Konting konti nalang ay sasabog na ang utak niya sa inis na kanyang nadarama, pang ilang apply naba niya ng trabaho? Sawang sawa na siya lalo at unti unti na ding nauubos ang kanyang allowance na inutang paman lang din niya sa kapitbahay.
Dalawang linggo na siyang nag aapply ng trabaho pero di parin siya matanggap tanggap. Pag di parin siya matanggap ngayon ay balik bario nalang siya, maglalako ng gulay sa bayan di pa siya magugutom.
Akala niya noon ay madali ang buhay sa Maynila, pero akala niya lang pala iyon dahil ito ang nagdudumilat na katotohanan. Walang tumatanggap sa kagaya niyang nagtapos sa mga liblib na bayan. Kahit pa nga may mataas na marka ang kanyang grado noong nag kolehiyo siya. Useless pala ang mga iyon sa pag aapply, di niya maintindihan kung bakit itatanong kung saang school kaba nag aral?
Porket galing siyang probinsiya e minamata mata na siya na akala mo e ang baba baba na ng pagkatao niya compare sa mga nakakasabayan niya ng pag aapply. Idagdag pa ang kutis niyang medyo sablay dahil morena siya. Matangkad naman siya sa karaniwang pinay pero ewan ba niya kung bakit maitim na nga siya biniyayaan pa siya ng kulot na buhok.
Matangos naman ang ilong niya pero mukha siyang african na ambot kung ano i describe ang mukha niya. Maganda naman daw siya pero duda siya kung totoo ba, para sa kanya kasi ang maputi lang ang maganda.
Lagi siya sa bukid noong nasa probinsya siya kaya di nakapagtataka kung sunog ang kulay niya. Sa kanilang lugar kasi ay di naman mahalaga kung makinis ka o maputi ka, ang mahalaga e humihinga ka.
Pleasing personality ang main na qualifications ng mga kompanya, e mag eencode lang naman ang inaapplyan niya. Mababa naman din ang sahod pero pahirapan pa sa pag aapply.
"Miss Travellas kayo na po ang susunod!" Tawag ng guard na siyang nag aasisti sa mga aplikante.
"Salamat po!" Matabang niyang sagot dito.
"Saang bundok kaba nanggaling at bakit ganyan ang kulay mo?" Tila di nakatiis na tanong ng babaeng katabi niya.
Lahat kasi ng mga aplikante e mapuputi, yung tipong parang binalatan na puno ng saging sa puti. Di niya kaagad nabasa ang qualifications na mahigpit na inaayawan ang maiitim. Di niya alam kung ano ang trip ng may ari ng kompanya at nasali ang ganung pamantayan sa pagkuha ng mga empleyado. Sabi ng kasama niya sa boarding house e mas puputi pa siya ng konti kung tatagal siya sa Manila.
"Galing akong bundok sa Mindanao, tatay ko bandido. Galit pa naman yun sa mga taong mapanglait lalo na sa anak niya. Ang nanay ko naman ay mambabarang, yun ang ikinabubuhay namin ang pambabarang." Nakangiting sagot niya dito. Nakita niya ang panglalaki ng mga mata ng mga kasabayan niya na mag apply. Maging ang guard na kanina ay nagsusungit tila nakalunok ng maraming buto ng pakwan.
"Ikaw na miss." Sabi ng guard na halatang natakot. Isang hirit pa ang ginawa niya bago tumayo.
"Gusto mo bang i try natin kung gumagana ang pambabarang ng nanay ko? Ano ngang pangalan mo? Itext ko lang yung pangalan mo panigurado bukas maglalagas na ang mga ngipin mo." Sabi niya dito. Di naman niya intensyon na patulan ang panglalait ng mga ito sa kulay niya. Kaya lang harap harapan na kasi siya na pinaparinggan ng mga ito.
Yung mga nakaraang inaapplyan niya maayos naman, wala namang deskriminasyon sa kanyang kulay. Pero malala ang experience niya today.
Nakangisi siyang naglakad papasok sa loob ng opisina kung saan nandun ang mag interview na big boss daw. Halata ang kasungitan sa mukha ng boss gwapo sana pero mukhang masungit talaga ang lalaki.
"Say something interesting." Sabi nito na ikinatawa niya ng bahagya. Bwesit na buhay to sayang ang pamasahe niya ngayong araw, halata naman niya na ligwak na siya pero umasa parin siya.
"Sabihin nyo nalang po kung papasa ba ako o hindi, baka paasahin na naman akong tatawagan tapos ligwak naman. Ubos na po ang allowance ko sa pag apply." Walang preno niyang sabi sa lalaki. Nahigit niya ang kanyang paghinga ng tumingin sa kanya ang lalaki.
Malas lang niya at di man lang niya inalam ang pangalan ng lalaki. Basta nag iwan lang siya ng resume kahapon matapos ang kabigoan sa pag aapply sa katabing building lang ng kompanya ng lalaki. Gusto niya lang na mag try pero ubos na din talaga ang kanyang pasensya sa kakaapply sa mga kompanya na kanyang inapplyan.
"Straight forward huh, what is the reason why you apply for a position. Will in fact ay malinaw naman sa qualification na nakalagay preferably white skin." Sabi ng lalaki na nakatitig ng matiim sa kanya. Pero total alam naman na din niya ang kapalaran niya today ay mas maigi na sabihin na niya ang lahat ng kanyang gustong sabihin.
"I just try my luck, wala po akong magagawa kung ligwak na po ako. Anyway ano po ba ang kasalanan naming maiitim sa inyo? Di naman po nakakahawa ang kulay namin, mukha lang po kaming libag pero kompleto naman po kami sa ligo." Halata ang pagkainis sa boses niya. Dala narin ng pagod sa ilang ulit na pabalik balik sa lansangan upang magbakasakali sa mga kompanya upang makahanap ng trabaho.
Panibagong kabigoan na naman ito. Sana naman ay makaabot siya ng last trip pauwe ng probinsya mamaya, suko na siya sa kakahanap ng trabaho sa Manila. Pang bundok lang talaga siguro ang beauty niya.
"I easily fall in love with a woman with morena skin toned. That's why I don't want to hire someone like your skin tone. Baka mabuntis kita ng wala sa oras." Deritsang sabi nito.
"Di ko naman po kayo type, anyway salamat sa pa interview. Haist kasalanan pa namin na naging ganito ang skin tone namin. Wala po akong pambili ng glutathione kaya pass." Sabi niya na tumalikod na.
"Someday pag nag cross muli ang landas natin, alam mo na kung saan ang paglalagyan mo." Sabi nito na ikinatigil niya sa akmang pagbukas ng pintuan ng silid na iyon.
"Ho?" Kunot ang noo na tanong niya dito.
"Pag nag cross ang landas natin at pag aapply ng trabaho parin ang gagawin mo, aasawahin kita." Sabi ng lalaki, di niya alam kung nagbibiro ba ito o ano.
Ang boss na mahilig sa babaeng malibag. Kakaiba ito.
"Sus, mag aasawa na nga lang kayo sa malibag pa. Sige Sir good luck." Sabi niya.
"Here!" Sabi nito kaya napakunot ang noo niya ng makita ang sobre na iniabot nito.
"Ako po?" Paglilinaw niya.
Di niya alam kung ano ang trip nito sa buhay ngayon. Tinanggihan na nga nito ang kanyang application tapos ito may pa ampao.
"Kunin mo to, you said earlier na Ubos na ang allowance mo sa pag apply, here tanggapin mo to." Sabi nito sa kanya. Ngumiti siya dito at umiling.
"Di ko po yan matatanggap Sir, di ko naman po pinaghirapan yan." Sabi niya pa dito. Di siya ganung uri ng tao, di siya oportunista kahit na mahirap lang siya ay pinalaki siyang may dignidad.
"Then gumapang ka mula diyan sa pinto papunta dito para mahirapan ka muna bago mo ito makuha." Sabi nito na seryuso ang mukha.
"Joker din pala kayo Sir." Sabi nalang niya.
"I'm not into joking. Kukunin mo ito o bubuntisin kita? Mamili ka." Sabi nito na ikinamaang niya ng makitang seryuso nga ang lalaki.
Tila ipinako siya sa kinatatayuan niya.
"Isa, dalawa, tat-"
Nanlalaki ang mga mata na napalakad siya pabalik dito. Lalo na ng mapansin na nakalock ang pinto.
"Ito na po kukunin na, salamat po." Sabi niya sabay hablot sa sobreng hawak nito. Nakita niya ang pilyong ngisi na nakapaskil sa mukha nito.
"Welcome mi amore." Sabi nito. Dali dali na siyang umalis sa harap nito at baka kung ano na namang kalokohan ang maisip ng lalaki na gawin. Mukha namang mabait ang lalaki dangan nga lang at mukhang wala talaga itong balak na mag hire ng kakulay niya. Kaya ito siya maghahanda na pabalik ng probinsya.
Papalabasin nalang niyang nagbakasyon lang siya sa Manila para naman di kahiya hiya sa mga tsismosong kapitbahay nila. Mapagpatol pa naman siya, kahit na sinasabihan na siya ng mga kakilala na wag patulan ang mga iyon lalo at may pinag aralan naman siya.
Hello wala naman yatang batas na nagsasabi na bawal pumatol ang mga may pinag aralan. Kaya namimihasa ang mga walang pinag aralan. Kasi pinapabayaan lang di pinapaalam sa tao na mali na ang ginagawa nito.
Di naman yata siya nag aral para lang magpaapi sa mga taong walang ibang ginawa kundi manira ng puri ng iba. Talagang pumapatol sya wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga ito.
"O kumusta ang apply mo?" Salubong ng kanyang ka room mate na dati niyang kaklase.
Swerte lang ito dahil agad na natanggap dahil sa amo ng tiyahin nito na siyang nagsilbing backer nito. E siya buwis buhay sa pakikipagsapalaran sa paghahanap ng trabaho.
"Ayon bigo na naman, babalik nalang ako sa bario. Wala yata akong swerte dito sa Manila. Baka katagalan ay papantay na ang mga daliri ko sa paa sa gutom." Sabi niya.
"E paano yan, anong sasabihin mo sa inang mo?" Tanong nito aa kanya.
"Bahala na, ito pala ang pera mo ibabalik ko nalang." Sabi niya na iniabot ang isang libong buo. Nagulat pa siya kanina ng silipin niya ang sobre na ibinigay ng lalaking boss ng kompanyang iyon sa kanya. Sampong libong piso ang laman, di na niya kinakailangan na maghiram sa ate niya ng pamasahe sa barko pauwe ng probinsya nila.
Yun kasi ang initial plan niya talaga, manghihiram siya sa Ate niya at doon sa bayan maghahanap ng trabaho. Pero thanks to that boss at may pamasahe na siya pauwe at may kapital pa siya sa pagtitinda sa palengke. Di na siya mahihirapan pang maghanap ng mapapasukang trabaho.
Gagamitin niya ang pera at papalaguin.
"Sorry friend ha, kung mga sa sunod na buwan sana e pwede kitang ma refer sa trabaho. Ngayon kasi e wala silang hiring pa e." Sabi nito. Alam naman niya na nag aadjust pa ito sa trabaho nito ngayon lalo at bago palang ito doon.
"Ayos lang yun Minggay ano kaba, di yata pang employee ang beauty ko." Sabi niya dito. Nang araw ding iyon ay umuwe na siya agad ng probinsya.
Alam naman niyang naiintindihan siya ng kanyang ina, sinabi niya ang kanyang sinapit sa paghahanap ng trabaho sa Maynila. Yun din ang sinabi nito sa kanya na umuwe nalang ng probinsya. Alam niyang kinakailangan niya ding makipagsapalaran sa malayong lugar. Pero sa ngayon ay di pa siguro iyon ang pagkakataon niya para makahanap ng trabaho na para sa kanya.
Pwede naman siyang mag call center lalo at nakapagtapos naman sana siya, pero di siya confident sa kanyang english. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya pag pinagsalita siya ng english, parang nahihilo siya sa tuwina. Ang dami pa man ding interview na pagdadaanan bago paman makapasok.
Sa ngayon ay balik sa tunay na buhay na muna siya. Kailangan niyang tanggapin sa sarili niya na ligwak siya ngayon, di pa panahon ng kanyang pag unlad. Matinding dagok para sa kanya ang kanyang kabigoan sa kanyang pakikipagsapalaran sa Manila. Di naman din kasi biro ang gastos sa kanyang pamasahe palang, pagkain at ang kanyang mga gastusin. Pero wala naman siyang pagpipilian kundi ang tanggapin ang kanyang kapalaran lalo at di naman niya hawak ang mundo. Laglag ang balikat na sumakay siya sa tricycle papunta sa bahay nila.