NHD4

1603 Words
Tahimik siyang nakamasid masid sa ginagawa ng matanda, akmang tutulongan niya kasi ito na maghain ng kanilang hapunan. Pero sinabi nito maupo nalang siya at ito na ang bahala, kumpara kaninang hinahanap niya pa ang lugar ng kanyang nobyo. Mas panatag ang kanyang pakiramdam ngayon kaysa sa kanina. Kahit pa mukhang masungit ang babae ay alam niya at ramdam niya na mabuti itong tao. Idagdag pa ang kaalaman na parang kilala na din naman niya ang kanyang magiging alaga. Di niya alam kung magigising paba ang kanyang alaga. Pero ang kaalaman na kilala niya ito ay nanlumo siya sa sinapit nito. "Anong plano mo sa ngayon?" Tanong nito sa kanya, may dala itong mangkok na may lamang pagkain. Amoy palang ay naglaway na ang kanyang bagang. Tatlong putahe ang nakahain sa kanyang harapan. "Sa ngayon po Nana ay aaminin ko po na wala po. Parang hanggang ngayon po ay natatakot parin po ako na baka makita po ako ni Phil." Pag amin niya dito. "Yan sana magsilbi na sayong aral ang nangyaring ito sayo. Habang nandito ka sa bakurang ito ay di ka magagalaw ni Kano. Wag kana muna maglalabas labas ng bahay." Sabi nito. Kahit naman di nito sabihin na wag siyang lalabas ay di talaga siya lalabas ng bahay. Mahalaga sa kanya ang kanyang peace of mind at ang kanyang kaligtasan. Bagamat nangangarap siyang makapangasawa ng amerikano, pero ngayon ayaw na niya. Di bale na di mayaman ang mapangasawa niya basta di lang ganung klase ng kay Phil. Mamaya bibistahan ang kanyang group page. Ang Bario Girls isang group page na siya ang gumawa. Sa ngayon ay may sampu na silang myembro. Ang goal niya lang naman nung una ay buoin ang grupo para sa mga babaeng taga bario sa bayan nila na gustong makapag asawa ng afam. Lately puro mga successful post ang kanyang mga post, pero ngayon tiyak na puro mga awareness ang ilalagay niya. Bukod sa page ay may GC din sila. Dangan lang e minsan lang siya kung mag message doon. "Naiintindihan ko po Nana, natatakot din po naman akong gumala gala sa labas at baka mag krus ang landas naming dalawa ni Phil." Sabi niya. "May pa Pil Pil pa yung demonyong yun. Kaya magsilbi na sana itong aral sayo, di porket mabait sa pysbook pysbook na yan e mabait din sa personal. Napakahihilig niyo sa gwapo e ano ngayon ang napala nyo. Gwapo nga demonyo naman ang hayop na yun." Sabi nito na umupo na sa harap niya. Pang mayaman ang lahat ng kagamitan na nandun, pero kung titingnan mula sa labas ay tila simpleng bahay lang. High tech ang silid lalo na ang kinaroroonan ng kanilang pasyente. Sabagay sa laki ng kompanya nito ay mas nakapagtataka naman na maliit ang bahay at walang kagamit gamit. "Kaya nga po Nana, natuto.na po ako." Sagot niya dito. "Maigi naman kung ganun, hala kain kana. Alam kong gutom na gutom ka sa kakatago kay Kano." Sabi nito na iniabot sa kanya ang lagayan ng kanin at ng ulam. "Nana ilang araw na po ba siyang tulog?" Tanong niya sa ginang. Huminto na muna ito sa pagsubo at hinarap siya. "Mag dalawang taon na din siya diyan." Sagot nito. "Sa dalawang taon po na yun di pa po siya gumalaw man lang?" Tanong niya dito. Curious lang siya kasi alam niyang di naman biro ang magiging gastos pag ganung mga kaso. Sabagay sa yaman na taglay ng lalaki ay super afford nito ang mga ganung bagay. Ngayon niya natanto na di lahat ng bagay ay nababayaran ng pera. Di kayang ibalik ng pera mo ang buhay, kaya dapat pangalagaan ang buhay lalo at nag iisa lang, Hiram mo pa. Lihim siya na natawa sa sariling naisip. "Hindi pa, pero mas mabuti kung lagi mong kakausapin siya lalo na sa tuwing bibihisan mo siya at pupunasan." Sabi nito. "B-bibihisan?" Nanlalaki ang mga mata na tanong niya dito. Di yata niya napaghandaan ang ganun, di pa siya nakakakita ng buhay na tarugo pero mukhang ngayon palang. "Oo, aalagaan mo diba? Alangan naman ako pa ang magbibihis sa kanya e nandiyan kana naman. Dati si Emil ang taga alaga sa kanya, kaya lang ay kinailangan na ni Emil na umalis dahil dumating na ang Visa niya sa Paris." Pag kwento pa nito. Parang nanghina ang kanyang tuhod sa kaalamang makakakita na siya ng biyaya ng diyos. Ni minsan ay di pa siya nakakakita nun sa personal, madalas sa picture at kay Phil nang minsan na tumawag ito noon nung binabastos pa siya nito. Aminado siyang na curious siya kung ganun din ba sa personal ang tarugo ng dating katipan. "Kailan lang po pala umalis ang dating nag-aalaga sa kanya?" Tanong niya dito. "Kahapon lang siya umalis, kanina pinabihisan ko lang siya kay Mang Ador." Sabi ng matanda. "D-dalaga pa ho ako Nana." Sabi niya, ang gusto niyang ipunto ay di pa siya handang makakita ng tarugo. Ngumiti naman ito sa kanya. "Bakit natatakot ka? Tulog naman yan si Sir Ton. Tsaka tayo tayo lang naman ang makakaalam na nakita mo yun alaga ni Sir." Biro pa nito. "Nana naman!" "Sige na, ako na ang magliligpit diyan, magpahinga kana din pag napunasan mo na si Sir Ton." Sabi nito. "Sige po." Sabi niya pa na tumayo na upang puntahan na ang kanyang pasyente. Di niya maiwasang di kabahan kahit na sabihin na tulog ang kanyang pasyente. May six months caregiver course siya sa kaya naman ay may alam naman siya sa pag aalaga ng pasyente. Katabi lang ng silid niya ang silid nito, may kama na extra sa loob ng silid ng pasyente niya. Sabi kanina ni Nana ay pag minsan na panay ang alarm ng mga aparatus kailangan niyang doon mismo matulog. Di niya naman natanong kung ano ang reason ng pag alarm ng mga aparatus pero aalamin niya para at least di siya magulat. Huminga na muna siya ng malalim bago kumuha ng bimpo na pamunas sa lalaki. Parang gustong manginig ng kanyang mga kamay habang ginagawa ang pagbabasa palang. Di mawaglit sa isipan niya ang pag iimagine kung ano ang hitsura ng tarugo ng lalaki. Malaki ba? Matigas ba? Malamang hindi kasi lantang gulay ito ngayon. Pero malamang malaki dahil malaking tao naman ito. "Bakit kasi ang tagal mong gumising, di pa sana ako ready na makakita ng tarugo mo e." Di niya maiwasang di maisatinig. Tinitigan niya ang maamo nitong mukha na nanatiling walang galaw. "Ay mababaliw na yata ako, kinakausap kita gayong wala ka namang malay tao." Sabi niya pa. Inayos niya ang kanyang mga gagamitin, naituro na naman sa kanya ni Nana ang kanyang ipapalit na hospital gown dito. Di na din naman nilalagyan ng briefs dahil naka diaper na naman ito. Matagal bago siya nagpasyang pikit mata na simulan na ang pagbibihis na dito. Inuna niya na muna ang pagpatay ng aircon. Di niya maiwasang di mainggit sa kutis ng lalaki na sobrang pino at puti. Maputi na naman siya kumpara nung bagong graduate siya. Pero iba ang puti ng lalaki siya kasi salamat sa sabon lang. Kumbaga pinilit lang na pumuti, habang ang lalaki naman ay halatang inborn ang puti. Inayos niya ang higa nito para mas maayos niyang mapapalitan ng diaper. Kinakabahan na tinanggal niya ang pandikit ng diaper. Napaatras siya nang muntik siyang masampal ng tarugo nito. "Anak ng tarugo!" Gulat na bulalas niya. Inilapit niya kasi ang mukha niya dahil dinahan dahan niya ng tanggal ang tape ng diaper. "Diyos ko po, buhay paba ang napasok nitong tarugo mo?" Di niya maiwasang di isatinig. Kung gising ito malamang nasampal na siya nito sa lakas ng boses niya. Napahagikhik siya na tinitigan ang nakalaylay nitong mahabang kahabaan. "Hayst sayang yan kung matutulog kalang diyan." Iiling iling na sabi pa niya. Inayos niya ang pagkakabit ng diaper nito bago ito kinumotan. "Noong huling kita natin pagkapilyo pilyo mo. Laban kalang diyan matutulog na ako." Sabi niya dito. Nag inat siya bago tumalikod na dito, isang lingon pa ang ginawa niya bago tuloyan na lumabas. Di talaga siya sanay na di kinakausap ng mga tao sa paligid niya. Nang makabalik sa kanyang silid ay binuksan niya ang kanyang cellphone, nakita niya ang ilang missed call mula kay Phil at sa kanyang aliporis. "Kailangan na kitang ma block na gago ka!" Gigil na block niya ang mga ito. Mabuti at dalawa ang pysbook account niya kaya di na niya kailangan na mag diactivate ng account niya. Di alam ng kanyang fiancee ang isa niyang account. Group page naman ang kanyang hinarap. Unang post niya ay pangungumusta sa mga myembro niya. Kasunod ay ang pag amin sa mga ito ng kanyang sinapit. Awareness na din sa mga kapwa niya, para di na maulit pa sa kanila ang nangyari sa kanya. Ang problema niya pa ngayon ay kung paano niya ipapaliwanag sa kanyang pamilya ang tungkol sa mga nangyari. Sobrang kahihiyan din sa mga kaanak niya na sobrang perpek ang buhay. Mga taong wala man lang kapintasan sa buhay. Tiyak na katakot takot na tsismis ang magaganap. Araw araw na laman ng mga usapan ng mga tsismosa sa lugar nila. Although dapat sanay na siya dahil ganun naman talaga ang ginagawa ng mga ito kahit noon paman. Pero di pa siya ready na isalang ang sarili niya sa kahihiyan. Di na muna niya binasa ang mga comments ng mga kasama. Pagod na pagod ang isip at ang kanyang puso sa boung maghapon, nang pumikit na siya ay di niya mapigilang di maluha sa kanyang sinuong na sitwasyon. Parang ngayon lang nag sink in sa kanya ang lahat ng mga nangyari. Hanggang sa makatulogan niya ang pag iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD