Chapter 1

2156 Words
Kasalukuyan akong naka-upo sa swivel chair sa opisina ko at nagtatrabaho nang makarinig ng katok mula sa nakasarang pinto. “Come in,” saad ko habang hindi inaalis ang tingin sa mga papel na nasa harapan ko. “Miss, I’m sorry to interrupt you,” nag-angat ako ng tingin kay Lyn, ang sekretarya ko at isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tao sa opisina nang sabihin niya iyon. “It’s okay, Lyn. Do you need anything?” Nagbuntong hininga naman siya na ikinakunot ng noo ko. “I really can’t find someone na sasama sa ‘yo next week, Miss. Kailangan ko po talagang umuwi sa probinsiya namin kasi may sakit ang Nanay ko,” ako naman ang napabuntong hininga sa sinabi niya. I suddenly remember that we have to go to Pangasinan next week to attend a business conference. Dad was actually the one that they invited but he asked me to take over and represent Williams Group of Companies. “Lyn, I know that company leave is your right but I really need you there. Alam mo naman na hindi ko kayang mag-isa hindi ba?” marahan siyang tumango sa sinabi ko. “Kaya nga po, Miss. Susubukan ko pa rin pong maghanap ng papalit sa akin pansamantala, may dalawang araw pa naman.” Ngumiti ako sa kanya at marahang tumango. “Thank you, Lyn. Kung sakaling wala kang mahanap, siguro ay kahit na ako na lang,” saad ko. I really want her to be there with me. Maganda at mabilis kasi siyang magtrabaho kaya natutuwa ako sa kanya. Pero alam ko naman na hindi ko pwedeng ipagkait sa kanya ang leave na hinihingi niya lalo pa at kailangan niya iyon, isa pa ay sobrang dalang kung mag-leave siya, ni hindi nga rin nag-a-absent sa trabaho. “I’m really sorry, Miss,” malungkot niyang saad, ngumiti naman ako at agad na umiling. “No, it’s really okay, Lyn. If you need anything just tell me, okay? Don’t worry, approve na ‘yang leave mo. You deserve it for working hard.” Ngumiti siya sa akin at tumango. “Thank you, Miss,” saad niya. Lyn is actually one of the few people that I’m close with. Palagay ang loob ko sa kanya. Hindi naman sa hindi ako marunong makisama sa ibang tao pero hindi ko kasi ugali na ako ang unang kakausap sa kanila. And I have to admit that most of our employees here are kind of intimidated towards me and I don’t know why. May mga naririnig akong balita na mataray raw ako, suplada at kung ano-ano pa pero hinahayaan ko na lang. None of those rumors are true. I’m just really workaholic and I want everything about work to be perfectly done. “What time are you going to have your lunch, Lyn? Baka gusto mo akong samahan na kumain sa labas,” saad ko, iniiba na ang usapan. “I’ll have my lunch in thirty minutes, Miss. Should I call your favorite steak house for reservation?” napangiti ako sa tanong niya at marahang tumango. See? This is how she works. Hindi niya kailangang utusan, nagkukusang-loob siya lagi. Actually she’s more than just an employee, she’s more like a close friend because she knows almost everything about me. “Thank you, Lyn,” sagot ko sa kanya. “By the way, Miss, have you met the new company lawyer?” tanong niya, saglit akong tumigil sa ginagawa bago tumingin sa kanya at umiling. “Hindi pa e,” sagot ko. “I think I heard from Dad that he’s more than just a company lawyer, he also holds a share in the company,” nagkibit ako ng balikat nang sabihin iyon, “Dad was the one who hired him and I trust his acumen when it comes to work,” dagdag ko pa. “Naku, Miss, ang hot. Pinagpapantasyahan na nga siya ng babae at binabaeng nagtatrabaho rito, nasa HR Office kasi siya kanina,” tumango-tango ako sa sinabi niya. “Bakit hindi siya pumunta rito sa opisina ko kung gano’n? He has to meet the President,” ngumisi si Lyn sa sinabi ko. “Baka naman interesado ka lang malaman, Miss, kung pogi talaga,” marahan akong natawa sa sinabi niya. “Shut