NHD 3

2040 Words
Dala ang kanyang maliit na bag at isang hand carry bag ay naglakad siya papunta sa paradahan. Yun ang nakalagay sa sketch ng bahay na pupuntahan niya. Sasakay siya doon at bababa sa isang tindahan na malaki. "Naku may nabiktima na naman si Kano." Sabi ng isang traysekil drayber. "Pang ilan naba?" Tanong ng isa pa. "Pang lima na yan, yun ang anak ng Ale kanina. Gagawin niya malamang na dancer sa club niya ang babae." Sabat ng isa, doon biglang nakuha ng mga ito ang pansin niya. Kinuha niya ang picture ng katipan na pinaprint niya at inilalagay niya sa wallet niya. "Manong kilala nyo po ba ito?" Tanong niya sa isang drayber. "Ah ito? Si Kano to a. Kung sa kanya ang tuloy mo, wag kanang tumuloy pa dahil baka masira lang ang buhay mo. Marami lang siyang tao dito kaya di siya mapa deport, pero ang dami niya ng nabiktima na mga babae dito." Sabi ng lalaki. Mula sa di kalayuan ay nakita niya ang lalaking nasa larawan na dala niya. "Manong paandarin nyo na dali." Natataranta na sabi niya dito. Di siya pupwedeng makita ng lalaki, lalo na kung totoo ang mga sinasabi ng mga tao doon sa lugar. "Saan ka bababa miss?" Tanong ng lalaki sa kanya. "Anong barangay po ba ito?" Tanong niya sa lalaking drayber. "Nasa Santa Ramona na tayo, Daki na po sa unahan." Sagot nito. Medyo kinakabahan na talaga siya sa mga nangyayari sa buhay niya. "M-may alam po ba kayong mapapasukang trabaho dito na kasambahay?" Tanong niya sa lalaki. Ang totoo kasi ay minalas malas siya ngayong araw. Nadukotan siya ang natirang pera niya ay nawala kanina ng pagbaba niya ng bus. Gusto niya na ngang maglupasay ng iyak kanina. Pero nagpigil siya. "Saktong sakto, walang kasama si Nanay sa malaking bahay. Ihahatid kita doon." Sabi nito. Bagamat di niya kilala ang drayber ay ipinagkatiwala na niya ang kaligtasan niya dito. Kaysa naman mapunta siya kay Phil. "Ano po ba ang trabaho nung kano? Bakit ganun nalang ang empluwensya niya sa mga tao?" Tanong niya mamaya maya. "Naku e kilalang tulak yan dito. Bukod sa may mga club din siya na pag aari." Sagot nito. Parang nagtayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa kanyang nalaman. Paano nalang kung di siya nagduda at di siya nagtanong tanong. Baka ngayon ay nagahasa na siya ng paulit ulit ng katipan niya. O ang malala pa baka napatay na siya ng kano ng di man lang nalalaman ng kanyang pamilya. "Isa ka din sa nabiktima niya?" Tanong nito ng makaliko na sila. "Ang totoo po niyan kuya nakatakda na sana akong pumunta sa kanya. Kasi magpapakasal na kami sa Oakland. Pero kagabi nagduda ako, kaya nagtanong tanong ako. Tapos yun pang naging kwentuhan niyo kanina." Pag amin niya. "Ay sus, sa sunod wag ka agad magpapaniwala sa mga nakikilala niyo online. Lalo na kayong mga babae, paano nalang kung di mo nalaman agad. Baka naibugaw kana ni Fely sa club ni Kano." Isa pa iyon sa kanyang naiisip kanina ng makita ang mukha ng fiancee niya kuno. Binalewala niya ang sinabi ng kanyang kaibigan na mukhang adik ang lalaki. Kahit na duda siya ay nagpumilit parin siya dahil iniisip niya na ito na ang simula ng pagbabago ng buhay at kapalaran niya. Masyado siyang nilamon ng kanyang ambisyon, kaya ito siya nganga. "Manong marami na po ba silang na biktima?" Tanong niya sa lalaki. "Ay oo ineng, katunayan nung nakaraang buwan lang ay nasakyan ng isang babae na binugaw nila ang isa sa kasamahan namin. Swerte mo pa nga dahil di ka natuloy doon, yung babae grabe ang sinapit pinagsasayaw daw ng nakahubad." Sabi pa nito na lalo pang nakadagdag sa kanyang pagsisi at takot para sa sariling kaligtasan. "Di man lang po ba nag kaso?" Tanong niya dito. VAWC at rape is a serious crime, reclusion perpetual ang parusa at non bailable offense pa. Isa pa sa maaring ikaso sa mga ito ay ang anti prostitution law ng bansa. "Yun nga ang malupit, isang linggo lang sa kulongan at ayan laya na