Chapter 3

2048 Words
“Anything else?” tanong ko. Kasalukuyan akong naka-upo sa swivel chair sa loob ng conference room ng WGC main office. Nandito ang halos lahat ng department heads, managers, shareholders of WGC and even Dad. Katabi pa nga niya si Primo. Every month kasi ay nagkakaroon kami ng meeting. We’re trying to get the employees side, opinions and suggestions on how to make everything better. Sa panahon kasi ngayon ay ang daming nagsisi-alisang mga empleyado sa iba’t ibang mga kompanya dahil hindi nila gusto kung paano makitungo sa kanila ang mga nasa higher ups, Being leader and being a boss are two completely different thing. Hindi naman namin gusto na laging may empleyadong aalis dahil sa gano’ng dahilan. So as much as possible, we’re trying to meet their expectations. “Uhm, ma’am?” nagtaas ng kamay ang isang empleyado, nilingon ko naman siya tapos ay marahan pang tumango. “Go ahead,” “Uhm, Rhea po, Head ng Customer Service Team, o-out of the topic po, pero nag-send po kasi kami ng request sa HR at Finance Team para sa Team Building po sana namin, nung nag-follow up po kami, ang sabi ay nai-forward na po sa inyo ang proposal,” nahihiyang wika niya. “Baka hindi ko pa nababasa. Puntahan mo ako sa opisina ko mamaya at ipaalala mo sa akin, para na rin ma-approve ko na kung wala namang problema,” sagot ko, napangiti naman siya dahil doon. “Thank you po, Ma’am,” aniya, tipid na lang akong ngumiti at tumango. “Ma’am,” wika ulit nung isa at nagtaas pa ng kamay. “Yes?” “Macy po, isa sa mga Managers ng W. Hotels. Iyong mga vacation leave po namin na hindi nagamit, ang sabi kasi sa contract ay convertible iyon into cash yearly. Pero hindi pa po nagre-reflect sa payslip namin,” aniya. “Hindi ba kayo makapaghintay? Sinusubukan naman naming ayusin lahat agad, ah? Hindi madali ang trabaho ng mga nasa Finance!” may halong inis na saad nung isang babae, na sa tingin ko ay sa Finance. “Karapatan naman iyon. Approve na nga, eh. Pero ang tagal niyo ibigay. Do your job properly!” apila naman ni Macy. “Stop!” medyo malakas na saway ko kaya natahimik sila. “You should respect each other. Ako na mismo ang mago-override sa system mamaya para bukas mismo ay makuha niyo na. Okay?” Napangiti iyong nagtanong tungkol doon at agad na tumango. Iyong sa Finance naman ay napa-iling na lang. Alam ko na marami rin silang trabaho at hindi madali ang ginagawa nila. Pareho naman silang may punto at hindi ko gusto na mas lalo pang magka-initan ang magka-ibang department. “Thank you po, Ma’am,” wika pa ni Macy, marahan na lang akong tumango. “Anything else?” tanong ko ulit. Nang wala na akong marinig mula sa kanila ay inayos ko na ang gamit ko tapos ay tumayo. “Alright, that would be all for today. I’ll see you next meeting.” Nagsitayuan na rin ang iba pang mga nasa conference room at nagpaalam na, tapos ay isa-isa na silang nagsi-alisan. Hindi ako agad lumabas, bukod kasi sa hindi ko gustong makipagsiksikan ay napansin kong nakaupo pa rin sina Dad at Primo, may kasama pa sila na iilan sa mga shareholders. Nang kami-kami na lang ang nasa conference room ay malawak na ngumiti sa akin si Dad tapos ay pumalakpak pa. “Alejandro, you are very lucky to have a competent daughter!” malawak ang ngiting saad nung isang matanda. “Tell me about it, kumpadre,” may halong pagmamalaki na sagot ni Dad. Bahagya pa akong napalingon kay Primo at napansin ko na mataman lang siyang nakatitig sa akin. Nagpasya ako na huwag na lang siyang pansinin. “Uhm, babalik na po ako sa opisina ko, Dad,” paalam ko. “Anong oras ka matatapos?” natigilan ako dahil sa tanong ni Primo. Gusto ko sanang magsungit pero kasama namin dito si Dad. Baka mapagalitan lang ako. “I’m not sure, pero baka late na. I still have a lot of work to do,” sagot ko. I tried to sound casual as much as I could. “Why, hijo? Do you have any plans with her?” nakangising tanong ni Dad, para bang may gustong iparating. “Well, I want to take her out for dinner,” sagot ni Primo. Dad laughed heartily because of what he heard. Muntik ko namang pina-ikot ang mga mata ko dahil doon. “Her work can wait. Mabuti pa nga’t mag-dinner kayo. Tapos sa ibang araw ay pumasyal ka sa bahay at mag-dinner kasama namin,” nakangiting saad naman ni Tito. “And, why don’t you walk her to her office now?” suhestiyon pa ni Dad. “It’s my pleasure, Tito,” ani Primo tapos ay tumayo na rin. Mahina na lang akong napabuntong hininga at nagsimula nang maglakad. Hindi ko talaga alam kung ano ang pinakain ng lalaking ito kay Dad, at kung bakit gustong-gusto siya nito. “They look good together, aren’t they?” narinig kong tanong pa ni Dad sa isa sa mga kasama niya. Nang makalabas na sa conference room ay sinubukan kong maglakad ng mabilis. Sinubukan ko rin na hindi pansinin si Primo kahit pa alam kong nakasunod siya sa akin. The last time that I saw him was, well, days ago. When we had lunch together with Lyn. Ang akala ko nga ay sa wakas, tumigil na siya sa panlalandi sa akin. Pero nandito na naman siya ngayon. “Kaya pala wala kang oras sa sarili mo,” aniya mula sa likod ko. Kumunot naman ang noo ko tapos ay mabilis na napalingon sa kanya. “What do you mean?” tanong ko habang patuloy pa rin sa paglalakad. “Inaako mo lahat ng trabaho. You are the acting President, yes. But you are not the CEO. Wala na halos natitirang trabaho para sa Dad mo kasi ikaw na lahat gumagawa. And from what I’ve heard just awhile back, pati trabaho ng Finance gagawin mo rin kapag may problema?” hindi makapaniwalang tanong niya. “As far as I’m concerned, it’s none of your business,” pagsusungit ko. “I know, but you should stop baby-sitting your employees. Sa ginagawa mo, mas lalo silang aalis lalo na kapag hindi sila napaburan ng kahit isang beses lang. The people under Finance Team should do their job well. From what I see, they are nothing but bunch of incompetent people. Oo mahirap ang trabaho nila, pero napakadali lang ng reklamo kanina at hindi pa nila nagawa,” Doon na ako nakaramdam ng inis. Bakit ba mas maalam pa siya sa akin? Bakit ba pinakikialaman niya ako? Kaya naman natigilan ako sa paglalakad at agad siyang hinarap. “Thank you for your concern, but I know what I’m doing. I know my capabilities and my limits. And frankly, I don’t need your opinion!” “No one’s questioning your capabilities here, Aliyah. Everyone knows how selflessly good you are. Ang sa akin lang—” “Ang sa ’yo ay sa ’yo. Kaya sarilihin mo na lang, puwede ba?” naiiritang pagputol ko sa sasabihin niya. “Eh, paano kung maging akin ka?” aniya kaya natigilan ako. Tinaasan naman niya ako ng isang kilay tapos ay marahang naglakad para mas mapalapit sa akin. Bahagya akong napa-atras sa gulat. Hindi ko maintindihan kung bakit may init akong nararamdaman ngayong sobrang lapit ng katawan niya sa akin. “W-What are you doing?” “I don’t know why I’m attracted to such a feisty woman,” mahinang saad niya. “You look damn hot and attractive whenever you’re mad and annoyed. So yeah, I’ll do everything to make you mine. And when that happens, I’ll make sure that you’ll have enough time for yourself, for us…” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay muli niyang dinilaan ang ibabang labi niya. Ngumisi pa siya at bahagyang lumayo na sa akin. Ako naman ay parang tuod, nanatiling nakatayo at hindi alam ang sasabihin o gagawin man lang. “I’ll be back here at 6:00 PM. Let’s have a dinner together. Make sure you’re done by that time. Ako na rin ang maghahatid sa ’yo pauwi.” Hindi na niya ako hinintay na sumagot. Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad palayo. Huh! Akala mo naman ang cool niya dahil doon! Napangiwi ako nang maramdaman ang bahagyang pag-iinit ng pisngi ko. Letse naman, bakit ba ang cool niya sa part na iyon? Heto ako, parang baliw. Ako rin ang bumabawi sa mga sarili kong salita. Nakaka-inis! Napabuntong hininga na lang ako at nagsimula na ulit maglakad, pero parang lumilipad ang isip ko dahil sa nangyari. “Miss, saan ka pupunta?” hindi pa nagtatagal ay natigilan ako at parang bumalik sa reyalidad nang marinig ang boses ni Lyn. “B-Babalik sa opisina ko,” maiksing sagot ko. “H-Huh?” nalilitong tanong niya tapos ay bahagya pang itinuro ang kaliwang bahagi niya. Napalingon naman ako ro’n ay napansin na medyo lumampas na pala ako sa pinto ng opisina ko. Napangiwi ako dala ng kahihiyan tapos ay nagmamadaling pumasok doon. Padabog pa akong umupo sa swivel chair pagkatapos. Nakakairita talaga! This is not me! Bakit ba sobrang bothered ako sa presensiya ng Primo na iyon? At bakit sobrang apektado ako sa bawat salitang nanggagaling sa kanya? Pinilit ko naman ang sarili ko na mag-focus sa trabaho. Kahit pa minu-minuto ata akong natitigilan at nilulubayan ng sariling utak. Hindi ko na nga alam kung totoo bang naiinis ako kay Primo, o ano. “Uhm, Ma’am?” muli na naman akong bumalik sa reyalidad dahil doon. “Ugh—yes?” gulat at nalilitong tanong ko. Tapos ay napansin ko na hawak ko ang isang papel. “Oh, I’ll approve this,” wika ko. Kausap ko ngayon si Rhea, iyong nag-follow sa akin ng para sa Team Building nila. “Thank you po!” masayang sagot niya, ngumiti na lang ako at tumango. “Pero sigurado ba kayo na kasya na ang twenty thousand na budget para sa Team Building niyo? I mean, ilan ba kayong lahat?” tanong ko pa. “Nasa thirty po, Ma’am. Pero willing naman po kami na magbayad pa ng additional one thousand per head para sigurado na magkasya po ang pera,” nakangiti at magalang na tanong niya, napabuntong hininga naman ako at tumango. “Paki-edit ng proposal mo, ilagay mo na fifty thousand ang budget na kailangan. I-submit mo sa akin bukas at pipirmahan ko,” wika ko at ibinalik sa kanya ang papel. Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Tapos ay mabilis pa siyang umiling. “M-Ma’am, hindi na po. I mean, na-appreciate po namin ang offer. Pero masyado pong malaki iyon. Okay na po talaga ito!” aniya. Napabuntong hininga na lang ulit ako at tumango, tapos ay agad na pinirmahan ang papel. Bago ko inabot iyon sa kanya ay kinuha ko ang wallet ko at naglabas ng ten thousand bill. Isinama ko iyon sa papel. “This is the only way I know to give back. Sana huwag mo nang tanggihan. Sana rin pagkatapos ng Team Building niyo ay mas inspired kayong pumasok at magtrabaho,” nakita ko kung paano siya napangiti bago tumango. “Opo, Ma’am! Maraming salamat po!” masayang sagot niya bago tumayo. “Matutuwa po ang Team ko rito. Maraming salamat po ulit!” dagdag pa niya bago nagpaalam. Ngumiti na lang ako at hinayaan na siyang umalis sa opisina ko. Nagpatuloy naman ako sa pagtatrabaho pagkatapos no’n. Sunod kong ginawa ay ang i-override ang system ng Finance. May access din kasi ako ro’n. Ch-in-eck ko ang lahat ng may leave credits last year na hindi nagamit, tapos ay agad kong in-approve at p-in-rocess para makuha na nila agad bukas ang pera. Tama nga si Primo, madali lang iyong gawin. Nakaka-inip nga lang kasi isa-isa mong gagawin. Mga bandang alas cinco siguro nang matapos ko iyon lahat. Tapos ay nag-send ako ng mass or bulk email para sa lahat ng empleyado tungkol doon. At hindi ko maintindihan kung bakit paulit-ulit akong tumitingin sa orasan. Teka, hindi naman ako naghihintay na sumapit ang alas sais hindi na? Hindi nga ba? Hindi ko rin alam…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD