Bago pa sumapit ang alas sais ay mabilis ko nang niligpit ang mga gamit ko. Halos patakbo pa nga akong nagpunta sa banyo at nag-apply ng face powder at lip tint.
Huminga rin ako ng malalim habang nakatingin sa salamin, tapos ay agad na natigilan nang mapagtanto kung ano ang ginagawa ko.
What the actual hell?
Bakit parang excited ako sa dinner namin ni Primo? And why did I even listen to him? Pinangunhan niya ako kanina, isa sa mga bagay na hindi ko gusto! He just said that we’re having a dinner together and he didn’t even ask for my opinion about it! So what am I doing right now?
You’ve gone real mad, Aliyah!
Singhal ko sa sarili ko. Pero siya rin namang nakapag-ayos na ako ay nagpasya ako na lumabas na lang ng banyo. Balak ko sanang bumalik sa swivel chair ko at buksan ang laptop ko, para kunware ay nagtatrabaho pa rin ako pero laking gulat ko pagkalabas nang makitang nakaupo si Primo sa swivel chair ko.
“What are you doing here?” tanong ko.
“You’re ready, I see,” aniya at marahang tumango bago tumayo sa inuupuan. “Let’s go.”
“M-may trabaho pa akong kailangang tapusin!” pagsisinungaling ko.
“Stop making excuses, Aliyah. Let’s go,” masungit na saad niya at tinaasan pa ako ng isang kilay.
Tapos ay nagsimula na siyang maglakad palabas ng opisina ko. Napabuntong hininga na lang ako at nagpasyang sumunod na sa kanya.
Nang makarating sa parking lot ay agad siyang sumakay sa kotse niya, hindi naman na ako nagdalawang isip na sumakay rin doon. Tapos ay binuhay na rin niya ang makina para makaalis na kami.
“Saan tayo kakain?” tanong ko habang nasa biyahe kami.
“I made a reservation at Jag’s,” sagot niya.
Tumango na lang ako at hindi na ulit nagsalita. Jag’s is a famous restaurant. Kilala ko ang may-ari pero hindi ko kaibigan. Maliit lang kasi ang mundo ng mga negosyante. At sino ba namang hindi makakakilala sa mga Montealegre gayong sobrang sikat nila sa mundo ng business? Daig pa nga nila ang mga celebrity, eh.
“Do you have any plans for tomorrow?” tanong ni Primo sa akin mayamaya lang.
“Work,” maiksing sagot ko.
“What about on weekends?”
“Work,” sagot ko ulit.
“Puro na lang work? Nagde-day-off ka ba?”
“Kapag gusto ko,” sagot ko.
“You know, I honestly think that you need a boyfriend. Puwede kang mag-apply sa akin. Hindi naman mataas ang standard ko,” may halong pang-aasar na saad niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
“Ini-insulto mo ba ako?” naiinis na tanong ko. “And for your information, kahit pa gaano kababa ang standard mo, hindi ka naman papasa sa standard ko!”
“Ouch,” aniya pero ngumisi pa rin. “International models and actresses are lining up for me. Pero ikaw lang ang ine-entertain ko. See? I already lowered my standard a little bit just to open my doors for you. So what do you say?”
Napakayabang nga naman ng isang ito!
“I say thanks, but no thanks!” giit ko. “If I know, those international models and actresses that you’re pertaining to are all nothing but first class wh*res. So yeah, no thanks!” pang-iinsulto ko pa.
I don’t know why but I sounded a little bitter when I said that. Aminado ako ro’n. There’s nothing to be bitter about. It’s not like we’re in a relationship, and it’s not that I like him!
“You have a sharp tongue,” aniya at ngumisi pa. “Be very careful of your words, love,” may halong harot pa na dagdag niya.
“Then, stop provoking me!” usal ko ulit. “And again, my name is Aliyah, so stop calling me names. You’re creeping me out.”
Mahina lang siyang natawa na akala mo ay nag-eenjoy sa usapan namin, samantalang ako ay parang sasabog na sa sobrang inis. He’s right, though. Masyado akong harsh magsalita. Madalas kasi ito ang problema ng karamihan sa mga tao, kapag sobra nang naiinis ay hindi na pinag-iisipan pa ang mga lumalabas sa mga bibig.
And it causes trouble most of the times. Mabuti na nga lang at hindi siya pikon na kagaya ko. Abogado pa naman siya. Baka kapag may mali akong masabi ay kasuhan pa ako nito.
Nang makarating sa Jag’s at maiparada na niya ang sasakyan ay sabay kaming bumaba tapos ay naglakad na papasok sa loob. Medyo kumunot pa nga ang noo ko nang makita na may isang lalaking pamilyar sa akin.
And I realized that it’s the owner of this restaurant, Jaguar Montealegre.
“Bro!” nakangiting saad pa niya habang nakatingin sa direksiyon namin.
Bahagya akong napalingon sa likod ko para siguraduhin kung si Primo ba ang kausap niya. Si Primo naman ay nakangiti ring lumapit kay Jag at nag-fist bump pa sila.
“Brother, how have you been?” bati ni Primo.
“Busy, as usual. May dinaanan lang ako rito,” ani Jag at napalingon pa sa akin. “You have a date, I see,” makahulugang dagdag pa niya habang malawak na nakangiti.
“She’s Aliyah Williams of WGC. She has a sharp tongue, but very adorable,” ani Primo at sabay pa silang natawa, ako naman ay napangiwi kasi hindi ko alam kung papuri ba iyon o insult.
“Are you insulting me?” tanong ko at nagtaas pa ng isang kilay.
“Oh,” ani Jag na parang matatawa pa.
“See?” ani Primo at mahinang humalakhak. “Anyways, fancy meeting you here, brother. We’ll have our dinner now. Mukhang gutom na kasi ang girlfriend ko,” dagdag pa niya at binalingan ako, nakakaloko pa nga siyang ngumisi sa akin.
Muli siyang tumingin kay Jag, nag-apir sila tapos ay naglakad na si Primo palayo.
“It’s nice to meet you, Aliyah. Pagpasensiyahan mo na ang kaibigan ko at maloko lang talaga,” ani Jag, nagkibit naman ako ng balikat.
“He’s a pain in the ass,” sagot ko na lang.
Muling tumawa si Jag at marahang tumango. Ako naman ay naglakad na lang at sumunod na kay Primo. Napansin ko na pumasok siya sa isang VIP Room. Hindi naman ako nagdalawang isip na sumunod sa kanya.
Medyo nagulat pa nga ko pagkapasok namin kasi may dalawang waiter doon na inilalagay na ang maraming mga pagkain sa mesa.
“May kasama tayo?” tanong ko bago umupo, mayabang naman siyang ngumisi sa akin at umupo rin sa silyang nasa harap ko.
“Bakit, gusto mo akong ma-solo?” tanong niya pabalik, mahinang natawa ang mga waiter pero agad ding pinigilan iyon na parang nahiya pa sa akin nang tignan ko sila, nang matapos sila sa ginagawa ay nagpaalam na sila.
“Alam mo bang sobrang yabang mo?” naiiritang tanong ko ulit.
“People say that it’s one of my charms,” sagot niya at kumindat pa sa akin.
“And you should stop believing them, Primo. Trust me, hindi maganda at nakakatuwa ang kayabangan. Hindi rin nakakaguwapo,” sabi ko.
“So, inaamin mo na guwapo ako?” tanong niya.
I groaned in disbelief. As usual, hindi siya papatalo. And he won’t be a lawyer for nothing! Ang galing masyado, eh. Hindi nauubusan ng sagot.
“Stop twisting my words, Attorney!” singhal ko. “Anyways, may iba pa ba tayong kasama? Just answer the damn question. Kasi kung wala kakain na ako para makauwi na rin ako kasi masyado akong naaalibadbaran sa pagmukukha mo!” marahan siyang humalakhak na parang nag-eenjoy na makita akong naiinis.
“We’re not waiting for anyone, Your Honor. So help yourself,” aniya na para bang nasa trial siya.
“Then, why did you order so much?” pabulong na tanong ko bago hinawakan ang mga serving spoon.
“You didn’t eat your lunch. Hindi ka rin nag-mirienda. Kaninang almusal pa ang huling kain mo,” natigilan ako sa sinabi niya, agad din na kumunot ang noo ko dahil doon.
“So, you’re stalking me now, huh?”
I’m not sure if it’s a question. I feel like what I said was a statement.