ulit. Ewan ko ba maraming mga kalalakihan ang nagpupunta dito nitong nakaraan. ang iniisip namin ay baka galing sa ibang bansa at nandito upang manmanan si Kano." Sabi ng lalaki. Sa isip niya ay nagdarasal siya na sana nga ay mga taong susugpo na sa kawalang hiyaan ng kanyang fiancee kuno. Nakaka in love naman talaga ang mukha ng lalaki, kahit pa nga sabihing mukha itong addict. Payat na payat kasi ito at higit sa lahat tila laging sabog pa kung kausap. Sadyang na inggit lang talaga siya sa mga kalugar na nakapag asawa ng afam. Kaya ng makilala niya si Phil ay todo entertain siya, at labis ang tuwa niya ng sa wakas ay ligawan siya nito. Wala pang isang buwan ay pumayag na siyang maging nobyo na ito kaagad. Kakara karaka walang pag aalinlangan na sinagot niya ang lalaki. Di man lang siya nag abalang alamin ang background nito, basta sila na period. Kaagad siyang nabola nito, nakuha ang kanyang tiwala ng walang kahirap hirap, at ngayon kung kailan magkikita na sila ay saka umandar ang kanyang pagiging mapagduda. Huli na dahil napasubo na siya. "Bakit di ka umuwe nalang sa inyo?" Tanong nito na patuloy lang sa pagmamaneho. "Nadukotan po kasi ako, walang natira sa pera ko maliban sa isang libo sa bulsa ko. Di na yun aabot sa Manila." Malungkot niyang sabi dito. "Ay sus naman kamalas mo naman masyado." Sabi nito na napailing iling nalang. Di lang talaga siya malas, tanga tanga pa. Ngayon na ito na ang nangyari ay wala na siyang mukhang ihaharap sa kanyang pamilya. Nagpa despidida pa man din siya sa mga kapitbahay tapos ganito naman pala ang kanyang daratnang tagpo. Asang asa siya na makakapuntang America yun naman pala balak lang siyang ibugaw ng fiancee niya. Swerte parin siya kahit paano, di siya napahamak ng bongga. Na save niya parin ang kanyang virgin islands kahit last minute. Sa susunod na mag lalandi sya kailangan may NBI, o police clearance na muna. Mahirap ng masungkit ng kriminal ang kanyang bataan. "O ito na, dito nagtatrabaho ng Tiyang ko. Mukha ka namang mabait kaya dumito ka muna wala naman kasi akong maibigay na pamasahe pauwe sa probinsya nyo. Baka mapahamak kapa pag magsumbong ka sa pulis. Baka ibalik ka kay Kano. Ano pala ang pangalan mo? Ako pala si Teryo." nito. "Nestea po ang pangalan ko Kuya Teryong." Sagot niya dito. "Nestea yung iniinom?"tanong pa nito. Di naman halatang pinagtatawanan ang pangalan niya kaya hinayaan niya niya. "Opo yung iniinom, thea nalang po para maiksi." Nakangiwing sabi niya pa. "O Thea wag kang magpapasaway dito kay Tiyang at matandang dalaga. Baka mahawa ka." Tatawa tawang sabi pa nito. "Salamat po Kuya ng maraming marami, ang totoo po niyan nahihiya po akong bumalik ng probinsya at balitang balita pa naman doon na nakabingwit ako ng afam, yun naman pala e kriminal na ang muntik kung mabingwit. Pero magpapakabait po ako dito." Sabi niya. "Maging leksyon na ito sayo, o siya ayan na pala si Tiyang." Sabi ng lalaki na itinuro ang isang ginang. "O Teryo, sino itong kasama mo?" Tanong ng babae ng makalapit na sa kanilang dalawa ng tricycle driver. "Mano po Tiyang, si Thea po pala tiyang. Tanggapin nyo na at walang tutuloyan ngayong gabi yan." Sabi ng lalaki sa matandang babae. Di naman ito mukhang traydor na matandang dalaga. Mukhang estrikta lang pero mas maigi na yun kaysa dun siya sa bahay ni Phil. "Saan mo ba nakuha to, alam mo naman na di tayo pwedeng magpapasok ng basta basta dito." Sabi nito na tipong pinapagalitan ang lalaki. Napakamot naman ang lalaki sa ulo. "Alangan naman iuwe ko sa bahay, baka habulin ako ng taga ni Jenny. Tinulongan ko lang siya, muntik ng mabiktima ni kano." Sabi ng lalaki. Hinuha niya ay asawa nito yung Jenny. "Aysus ginoo, kailan ba kasi titigil ang hayop na yan. Hai naku o siya tatanggapin ko na ito. Umuwe kana sa inyo at baka may taga na naghihintay sa pinto niyo." Sabi pa ng ginang sa lalaki. "Kayo talaga tiyang nananakot pa kayo." Sabi pa nito na napakamot kamot pa sa ulo nito na medyo napapanot na. "Teka lang Manong di pa po ako nagbibigay ng pamasahe ko." Sabi niya at akmang dudukot na ng pera sa kanyang bag. "Wag na uy, maiiwan na kita dito. Iwasan mo na muna ang lumabas labas at baka may mga abang na mga tao si Kano." Sabi nito. Batid niyang di naman siya tinatakot nito, alam niyang malaki ang posibilidad na ganun nga ang mangyayari. Na text na niya kanina ang lalaki at sinabi na niya na di na siya magpapakasal dito at mag aabroad nalang siya. Sinabi niya na nagkabalikan na sila ng ex nya. Gayong wala naman siyang ex kundi ito palang. "O siya halika na at ng maipakita ko sayo ang magiging trabaho mo dito." Sabi ng ginang na inakay siya papasok. Di naman mukhang haunted house ang bahay, lalong di naman mukhang tirahan ng mga bampira. Mas ayos na siya dito as long as alam niyang malayo siya sa paningin ng kanong iyon. Pag nakaalis siya sa lugar na iyon ay magpapamisa siya. Tumunog ang kanyang cellphone, medyo kinabahan pa siya at baka ang fiancee niya ang tumawag. Pag tingin niya sa kanyang cellphone ay ang kanyang Ate ang nag missed call. 'Ui Thea, inggit na inggit si Tiyang Karing sayo. Kung makita mo lang mukha niya ng malamang pupunta kana ng America ay naku.' may emoji pa sa dulo ng chat. Parang lalo siyang nalungkot sa nabasa. Alam niyang malaking kahihiyan pag umuwe siya kaagad ngayon. Kaya magtitiis na muna siya dito. "Tatlo lang tayo dito, pang apat si Sir Ton. Siya ang boss namin dito ayan siya o." Sabi ng matanda sabay turo sa kamang nasa loob ng unang silid sa taas na kanilang pinuntahan. Napasunod ang tingin niya sa itinuro nito. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang mukha ng lalaking nakahiga at tila walang buhay. Pumayat man ang lalaki ay di naman nagbago ang mukha nito. Ito ang boss na nagbigay sa kanya ng pera matapos siyang di tanggapin sa kompanya nito. Tulog na tulog ang lalaki di niya nga alam kung buhay ba ito o ano. "A-ano po ang nangyari sa kanya?" Di niya mapigilang itanong. "Tinambangan siya at tinangkang patayin, akala ko nga e mamamatay na si Sir Ton. Pero ang galing lang dahil nagawa parin niyang maka survive. Dalawa sila na halos patay na ng dalhin dito. Si Sir Ren ay nakabalik na sa Manila habang si Sir Ton ay nanatiling tulog." Pag kwento ng ginang. "Hala kawawa naman, alam nyo po bang kilala ko yan sya." Napangiwi siya sa katabilan ng kanyang dila. Mukhang mapapalayas siya nito pag nagkataon. "Paanong kilala?" Tila nakuha niya ang pansin nito. Napatingin ito sa kanya na pakiwari niya ay isang maling sagot niya lang ay sa labas siya matutulog. "Nakapag interview na po siya sa akin nung nag apply ako ng trabaho sa Manila dalawang taon na ang nakaraan." Sabi niya dito. "A ganun ba? Mayaman kasi ang pamilya ni Sir Ton." Sabi ng Ginang. Di na siya nagtanong pa, ika nga e less talk less mistake. Mas okay na makikinig nalang siya sa mga sasabihin nito para sa ikakapayapa ng daigdig. "Ang trabaho mo ay ang maglinis ng silid ni Sir tuwing umaga. Tapos sa baba magwalis walis, sa ngayon ay iwasan mo na muna ang lumabas ng bakuran." Sabi pa nito. Kahit di naman sabihin ng ginang ang bagay na iyon ay ganun ang gagawin niya. Ayaw niyang mapahamak siya lalo na ngayon na ito na siya at malapit siya sa kuta ng kanyang ex na kano. "Opo Nana." Sabi nalang niya dito. Gusto niya sanang matulog na lalo at pagabi na din, pero kumakalam ang kanyang sikmura lalo at almusal palang ang huli niyang kain. Tumunog ang kanyang sikmura mukhang nagrarambulan na ang kanyang mga lamang loob sa gutom. Mahaba din kasi ang naging biyahe niya lalo at di naman niya kabisado ang lugar na kanyang pupuntahan. "Tara na sa baba at nang makapag hapunan na tayo." Sabi nito. Kaagad naman siyang sumunod dito,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD