod. Hindi ko maitagaguyod ang mga kapatid ko kung dito lang sa trabaho ko i-aasa. Sahod ko na kahit anong zoom hindi lumalaki tita eh. Kaya sana tulungan mo ko. Kaya ko yun tita, ako pa ba!" Bulong kong sabi sa tiyahin ko.
Tumingin naman siya sa 'kin at napa-iling. "Ikaw talagang bata ka!" Saad ng tita ko saka bumuntong hininga.
"Sige na po, tita. Bukas kasi maghahanap sana ako nang bagong trabaho. Hindi na talaga nakakatuwa kasi ang sahod ko. Kaya ito na siguro ang pinagdarasal ko na trabaho para makaipon ako." Pangungulit ko ulit sa tiyahin ko.
"Sige na nga," sagot ng tiyahin ko
sa 'kin saka siya tumingin kay ate Cana.
"Cana, baka pwedeng itong pamangkin ko nalang. Marunong naman siya magluto, maglinis ng bahay, at kung ano-ano pa." Pangungumbinsi ng tiyahin ko.
"Kaya nga niya. Ang tanong kakayanin kaya niya ang ugali ng magiging boss niya. Baka one day palang ay umiyak na yan at baka magmakaawa sa 'kin na uuwi na sa probinsya." Sabi ni ate Cana.
"Naku hindi po. Kaya ko po yun. Kaya sana po ako nalang ang kunin mo po. Makakaasa ka po, hinding-hindi po kita ipapahiya." Nakangiti kong sabi kay ate Cana.
Sa huli ay napapayag namin si ate Cana. Mabuti nalang talaga at tinulungan ako ng tiyahin ko.
Pumasok ako ng trabaho ko hindi para mag duty, kundi magpaalam. Masyado daw mabilis ang pag alis ko sabi ng boss ko. Mabuti nga at hindi ko siya sinagot na kung sana tinaasan niya sahod ko eh 'di sana hindi ako aalis.
Umuwi ako ng bahay para mag-ayos ng dadalhin ko. Naglinis narin ako ng bahay para pag umalis ako ay malinis ang bahay. Alam ko namang hindi pababayaan ni Robert si Cali. Alam ko ding aalagaan niya ang maliit na bahay namin.
Panatag naman akong iwan sila dahil magkalapit lang naman ang bahay namin sa mga tiyahin namin at lola ko. Alam kong titignan nila ang mga kapatid ko kapag wala ako.
Bukas ang alis namin ni ate Cana kaya dapat lang na mag-ayos na ako ng dadalhin.
Alam kong magugulat ang mga kapatid ko sa pag-alis ko. Pero alam naman nila na matagal ko ng gustong lumuwas ng Manila para makapag trabaho. Madami lang talaga akong what if sa buhay kaya hindi natutuloy. Pero ngayon, matutuloy na ako dahil hindi ko pro-problemahin ang tutuluyan ko. Yun lang naman kasi ang humahadlang sa t'wing naiisip kong pumunta ng Manila. Baka wala akong matirhan kapag naubos ang budget ko tapos hindi parin ako nakakahanap ng trabaho.
Hinintay ko lang ang mga kapatid ko para makapag paalam ako sakanila. Kinausap ko narin ang tito ko na may trycle na siya na ang maghatid sundo sa dalawa kong kapatid at laging mag-ingat. Sasahuran ko nalang si tito kapag nakasahod na ako.
Sana lang talaga makaya ko ang ugali ng boss ko. Hindi ako pwedeng umuwi dito sa probinsya na walang naiipon na pera pang aral ng mga kapatid ko.