up, Lyn, lumayas ka na nga, wala akong natatapos na trabaho kapag nandito ka, lagi mo ‘kong chini-tsismis-an,” humalakhak siya sa sinabi ko at marahang tumango. “Okay, Miss, I’ll just see you in the lobby in thirty minutes.” Tumango ako at hindi na sumagot. Tumayo na siya mula sa kina-u-upuan niya kanina, ako naman ay ibinalik na ang tingin ko sa trabahong ginagawa. Hindi pa nakakalabas si Lyn nang may kumatok ulit mula sa nakasarang pinto. Napalingon ako kay Lyn at napansin kong nakatingin siya sa akin, tapos ay ngumisi siya. “Baka siya na ‘yan, Miss, dito muna ako, ah? Nakita ko na siya kanina pero gusto ko siyang makita ng malapitan,” marahan akong natawa sa sinabi niya at napa-iling na lang. “Come in!” saad ko. Nagbukas naman ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki. He stands around six feet tall if I am not mistaken, and even he’s on a three piece suit, his broad shoulders are still visible. Hindi rin nakawala sa akin ang mapupungay at tila nangungusap niyang mga mata, ang matangos na ilong at mapupulang labi. Hindi na ako magtataka kung bakit nasabi ni Lyn ang mga sinabi niya kanina. Gwapo nga. Wait, what the actual fvck? Why am I complimenting this total stranger? I cleared my throat and raised one brow. “You must be…” paninimula ko, ngumiti naman siya sa akin at agad na naglahad ng kamay. Damn, those perfectly white teeth and killer smile are also something that would make your heart beat fast. “Primo, Miss Aliyah Williams, Primo Hernani. I am the company’s new lawyer. It’s nice to finally meet you, Miss Williams,” nakangiting saad niya, marahan naman akong tumango at agad na inabot ang kamay ko. “It’s nice to meet you, too, Atty. Hernani,” sagot ko. At hindi ko maintindihan kung bakit medyo nanginig ang boses ko nang sabihin iyon, napalingon ako kay Lyn at napansin kong tulala pa rin siyang nakatingin kay Primo. “You can call me Primo, Miss Williams,” marahan pa niyang kinagat ang ibabang labi nang sabihin iyon, napansin ko na mas pumula pa ang labi niya dahil sa ginawa. “Alright, you can just call me Aliyah,” tumango naman siya sa sinabi ko, “Your visit here is so sudden, do you need anything?” dagdag na tanong ko pa, agad naman siyang umiling. “No, not really. I was with your Dad just awhile back. He introduced me to the whole team. Sasamahan dapat niya ako rito pero may lakad pa raw siya kaya iniwan na niya ako,” tumango naman ako sa sinabi niya. “Oh, okay.” Napalingon ulit ako kay Lyn. “By the way, this is Lyn Conde, my friend and my secretary. Kung may kailangan kang i-abot o sabihin sa akin at wala ako, siya ang hanapin mo.” Saka lang bumalik sa reyalidad si Lyn nang ipakilala ko siya, marahan pa siyangt natawa at agad na naglahad ng kamay kay Primo. “Ay, nice to meet you po, Atty. Primo.” Tumango si Primo at inabot ang nakalahad na kamay ni Lyn. “Nice to meet you, Lyn,” saad niya, tapos ay bumaling ulit sa akin. “Tama nga si Tito Alejandro, maganda ka,” bigla akong namula sa sinabi niya, si Lyn naman ay humagikgik. Tito Alejandro, huh? Bakit hindi ko alam na close pala sila ni Papa? Kung sabagay, ganitong mga tao ang gusto ni Papa. Iyong mga bata pa pero marami nang napatunayan sa buhay. He actually tried to set me up on a blind date a couple of times already. Hindi lang ako, maging ang kakambal ko na si Alison. Yes, I have to admit that I tried to be in a relationship with some of the bachelors that he wants me to date but it just didn’t work out. Kaya hindi na ako magtataka kung nanaisin ni Papa na i-date ko rin ang isang ito, hindi naman na pwede si Alison dahil may asawa na siya. “I’ll take that as a compliment, Primo,” saad ko, ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya gusto ko nang tapusin ang usapan. “Oo nga pala, I’ll be with you guys next week. Tito Alejandro told me that my presence is needed there,” napapalakpak naman si Lyn sa narinig. “Attorney, you are a blessing sent from heaven!” pasigaw na saad ni Lyn dahil sa excitement. “Ay sorry po, ganito po kasi ‘yan, kasama dapat ako next week pero kailangan kong umuwi sa probinsiya namin sa Tarlac dahil may sakit ang Nanay ko, kaya hindi na po ako makakasama sa inyong dalawa,” ngumisi si Primo sa narinig at hindi ko alam kung bakit kinabahan ako. “Well then, I think it’s going to be the perfect time for us to know each other more, what do you think?” marahan ulit na natawa si Lyn sa narinig. “Wow, ang bilis niyo naman po, Attorney,” saad pa niya. “I still have a lot of things to do. Kung wala na kayong kailangan bukas ang pinto,” saad ko. I may sound too bitchy with what I just said but I don’t care. He sounds like a total playboy and I have to build walls around me. I know for sure that he’s just another heartbreak. Hindi ako pwedeng magpadala sa napaka-gwapo niyang ngiti. “Alright, I have to get going now. I’ll see you when I see you, Aliyah,” ngumiti ulit sa akin si Primo bago naglakad palabas ng opisina ko. “Ay, Miss, type ka nun! Sana all na lang muna,” napangiwi ako sa sinabi ni Lyn. “He sounds like a total playboy, Lyn,” sagot ko naman. “Heto lang sa akin, Miss, ah? Nagkalat na ang mga manloloko ngayon. Ultimo panget nga nagloloko, kaya kung papaloko ka lang din naman, sa gwapo at mayaman na!” marahan akong natawa sa sinabi niya. “Puro ka kalokohan, tumawag ka na nga ng available na shutle, mag-lunch na tayo,” saad ko kaya ngumisi ulit siya. I actually don’t have my own car, this may sound funny but I don’t know how to drive. May isang driver kami sa bahay pero naihahatid lang niya ako papunta rito, minsan nga ay hindi pa, madalas kasi si Papa ang sinasamahan nun dahil mas maraming ginagawa at pinupuntahan si Papa. And it’s totally fine, I can always take advantage of the company shuttles. That’s what I’ve been doing for years now. “Teka, akala ko ba marami ka pang gagawin?” napangiwi ako sa sinabi niya. “That was just an excuse so I can ask him to go, Lyn, I don’t want to associate myself too much to him.” Nagkibit pa ako ng balikat. “Pero siya ang makakasama mo next week, Miss, ilang araw nga po ulit? Tatlo?” natatawang tanong niya. “Lyn! Tumawag ka na nga lang ng available na shuttle, gutom na ako!” Humalakhak ulit siya at tumango. “Heto na nga po,” saad niya, “Kung sabagay, ako rin naman nagutom kasi braso pa lang kasi ni Attorney ulam na,” narinig kong saad pa niya bago tuluyang makalabas ng opisina ko. Napa-iling na lang ako sa mga kalokohan niya at inayos na ang mga gamit ko. Nang matapos ay agad kong hinila ang handbag ko at nagpasyang bumaba na. Kumunot ang noo ko pagkababa ko sa lobby kasi nandoon pa si Primo, maging si Lyn ay nandoon din. “Oh, done with work?” nakangiting tanong sa akin ni Primo. “Uh, not really, I’ll just have my lunch break.” Tumango naman siya. “I’m waiting for an available shuttle. Nasa main office ang sasakyan ko, hindi ko nadala kasi sinabay ako ni Tito papunta rito,” tinanguan ko na lang siya. “Miss, isa lang ang available na shuttle,” saad ni Lyn, tapos ay natigilan nang mapansin si Primo. “Well, I hope you don’t mind if I’ll have a ride with you, guys? Sa steakhouse lang naman ako,” saad niya. “Ay Attorney, doon din ang punta namin,” napangiti si Primo at agad na lumingon sa akin. “I think destiny wants us to have a lunch together,” saad niya sa tonong nang-aakit. Napangiwi naman ako at agad na nag-iwas ng tingin. God! This is ridiculous! Saan ba galing ang malanding lalaking ito at bigla na lang sumulpot na parang kabute? At bakit sa dinami-rami ng babae sa planet earth mukhang ako pa ang napagdiskitahan niyang landiin? Asar!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD