Nakatanaw ako sa dagat habang iniisip kung anong mangyayari samin ng mga kapatid ko.
Sampung taon palang ako pero stress na ako sa buhay. Kahapon, isang bangungot ang nangyari sa pamilya namin. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang lahat ng yun. Sa isang iglap ay nagbago ang lahat.
Naaksidente ang minamaneho ng aking ama na trycle. Sakay no'n ang aking ina na mamalengke sana para sa birthday ko na ngayon sana gaganapin.
Kung alam ko lang sana na mangyayari ito, eh 'di sana hindi na nila ako naisipang handaan sa birthday ko. Ang sakit. Sobrang sakit mawalan ng magulang. Paano ko ice-celebrate ang birthday ko kung ganito ka sakit ang nangyari.
Sana nga panaginip lang ang lahat ng ito. Ayaw kong maniwala na wala na sila mama at papa.
Mapait akong ngumiti habang nakamasid parin sa karagatan. Inaala ko ang umaga na yun bago umalis sila mama at papa.
Nakangiti pa sila habang nagpapaalam samin nila Cali at Robert. Yun na pala ang huling ngiting makikita ko mula sakanila.
Kung alam ko lang sana niyakap ko sila ng mahigpit. Sana sinabi kong mahal ko sila. Sana nag thank you ako sakanila sa lahat ng sakripisyo nila samin.
Tumingin ako sa madilim na kalangitan. Hindi ko mapigilang umiyak habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan. Iniisip ko nalang na nakatingin sa 'kin sila mama at papa.
"Aerith.."
Napatigil ako sa pag-iyak ng marinig ko ang boses ng lola ko. Lumingon ako at nakita si lola na naglalakad papunta sa pwesto ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong
sa 'kin ni lola saka hinaplos ang buhok ko.
"Nagpapalipas lang po ng sama ng loob, lola." Sagot ko sabay punas ng mga luha ko sa pisngi.
Narinig kong bumuntong hininga si lola saka umupo sa tabi ko. "Apo.. alam kung masakit ang nangyari. Kahit ako ay nasasaktan din dahil anak ang nawala sa 'kin. Ngunit, wala tayong magagawa kung hanggang do'n nalang ang buhay ng mama at papa mo. May dahilan ang lahat kaya nangyari ito." Mahabang sabi ni lola sa 'kin.
Hindi ako sumagot dahil naiinis ako. Lahat ginawa ko, nag dasal ako para sana bigyan ng pagkakataon sila mama at papa na mabuhay pero hindi pinakinggan. Kaya hindi ko alam kung anong rason ng diyos kung bakit niya binawi sa 'kin ang mga magulang ko.
"Birthday mo ngayon. Kanina ka pa hinahanap ng mga kapatid at pinsan mo," sabi sa 'kin ni lola.
Tumingin ako kay lola saka ngumiti ng pilit. "Ayaw ko pong mag birthday, lola. Kahit kailan ayaw ko ng icelebrate ang birthday ko." Saad ko.
"Wag mong sabihin yan, apo. Nagpakahirap ang mga magulang mo pag-ipunan ang birthday cake mo. Kaya dapat lang na ituloy natin kahit pa nga ay nasa ataol silang dalawa kasama natin." Sabi ni lola kaya mas lalo akong naiyak.
Kaya ayaw kong tumambay sa bahay. Ayaw kong makita ang mga magulang ko na nakahiga sa ataol. Hindi ko matanggap ang nangyari. Iniisip ko palang kung paano na kami ng mga kapatid ko sumasakit na ang ulo ko.
Hindi naman kasi kami pwede sa lola ko. Matanda narin siya. Mga tita ko naman kapos din katulad namin. May mga anak din na pinapaaral. Kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Kayo nalang po ang kumain ng cake, lola. Dito nalang po muna ako." Sabi ko sa malungkot na boses.
"Kahapon ka pa hindi kumakain, apo. Baka naman magkasakit ka niyan. Hindi magugustuhan ng mga magulang mo ang ginagawa mo." Pagpapaalala sa 'kin ni lola. Ayaw na ayaw kasi ni papa na hindi ako kumain sa saktong oras.
Ngunit, wala talaga akong ganang kumain. Hindi ako nakakaramdam ng gutom. Panay lang din ang iyak ko.
Ang bunso kong kapatid na si Cali ay wala pang muwang sa nangyari. Three years old palang kasi ito habang si Robert naman ay seven years old.
Hirap na hirap akong ipaliwanag kay Cali ang nangyari. Nang dumating kasi ang kabaong kung saan nakahiga sila mama at papa ay panay ang tanong ng bunso kong kapatid. Panay din ang gising niya kay mama kaya mas lalo akong naiyak.
Alam kung ako nalang ang pwedeng sandalan ng mga kapatid ko. Kaya kahit masakit inaalagaan ko parin sila kahit pa nga gusto ko nalang magpakamatay para makasama ang mga magulang ko. Pero naisip ko kung paano naman ang dalawa kong kapatid na ako nalang din ang inaasahan.
Kaya pinapangako ko kina mama at papa na ako na ang bahala sa mga kapatid ko. Hindi ko sila pababayaan. Aalagaan ko sila tulad ng pag-aalaga nila saming magkakapatid.
Alam kong hindi ako pababayaan ng mga magulang ko. Alam kong gagabayan nila ako.
Sana lang talaga makaya ko ang pagsubok na ibabato sa 'kin ng mundo. Malupit pa naman ang mundo kunting saya mo lang ay babawian ka agad ng lungkot.
Naramdaman kong tinapik ako ni lola sa balikat kaya napalingon ako sakanya. "Halika na, apo. Malamig na dito." Sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.
Tumayo si lola kaya tumayo narin ako. Inakbayan ako ni lola sa balikat habang naglalakad kami pauwi sa bahay namin.
Tahimik lang ako habang nakayuko. Si lola naman ay panay ang tanong
sa 'kin ng kung ano-ano. Tanging tango lang ang sagot ko dahil wala ako sa mood para makipag usap.
Nakarating kami sa harap ng bahay namin. Napahinto ako sa paghakbang nang makita ko ang dalawang kabaong ng mga magulang ko. Hindi ko mapigilang hindi umiyak dahil hindi ito ang inaasahan kong mangyayari sa 'kin. Nasanay kasi ako sa t'wing galing ako sa paglalaro ay si mama agad ang bubungad sa 'kin sa bakuran namin. Nakapameywang pa siya habang pinapagalitan ako dahil sa madungis daw ako at pawis na pawis.
Namiss ko ang armalite na bunganga ni mama. Hindi ako makapaniwala na kabaong ang bubungad sa 'kin kapag uuwi ako. Wala na ang lahat.
"Halika na, apo." Aya sa 'kin ni lola. Nagpatianod lang ako kay lola hanggang sa nilagpasan namin ang kabaong ng mga magulang ko.
Pumasok kami sa bahay at naabutan si Cali na umiiyak. Tumahan lang siya ng makita niya ako.
Agad siyang tumakbo papunta sa 'kin habang umiiyak. "Ate.. si mama. Hindi na po nagising." Umiiyak niyang sabi sa cute na boses.
Pinantay ko ang mukha ko sa mukha niya saka ko pinunasan ang luha niya sa pisngi. Ngumiti ako kay Cali saka ko siya niyakap ng mahigpit.
Katahimikan ang namayap sa paligid habang nakatingin sila samin ni Cali. Ang kapatid kong si Robert ay umiiyak din habang kandong ng tito ko.
Ang lungkot ng birthday ko.
"Happy birthday, Aerith. 11 years old ka na ngayon. Anong wish mo?" Tanong sa 'kin ng tita ko habang bitbit ang isang bilog na cake. Ang alam ko ay inorder ito nila mama at papa n'ong isang araw pa.
Alam kung iniiba lang ng tita ko ang usapan. Ngumiti ako ng pilit sakanya saka ako nagsalita. "Ayaw ko pong mag wish. Hindi naman po natutupad. Simula po ngayon, ayaw ko na pong icelebrate ang birthday ko." Deritso kong sabi saka ko binuhat si Cali.
Hindi ko na hinintay ang sagot ni tita at agad akong naglakad papasok sa kwarto ng mga magulang ko.
Pinahiga ko si Cali sa kama saka ko siya tinimplahan ng gatas. Mabuti nalang at tumahan na siya sa pag-iyak.
"Ate.." biglang sulpot ni Robert sa kwarto.
"Ano yun?" Tanong ko saka siya sinenyasan na lumapit.
"Wala na tayong mga magulang. Paano na tayo ngayon, ate?" Tanong niya sa malungkot na boses.
Ngumiti ako sa kapatid ko saka hinaplos ang buhok niya. ''Si ate na muna ang bahala. Hindi ko kayo pababayaang dalawa. Kaya magtiwala lang kayo kay ate." Nakangiti kong sabi.
Pinipilit kong magpakatatag para sa mga kapatid ko kahit ang totoo ay nanghihina ako. Sana makaya ko ang lahat.
Ang laking responsibilidad ang kakaharapin ko. Sana gabayan ako ng mama at papa ko. Bigyan sana ako ng lakas ng panginoon na kayanin ko.
Yung naka bangga sa trycle ng papa at mama ko ay tumakas. Ang sabi ng mga pulis kay lola ay hinanahap na daw nila at hinihigpitan ang lahat ng pwedeng daanan ng bumangga sa mga magulang ko.
Umaasa ako na mahuli ang may gawa. Para naman mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko.
Hindi ko alam ang magagawa ko sa taong yun. Dahil sa ka pabayaan niya ay may buhay siyang kinuha. Ang masaklap ay may sinira pa siyang pamilya. Hindi ko mapigilang hindi tumulo ang luha ko. Naiinis ako sa nangyari sa pamilya ko.
Bakit sa daming tao sa mundo mga magulang ko pa ang kinuha. Napaka saklap naman ng buhay namin magkakapatid. Kaya sana talaga mahuli ang taong may sala nito. Sana mamatay siya at mapunta sa impyerno ang kaluluwa niya.