“Easy there,” aniya. “Stalking is a serious offense. Defamation is another. Your Dad told me that, just so you know. Nasa opisina kasi siya mula umaga, at hindi ka raw lumabas sa opisina mo. Ni hindi rin nagdala si Lyn ng kahit anong pagkain kasi ayaw mo raw magpa-istorbo. So what I said was just my conclusion.”
Nagkibit na lang ako ng balikat dahil doon. Tama naman siya. Hindi ako nakakain ng tanghalian kanina, ni hindi na rin ako nakapag-mirienda dahil sa dami ng ginagawa kong trabaho. Hindi rin kasi ako makakain ng maayos kapag naiisip ko na marami akong kailangang tapusin.
“Nagkape naman ako,” mahinang sagot ko na lang.
“Too much coffee isn’t healthy,” aniya. “Alagaan mo naman ang sarili mo. Paano mo ako maaalagaan niyan kapag nagkasakit ka?” maharot na tanong pa niya habang nakangisi.
“At bakit naman kita aalagaan, aber?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Kung ayaw mo edi…” he trailed off. “Ako na lang ang mag-aalaga sa ’yo.”
“Kaya ko ang sarili ko,” sagot ko bago sumubo ng pagkain.
“Hindi ko naman hinihingi ang opinyon mo. To take care of you is my sole choice. It’s my right,” hindi ako makapaniwala sa mga naririnig.
Pero as usual, umarte ako na naiirita kahit pa ang totoo ay gusto kong mapangiti. Sino ba namang hindi kikiligin sa mga banat niya? Pero hindi ako marupok! Atsaka ni hindi ko nga alam kung seryoso ba ang isang ito sa mga pinagsasasabi niya.
“Stop playing lawyer on me, Attorney. I’m not a bit impressed! Sa iba mo na lang sabihin ang mga banat mo kasi walang epekto ’yan sa akin,” pagsisinungaling ko, mahina lang siyang natawa tapos ay kumain na rin.
“Oo nga pala, sa makalawa na ang biyahe natin pa-Pangasinan, hindi ba?” tanong niya, marahan naman akong tumango.
Nawala iyon sa isip ko. Oo nga pala’t siya ang makakasama ko ro’n. Nakakainis naman kasi kung bakit hindi puwede si Lyn. For sure itong si Dad naman ay matutuwa na makakasama ko ng tatlong araw doon ang favorite guy niya!
“I’ll just ask the HR to secure one company shuttle. Para may service tayo,” sagot ko.
“Ako na ang magmamaneho para sa atin,” aniya. “Mas kailangan ang mga company shuttles dito. Kasama naman ako kaya okay lang na ako na ang mag-drive.”
“Alright, then,” sagot ko at nagkibit na lang ng balikat.
“By the way, one of your ex-boyfriend, Jeric Ignacio, will also be there,” aniya at ngumisi pa sa akin.
Natigilan ulit ako sa pagkain at agad na nanlaki ang mga mata ko.
“Bakit alam mo ang tungkol kay Jeric?”
“You Dad just can’t help himself but to tell me stories,” aniya. Huh! Napakagaling talaga ng tatay ko. Eh, parang ang lagay ay binebenta na talaga niya ako sa lalaking ito. “He’s a total douchebag.”
“Just… how much more do you know about me?” histerikal na tanong ko.
“Not that much, don’t worry. But I want to know more about you. No pressure. We’ll get there,” makahulugang sagot niya at may halong panlalandi pang ngumiti sa akin.
“You’re really creepy,” sagot ko kaya natawa na naman siya.
“Let’s make your ex-boyfriend regret,” suhestiyon niya kaya natigilan ako.
“What do you mean?”
“Let’s play pretend that we’re in a relationship. Para lang magsisi siya na ginago ka niya.”
“Oh, no. I’m not into immature acts, so thanks but no thanks!”
“He’s going to be there with his current girlfriend, that’s what I heard. Kung hindi totoo, edi huwag na tayong magpanggap. Pero kung nandoon nga, pumayag ka na. I mean, I don’t him to make you feel like a loser. Let’s make him the loser, instead.”
Mataman ko siyang tinitigan dahil sa sinabi niya. Nagtaas pa ako ng isang kilay at napangiti bago tumango.
“Alright, let’s do it!” sagot ko.
Maybe he’s not really that bad after all. Baka mali lang ang first impression ko sa kanya. Yeah, maybe…