“Why do you look so uneasy? Is my presence making you uncomfortable?” tanong ni Primo.
Nasa isang sikat na steakhouse na kami at kasalukuyang kumakain ng tanghalian. Nagulat naman ako dahil sa tanong niya. I mean, yes, I’m kind of uncomfortable to have him here with us. Pero wala naman akong balak na sabihin iyon kasi hindi ko gusto na ma-offend siya.
Was I too easy to read for him to ask that? Was I too obvious? I don’t know.
“Uhm, no. I just feel tired,” pagsisinungaling ko.
“You should rest more. Success won’t be fulfilling if your health is on the line,” aniya.
Saglit akong natahimik dahil sa sinabi niya. May punto naman siya. But in my case? I cannot say that I am already successful. Si Dad ang successful. Sa kanya ang kompanya at nagtatrabaho lang ako sa kanya.
I have always lived my whole life under his shadows, afraid to go out of my comfort zone, afraid to try something new. Natatakot kasi ako na baka sa isang maling desisyon ay magalit siya sa akin at ma-disappoint.
Yeah, this is my life.
Ang akala ng iba ay perpekto. Pero hindi. Wala naman kasing perpekto sa mundo. Kaya na rin siguro bilib ako sa kakambal ko na si Alison. Kasi siya ay may lakas na loob na gawin ang gusto niya. Hindi siya natatakot sa sasabihin ni Dad, hindi gaya ko.
Simula noon kapag pinagkukumpara kami ng ibang mga tao ay ako lagi ang magaling at malakas, pero hindi ako naniniwala ro’n. Mas malakas si Alison kasi ang dami niyang kayang gawin na hindi ko magawa.
The only thing that I can do is to please our parents and not to disappoint them.
“I’m not yet successful. Wala pa akong napapatunayan sa buhay ko. Kay Dad ang company, hindi sa akin,” walang ganang sagot ko.
“But you worked too hard to help him, and that is something to be proud of. Kung ako ang boyfriend mo, magiging proud ako sa ’yo. Pero kung ako rin ang boyfriend mo, hindi ko hahayaan na mapagod ka ng sobra sa trabaho. You should have enough time for yourself,” aniya at nagkibit pa ng balikat.
Bahagya kong naramdaman ang pamumula ng magkabilang pisngi ko dahil sa narinig. Si Lyn naman ay napahagikgik na akala mo ay kinikilig.
“Well, it’s a good thing that you’re not my boyfriend. Because I don’t let men decide for me. I do what I want to do,” wika ko.
What I said was half-truth and half lie. Kasi totoo naman na hindi ko hinahayaan na magdesisyon ang ibang lalaki para sa akin, maliban kay Dad…
“It might not be a good thing now but, we can never tell. I mean, we never know what’s going to happen in the future,” may halong kalandian na sagot niya at ngumisi pa.
Mahina ulit na napahagikgik si Lyn dahil sa narinig. Ako naman ay naubo.
“Malandi ka ba talaga?” maanghang na tanong ko at nagtaas pa ng isang kilay, mahina naman siyang natawa dahil doon.
“Just to people I like,” aniya at nagkibit pa ng balikat.
“Well, hindi ko alam kung ilan ang ‘people’ na iyon, at wala akong pake. But if by any chance I’m included to your long list of girls to flirt with, then please, take my name off because I am not a bit interested to be honest. Real talk lang.”
“Well, let’s see how long my list is,” aniya at inilabas pa ang cellphone.
Bahagyang umawang ang labi ko kasi mukhang may listahan nga siya. Ngumisi naman siya sa akin at bahagya pang kinagat ang ibabang labi kaya mas lalo iyong pumula. Tapos ay pinakita niya sa akin ang screen niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na may numberings iyon from one to fifty, tapos ay puro pangalan ko ang nakasulat.
“Which number would you like me to remove?” tanong niya at muling ngumisi.
“Lahat,” maiksing sagot ko na lang at nagpatuloy na sa pagkain.
Akmang magsasalita na siya pero tumunog ang cellphone niya kaya agad niyang tinignan iyon.
“Excuse me,” mahinang saad niya sa amin bago tumayo at sinagot ang tawag.
I even heard him said ‘Hello’. Pero iyon lang. Nagkibit na lang ako ng balikat at hinayaan ko na siya. Malandi ang lalaking iyon, at alam ko na hindi makakabuti kung mapapalapit siya sa akin. Kilalang-kilala ko na ang mga kagaya niya, at hinding-hindi na ako magpapaloko pa.
“Parang ang lakas ng tama sa ’yo ni Attorney, Miss,” mahina at halos pabulong na saad ni Lyn.
“I mean, ito ang unang beses na nagkita at nagkakilala kami, Lyn. At hindi ako naniniwala sa love at first sight. He’s nothing but a playboy,” I said matter-of-factly.
“May ‘K’ naman siya maging playboy. Mayaman na yummy pa. Gosh!” kinikilig na sagot niya kaya napangiwi ako.
“I don’t get your humor,” saad ko na lang at nagpatuloy na sa pagkain.
Tinawanan lang ako ni Lyn at hinayaan na. Siguro ay tumagal ng halos limang minuto si Primo sa kausap bago siya bumalik sa mesa namin at mukhang nagmamadali pa.
“I’m sorry but I have to go. May isang pro bono case kasi na interesado ako at—”
“You don’t have to explain. Just go if you have to,” pagputol ko sa sasabihin niya kaya napangisi siya.
“You sounded like a sulking girlfriend,” may halong pang-aasar na saad niya, mahina namang natawa si Lyn pero ako ay napangiwi. “Don’t worry, love. I’ll make it up to you!” dagdag na pang-aasar pa niya.
“My name is Aliyah, so stop calling me with those gross endearments. Umalis ka na nga lang. I’ll pay for your food, don’t worry,” sabi ko at pinaikot pa ang mga mata.
Now, he’s getting into my nerves. Nakakainis. Ang lakas ng trip niya. Hindi ko maintindihan pero naiirita talaga ako sa mga lalaking kagaya niya. Iyong mayayabang. Iyong akala mo ay por que guwapo at mayaman ay sasambahin na sila ng lahat.
“Oh, sorry to break it to you but I don’t let beautiful girls pay for me,” aniya bago hinila ang dala niyang bag. “It’s on me, and I’ll just see you, guys, around.” Tapos ay tinalikuran na niya kami.
“Men and their ego,” wika ko bago siya tuluyang makalayo sa amin, napalingon pa nga siya at nginisihan lang ako.
Halos magpasalamat naman ako nang sa wakas ay wala na siya. Dahil kasi ro’n ay nakakain na ako ng maayos. Pagkatapos naming mananghalian ni Lyn ay sinubukan kong kunin ang bill pero sinabi ng waiter na nabayaran na raw.
Well, it’s better safe than sorry. Baka kasi hindi talaga niya binayaran at bigla na lang kaming umalis ni Lyn. Nakakahiya iyon sa part ko.
Pagkabalik sa opisina ay ibinaon ko na ulit ang sarili ko sa trabaho. Maraming mga negosyo ang nasa ilalim ng Williams Group of Companies or WGC. May mga Construction Companies, Hotels, Beach Resorts, Resto and a lot more.
And being the acting president of our company, my job is to make sure that every business and companies under WGC are just doing fine. Strategizing and whatnots.
Kung ako ang tatanungin ay masakit sa ulo. Pero siguro dahil sa ilang taon ko na ring ginagawa ito ay nasanay na ako.
When I was twenty, I graduated college. Ang balak ko sana noon ay magpahinga na muna ng kahit isang taon lang, mag-travel gamit ang ipon at makahanap ng trabaho sa kompanya na gusto ko talaga habang nagma-masteral.
But Dad immediately pressured me to handle one business that’s under WGC. Sa murang edad ay puro trabaho na ang kaharap ko.
When I was around twenty-three, I agreed to date Youan Del Valle. Isa lang siya sa maraming lalaking gusto ni Dad na i-date ko. I liked him because we have a lot in common. We understand each other.
Just when I thought that everything’s going well, I found out that he got my twin sister, Alison, pregnant. Nakakatawa kasi nasaktan ako pero hindi ako nagalit. Mas nangibabaw ang pagmamahal ko sa kapatid ko. I even supported them.
Pero hindi naman nagtagal ang sakit. Parang hindi man nga talaga sakit ang naramdaman ko. It’s more of a disappointment. That’s when I realized that I didn’t really like him.
I was just blinded by the idea of perfection. Guwapo siya, matalino at galing sa magandang pamilya. We were a perfect match, and I was under the impression that if we ended up together, Dad would be very proud.
Iyon ang mahirap kapag walang pundasyon ang isang relasyon. Madali itong masira. Pero gano’n pa man ay sinubukan ko pa rin na makahanap ng lalaking para sa akin. But nothing worked.
Some of them just wanted to get into my pants. Kapag hindi ko naibigay ang gusto nila ay mangangaliwa na at makikipaghiwalay sa akin. Ang iba naman ay sinasabi na hindi nila maabot ang expectations ko.
Well, if they cannot handle me then, they totally don’t deserve me, that’s what I thought.
Kaya naman napagpasyahan ko na tumanda na lang na dalaga at ibaon ang sarili ko sa trabaho. Magiging mabuting Tita na lang ako sa mga magiging anak nina Alison at Youan.
Also, I never got to enjoy my youth. Kahit na noong nag-aaral pa ako, sa tuwing walang pasok o bakasyon ay lagi akong isinasama ni Dad sa kompanya para mapag-aralan ko raw ang trabahong ginagawa niya.
Minsan naman ay isasama niya ako sa mga business conference here and abroad. I had no choice but to follow, like a loyal dog. Kung ako ang tatanungin ay gusto kong tumigil na muna sa pagtatrabaho at mag-travel. Mag-enjoy. Pero alam ko na wala akong oras para gawin iyon.
Tama rin si Primo sa sinabi niya kanina na kailangan ay may oras din ako para sa sarili ko. Iyon na rin siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit nainis ako sa kanya. Because truth hurts…
When can I ever have the courage to make decisions on my own? Iyong walang ibang iniisip at hindi natatakot sa sasabihin ni Dad.
Natigilan ako sa naisip ko tapos ay agad na kinuha ang cellphone ko. I have always wanted to visit Thailand. Hindi ko alam kung bakit, kahit pa laging sinasabi ng mga kakilala ko, maging si Alison na parang nasa Pilipinas ka lang.
I browse some tourist destinations, good hotels and a lot more. At nang magpapa-book na sana ako ng flight ay napabuntong hininga na lang ako. Sa huli ay hindi ko pa rin kaya.
Kaya naman pinatay ko na lang ang phone ko at muling ibinaba sa office table, tapos ay ibinalik ko ang tingin sa nakabukas na laptop at muling nagtrabaho na.
Abala ako sa ginagawa nang biglang nagbukas ang pinto. Nang mapalingon ako ay nakita ko si Dad na malawak ang ngiti sa akin.
“So, you finally met him, huh? Tinanong ko siya at sabay pa raw kayong nag-lunch. What do you think of him?” agad na bungad niya.
Pasikreto akong napangiwi dahil doon. Hindi ko na kailangang magtanong. It’s pretty obvious that he’s talking about his new favorite guy, Primo.
“Personally, I don’t like him. He’s so full of himself. But he’s already part of the company so—”
“Oh, come on! He’s a nice, good-looking guy, successful at his age on top of that. You should try to know him more. Nakakatuwa nga kasi mukhang interesado siya sa ’yo.”
Hindi ako agad na nakasagot. Pilit na lang akong ngumiti kay Dad tapos ay marahang tumango. See? Hindi ako makahindi. Kasi natatakot ako na ma-disappoint siya.
“Alright, Dad. I’ll try,” mahinang sagot ko.
“I know you will, anak. I hope everything will turn out perfect this time,” aniya at muling ngumiti.
Hindi na ako nakasagot kasi muli na siyang tumalikod at naglakad na palabas ng opisina ko. Sa huli ay napabuntong hininga na lang ulit ako at napa-iling.