Two years later
"Ano ba yan check operator na naman ako!" Palatak niya ng biglang mag notify ang kanyang cellphone na wala na daw siyang internet connection. Excited pa naman siya sa magiging reply ng kanyang kasintahan na si Phil. Isang Australian national na computer engineer na nakabase sa Oakland, kung saan ang Oakland na yon ay di niya alam. Nakilala niya ito apat na buwan na ang nakaraan, sa isang dating site.
Medyo pumuti puti na din siya, salamat sa mga sabon na pampaganda na nabibili niya. May pa collagen na din siya ngayon lalo at medyo nakaka luwag luwag na din naman siya sa buhay. Napalago niya ang perang nakuha niya dun sa boss ng kompanyang kanyang pinag aplyan.
Dalawang taon na pinilit niyang ibangon ang kanyang sarili, pero kinakailangan niya na ibenta ang pwesto niya. Ikakasal na kasi sila ng kasintahan niya at napag desisyonan na nila na sa Oakland na manirahan. Bagamat tutol ang kanyang ina sa kanyang pasya ay wala din naman itong nagawa pa sa kanyang pasya.
Nakikita naman kasi niya ang eagerness ng kasintahan na mapahinuhod siya at ang kanyang pamilya. Ayon dito ay kinakailangan niyang lumuwas ng Maynila upang mag asekaso ng kanyang mga papel. Kaya ito siya at para siyang baliw sa airport. Kung dati pabarko barko lang siya, ngayon afford na niya ang eroplano.
Ang nobyo ang sumagot sa kanyang pamasahe. Ang napagbentahan naman niya sa kanyang shop at tindahan ay ibinigay niya sa kanyang mga kapatid at Nanay. Para kahit di na muna siya makapagpadala sa mga ito, ay ayos lang kasi alam niyang may naiwan siyang pera sa mga ito.
Kinakabahan din naman siya sa kanyang mga desisyon, parang may mali. Pero binabalewala niya lang ang instinct niya, baka paranoid lang siya lalo at first time nilang magtatagpo ng kasintahan niya.
"Hala nasa Quezon na siya, e akala ko ba nasa Oakland siya?" Nagtataka na tanong niya sa kanyang sarili ng makita ang location ng kasintahan.
May isang app kasi na ipinasa sa kanya ang kanyang kaibigan. Isang app na mati trace ang location ng tumatawag sa kanya. Binundol ng kaba ang kanyang dibdib sa kanyang nakita.
Sinubokan niyang i chat ang kanyang kaibigan na nasa Japan na tawagan siya, upang malaman niya kung totoo ang kanyang nakikita. Nang tingnan niya kasi ang mga nakaraang tawag nito ay nasa iisang lugar sa Quezon lang ang nakalagay na address.
"Hello Nestea, bakit?" Bungad nito sa kanya. Napangiwi naman siya ng marinig ang kanyang pangalan. Kung bakit kasi iyon ang ipinangalan sa kanya ng Nanay niya. Sanay siyang Thea ang tawag ng mga tao sa kanya.
Dahil di niya type ang pangalan niya. Nestea Thea Travellas soon to be Summer, magbabakasyon ito sa Pilipinas at bukas pa daw ang flight ng lalaki. Lagi naman silang nag video call pero ngayon nagkaroon na siya ng doubt matapos na makita ang location ng kaibigan. Nasa Japan ang location nito sa gps.
"Wala, check ko lang ang app na pinasa mo sa akin." Sabi pa niya.
Tila nanlamig kasi siya ng makita niya na halos lahat ng tawag ng katipan ay sa Pilipinas lang. Wala man lang Oakland na address na nakalagay.
Akala niya ay kilala na niya ang katipan dahil sa halos araw araw na tawag at chat nilang dalawa. Pero mukhang wala pa pala siyang kaalam alam sa kanyang katipan.
'Where are you?'
Chat niya sa katipan, akala niya ay di ito mag rereply. Dahil usually ay di ito makausap pag ganitong oras dahil ayon dito ay gabi sa Oakland. Oras ng pahinga nito, pero nagreply ito agad.
'Here in my bed sweetie, are you now in Manila?' tanong nito sa kanya.
'Almost.' reply niya, pero ang totoo ay nasa Manila na siya. Nasa isang hotel siya na kanyang tutulogan sa gabing ito. Bukas ay pupunta na nga siya sa sinasabi nitong tao na tutulong sa kanyang mag process ng mga papeles niya.
'Okay, I'll wait for you here.' reply nito na nagdulot ng sobrang kaba sa kanya. Nakausap na niya minsan ang sinasabi nito na tutulong sa kanya na mag process ng kanyang papel papuntang Oakland. Kaya naman nag stalk siya sa mga kakilala ng taong iyon.
Random pick ang ginawa niya, pinili niya ang sa tingin niya ay may pinag aralan sa mga friends list nito.
'Hello' Chat niya sa isang friend ni Fely Go, ito ang taong tutulong diumano sa kanya sa pagpaprocess ng papers niya pa abroad.
Nakita niyang friend din ito ng kanyang fiancee. Akala niya ay di ito mag rereply pero ilang sandali pa ay nag reply ang babae.
'Yes po?'
Reply nito. Nanginginig ang kamay na nagreply back naman siya sa babae.
'Kilala mo ba si Fely Go?' tanong niya dito.
'Opo bakit po?'
Reply nito. Gusto niyang itanong dito kung legit ba ang babae, kung talagang konektado ito sa US Embassy. Although di pa naman siya nagbabayad ng buo ay nakapagdown na siya ng twenty thousand para sa pag process ng visa niya.
'Nagpa process pa po ba siya ng mga visa and papers pa US?' tanong niya. Magkukunwari siyang mag aapply siya US, last minute e nagdalawang isip siya na baka peke o may something ang kanyang fiancee at ang Fely Go na iyon.
'Naku be, sa mismong US Embassy ka nalang mag process ng papers mo. Madami ng naloko sa amin si Fely, wag mong sabihin na naloko ka din ni Phil?' chat nito, doon siya tuloyang nanghina.
'Anong nalalaman mo sa fiancee ko?' tanong niya kaagad dito.
'Check it yourself be, actually pangatlo ka sa mapapangasawa niya diumano. Ipapadala ka nila sa Oakland at aasawahin doon tapos aanakan bago itatapon pabalik ng Pinas. Ganun ang ginawa ng hayop na yon sa pinsan ko.'
Nanginig yata lahat ng laman niya sa nabasang chat ng babae. Di yata ay totoo ang sinasabi ng babae sa kanya.
'Di totoo na nasa Oakland si Phil, dito siya sa amin ngayon nakatira. May dalawa siyang naging asawa na pinay, pero purp hiwalay na at may kaso pang kinakaharap ang gago na iyon sa US daw.'
Parang di na niya kaya ang mag reply pa sa mga chat nito. Iniisip niya na baka sinisiraan lang nito ang kanyang katipan o baka may lihim itong galit kaya sinisiraan sa kanya.
Tiningnan niya ang mga comments sa mga post ni Fely, may mga ilan na tila negatibong komento patungkol sa babae.
"Bukas tutuklasin ko ang lahat ng mga sinasabi niya." Sabi niya na pinilit na pagpahingahin ang kanyang sarili. Sa isip niya ay ang mga pera na nagastos niya, at ang kanyang kaligtasan.
Kinabukasan ay maaga palang na gumayak siya, ilang oras din ang naging biyahe niya papunta sa lugar na sinasabi ng katipan. Naka face mask siya at round sun glasses para di siya makilala ng mga ito. Di siya mahilig na mag picture at bihira siyang humarap sa camera pag nag video call sila ng katipan.
Minsan na siya nitong hiningan ng nude picture na ikinagalit niya. Pero kalaunan ay sinabi nitong nag joke lang daw ito. Mula nun ay di na naulit pa ang ganung joke nito. Tila maintindihan na din ng katipan na di siya ganung klaseng babae. Di naman pwedeng papayag siya na bastosin siya nito, kahit pa nga alam niya liberated ang mundong pinagmulan ng fiancee niya.